Chapter 6

Naupo ako sa tabi niya at halos idikit ang mukha ko sa kanya. Grabe wala siyang kapores-pores. Ang kinis ng mukha niya.

"sama ako." With beautiful eyes pa.

Nilayo niya ang kanyang mukha at gamit ang kanyang hintuturo ay tinulak niya ang ulo ko ng dahan-dahan kaya nakanguso ako sa kanyang lumayo.

"no." maikling sagot niya.

"yes." Pagpipilit ko sa kanya. May gagawin pa nga pala ako bukas. Yung balak kong b-byahe pa pasig pero pwede naman iyon ipagpaliban muna hahaha.

Hindi na siya nagsalita kaya nagpaalam na akong aalis na kasi chat na nang chat si Melody.

"7 am sharp." Pahabol ni Hanimark nung paalis na ako. Napa-yes! na lang ako pagkalabas ko at pinaplano na ang mga adventure na gagawin ko bukas.

Nagtext ako kay ate Merlin na ayusin lang konti ang bahay kasi may bisita ako na mag s-sleep over, though lagi namang maayos ang bahay pero sinabi ko yun para aware siya na may bisita ako. Baka magalit na naman na bigla-bigla eh may dadating.

Pumunta akong canteen at nandon na silang lahat.

"tara na." sabi ko.

"ayy wait. Maglalakad tayo or mag t-tricy na lang? walking distance lang naman pero medyo malayo hehe."

"don ba sa bandang nakita kitang naghihintay ng tricy?" tanong ni Mark.

"oo."

"malapit lang. sabay sakin yung dalawa. Yung iba, kayo na bahala yung lalakarin niyo or magt-tricy kayo." Saad niya.

"sabay ako sayo." Sabi nung si Reema. Napangiwi si Melody at napatingin sa akin. Matic naman na kami dapat ni Melody ang sasabay kay Mark pero meron yan.

"sige. Sino pa yung isa. Kasya na tayo don sa motor. Ikaw Mel?" tanong niya kay Melody.

"sabay mo na yung iba. Balikan mo na lang kami ni Amara, malapit lang naman sabi mo."

"mahal ang gas." Nakangising tugon ni Mark. Napairap si Melody. "sige kami na lang magt-tricy. Pero alangan naman na mauna kayo don tas mahuhuli ang may-ari ng bahay?"

Tumingin sa akin Mark pero hindi nagsalita.

"ikaw na Amara sumama sa kanila. Kami na magt-tricy." Sabi ni Mel.

Hindi pa ako nakakapagreact pero "so, ayos na! tara na para makapagsimula na tayo." Sambit ni Mark at nauna nang maglakad sa parkingan.

So ganon nga ang set-up. Nakarating kami sa bahay ng walang interaction sa aming dalawa ni Mark. Hindi muna kami pumasok at hinintay sila sa labas ng bahay. Si Reema naman ay kinakausap si Mark. Casual lang naman si Mark na nakikipag-usap sa kanya pero si Reema, the way she talk may halong flirt na. Habang pinagmamasdan ko sila ay unti-unti ko na naman nararamdaman yung inggit at paglalagay sa sarili ko na what if ako yung girlfriend niya tas saakin lang siya sweet, tapos kahit hindi ko siya nakikita ay loyal pa rin siya, alam niyang dumistansya sa mga babaeng dumidikit sa kanya, wala siyang pakialam sa ibang babae. Yan yung mga meron siya na kung bakit gusto ko siya. I can't say na mahal ko siya because there is thing feeling na hindi ko parin ma figure out.

Pagkarating nila Melody ay pumasok na kami ng gate. Patingin-tingin pa sila sa paligid ng bahay.

"kotse ba yun?" tanong ng isa naming kasama. "ay hindi barko. Kita na ngang sasakyan tatanungin pa." pambabara sa kanya ng isa. "ayy sorry naman, igno lang."

"sira ba yun kaya dimo nagagamit? Nagproblema pa tayo ng sasakyan kanina may sasakyan ka pala." Curious na tanong ni Melody.

"ah bago yun. diko lang ginagamit muna kasi di ako marunong magdrive." Maikling sagot ko at binuksan ang pinto para papasukin sila.

Sumilip sila at nag-alanganin pang pumasok.

"woah! Parang magkakasala ako pag may nasagi akong mga gamit dito. Pwede bang ipasok sapatos namin?" alanganin na tanong nung isa.

Tahimik lang si Mark samantalang si Melody ay nao-overwhelm pa yata.

