chapter 4

"sometimes the best relationships are the ones that never became romantic. Choosing to be friends allows for a deeper connection built on genuine care and understanding."

.
.
.
.
.
.
.

“alis na ako. May klase pa pala ako.” Kiunuha ko lahat ng kalat ko sa table at tumayo  na.

“wait.” He said saka niligpit din mga gamit niya. “saan room mo?” tanong niya.

“doon lang. bakit sama ka?” pabirong tanong ko.

“tara na.” nagulat ako nang nauna pa siyang naglakad papunta sa building namin. Wala ba siyang klase? ang layo ng building nila dito tapos nandito siya. Nauna na siyang naglakad at halos dalawang metro na ang layo niya sakin pero hinayaan ko na lang. Naghanap pa ako ng basurahan para itapon yung plastik na basura ko. Tsk. Hindi man lang ako hinintay. Baka may gagawin siya sa building namin.

“Amara!” napalingon ako don at kumabog na naman ang puso ko nang si Mark ang tumawag sa akin. Mag-isa na siya at pajogged na lumapit sa akin. Ngumiti siya. “may klase ka rin ngayon? Sabay na tayo.” Sabi niya.

“ahh sige.” Maikling tugon ko kasi diko na alam ang sasabihin. Sabay na kaming naglakad pero nang malapit na kami sa bungad ng building ay nandon si Hanimark na mukhang naiinip. Nang makita ako ay ang sama ng tingin niya sakin. Problema nito. Psych ako pero di kami nagbabasa ng isip ng tao kaya diko maintindihan minsan ugali ng lalaking ‘to.

Tinanguan siya ni Mark pero dinedma lang ni Hani. Ramdam ko namang medyo napahiya si Mark nun kaya inirapan ko si Hani at binigyan ng matalim na tingin. Nauna na kaming maglakad ni Mark at nasa likod lang namin siya pero ewan at hindi ako mapakali. Ang init ng likod ko. Nang lumingon ako ay kita kong badtrip na yung isa sa likod.

“ahh Mark, mauna ka na pala may gagawin lang ako saglit.”

Nagtaka pa siya. Pero tumango rin naman agad. Pagkaalis niya ay pagalit akong humarap kay Hani.

“problema mo?” pagalit na tanong ko.

“wala. Mukha ba akong may problema?” casual na sagot niya. Imbes na magalit ako pero kinalma ko na lang sarili ko at tinanong siya. “ano pala gagawin mo rito? Wala kayong klase?”

“saan office ng dean niyo?” tanong niya.

Yun lang pala eh. Pagkatapos kong ituro kung saan yung office ay nagpaalam na rin akong aalis na kasi malelate na.

Days have passed pero wala parin magandang nangyayari sa buhay ko. How could everyone enjoy being in a relationship na puro lang naman away at misunderstandings? Habang ako rito ay nagmumukmok sa kwarto ko, iniisip kung anong pwedeng iregalo kay Mark sa birthday niya sa Friday. 

Dalawang subject lang ang mag memeet kami ngayong araw kaya nag-iisip ako ng gagawin. Nang magchat ang isa kong kakilala.

[nasa school ka? Pasama naman may isusubmit lang ako sa Agri building.] chat niya.

[asa bahay ako. Katamad pumuntang school, mamayang hapon pa klase ko.] reply ko.

[sige na. wala akong kasama at nakakahiyang pumunta ron, wala pa akong kakilala.]

May kakilala lang pero diko close. I know her feelings. Puro kasi lalaki sa Agri, konti lang girls. Kaya pagpunta mo ron, feeling mo napapaligiran ka ng mga barako. While sa amin naman ay konti lang ang boys. May boys nga medyo girly pa. konti lang yung masasabi lalaki.

Kinulit-kulit pa ako ni Jessa. Hayyss, tinatamad akong bumangon sa kama ko, though nakaligo naman na ay bumangon na lang ako para ayusin ang sarili. Habang nag-aayos ay panay ang chat ni Jessa. Wala ba itong pwedeng pagpasamahan.

