Chapter 13
Nahuli ang apat na lalaki at halos tumawag na rin sila ng pulis upang halughugin ang buong kagubatan ngunit tatlong araw na ay wala pa rin silang nahahanap. Kahit manlang bangkay ng babae kung patay na ba ito o hindi pa. Kaya hangga't wala pa silang nahahanap ay may pag-asa pa silang buhay ito. Cielo and Merlin didn't know how to explain this to her parents kaya hanggang ngayon ay hindi pa ito alam ng parents niya. And it's been three days, sa loob ng araw na yun ay natanggap sa abraod ang sinubmit ni Hanimark na research niya. And they give him more days, atleast 1 month, to decide wether he'll accept their invitation to be part of the international research team in America. Kung sa normal na situation ay hindi na niya kailangan mag decide ng ilang mga araw pa, lilipad na agad ito kinabukas pag natanggap ang research niya, but the situation is not like what he is expecting of.
One week and there is still no news of her. Hindi na alam ni Hanimark ang gagawin. Aaron and others is trying to give him advice kasi nakikita nilang parang wala nang interesado pa si Hanimark na igrab ang opportunity abroad. Parang gusto n alang niya ilaan ang oras niya sa paghahanap kay Amara kahit meron naman yung malakas at maraming tauhan ni Cielo. He knows that Cielo isn't just ordinary friend of Amara.
"boss, babalitaan ka naman namin agad pag nahanap na siya." saad ni Aaron at sinuportahan naman siya ng ibang mga classmates niya.
AMARA'S POV
3 days ago....During the incident........
"HAHAHA! Hindi kayo makakatakas kahit anong gawin niyo!" rinig naming siagw niya habang nagkakasa ng baril na papalapit sa amin. Hindi niya kami kita dahil makapal yung damo. He only believed na nandito kami dahil dito ang diretso ng dugong nakakalat sa lupa.
Niyakap ko ng mahigpit si Mhelton. I wanted to protect him they way his father protected me.
Is this really our end? Sa ganitong paraan ba ako mamamatay? Paano ko magagawa ang pangako ko kung mamamatay lang din naman kami.
I heard his steps na papalapit sa pwesto namin. Ramdam kong malapit na siya. Pumikit kami pareho ni Mhelton at hinayaan na lang ang tadhanang magdecide sa buhay namin.
Nakarinig kami ng mga maraming yabag at parang nagsusuntukan, sa huli ay nakarinig kami ng magkasunod na putok ng baril. Ilang segundo ay tumahimik ang buong paligid.
Unti-unti kaming nag open ng mata ni Mhelton at nagtinginan. Sinubukan naming sumilip ngunit wala na yung lalaki. I decided na lumabas para tignan kung ano ang nangyari. Nasinghap ako sa nakita.
Two men laying down na duguan. Mukang naglaban sila at binaril ang isa't-isa. But the question is who is this another man? Bakit niya kinalaban ang lalaking humahabol sa amin? Hindi ba sila magkakampi?
Nakarinig kami ng mga kaluskos sa gilid at mukang may paparating. Hinawakan ko agad ang kamay ni Mhelton at naghanap ng pagtataguan ngunit huli na ang lahat. Napapaligiran na kami ng limang lalaki na nakaitim. Para silang mga agent. Mga tauhan ba sila ng mayor?
"a-anong kailangan niyo sa amin!" sigaw ko.
may mga baril na nakasabit sa mga hita nila.
"sumama ka sa amin, miss." Ma authoridad na sabi nung isa.
Umiling iling ako. "kahit anong gawin niyo hindi ako sasama sa inyo. Mas mabuti pang mamatay na lang dito sa gitna ng gubat na 'to kesa sasumama sa mga katulad niyong mga halang ang kaluluwa!"
"grabe ka naman miss makapagsalita." Saad nung isang kasama nila na mukang mas bata sa kanila.
"huh?" I respond. Siniko siya ng isang kasama nila at tumingin sa akin.