Nauna akong pumasok. Tinanggal ko ang flat sandal ko at kumuha ng isang inside sleeper doon sa isang shoe rack for inside sleepers then pinulot ko ulit yung sandal ko para ilagay don sa isang lagayan for outside use. Pinapanood lang nila muna ako sa labas. Kinuha ko lahat yung mga meron na inside sleeper para ibigay sa kanila pero apat lang meron. Kulang ng tatlo pito silang lahat eh.

"ayy sorry kulang ng sleepers. Ayos lang ba yung iba sa inyo na mag paa?" alanganin na tanong ko.

"sus! Yun lang naman pala. Ang kintab kintab ng floor niyo tapos magrereklamo pa kami na walang sleeper?" sagot ng isa.

Nagtanggal na silang lahat ng sapatos at sinuot ni Mel, Mark at yung dalawang babae pa ang available na sleeper. Inayos naman nilang lahat yung sapatos nila dun sa lagayan. Pumasok na sila at mukhang alanganin pa.

"grabe, lahat na lang ng makikita ko kumikintab. Ang yaman niyo pala? De aircon din." Saad ni Melody habang niyayakap ang sarili at hindi matigil-tigil ang pag-ikot ng tingin niya sa loob.

"normal lang sa labas, tapos pag pasok mo para ka nang nasa loob ng isang mansyon." Saad naman nung isa.

Hindi na ako nagreact sa mga papuri nila sa bahay, si Mark ay tahimik lang din pero patingin-tingin din siya sa paligid.

"nandiyan na pala kayo. Ayy hala!" nanlalaki ang mata ni ate Merlin na nakatingin sa paa ng ibang mga hindi naka sleeper.

Naramdaman kong nahiya sila sa ginawa ni ate Merlin.

"ate wag mo naman titigan sila ng ganyan."

"bat dimo naman sila pinagsleeper, Amara!"

"wala na po kasing available. Apat lang po meron, ate."

"sandale maghahanap ako. Hintayin niyo ako, wag muna kayong papasok sa sala."

"ate---" angal ko pero umalis na siya at naghanap. Baka may tinatago pa siya diyan na unuse sleepers.

Alananin akong bumaling sa kanila. "sorry, strikto si ate."

"bawal bang walang sleeper pag pasok?" tanong ni Melody na halatang curious na naman.

Bumuntong hininga ako at pinaliwanag sa kanila.

"my family is too strict about hygenic. And visitors in not an exemption. Isa pa they have a superstitious belief na kapag ganon galing ka sa labas tas pumasok ka without removing the shoes you used outside, means it will bring bad-luck. So to avoid it more, need mong mag sleeper inside the house to avoid contact of the feet to the floor. It helps to keeps the dirt and dust you have acquired outside from entering the home. Pero para sakin ayos lang naman, if wala nang option."

"ang OA naman. Porket mayaman." Bulong ni Reema. Tumingin sa kanya ng masama si Melody.

"bisita ka lang. learn to respect the host's beliefs and rules. Tapos mo na ba yung subject na ethics ha? Kasi kung oo parang kailangan mo ulit balikan." Pambabara sa kanya ni Melody. Natahimik naman si Reema.

Dumating na rin si ate Merlin bitbit yung mga tinago niyang sleepers.

Dinala ko sila sa sala at sinabing dalhin na lang nila yung mga bitbit nilang gamit don sa kwartong tutulugan nila. Dalawang room iyon dito sa baba. One for girls and one for boys. Malawak naman kama nun kaya kasyang-kasya sila.

"feeling ko nasa hotel tayo hahaha. Kompleto gamit. Pati yung banyo nasa loob ng kwarto. May mga gamit na rin don, sabon at shampoo." Saad ni Melody don sa mga kasama niyang girls pagkalabas nila ng kwarto. Dito sa sala nila gagawin yung research nila.

Lumapit ako kay Mel para sabihin na baka hindi ko na sila maasikaso kasi may gagawin din ako. Binilin ko na lang sila kay ate, Merlin. Tumaas ako sa kwarto at niready mga gagamitin ko bukas sa hiking nila Hanimark. Nang matapos ay bumaba rin ako para tignan sila. Ayun seryoso silang lahat.

Tapos na kaming magdinner kanina.

It's already 10 ng gabi kaya naisipan kong ilabas yung cake. Nilapag ko sa table nila yung cake kaya nagulat sila.

"sinong may birthday?" tanong nung isang kasama nila. Si Melody naman ay base sa ngiti niya ay alam na kung sino.

