Chapter 7
Sinamaan niya ako ng tingin at binitbit ang storage box saka nauna na namang naglakad. Napapalayo na yata kami sa kabihasnan. At itong kasama ko mukhang sanay na sa ganitong adventure. Naaalala pa rin kaya niya yung mga dinaanan namin? Paano kami makakabalik kapag? Hindi kami naglagay ng palatandaan kanina sa mga dinaanan namin.
Imposible pang mahanap namin ang yung iba, sa lawak ba naman nito.
Medyo makulimlilm na rin dahil mukhang uulan pa. Matamlay na akong nakasunod lang sa kanya at medyo nabibigatan na sa camerang nakasukbit sa leeg ko. Napansin yata ni Hanimark na natahimik ako sa likod niya kaya nilingon niya ako. Hindi siya nagsalita pero hinawakan niya ang braso ko, magaan lang ang paghawak niya doon. Medyo hinila niya ako at itinabi sa kanya. Kinuha niya ang camera sa leeg ko at siya na ang sumuot doon. Pagkatapos ay nilipat sa kaliwang kamay niya ang hawak niyang storage box at gamit ang kanang kamay niya ay inalalayan akong naglakad.
"looks like it's going to rain. We need to find a shelter for the time being. We're too far to go back immediately baka abutin tayo sa daan ng ulan."
Sa gitna ng paghahanap namin ay unti-unti nang pumatak ang ulan.
"I think there's a cave there." Sabi niya.
Inalalayan niya akong sa pagtakbo kasi nababasa na ang mukha namin, mabigat na nga ang hawak niya tapos pabigat pa ako. Mukhang malaki ang nagawa kong perwisyo sa kanya. Paano kaya kung hindi ako sumama? Edi mas marami siyang nadiscover na plants. Yung nahanap namin common plants pa.
Nakarating nga kami sa cave na sinabi niya. At pwede nga itong silungan. Tinignan ko ang oras, 5 na pala ng hapon. Kung magpapatuloy ang ulan ay siguradong gagabihin kami dito at baka di na kami makauwi.
"you okay?" nag-aalalang tanong niya. Binaba niya ang malaking bag at box tapos ay lumapit sa akin. Basang-basa na rin ang buhok niya at tumutulo pa ang tubig sa mukha niya. Hindi niya iyon pinansin at lumapit sa akin na basa na rin.
Napatulala na lang ako sa kanya nang walang alinlangan niyang inayos ang magulong bangs ko na tumatakip sa mukha ko. Inayos ang buhok ko at binuksan ang bag niya, kumuha siya roon ng extra na shirt niya. At pinunas iyon sa buhok ko para kahit papano ay mabawasan ang basa.
"wala ka nang pampalit." Sabi ko habang pinunasan ang buhok ko.
"I have another extra in the bag."
Sanay nga talaga siya sa ganito. Ang dami niyang dala para ready pag ganon na may unexpected na mangyari. Tapos ako na sarili lang ang bitbit, camera at selpon wala pang signal at katamtaman na bag na puro walang kwentang laman. Naiiyak na ako. Feeling ko sobrang pabigat na ako sa kanya talaga. At gusto ko nang umuwi kaso ang lakas pa ng ulan.
Napansin niyang medyo namumula ang mata ko dahil sa namumuong luha kaya hinawakan niya ang pisngi ko. Tumitig siya sa akin ng malamlam, halos isang dangkal lang ang layo ng mukha naming dalawa kaya kita ko sa likod ng eyeglass niyang suot ang mga matang may mapupungay na tingin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Madalas kasi ay halos nakakamatay na tingin ang binibigay niya sa akin.
"what's wrong?" mahinahon na tanong niya.
"makakauwi ba tayo?" tanong ko gamit ang paos at nag-aalanganin na boses.
Tinitigan niya lang ako at unit-unting umiling. "not when it's still raining."
