chapter 3
"when you open the need to control every outcome, you open yourself up to a carefree life full of serendipity and wonder."
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag-uwi dito sa bahay ay nandito na naman si Cielo. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang nakapark niyang sasakyan. Ba't hindi na lang niya pinasok sa garahe.
Pagpasok ko sa gate ay nakita agad ako ni ate Merlin. She’s 30 years old na at wala pang asawa at anak, she started working on me nung bata pa lang ako kaya halos nanay narin turing ko sa kanya. Yung parents ko? Ayun nagpapakayaman abroad. Iniwan nila ako dito sa pinas at pinagkatiwala kay ate Merlin. Iisang anak lang ako kaya spoiled if it’s about material things. Pero nasanay akong lowkey rich girl, charot. Nasanay akong lowkey status lang kaya yung mga mamahalin na bagay na pinapadala ng parents ko ay nakatambak lang iyon sa iisang room. At si Cielo, bata pa lang magkakilala na kami. Palagi rin siya sa bahay namin noong sa Manila pa kami nakatira kaya kilala na siya ng magulang ko at pinagkatiwala rin nila ako sa kanya. Nung umalis sila mama ay pinaayos nila ang lumang bahay nila mama dito sa probinsiya para dito ako patirahin. Mas safe raw kasi dito kesa sa Manila. Gusto nila akong isama abroad pero naisip ko wala rin naman silang time sa akin, ano pa pinagkaiba ng sumama ako sa kanila kung puro na lang sila trabaho diba?
“Nandiyan na pala si Amara!” sigaw ni ate Merlin habang sinasalubong ako.
Lumapit din sa amin si Cielo at kinuha ang bitbit kong mga gulay na pinamili ko. Bago kasi ako umuwi ay dumaan muna ako sa talipapa. Kaming dalawa lang kasi ni ate Merlin sa bahay at hindi ko siya pwedeng utusang bumili kasi alam kong pagod din siya kakalinis at kakalaba.
“nandito ka na naman, gabi na.” saad ko kay Cielo. Natawa lang siya at hindi niya dinamdam iyon. Sanay na iyon sa akin.
“ayaw mo na talaga akong makita ano? Aalis din ako agad, matutulog sana ako rito pero tumawag si mama.” Sabi niya na may halong nabubwisit. Pagkalagay niya yung mga gulay sa table dito sa kusina ay inopen niya agad ang ref at naghalungkat don.
“ano na naman problema ng mama mo?” tanong ko habang nakasandal sa gilid ng table at pinapanood siya sa ginagawa niya. Kinuha niya ang manok don sa freezer at dinefrost. Pagkatapos ay tinaas niya ang manggas ng kanyang long sleeve at kinuha yung binili kong wumbok para hugasan.
“kilala mo naman si mama. Pag sinabi niyang family dinner, kailangan kumpleto kami. Pag hindi nakadalo ay siguradong maghahanap na iyon ng ipapaasawa sa amin.” He said while washing the vegetable. Natahimik na lang ako dito sa likod niya habang pinapanood siya.
Natigilan siya at may pagsusumamong lumingon sa akin.
“I’m sorry. I forgot you’re sensitive about this.” He said. When it’s about family matters natatameme na lang kasi talaga ako kasi di ako makarelate. Pero hindi naman ako sensitive na tipong mag e-emote at magdadamdam. Namimis-understand lang niya yung pagkatahimik ko.
Umiling-iling ako at nagpaliwanag na wala akong pake dun.
“tapusin mo na nga yan, gutom na ako.” Pang uutos ko sa kanya at tumalikod na para pumuntang kwarto para magshower bago kumain. Ang lagkit na ng katawan ko.
“ay hala! Cielo, ako na diyan. Inayos ko lang saglit yung ibang pinamili ni Amara inagawan mo na ako ng trabaho ay!” Saad ni ate Merlin pagkapasok niya dito sa kusina. Nakipag-agawan pa niya kay Cielo sa ginagawa niya pero natatawa na lang si Cielo na pinapalayo si ate Merlin.
“ako na dito ate, parang dika naman na sanay. Lagi naman ako ang nagluluto pag bumibisita ako rito.” Natatawang sabi niya at wala na ngang nagawa si ate Merlin kundi magpatalo.