"si Mark. Kantahan natin!" sinimulan nga ni Melody ang pagkanta kaya natutuwang sumabay narin ang lahat. Halatang natanggalan sila ng konting pagod sa pagkanta nila. Lumabas din si ate Merlin sa kusina para dalhin yung juice pantulak sa cake.

"thank you." Maikling pagmamasalamat ni Mark. Pangiti-ngiti siya pero nang tumingin siya sakin ay malamlam ang mga mata niya. He's giving me an emotion I can't read. Akala ko ba forte ko na ang pagbabasa ng emotion base on their eyes. Pero bakit ito ay hindi ko mapinpoint kung ano ba. Or takot lang ako mag assume ulit?

Naputol ang titigan namin nang pinapahipan na ni Melody ang candle sa kanya.

"ilang taon kana?" mahinhin na tanong ni Reema sa kanya. Magkatabi lang sila don sa couch tas si Melody ay nakalupasay sa carpeted floor ganon din ang iba. Ako naman ay naupo sa pang-sahang couch, sa harap lang mismo nila Mark.

"23" maikling sagot niya tsaka hinipan yung candle. Nagmeryenda sila na may konting kwentuhan at nang matapos ay bumalik ulit sila na seryosong gumagawa sa research nila. Dumating din si ate Merlin para linisan yung table na pinagkainan nila.

"aayy kami na po diyan." Nang makita ng isang lalaki na nililigpit ni ate Merlin ang mga pinagkainan nila ay agad siyang lumapit para pigilan siya. Nagsilapitan narin yung iba para tumulong. Nagtulungan naman silang linisan ang kalat nila pagkatapos ay tinuloy ulit trabaho nila. Pagkatapos kong inumin ang gatas ay lumapit ako sa kanila.

"paano, mauuna na akong matutulog maaga pa ako bukas. Just feel at home lang ah."

Nagpasalamat pa sila ulit.

Napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko ang oras. Shet, exactly 7am na. huhuhu 7 am sharp nga.....yung paggising ko. hinihintay pa kaya niya ako? Sino ba naman ako para hintayin diba? Pero kahit ganon ay tumayo parin ako para maligo at magbihis. Rinig ko rin dito yung mga ingay nila sa labas. Pinatawag ko na rin si manong Efren kay ate Merlin.

Ay shuta. Shutdown pa ang selpon. Naiiyak na ako grabeness na 'to. Excited pa naman ako tapos hindi lang pala ako makakasama. Ang gaga ko ba naman kasi. Chinarge ko muna yung phone at mabilis na in-on. Nang makitang may messege sa messenger ko ay agad ko iyon binuksan, napasigaw pa ako sa excitement.

"Amara, ayos ka lang diyan!?" sigaw ni ate Merlin sa labas.

"ayos lang po."

[reply if you still want to come, I'll wait for you.] natataranta pa akong nagreply kaya na typo ako pero hindi ko na yon tinama at mabilis na inayos ang sarili at mga gagamitin.

[ssaama akoo kagigusinf k lsmg] reply ko sa kanya.

Pababa na ako ng hagdan nung nagreply siya.

[hmm] maikling reply niya.

Bale maong na short ang suot ko at manipis na sweater. At camera na nakasukbit sa leeg ko.

"aalis ka?" tanong ni Mels nung nakita ako.

"oo eh. Pwede ikaw muna Mels ang mag-aasikaso rito. Just feel at home tsaka kung uuwi na kayo ay hintayin niyo lang pagbalik ni manong Efren pagkatapos niya akong ihatid sa pupuntahan ko para ihatid nila kayo pauwi door to door." Pag mamakaawa ko sa kanya.

"walang problema sakin yan. Ako muna ang boss ngayon kung ganon hahaha." Biro niya.

Mabilis akong sumakay sa sasakyan at sinabi kay manong na idaan niya sa llikod ng school. Binilin ko rin sa kanya yung sinabi ko kay Mel kanina na ihatid niya yung mga bisita ko pag-uuwi na sila.

Mabilis akong bumaba sa sasakyan at hinanap si Hanimark. Maraming mga boarding houses dito sa likod ng school. Kaya naglakad pa ako doon sa isang bridge at nilampasan na yung mga boarding at mga bahay kaya medyo forest na ang sumalubong sa akin. Ichachat ko sana siya kung saan siya pero nakita ko siya din sa bungad ng kakahuyan, mag-isa siyang naghihintay. Nakatayo habang hawak ng kanang kamay niya ang strap ng malaki niyang bag. Parang ang daming laman. Tapos sa gilid niya ay isang malaking storage box din. Bibitbitin niya yan sa pag akyat? Hindi ba yun mabigat?