Narinig kong may umingay sa labas. Sasakyan yun na nagpapark yata don sa garahe. Ayos! Sakto.

“ate Merlin! Pakisabi muna kay Cielo wag niya muna ipasok yung sasakan! Papahatid pa ako!”

Sigaw ko kasi abala ako sa pagmemake-up.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko sa sala si Cielo na lumalamon ng cake na natira ko sa ref.

“saan lakad mo.” Tanong niya habang nakatutok sa tv. Tumayo siya at pinatay yung tv, lumapit siya sakin at sinilip ang mukha ko.

“aattend ka ba ng party ng mga bata?” tanong niya habang kinikilatis ang mukha ko.

“pinagsasabi mo?” masungit na tugon ko.

Hinawakan niya ang baba ko kaya napapout ako. Naiinis na ako sa ginagawa niya. He even tilted my head at halos halikan na niya ang labi ko na nakapout dahil sa inis. Tumango-tango siya sabay sabing..”ayos na, papasa ka nang clown.” Sabay ngisi at layo niya sakin.

“CIELO VELARDE!!” sigaw ko sa inis na halos lumabas na ang ngala-ngala ko sa lalamunan.

Tatawa-tawa siyang lumabas at rinig kong pinatunog na niya ang kanyang sasakyan. Medyo naconscious ako sa make-up ko na baka nasobrahan kaya tinignan ko muna sa screen ng phone ko. Nang hindi makontento ay inistorbo ko si ate Merlin sa pagpaglilinis niya dun sa may hagdan.

“ate, masyado bang makapal ang make-up ko?” I asked her while pouting.

“sus! Inaasar ka lang nun. Maayos naman ang make-up mo at hindi tulad ng iba na nagmumukha nang clown. Normal lang naman yan at bumagay sayo. Parang natural pa nga eh, dati ka nang maganda.”

Bumuntong hininga ako. They always says I am beautiful, pero bakit dinedma lang ako ng taong gusto ko? hindi ba ako maganda sa paningin niya?

Pagkatapos akong ihatid ni Cielo sa school ay inabutan pa niya ako ng paper bag bago lumabas.

“ano yan?”

“grapes. Nakalimutan kong ibigay kanina.”

“nahugasan na?” tumango siya. Kinuha ko iyon at pagkababa ay malakas kong sinara ang pintuan niya. Nakangisi pa akong tinignan siya mula sa nakabukas na bintana niya.

“you---!” tanging banggit niya lamang at tinampal ang noo niya.

Nang makaalis siya ay saka ko lang napansin ang paligid ko. Nakatingin na naman sila sa akin. Hindi naman na bago dito ang may sasakyan na studyante, pero kasi yung sasakyan ni Cielo ang gara eh. Taas noo akong pumasok ng campus at maglalakad pa ko papuntang Agri. Nandon na raw si Jessa pero sa labas lang siya at hindi pa pumapasok. Pagkarating ko ron ay sinalubong agad niya ako.

“tara na.” yaya ko. Nauna lang ako habang siya ay bumubuntot sa akin.

Kinuha ko ang document na hawak niya at binigay sa kanya yung grapes. “ako na mags-submit.” Pagkarating namin don sa office ng mga faculties ng Agri ay sumilip agad kami. May iba pang dumadan sa hallway sa patingin-tingin sa amin. Biniro pa ako ni Jessa. “ang daming may crush sayo rito.” Sabi niya. Siniko ko lang siya para sabihin na itigil niya pang loloko sakin.

“excuse me po. Saan po rito si sir Jofel Dalde? May ipapapirma lang po sana.” Tanong ko sa ibang mga faculties dito.”