Nakalabas na ako ng kusina at hinayaan na lang sila doon sa loob.
“ikaw talagang bata ka. Hala sige, tapusin mo na iyan kasi gutom na yung amo kong maganda.” Rinig ko pang tumawa si Cielo at ginatungan pa sinabi ni ate Merlin. “maganda ba yun? mas malakas pa nga siyang humampas kesa sakin.” Natatawang saad niya.
Umiling lang ako at nag roll eyes saka dumeretso na sa kwarto.
Natapos na akong magshower lahat lahat pero wala parin silang tawag na kakain na? ang tagal naman, gutom na ako.
Tinali ko muna ang buhok ko ng messy bun. Naupo muna sa kama at nagopen sa messenger para magbasa ng mga update sa gc namin sa school. Nakamute kasi lahat hahaha. so may klase kami bukas. Mag memeet kami sa lahat ng subject kaya whole day. Ah maaga na naman bukas. Kailangan ko ng beauty rest, kaya matutulog ako ng maaga ngayon para makumpleto ko ang 8hours.
Nagselfie selfie muna ako para may mapost sa insta pero napapangitan ako sa lahat ng nakuha kong pic kaya dinelete ko lang din agad. Bumaba ako at dumeretso sa kusina para kumain nang saktong maabutan ko silang naglalagay na ng pagkain sa table.
“tapos na rin sa wakas! Gutom na ako. Basta talaga si Cielo magluluto aabutin ng siyam-siyam bago matapos eh.” Umiling-iling lang siya habang inaayos plato ko sa table, nasa likod ko lang siya at akmang lalagyan ng gatas ang baso ko pero pinigilan ko.
“bakit?” tanong niya.
“mukha ba akong bata? Baka gusto mo subuan mo pa ako?”
Ngumiti siya ng mapang-asar. “sure, no problem.” Sagot niya at kinuha ang kutsara para subuan ako.
“Cielo!” inis na sigaw ko. Natatawa niyang binitawan ang kutsara at mabilis na lumayo sa akin kasi alam niyang isang malakas na naman na hampas ang makukuha niya sa akin.
“Tama na yan. Kumain na tayo.” Pag-aawat sa amin ni ate Merlin at siya na ang naglagay ng gatas sa baso ko. Habang si Cielo nakaupo na sa harap ko. Inirapan ko siya. Pagkatapos magdasal ni ate Merlin ay nilabas ko ang phone ko para kuhaan ng litrato ang mga pagkain sa table. Mga simpleng luto lang naman pero may isang dish talaga na sosyalin. Mukang dito natagalan si Cielo. Dahil nasa harap ko si Cielo at medyo nakuhaan ang kamay niyang nakapatong sa table na nakasuot pa ng rolex na relo. Napakunot ako nung chineck ko yung pic. Ano ba yan. Uulitin ko pa sana dahil nainis ako don sa kamay niya pero sinita na ako ni ate Merlin. Kaya bago kumain ay inistory ko muna iyon sa facebook ko ng walang caption pero with music. Nang matapos ay tinago ko na yun para kumain.
7 na ng umaga nang magising ako. 1 hour lang ang oras ko para magready papuntang school kaya pagkagising ay dumeretso agad ako sa banyo para maligo. Hindi na ako masyadong naglagay ng kung ano sa mukha ko kaya pagkatapos maligo at suklay at konting powder lang sa mukha ang nilagay ko. Bumaba ako para kumain. Sinilip ko pa si Cielo sa kwarto na tinutulugan niya 'pag bumibisita siya rito pero wala. Oo nga pala, umuwi rin siya agad kagabi. Pagkatapos kumain ay nag toothbrush at lumabas na ng bahay para mag antay ng tricycle. Walking distance lang naman sa school pero malelate na ako pag lalakarin ko pa.