Inip na siyang patingin-tingin sa relo niya kaya patakbo na akong lumapit sa kanya. Kinalabit ko siya sa likod.

Lukot na mukha niya ang sumalubong sa akin. Mas lalo pa iyon nalukot nang bumaba ang tingin niya sa paa ko.

"you're wearing short?" inis na sabi niya. Napatingin siya sa relo niya tsaka bumuntong hininga.

"mamumundok ka tapos nakashort? Really, are you still using your brain woman." Pagalit na sabi niya habang tinatanggal ang manipis na jacket na suot niya tsaka binigay sa akin.

"bakit? Ayos naman ah?" pagpipilit ko at umikot pa para ipakita sa kanya ang outfit ko. Nagdala pa ako ng camera na nakasukbit sa leeg ko para kumuha ng mga magagandang pictures mamaya.

Nang makuha ko ang jacket niya kinuha na niya yung malaking box at binuhat para lumarga na.

"teka, anong gagawin ko rito?" eh may suot din akong jacket.

Nakatalikod na sa siya at dalawang hakbang pa lang ay nagsalita siya.

"itali mo sa leeg mo."

"huh?"

Napa 'tsk' siya at padabog na binitawan ang hawak niyang box sa lupa at muling bumalik sa akin gamit ang malalaking hakbang niya. Inagaw niya sa kamay ko ang jacket niya habang ako ay pinapanood siya.

Hinila niya ako ng konti palapit sa kanya saka tinali sa bewang ko ang jacket.

"There, atleast in can cover your legs from the grass and mosquitos. Let's go."

Nangingiti na lang ako sa sumunod sa kanya. Hind man masyadong natakpan ang mga hita ko pero atleast hindi masyadong expose.

"ayy butiki!" dahil sa para akong timang dito na ngumiti-ngiti habang naglalakad ay natalisod ako sa isang sanga ng kahoy sa daanan. Buti na lang ay nasa harapan ko si Hanimark kaya imbes na sumubsob ako sa lupa ay sa likod niya ako dumeretso.

Bumuntong hininga ulit siya ng malalim.

"you go first."

"ehh...diko alam daan."

"I'll tell you the way."

Grabeness. Wala pa kami sa gitna ng forest pero dami ko nang perwisyo sa kanya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Ako naman ay nageenjoy sa pagkuha ng mga litrato. Minsan pa ay napapahinto kami dahil sa ginagawa ko. Habang kinukuhaan ko yung isang ibon doon sa sanga, dahil medyo malayo ay inadjust ko ang lense ng camera. Ang ganda ng angle sana pero lumipad na ito bago pa makuhaan.

"ahh! Nubayan!" pagrereklamo ko. Tahimik lang yung kasama ko. Pinapanood ako at hinahayaan sa pag pic at hindi naman nagrereklamo kapag ganon na humihinto ako para kuhaan ng picture yung isang species na matitipuhan ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad.

"wait." Sambit niya. Huminto ako at nilingon siya.

Nakatingin siya sa gilid at parang may nakita siyang nakakuha ng atensiyon niya. At dahil nakaside view siya ay hindi ko na yun pinalampas. Tinutok ko sa kanya agad ang camera at mabilis na kinuhaan siya. Ang ganda ng background. Trees and plants, tapos yung tindig niya ay super manly. Bitbit sa kanang kamay ang malaking storage box, habang nakatingin siya sa kaliwa at ang kaliwang kamay at ay inaayos ang eyeglass niya. Yun yung saktong nakuhaan ko ng picture. Nakangiti ako habang zino-zoom in yung picture niya. Ang perfect naman talaga oh. Wala kang mapintas.

Lumingon ako sa kanya nang naglakad siya at nilapitan ang tinitignan niya kanina. Kaya naman binaba ko muna ang camera at hinayaang nabitin sa leeg ko saka sinundan siya.

"oyy hintay!" tingin ko nasa gitna na kami ng forest.

Buti na lang at nakaboots ako. Pero kahit meron yung jacket na nakacover sa hita ko at hindi pa rin nakaligtas ang hita ko sa mga nagkalat na sanga at ilang mga halaman na dumaplis sa paa ko.