“wala siya, kalalabas niya lang. parang pumunta siya sa office ni dean.” Sagot nung isang magandang instructor. Nagpaalam kami at hinanap namin ang office ng dean nila. Habang naglalakad ay maraming mga nakatamabay na boys sa gilid pero di naman sila yung mga teen ager boys na sisitsitan ka o yung magpapapansin. They look like wala silang pake at may sarili silang mundo pero pansin kong patingin-tingin sila amin. Walang malisya or anything naman pero hindi nakaligtas sa tenga ko ang usapan ng dalawang babae sa gilid.

“Psychology mga yan diba?”

“transferee?”

“hindi. Taga rito yan, maputi lang at mukhang rich kid.” 

“ang ganda niya.”

“kaya siguro marami may crush diyan.”

Sino ba pinag-uusapan nila. Nang malampasan namin sila ay nagsalita si Jessa.

“kaya ikaw niyaya kong kasama rito eh. Daming may kilala sayo.” Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya kasi nasa labas na kami ng office ng dean. I knock first bago buksan yung pinto.

“good morning sir-----” naputol ang sasabihin ko nang mapansin na parang may meeting yata sila. May apat na lalaking nakawhite uniform na parang lab gown na kagagaling sa lab. Tas nakatalikod sila sa amin, kaharap si Dean at nandito nga si sir Jofel. Sa laki ba naman ng school halos konti lang kilala kong mga instructor. Don pa nga sa department namin hinid ko pa kilala lahat ng mga faculties don, dito pa kaya sa ibang department.

“yes?” pag acknowledge sakin ni dean. Sabay-sabay na lumingon yung apat na studyante sa gawi ko, may importante pa yata silag pinag-uusapan.

Si Hanimark yung isa sa apat. Oo nga pala, bat ko ba nakalimutan na dito rin sila sa Agri building. Though hindi sila agri student pero dahil konti lang silag mga botany at kulang ang pasilidad ng school ay nakikigamit muna sila dito sa agri.

“sir may papapirma po kay sir Jofel pagkatapos ay sa inyo rin po.” Sabi ko at tumingin muna kay sir Jofel. Sunenyas naman siya na parang inaabot na niya yung papel kahit nasa labas pa lang kami.

“pasok kayo.” Sabi ni dean. Pumasok kami ni Jessa at binigyan pa ng tingin si Hanimark bago dumeretso kay sir Jofel na nakaupo sa gilid. Pinapanood lang nila kami kaya natigil muna ang usapan nila. Pagkatapos ay lumapit ako kay sir dean para siya naman pumirma. Nakatayo lang ako sa tabi ni dean habang hinihintay siyang pumirma at yung apat naman na student kabilang na si Hanimark ay nakaupo na sa harap na tahimik lang din.

“I understand your concern mr. Maximo. Wala nga tayong sapat na laboratory dito at nasanay kayo sa dati school niyo. Tanging laboratory lang dito na meron ay yung lab ng mga nursing. But your suggestion na aakayat kayo ng bundok to find and discover plants ay kailangan niyo munang magsulat ng request letter to your former school sa Dasma and bigyan niyo ako ng copy. Para sa akin, ayos lang at safe naman ang lugar namin. But we need the approval of your former school. Ako na rin gagawa ng letter for parent’s consent.” Binigay niya sakin yung papel pagkatapos pirmahan. Inabot ko yun at nag thank you  kahit alam kong hindi rin niya yun papansinin kasi busy siya sa pakikipagusap sa apat na VIP yata na studyante.

Yumuko ako at pansin ko pang napatingin sa akin si Hanimark pero di niya ako pinansin and understandable naman kasi may pinag-uusapan sila. Inayos niya ang kanyang eyeglass at kinausap si sir dean.

“I’ll write a letter and send them an email right after this.” Saad niya. Grabe, parang hindi siya studyante lang, napaka professional niya magsalita.

“so the four of you will be in charge of this. Sigurado ba kayo na lahat kayong 20 students ng botany ay agree din dito?” tanong ni dean.