Lumayo siya sakin para ayusin ang mga gamit niya. Naghanap siya ng pwesto at nilapag doon ang manipis na tela. Umupo siya don. Lumapit naman ako at tumabi sa kanya,
"ano yan?" tanong ko sa ginagawa niya. Naglabas siya ng tumbler or thermos tumbler yata yun at baso. Kape? Wow. Apaka ready naman nito. Pati mga ganito, meron siya. Para siyang si Doreamon.
Napansin niyang nangingiti ako mag-isa dahil sa iniisip ko kaya bumalik nanaman yung mga tingin niyang nakakamatay.
"fool." Maikling sambit niya kaya siya naman itong inirapan ko.
Inabot niya sakin ang isang baso na may lamang mainit na kape. Pure black pa.
"ang pait." Reklamo ko.
Nainis siya sa pagkaarte ko pero naglabas siya mula sa bag niya ng isang sachet ng blanka. Pinapanood ko lang siya sa ginagawa niya. Kinuha niya yung kape ko at binigay sa akin yung kakatimpla niyang kape.
Hinigop ko yun. "better." At bumuga ng hangin, feeling fresh kasi nainitan din ang katawan.
Ilang oras na at wala yatang balak tumila ang ulan. Tahimik lang ako dito sa tabi niya inaabangan na tumila. Kaso malakas parin. Ilang beses na akong bumintong hininga rito, pero itong kasama ko parang walang paki kung titila ba o hindi. Busy siya dun sa halaman na kinuha niya kanina. Naglakad-lakad kasi siya kanina dito sa loob ng kweba, tas pagbalik niya may bitbit na siyang halaman.
Nang mabored ako dahil hindi naman ako kinakausap ng kasama ko ay kinuha ko yung camera na nilapag kanina ni Hani don sa malinis na lagayan. Para lang kaming nagpipicnic dito. May maliit din na bonfire pandagdag ng init, nakuha niya yung mga kahoy na ginamit dito lang din sa loob. Mga nagkalat lang yata, kasi parang may mga tao rin na pumupunta rito.
Siya na lang ang naging subject ko. Inaliw ang sarili sa pagkuha ng picture sa kanya.
Ilang oras ulit ang lumipas. Gabi na at ayaw parin tumila ang ulan. Pagod na ako at guso ko na lang humiga sa malambot na kama. Hindi ko siya inistorbo sa ginagawa niya, hanggang ngayon seryoso pa rin siya don sa pagsuri sa halaman. Hindi ba siya napapagod? Inaantok na ako at sinubukan pang aliwin ang sarili sa paglalagay ng kahot don sa apoy. Ayoko siyang storbohin kasi kanina ko pa siya napeperwisyo.
"doraemon nga, hindi napapagod." Sabi ko, kausap ang sarili habang pinaglalaruan ang apoy. Medyo malayo siya kaya hindi niya ako naririnig.
Sobrang dilim na at rinig na rin ang ingay ng mga hayop na nakatira dito sa kweba. Nang dumadami na ang ingay ay medyo kinilabutan ako. Mga normal na ingay lang yun ng mga paniki at iba pa. Napatingin ako sa gawi ni Hani, seryoso pa rin siya.
Naglakad ako palapit sa kanya at naupo sa tabi niya. Sumandal ako don sa bato, medyo sumiksik ako kanya kasi nakakatakot na yung mga iba-ibang mga ingay don sa pinakaloob ng kweba. Napatigil siya sa ginagawa niya at tinignan ang oras sa phone. Nakita kong 9 na pala. Ilang oras na ba kami rito? Nawala na rin yung ulan kaya tanging mga huni ng mga hayop lang ang naririnig.
Inayos ni Hani ang mga gamit niya at niligpit. Tinanggal niya ang eyeglass at maingat na nilapag iyon sa gilid saka siya tumayo.
"saan ka pupunta?" takot na tanong ko.
Hindi siya nagsalita. Kinuha nya ang isang naka roll na...sleeping bag? Sleeping bag pala yun, hindi ko napansin kanina. Binuksan niya yun.