"aww.." tiningnan ko kung may sugat ba pero gasgas lang kaya hindi ko na iyon pinansin at hinabol si Hanimark. Ang gentleman niya talaga oh. Hindi ko rin naman siya masisisi at hindi ko na inisip na aalalayan niya ako sa bawat hakbang kasi marami siyang bitbit at ako ang nagpumilit na sumama sa kanya.

Hinihingal pa ako nang makalapit sa kanya. Siya naman ay nag-squat sitting position pero yung isang tuhod niya medyo sumayad sa lupa. Binuksan niya ang storage box at nilabas doon ang magnifying glass. Ahh so mga experiment equipments laman nun?

Kaya yumuko din ako para tignan yung halaman. Ang ganda, it's a flower actually.

"ang ganda ng bulaklak. Ano klaseng halaman yan?" tanong ko habang nakayuko. Nasa likod niya lang ako kaya sa gilid lang ng ulo niya ako nakasilip. Nahulog yung mahaba kong buhok kaya nasagi iyon sa mukha niya. Lumingon siya sa akin ng masama. "hehehe" tanging reaction ko kaya lumipat ako ng pwesto. Abala siya sa pagsuri sa halaman habang ako ay parang bata na nakikialam sa ginagawa ng tatay niya. Lumipat ako dito sa harap niya at nakikisilip din sa magnifying glass niya.

Tinulak niya ang ulo ko kaya napanguso ako.

"behave and wear this." Inabot sa akin ang isang impact googles.

"is it that dangeruous para magsuot ng ganyan?"

"it is." Maikling sagot niya. Kaya kinuha ko yun at sinuot. Akmang hahawakan ko ang bulaklak pero mabilis niyang tinapik ang kamay ko.

I pouted.

"ano na naman." Nakangusong pag-aangal ko.

"are you aware of the plants you are about to touch huh, woman?" pagalit na tanong niya.

"oo. Flower?" napapikit siya ng mariin at mukhang nauubusan na siya ng pasensya.

"it's a plant, woman." Madiin na sabi niya.

"same lang din naman. Plants with a flower. Is it that dangeruous?" tanong ko.

"not really, but it can cause your hands into rashes and irritation. Can you get two pairs of gloves for me." Paliwanag at utos niya sakin habang siya at sinusuri ang halaman. Tumayo siya at tinignan ang paligid kung saan nakatanim ang halaman.

Inabot ko sa kanya ang isang pair ng gloves, sinuot ko naman agad yung sakin.

"anong pangalan pala nito?" tanong ko habang nasa halaman ang atensiyon. Siya naman ay naglakad-lakad sa paligid. Ewan kung anong ginagawa niya.

"it's a Poinsettia euphorbia pulcherrima." Sagot niya at muling lumapit. Nagsquat siya at hinawakan ang bumalaklak para muling suriin gamit ang magnifying glass.

"poinsetta euphorbia pulchhh—what?" ang haba naman ng pangalan. Pero familiar ako ako sa poinsettia kasi poinsettia din yung halaman ni mama sa bahay.

Hindi niya pinansin ang pagkatanga ko. "you can call it Grande Italia. What I mentioned earlier is it's botanical name. you know poinsettia? They have different types like holly berry, pink champaign, orange glow, sky star and others." Paliwanag niya.

"ahh kaya pala pamilyar. Diba indoor plants yun. Paanong nabuhay ang poinsettia rito, tsaka anong pangalan nito." Nilabas ko ang phone at pinakita sa kanya ang matagal nang picture ng flowers na inaalagaan ni mama, kuha pa iyon nung sa manila pa kami natira.

"that's plum pudding. I'm also trying to figure out how this indoor plants grow in the forest. until I found out the place is surrounded with trees that makes it shady....what are you doing?"

"p-picture-an ko lang." napa iling lang siya at kumuha ng gunting sa storage box. Nagcut siya ng isang leave at flower ng Grande Italia. For lab purposes siguro. Nilagay niya yun sa isang transparets na plastic. At habang ginagawa niya yun ay kinukuhaan ko rin siya ng litrato.

Inayos na niya ulit lahat ng gamit at tumayo.

"let's go."

"ha? Uuwi na tayo? Paano 'to?" tinutukoy ko yung suot ko pang googles at gloves.

"we'll find the others. There's no signal here, I can't call them. And continue wearing that, kung ano-ano pa naman hinahawakan mo." Nagulat ako sa huling sinabi niya. Napangisi ako.

"what do you mean kung ano-ano ang hinahawakan ko ha?" I teased him. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top