Simple lang naman yung bahay pala namin at hindi nagmumukang sumisigaw ng pera. May gate at konting garahe pero walang sasakyan. Hindi ko alam magdrive eh ano ba. Kaya yung sasakyan lang ni Cielo minsan pumaparada diyan. Kung sa panlabas na tingin ay parang isang lumang bahay lang na ni renovate, pagpasok ay puro mga mamahaling gamit lahat ang makikita mo. Para kang nasa isang 5 star hotel ang style. Si papa nag design diyan eh. Ayaw niyang tinitipid ako, kaya kahit ganon sila ay ramdam ko parin na mahal nila ako bilang anak nila. Ako lang talaga itong minsan ay lumalayo sa kanila.
Tinignan ko ang oras sa phone ko at 7:50 na. Gagi late na ako neto. Punuan lahat ng tricy na dumadaan, puro mga studyante lang din laman. Lumakas kabog ng dibdib ko nang pagtingin ko sa right side kung saan ako nag aabang ng tricy ay nakita ko sa malayo pa lang si Mark naka NMAX at papunta na rin ng school. Huminga ako ng malalim at kinompos ang saril ko. At heto nga, umaasang hintuan niya niya ako para isabay, wala siyang kasama kasi. Isa pa kasi sa dahilan bat hindi ako naniniwala na may gf siya kasi wala akong nakikitang sinasabay niya or hinahatid niyang babaeng.
Nang malapit na siya ay nakita niya nga ako. Bumusina pa siya bago huminto sa harap ko kasi nagpanggap akong nakatutuok sa phone ko at kunwaring hindi ko siya napansin.
“may hinihintay ka?” tanong niya, nu bayan. Nakakahiya. Nagmumukha akong kawawa rito na walang masakyan eh.
“wala nga eh. Punuan lahat ng tricy na dumadaan.” Pakapalan na ng mukha. Kapag late na, hindi pwedeng magsinungaling kaya sinabi ko ang totoo. Hahaha.
“Tara na. sabay ka na sakin, late na tayo.”
“s-sige.”
Medyo nahirapan pa ako sumakay kaya napahawak ako sa balikat niya bilang suporta. Yung bag ko, sling bag naman nahuhulog sa balikat ko kaya nasasayad siya sa lupa. Napapangiwi na lang ako at iniisip kung ano ang itsura ko ngayon sa harap ng crush ko. Kinuha niya muna sakin yung bag at hinintay akong makasakay. Sumakay ako na yung style ay nakabukas ang paa ko side by side. Yun, kaya ako nahirapan. Kung paside lang sana ay madali lang. Pero kasi nahihiya akong magside kasi tingin ng ibang tao ay pang maarte lang daw yun lalo na kung hindi naman naka skirt. Yung uniform kasi namin rito ay slacks siya. Pwede rin mag skirt pero mas komportable ako sa slacks na medyo hapit.
Hiyang-hiyang ako dito sa likod niya pero I tried na icompose ang sarili ko. Pagkarating namin sa school ay sabay na kaming naglakad sa room namin. At dahil hindi na kami mag classmate pero same course parin kami na BS psychology kaya same building lang, pero sa third floor siya at sa second floor ako.
“sige dito na ako.” Paalam ko.
Ngumiti siya at tumugon din. Pagkatapos ay nag jogged siya paakyat ng hagdan. Sa loob ng ilang minuto na nagsabay kaming naglakad ay napuno lang iyon ng katahimikan.
Antok na antok ako sa subject na ‘to. Counseling psychology subject siya. Actually interesting dapat siya kung hindi lang nakakaantok ang instructor magturo. Habang nagsasalita siya sa harap ay nagopen muna ako ng phone ko. Hindi naman na kami bata para pagalitan pa pag nahuling nagseselpon sa loob ng klase. Kahit harap-harapan pa na nag s-scroll ako sa phone ko sa harapan niya habang nagdidiscuss ay ayos lang. Kasi hindi naman sila ang magtetake ng consequences pag wala kaming naintindihan. Ginagawa lang nila trabaho nila na magturo, hindi para magsuway palagi na parang daycare at highschool teacher na mga bata ang tinuturuan.
Nang mabored sa selpon ay pinilit ko ulit makinig sa discussion. Patingin-tingin ako sa oras at 9:00 na. Eh 9:30 pa matatapos ang subject na ito. Tapos may next subject na naman pagkatapos neto.