"get inside."
"paano ka?" hindi ulit siya sumagot kaya pumasok na lang ako don sa sleeping tas siya ay naupo sa bandang ulunan ko. Sumadal siya sa may bato, flat naman yun kaya hindi nabukol sa likod. Sinandal din niya ang ulo niya roon at pumikit. He'll sleep like that? Makakatulog kaya siya? Pumikit na rin ako para matulog pero hindi ako makatulog sa ingay. Nagmulat ako at sobrang dilim na kasi patay na yung apoy, ubos na rin kasi ang kahoy na panggatong.
May isang huni ng hayop talaga na nakakatakot, hindi ko alam kung ano yun. Sinubukan kong tingnan si Hanimark pero sobrang dilim.
"tulog ka na?" alanganin na tanong ko.
Hindi siya sumagot pero alam kong narinig niya ako.
"I can't sleep." Pabulong na saad ko.
Naramdaman kong gumalaw siya at parang may ginawa. Saka ko lang napagtanto na kinuha pala niya ang phone niya at binuksan ang ilaw. Sandali lang ay naramdaman kong may nilagay siya sa tenga ko at rinig kong may music. Earphone pala. Nilapag niya yung phone niya sa gilid ko at hinayaang bukas ang flashlight. Muli siyang bumalik sa pagkakasandal at pumikit. Yung kamay niya ay nakahawak sa braso ko kahit nasa loob iyon ng sleeping bag.
"sleep. I'm here." Saad niya kahit nakapikit. Nabawasan rin ng konti ang takot ko dahil sa music niya at sa assurance na hindi niya ako iiwan dito. Baka paggising ko eh pangil na nag aswang ang bumungad sa akin tapos wala siya. Ayy may pangil ba ang aswang?
Tuluyan na rin akong hinila ng antok kaya nakatulog din ng komportable. Sa susunod talaga hindi na ako sasama sa ganito ng hindi prepared.
Ang sarap ng tulog ko nang may marinig akong nag-usap.
"boss, naman ba't dito. Naghihirap ka na ba at hindi mo afford mag check-in sa hotel?" rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.
"leave her alone." Sagot ng isang boses. Boses iyon ni Hanimark.
May iba pang nag u-usap sa paligid. They talked about some rare plants. Antok na antok pa ako pero pinilit kong magmulat, kaso isang mukha na sobrang lapit sa akin ang bumungad.
"ahhh!"/"ahhh!"
Napatili ako sa gulat. Nagulat din yata siya sa pagsigaw ko kaya nakisigaw din siya. Lumayo siya agad sa akin. Napaupo ako at tinignan ang paligid. May araw na at maayos ang panahon. Nandito rin yung mga classmates niya. Mukhang nahanap din nila kami.
"what the hell did you do Aaron!" galit na sigaw ni Hanimark.
"w-wala! Tumili siya kaya ako napasigaw din sa gulat."
"liar! You...you're about to kiss me!" pagsusumbong ko.
Napaturo siya sa sarili niya. "ako? Maganda ka pero di ako pumapatol sa babae ng boss ko!" inirapan ko siya. Lumabas na rin ako sa sleeping bag. Kita ko pang galit na lumapit si Hanimark at pasakal na hinila palayo sa akin si Aaron.
"stay away from her. Help us here organize the plants we gathered." Hila-hila niya si Aaron.
Lumapit din ako sa ginagawa nila. May tela na nakalapag sa lupa at doon nakalinya na nakalagay ang mga iba't-ibang uri ng dahon at tangkay ng mga halaman. How can they identify what type of plants it is kung puro tangkay, dahon o bulaklak ang kinuha nila? Nagtaka pa ko nung una bakit hindi nila kunin ng buo ang halaman later I realize na endangered plants nga pala ang mga ito. Hindi nila pwedeng basta-bastang kunin yung halaman na yun nag buo kahit na sabihin itatanim din naman.