“huy tara na.” pagyayaya sakin ni Jessa. Nasa labas kasi kami pero triny ko pang makinig sa pinag-uusapan nila.

Sumagot ang isang lalaki na kasama ni Hanimark. “lahat naman po kami nagsuggest dito kaya walang problema sa kanila.” Huling rinig ko na usapan nila kasi hinila na ako ni Jessa.

“diba yun yung mga VIP students na galing sa kilalang school? Matatalino siguro ang mga yun. Tsaka ang popogi hahaha. Lalo na yung naka eyeglass ang seryoso masyado. Pero bagay niya, para lang siya yung hot professor sa mga drama hahaha.” Napangiwi ako sa pag dedelusional niya.

.
.
.

Seryoso akong nakikinig sa klase namin ngayon pero nag chat si Cielo.

[ano oras ka uuwi? Magluluto ako ng dinner.] napa roll eyes ako. Itong lalaking to napapadalas na bahay ko. Parang walang ibang pinagkakaablahan ah. Imagine ilang oras byahe niya manila-gang dito tapos palagi pa siyang pumupunta rito pag gusto niya.

[wala kang gagawin? kamusta ang business mo sa manila?] reply ko.

[wala naman akong gagawin. I am the boss of my own business kaya walang magagalit kung papasok ba ako sa trabaho o hindi.] reply niya.

[you know what? You can’t just come here dahil gusto mo lang. Focus on your own life and your business. Nag-usap na tayo diba? There is nothing special about us aside from being a friends. Yes malalim sa friend pa, and that is I treat you as my brother only. Please let’s just stay like that. If you really want me to be happy or to be comfortable around you, then having you as my brother is what I am comfortable at.] mahabang reply ko kaya hindi ko na nasundan pa yung ibang mga diniscuss ni sir.

Pagkasend ko yun ay tinawag ako ni sir.

“miss Magastino, according to Erich Fromm. How did he defined love?” tanong sakin ni sir.

Kinabahan pa ako pagkatawag pa lang sa apelyedo ko kasi diko ako prepared pero nung sinabi na ang tanong ay naginhawaan ako. Buti na lang nag advance reading ako. Binigay din kasi sakin ni Hanimark yung libro na Theories of Personality 9th edition, kasi sabi niya. “you need it more than me. I found out that it is limited only in the library.” Kaya kinuha ko yun at binasa kapag ganon na wala akong ginagawa. At sakto nga ay natapos kong basahin ang theories ni Fromm.

Confident akong tumayo para sabihin ang sagot ko.

“sir, according to what I read on Fromm’s theory. He defined love as a union with somebody, or something outside oneself under the condition of retaining the separateness and integrity of one’s own self. In love, two people become one yet remain two. Love involved sharing and communication with another, yet it allows a person the freedom to be unique and separate. It enables a person to satisfy the need for relatedness without surrendering integrity and independence.” Tumango-tango si sir as an approval to my answer at bumalik sa kanya ang tingin ng mga classmate ko pagkatapos nila ifocus ang attention nila sa akin nung nagsasalita ako.

Actually maganda ang section ko ngayon. Wala kang makikitang mga pabida or mga mema na nagmamarunong. Yung iba I e-encourage ka pa kesa sa aagawan ka ng spotlight na ugali ng mga achiever na classmates ko nung high school. Yung kapag groupings ay wala silang tiwala sa sagot ng kagroup nila kaya they tend na sarilihin na lang yung sasagutin at hindi man lang ibigay sa mga ka groupmates niya para may magawa rin. Tapos in the end ay magrereklamo sila na bakit sila lang gumawa lahat at hindi man lang tumulong mga ka group mate niya. 