After ilang years ay sa wakas vacant time na rin. I still have 2 hours for my vacant. Habang nagmumuni- muni dito sa loob ng classroom, yung mga classmate ko ay nagsisilabasan na samantalang ako ay inaalala ulit yung kilig at saya ko kanina. Hindi lang halata. Ganon pala ang feeling pag kasama mo crush mo nang kayo lang. Ang gaan sa pakiramdam na parang wala kang problema.
Sa sobrang delusional ko ay inopen ko ulit ang messenger at nag isip ng isesend sa kanya to start a conversation. Kita ko pa yung mga huling chats ko sa kanya eh.
[may klase ka pa?] sinend ko sa kanya.
Online naman siya pero ang tagal niyang magseen.
[Him: wala. Mamaya pa.] maikling reply niya. At sa reply niyang yun ay kinilig na naman ako kahit hindi naman kakilig-kilig para sa iba. Para sakin kasi, yung pagreply pa lang niya ay solve na ako.
[saan ka?] send ko sa kanya.
Umabot na naman ng ilang minuto bago mag seen at magreply.
[sa canteen] reply niya.
Malaki ang ngiti kong kinuha ang bag ko para pumuntang canteen. Nang makapasok ay napanis agad ang ngiti ko sa nakita ko. Yung sayang meron ako kanina ay napalitan ng bigat ng loob. I saw him nga, pero kasama naman niya yung babaeng ex gf niya dati na hanggang ngayon ay magkaibigan sila. May ilang mga matagal na post din siya sa account niya about that girl. Base sa comment na binasa ko non eh may maayos na closure yung break up nila kaya yung relationship nila ngayon ay biruan na lang. Pero nakita ko pa kanina na nirepost niya yung post niyang about sa gf niya dati 2 years ago with caption na “happy aniversary na sana ngayon hahaha.” Nakita ko pang haha react yung babae. Maybe they have a relationship back then pero hindi lang nila sineryoso.
May ibang mga kasama sila. Mga hindi ko kakilala. Mukhang nagcecelebrate sila sa suppose na aniversary nila ngayon. Kita naman na masaya siya, bilang isang virgo na mapagobserba ay halata ko sa mga tawa at ngiti niya dun sa babae na meron parin, konti lang na pag gusto niya don sa babae. Para sa iba ay hindi iyon halata. Pero kung titignan mo ang mga mata niya habang tumatawa ay makikita mo yun. Kunwaring wala lang pero deep inside meron pa pala.
Nakatayo lang ako don sa bungad habang pinapanood sila. Napatingin siya sakin at binigyan niya lang ako ng tipid na ngiti at simpleng tango. Sinuklian ko rin siya ng ngiti na halatang pilit lang. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa pakikipag-asaran don sa mga kasama niya na parang wala lang.
Wala lang ba talaga ako sayo? Am i not really a person of worth para bigyan mo ng oras. Nakakainggit yung ibang mga babae na nakakasama niya araw-araw. Kasi sila, konting hingi lang ng tulong sa ganito, ganyan ay nandiyan agad siya. While me, nakokontento na lang sa maikling oras na interacton namin.
Nanlulumo akong pumasok parin ng canteen at bumili ng buko juice at naupo sa bakanteng table. Bale nakatalikod lang ako sa kanila. Nag e-emote ako sa sarili kong problema nang may umupo sa harap ko. Nang makita kung sino iyon ay nabuhay ulit ang energy ko. I almost shout his name nang makita ko siya dahil sa saya ko.
“Hanimark!” Tanging banggit ko na lamang sa pangalan niya. Nakangiti ako ng malapad ng time na yun. Ewan ko ba, feeling ko ang saya saya ko pag nandiyan siya, ang sarap niyang asarin at barahin minsan. Kapag ganon na nawawala ang posture niya at kinacool niya ay feeling ko isang achievement ko na yun kaya ang saya ko.
“nandito ka?” tanong ko habang sinisipsip ang buko juice gamit ang straw.
“bawal ba?”
“ang layo ng building niyo rito. Do’n rin ba kayo sa building ng mga agri? Kasi konti pa lang naman students ng Botany?” curious na tanong ko.
Tumango siya at tinitigan ako. Naconscious naman ako sa pagtitig niyang yun kaya nilayo ko ang bibig ko sa straw.