They talked about it again at pinapangunahan iyon ni Hanimark. He explain and discuss something sa kanyang kaklase na seryosong nakikinig sa kanya. May ilan pa silang tanong at confident na sinagot iyon ni Hani. Looks like he really knows everything about plants. Pagkatapos nilang magmeeting ay tinawag niya ako.
"bakit?" tanong ko sa kanya.
"your camera."
"ayy wait." Bumalik ako sa kinalalagyan ng mga gamit ni Hani sa loob ng cave para kunin yung camera.
Binigay ko iyon sa kanya.
"boss, kala ko ba no need na sayo ang camera? May photograpic memory ka naman kaya mo nga dino-drawing o painting na lang kesa picturan." Saad ni Aaron sa kanay. Yung ibang mga kasama namin ay nag-aayos na ng gamit.
He have a photographic memory? Kaya pala parang alam niya lahat. But to have a photographic memory is a both blessing and a curse. What if you witness someone you dearly love died in a cruel way? This will last forever in your memory. Paulit-ulit magpapakita sa memory mo kung paano siya namatay. Para mo na ring nakikita siya in detailed sa paraan ng pagkamatay niya. That means, you'll can't go forward in your life, if you can't forget this type of memories. And saying bye to their favorite person is hard if they have a photographic memory. This cause them remember everything they see, which is why it becomes difficult.
"saan pala kayo sumilong at natulog nung umulan?" tanong ko kay Aaron habang pinapanood siya na maingat na nilalagay ang mga plants specimen sa mga maliliit na jar gamit ang isang pang ipit na crucible tongs.
Nasa labas pala kami ng cave at ang ganda ng araw. Hindi masakit sa balat kasi umaga pa naman. Pinapakialaman ko siya sa ginagawa niya habang yung iba ay pinag-aaralan yung mga halaman na nandito. Kanina kasi ay napansin nilang maraming mga nakapaligid dito sa cave na mga rare plants. Hindi naman ako makarelate sa kanila kaya lumapit na lang ako kay Aaron na nakatoka sa pag ligpit dito. Si Hani? Ayun, busy. Hindi mo talaga makakausap yun pag natuon na nag interest at atensiyon niya sa halaman. Mukhang hindi yan magkakagirlfriend eh.
"Nasa west kami kahapon tapos kayo napuna dito sa east. Nagtaka pa ako bakit hindi sumunod si boss sa amin. Kasama ka pala niya." sagot niya habang ingat na ingat sa ginagawa niya. He's also wearing a googles for eye protection and irritation and also gloves. These plants specimen isn't ordinary. They have different charactertistics that may cause irritation to the skin.
"ano?"
"wala. Sabi ko may nahanap kaming maliit na village kaya nakisilong muna kami. Kaso ayaw tumila ng ulan kaya don na rin kami pinatulog, buti nga mabait yung mga tao don."
"village? Saan? Madadaanan ba natin yun pabalik? Tsaka paano niyo pala kami nanahap."
"sa west nga kami pumunta kahapon kaya imposibleng madaanan natin yung village pag dito tayo sa east dadaanan. Tsaka magtataka ka pa kung paano namin kayo nahanap, anong gamit ng traker at compass na dala namin ha?" pambabara niya sa akin kaya inirapan ko siya kahit hindi niya kita kasi nakatutok siya don sa ginagawa niya.
"tracker at compass? Bat nahirapan kaming hanapin kayo kaha----"
"are you done?" naputol ang tanong ko nang lumapit si Hani at tinanong si Aaron.
"tapos na boss!" sigaw niya saka bumuga ng hangin na mukhang naginhawaan siya.
"assemble this also according to their families." Utos niya kay Aaron at nilapag sa tela yung mga dala niyang iba't-ibang uri ng plants specimen.
Nagmaktol si Aaron. "boss naman! Pagod na likod ko dito. Gusto ko rin yung ginagawa niyo." Reklamo niya. Sinong hindi magsasawa sa ginagawa niya. Masakit kaya sa likod kakayuko kasi kailangan focus ka talaga don. Tapos yung mga kasama niya nag e-enjoy don sa ginagawa nila. May hawak-hawak silang paper at pen, sinusulat yata mga observation nila don sa mga halaman.