“her answer is exactly what Fromm’s said.  In The Art of Loving, according to Fromm’s. The care, responsibility, respect, and knowledge are four basic elements common to all forms of genuine love. Someone who loves another person must care for that person and be willing to take care of him or her. Love also means responsibility, that is, a willingness and ability to respond. A person who loves others responds to their physical and psychological needs, respects them for who they are, and avoids the temptation of trying to change them. But people can respect others only if they have knowledge of them. To know others means to see them from their own point of view. Thus, care, responsibility, respect, and knowledge are all entwined in a love relationship” paliwanag ni sir. Heto na naman tayo. Basta talaga about love ay seryoso mga classmates kong makinig. Pero interesting naman talaga kasi ang subject na ‘to at maganda rin magturo si sir. Kaya pati ako ay seryosong nakikinig sa kanya.

Napatingin ako sa bintana at doon napansin kong nasa labas sila Mark at mukang may ginagawa sa ibang classroom. Nag f-float yata sila ng questionares for their research. Malapit lang sila sa amin kaya medyo maingay sila. Napatingin din siya sakin pero agad ding binawi kasi busy silang mag assist sa iba. Nandon si Melody na nakakunot noo na at mukang na s-stress kasi may ibang mga second year na astang high school student parin na ang hirap makausap nang matino. Napailing na lang ako sa busangot na istura niya. Kung magtutuloy yan ay baka wala silang maging respondents kasi matatakot sa kanya mga sophomores. Anyway, hindi ko yata nasabi, i am an irregular students. Pero currently now is regular second year ako. Next sem is magiging irreg third year na naman. Supposedly third year na sana ako katulad nila. Pero dahil second sem ako ng second year nag enroll noon kaya nagulo ang years ko.

Hindi na yata nakaya ni Melody ang inis niya dahil may mga second year na nagmamatigas ang ulo na maging respondents at nag papakaVIP, though may karapatan naman sila. Pero dapat they should cooperate kasi gagawin nila iyan pag third year na. Mararanasan din nilang ibaba ang pride nila para makiusap sa mga target nila para lang may maging respondents sila.

“makicooperate naman kayo! O sige! Umalis yung ayaw makicooperate hindi ko kayo pinipilit! Maiiwan yung maiiwan. Mararanasan niyo rin ‘to kapag kayo na ang nagconduct ng research.” Pasigaw na niya. Napangiwi na lang yung ibang mga kasama niya kabilang na si Mark. Alam kong pati siya ay tinitiis lang din ang prangkang ugali ni Melody. Pero mabait kasi talaga si Mark basta, I found something on him na diko maexplain hahaha.

“Masochism results from basic feelings of powerlessness, weakness, and inferiority and is aimed at joining the self to a more powerful person---” pagpapatuloy ni sir sa discussion pero nang marinig ang ingay sa labas ay lumapit siya sa pintuan, imbes na sitahin yung mga maiingay ay isinara na lang niya ang pinto habang nagsasalita. “or institution. Masochistic strivings often are disguised as love or loyalty, but unlike love and loyalty, they can never contribute positively to independence and authenticity.”

Napatingin si sir sa relo niya. “time na pala. I’ll continue the discussion ext meeting. If you have time, I suggest you to read on the book for advance reading.” Pagkatapos ay umalis na siya. Sumunod din lumabas yung mga classmates ko para umuwi na. Habang ako ay piniling maiwan muna rito. Nang maboring ako ay tumayo ako at kinuha ang bag para lumapit kina Melody.

“mukang nakakahighblood mag third year ah.” Pabiro ko nung makalapit ako sa kanila.

“halika palit tayo. Bwisit talaga pag f-float pa lang ng questionaires aakyat na ang dugo ko sa ulo.”

Tumawa ako. “diba pag psych mahaba ang pasensya? Ikaw palagi kang high blood hahaha.” Nagusap lang kami don habang pinapanood ang mga studyante na nagsasagot sa questionaire nila. Si Mark naman ay naglakad palapit sa pwesto namin ni Melody para umupo.