“huy! Ang creepy mo. Makatitig ka naman parang may ginawa akong masama.”
“anong oras ang klase at vacant mo mamaya?” tanong niya. Binigay niya sakin ang isang bread na binili niya. So bumili pala siya ng dalawa?
Hindi ko sinagot ang tanong niya at tinanong lang din siya.
“hindi ka mag l-lunch?” tanong ko.
“Tapos na. meryenda lang kaya nandito ako. You should also eat heavy lunch, hindi puro snacks.” Tugon niya. Kinuha ko ang binigay niya bread at sinabay iyon sa buko juice ko.
Tahimik lang kaming ilang minuto pero hindi naman awkward. Nilabas niya yung laptop niya at nilagay sa table. Ngayon ko lang napansin na may dala pala siyang bag. Mukhang may gagawin siya kaya hindi ko na siya inistorbo kaya nagopen ako sa facebook. Tinignan ko kung sino mga nagview at na react sa story ko. Unang napansin ko ay yung react ni Hanimark. Limang heart hahaha. Marami rin mga nag react tas nakita ko rin na nagview si Mark pero walang react. Nakaopen din yung comment box ng story ko kaya may mga nagcomment.
-Huy! Sino yan.
-Sanaol. Palibre inasal
-Wow rk. Naka rolex.
-Boyfriend mo?
Napakunot ako ng noo sa mga nababasa ko. Dapat pala talaga hindi ko na lang pinost eh. Panira yung kamay ni Cielo. Daming comments about dun sa kamay niya. Kesa rk daw. Bigtime. At sugar daddy chuchu. Pero nabasa ko yung comment ni Venus. Classmate ko rin siya dati at siya yung girl na medyo crush dati ni Mark kasi nagagandahan daw siya rito. Nalaman ko lang don sa lagi niyang kasasama dati. Hindi ako nakaramdam ng selos ng time na yun kasi mababaw lang naman pagkagusto ko kay Mark noon. At si Venus, maganda talaga siya kaya pati ako ay nagagandahan rin sa kanya. Kaya natatawa na lang ako minsan sa sarili ko. Imagine, may crush ka sa kapwa mo babae at don pa sa crush ng crush mo? Hahaha.
-sanaol daming pagkain. Palibre naman kahit sa inasal lang.
Comment niya. Kaya nireplyan ko siya. “sure sa Saturday hahaha.”
“do you know this plants?” tanong ng kasama ko na nakalimutan kong nandiyan pa pala siya. Pinatay ko ang phone ko para tignan yung sinasabi niya. Tatayo na sana ako para lumipat don sa tabi niya nang inunahan niya ako. Siya itong lumipat ng upuan dito sa tabi ko at pinakita yung picture ng halaman na sinasabi niya.
Taas noo ko pang tinitigan yung halaman na nasa laptop niya. Tinitigan at halos halikan ko na ang screen pero…
“hmmm..hindi.” tugon ko.
Napatampal na lang siya sa kanyang noo.
Nilinis ko yung table na pinagkainan ko para sumubsob doon. “anong alam ko sa mga ganyan.” Saad ko habang nakapatong ang pisngi ko sa dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Paharap sa kanya na seryosong nakaharap sa laptop niya.
“tapos ka na pa lang kumain ba’t hindi mo yan gawin sa room niyo.” Saad ko. Medyo umiingay na rin kasi ang canteen.
Tahimik lang siya at seryosong nakatutok sa laptop niya. Ako na bored na pinapanood siya. Inabot ko ang eyeglass niya at kinuha iyon. Hindi naman niya ako pinigilan pero kita sa pagpikit niya na nagpipigil siya. Pero as usual wala akong pake hahaha.
“ilan ‘to?” sabay pakita ng dalawa kong daliri. Mukhang mas lalo siyang nainis pero pinigilan niya ang sarili niya. Huminga siya ng malalim and chuckled.
“I’m not blind, woman.” Malalim sa sagot niya.
Akmang kukunin niya sa kamay ko ang eyeglass niya pero nilayo ko.
“eyyy….hahahaha Pero malabo mata mo?”
Umiling siya sabay hawak sa braso ko na nakahawak sa eyeglass niya para hindi ko ulit mailayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top