"you're the only one I can trust in this kind of field. I can't let others organize this, I'm worried they'll messed it up." Seryosong sabi niya habang inaayos ang mga specimen.
'boss! Mas lalo akong namotivate." Bumuga siya ng at nag-unat muna ng katawan.
"and you."
Tumingin ako sa kanya. "ako?" tanong ko.
Tumango siya. "pack my things inside so that we go back after this. Lalo na yung hinigaan mo." Pag-uutos niya. Palipat-lipat pa ang tingin ni Aaron sa aming dalawa. I pouted.
"mamaya na, matagal pa naman kayo diyan eh." Reklamo ko. umiling lang siya at hinayaan ako. Muli siyang bumalik doon sa ibang mga kasama niya. Kita ko pa kung paano niya pinagalitan yung babae na pinitas yung buong bulaklak ng isang halaman at inabot iyon sa kanya. Napahiya yung babae at nakayukong bumalik sa ginagawa.
Bumuntong hininga ako.
"ganyan talaga si boss, sensitive pagdating sa mga endangered na halaman. Pitasin mo ba naman yung bulaklak ng halaman na 3 years bago ulit sumibol ng bulaklak." Pagsasalita ni Aaron. Saka ko lang napansin na nakatingin din siya ron.
"3 years!?" gulat na tanong ko. Hindi ba alam ng babaeng yun na ganon pala katagal iyon bago magkaroon ng bulaklak pero pinitas pa rin? Hindi ko na yun pinag tuunan ng pansin at muling curious na pinanood ang paghihiwalay ni Aaron sa mga specimen.
Nakita ko ron don isang maliit na jar sa loob nito yung kinuha namin ni Hanimark na specimen ng poinsettia. Kinuha ko yung jar at pinakatitigan yung laman sa loob. Mukhang special pa yung lalagyan kasi naiiba yun sa ibang mga jar na nandito.
"anong families nito?" curious na tanong ko.
"ahh yan, it belong to the Euphorbiaceae or spurge family."
"bat siya nakahiwalay at parang mas special yung lagayan niya." Tanong ko habang pinapalobo ang pisngi ko, curious na pinaglalaruan yung jar. Medyo inalog ko pa iyon dahilan para magulat at mabilis na inagaw niya sa akin iyon.
"anak ng---bat naman aalugin." Inis na reaksiyon niya.
Nilapag niya iyon sa gilid at tumingin sa akin.
"di mo alam?---"
"hindi."
"patapusin mo muna nga kasi ako. May ginagawa si boss na research niya about cures sa malaria. Pag naipasa niya yun ay----"
"Amara, pack our things inside the cave already, I'll help Aaron here so we can go home." Lagi na lang. lagi na lang hindi natatapos yung sinasabi ni Aaron dahil sa kanya. I pouted at bago tumayo ay pansin ko pa ang nagbabantang tingin ni Hani kay Aaron. Napaiwas ng tingin si Aaron at nagkunwaring busy don sa mga specimen.
Pasayaw-sayaw ako na naglakad papuntang cave, nakanta pa. Pumasok ako at inayos yung hinigaan ko. tulad ng unang pagkakatupi niya ay ginaya ko. Maging ang ibang mga gamit ni Hani. Habang nilalagay ko sa loob ng bag ang ibang mga gamit ay nakita ko ang tracker at compass na sinasabi ni Aaron kanina. Napakunot-noo ako. May ganito pala bakit hindi namin ginamit kahapon?
Buhat-buhat yung mga gamit niya palabas ng cave, napapangiwi pa kasi mabigat pala yung storage box niya pati na rin yung bag. Pagtingin ko sa kanila ay parang nagmamadali rin sila sa ginagawa nila. Buti na lang may isang lalaki na lumapit sa akin at tinulungan ako.