“magmemeeting pa ba tayo pagkatapos nito?” tanong niya kay Melody. Alas singko na kasi.

“oo sana, pero may malayo ang uuwian eh baka hindi lang din sila aattend.” Sagot ni Melody.

“sino ba sa inyo ang malayo ang uuwian?” tanong ni Mark sa mga kagrupo niya. Kasi nandito na sila lahat ako lang naiiba. Tahimik lang ako at minsan ay nagbibigay ako ng suggestion sa usapan nila. Walang sumagot kaya nainis na naman si Melody.

“magsalita na yung malayo ang uuwian kung makakasama ba sa meeting. If-finalize pa natin ito. Sunod sunod pa ang mga school activity at mga pendings kaya wala na tayong magiging oras next week.”

“hindi ako makakasama.” Tugon nung babae na hindi ko kilala, yung kasama nila nun sa libray.

Pabulong na tinanong ko si Melody kung anong pangalan niya. “Reema Fernandez.” Bulong niya sakin.

“diba diyan ka lang rin nagboboarding sa likod ng school? Malapit lang naman uuwian mo.” Tanong ni Melody.

“maglalaba pa ako.”

“ako rin marami rin akong gagawin pero pwede namang ipagpabukas muna.” Pabalang na sagot ni Melody. Melody talaga oh. So siya pala yung leader na tipong hindi ka pwedeng tumanggi pag may group meeting hahaha.

Tahimik yung mga boys kasi ayaw nilang mabungangaan ni Melody. Isa-isa na ring nagsusubmit yung mga naging respondents.

“gusto ko sanang sumama sa meeting pero malayo uuwian ko.” sagot nung isang lalaki. Kapag kasi 6 ng hapon na dito ay mahirap nang makahanap ng pampasaherong jeep or tricy.

“saan ka banda nagboboarding?” tanong ni Mark sa kanya.

“sa lamut pa. sigurado aabutin tayo ng gabi kapag, tas wala nang sasakyan.”

“sows. Malayo. Kala ko diyan lang para pwedeng isabay na lng kita. Kayo? Saan boarding niyo?” tanong niya sa ibang mga kagrupo niya. Halos pito sila eh.

“malapit lang kami.” Sumang-ayon yung iba. Pero yung iba ay hindi.

Nang may maisip na suggestion ay nag salita ako.

“may suggest ako.”

“ano?” tanong ni Mark at tumingin sa akin. Bwesit naman wag mo akong titigan sa mata nac-conscious ako. Pero I did try to stay normal. Hinintay lang ni Melody ang sasabihin ko. Medyo tahimik na siya kanina kasi baka di na naman niya makontrol bibig niya hahaha.

“bat di na lang kayo kayo mag set ng place na pwede kayong mag overtime at mag sleep over? Magdala na lang ng gagamitin pampalit para di na uuwi?”

Tumango si Mark. “oo, pwede yun. pero saan?” tanong niya pero hindi na sa para sa akin yun kundi para sa mga groupmates niya. He’s asking kung sino sa kanila ang open ang boarding for sleep over.

“pwede sana yun Amara pero bawal bisita sa amin eh. Pwede pala pero ang  mag sleep over is imposible kasi common sa amin.” Paliwanag ni Melody.

Natapos na lahat-lahat yung mga nagsagot pero wala parin silang maayos na usapan kung anong gagawin. Bawal din bisita sa iba. Yung ibang boys naman na hindi nga bawal ang bisita pero laman naman ng inuman yung boarding nila. Halos karamihan kasi na studyante rito ay mga boarders lang at galing sa mga malalayong lugar. Almost 20% lang ang mga studyante na sa bahay talaga sila mismo umuuwi. Malayo kasi sa kabihasnan ang school. Tapos mga pasilidad or buildings na malalapit ay puro boarding houses.

“hindi rin pwede sa boarding hahaha. Magulo ron.” Saad ni Mark.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top