Lumingon sa akin si Hani sa kabila ng ginagawa niya.
"hurry up to pack! We'll go down before lunch." Sigaw niya sa mga kasama niya bago siya lumapit sa akin. Tinitigan niya ang mukha ko at parang katulad sa mga specimen ng halaman kung suriin niya.
"are you okay?" alalang tanong niya.
"ah? Okay lang naman."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at umalis saglit. Kita ko pang nangalkal siya sa bag ni Aaron.
"boss! Wag yan! Pagkain ko yan eh!" pagmamaktol niya nang kinuha ni Hani ang tatlong piraso ng apple at isang coke na mismo saka tatlong skyflakes din. Puro pagkain laman ng bag ni Aaron. Samantalang si Hani ay pack lunch lang ang dala at kape, may dala rin naman siyang snack kaya yun na lang ang kinain namin kagabi. Ang plano kasi ay babalik din naman agad ng hapon kaya hindi masyadong nagdala ng pagkain. Kaya nga lang ay umulan kaya hindi nakauwi tsaka delikado ang daan.
"I'll change it after we go home back." Lumapit siya sa akin at binigay iyon.
"eat first while waiting for the others to pack up."
"paano ka?" tanong ko. Kasi mukhang hindi rin siya kumain.
"I'm done eating before you wake up."
Ready na ang lahat para magtrekking ulit pabalik.
Habang naglalakad ay nag enjoy muna kami sa pagkuha ng mga litrato. Ang saya nila kasama. Marunong silang makisama, pero hindi maiiwasan na may isang inggitera.
"c'mon, Ashley! Ngumiti ka naman. Kung ayaw mo don ka sa gilid panira ka ng maganda picture eh!" sigaw ng isang babae doon sa babaeng nag-abot ng flower kay Hani kanina. Tumingin sa akin si Ashley ang pangalan at inirapan ako. Hindi ko yun pinansin at nakipag-asaran sa iba at nagwaky picture pa. Si Hanimark naman ay puro seryoso ang mukha. Nag suggest pa ako na kunan sila ng group photo sa gitna ng maaliwalas at napapaligiran ng mga puno at halaman dito sa gitna ng forest. They all agree kasi sa lahat ng photos na kinunan namin kanina ay nandon ako na panira. Nakisama naman si Ashley at sinubukan pang tumabi kay Hani pero naunahan siya ni Aaron kaya walang nagawa si Ashley, napunta siya don sa gilid.
"smile kayong lahat!" I said then clicked the camera.
"Hani, ngumiti ka naman!" I shouted.
Nagtawanan yung iba. Nailang yata si Hanimark kaya wala siyang nagawa kundi ngumit ng slight. This is a group photo of them together, this should be memorable kaya kailangan niyang makisama kahit ngayon lang. Pagkatapos ng picture ay nagpatuloy ulit kami sa paglalakad.
Nasa unahan namin si Hanimark habang nasa likod niya kami ni Ashely. Nang nasa matarik na daan kami ay automatic na hinawakan ni Hanimark ang braso ko para alalayan sa paglakad. Napatingin don si Ashley kaya napa roll eyes siya habang ako ay hindi ko yun pinansin at pinagtuunan ang daan kasi medyo madulas siya.
"ayy!" tili ni Ashley nang madulas at napakapit siya sa shirt ni Hanimark. Nilingon siya ni Hani at walang pakialam na sinabing "watch your steps."
"sorry ang dulas kasi ng daan." Maarteng sabi niya. Hindi siya pinansin ni Hani. Seryoso naman ako sa paglalakad ko at pinilit ko talagang wag maging pabigat sa kanya pero dahil sa mga basang bato na napapaligiran ng lumot ay nagiging madulas siya. Isang beses ay nadulas ako pero nakaya naman kontrolin iyon.
"careful." Saad niya sa malambot na boses. Napansin iyon ni Ashley kaya inirapan na naman ako. Dahil sa inis siguro ay nauna na siyang naglakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top