"hindi kami tulad ng iniisip mo, miss. We're here to rescue you. Pasensya na kay Aldong kung natakot ka niya." he said at lumingon siya don sa unang nagsalita kanina na Aldong ang pangalan.
"r-rescue me? s-sino ba talaga kayo? Paano niyo mapapatunayan na hindi kayo tauhan ng mayor."
Lumapit siya sa akin. I step back incase. Huminga siya ng malalim at may binunot sa loob ng kanyang jacket. Pinakita niya sa akin yung ID niya.
'police officer Zack Mitadori
Detective chief inspector'
Napatingin ako sa kanya at sa Id niya. Siya nga. Don ako nabuhayang ng loob. Tumango ako indicating na sasama ako sa kanila. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ng bata.
Habang naglalakad ay..
"anak mo ba yan, miss" tanong nung lalaking pinakabata sa kanila, Jess yata ang pangalan yun narinig kong tawag sa kanya ng iba.
Sinamaan ko siya ng tingin. "mukha ba akong may anak na?" pambabara ko kaya tumahimik siya.
May dinaan kaming parang secret passage.
"ate, ligtas ba tayo sa kanila?" tanong ng bata. Lumingon yung mga kasama namin sa amin.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pinataas sa akin ang tingin.
"trust me, Mhelton. Everyting will be fine." I don't know if he understand what I said, pero tumango siya. Napangiti ako.
Sisiguraduhin kong lalaki siya ng mabait na bata and I will help him heal from the traumas and traggic experiences he had encountered. From now on, I'll treat him as my brother.
Lumabas kami sa secret passage, bumungad sa amin ang nakakasilaw na liwanag at ilang mga sasakyan na naghihintay yata sa amin.
May isang van doon ang naiiba. Inspector guide us na doon sumakay. Medyo nag-alanganin pa ako kasi they are treating us like a VIP person. Sumakay kami ni Mhelton doon sa van. Sumandal sa malambot na sandalan. Doon ko ulit naramdaman ang pahinga. Dahil kaming dalawa lang ni Mhelton sa likod ng van at ang driver at si inspector sa harap. Pinahiga ko si Mhelton at nilagay ko ang ulo niya sa hita ko para makatulog siya ng maayos. Pinikit ko rin ang aking mata para umidlip saglit. Wala man ideya kung saan pupunta pero alam kong ligtas kami sa kanila. Isa pa, kung babalik agad kami sa bayan ay baka may mga naghahanap na sa akin na tauhan ni mayor ng patago. Hindi ko na alam kung sino ang kakampi ko at kung sino yung mga tauhan niya na maaaring nakapaligid sa akin.
Hindi ko alam kung ilang oras kaming bumabyahe. Nagising na lang ako sa paggalaw ni Mhelton at bumangon na pupungay-pungay ang mata. Maging ako ay kinusot din ang mata dahil nanlalabo ito dahil sa matagal na pagpikit.
"ate, nasan na tayo?" tanong niya.
Nakahinto na ang van at madilim na rin ang paligid nang sumilip ako sa bintana. Hindi ko rin alam kung anong lugar ito. Nakalabas na rin ang driver at si inspector kaya lumabas din ako ara tanungin sila.
"where are we?" lumingon sa akin si inspector habang may kausap sa phone.
"Baguio." Maikling sagot niya at muling kinausap ang kausap niya sa phone.
"nandito na kami sir sa base. Lilipat na ba kami agad papunta diyan o ikaw na lang pupunta rito?" rining kong sabi niya. Napalingon siya sakin nang mapansin niyang nakikinig ako sa usapan nila sa kausap niya sa phone. Kaya agad din akong tumingin sa ibang direcksyon at nagpaggap na walang narinig.
Tama ba itong ginagawa ko? itong instict ko. paano kung nagsisinungaling lang sila sa akin, tauhan pala sila ng mayor.
Napaigtad ako nang may humawak sa kamay ko. Si Mhelton lang pala na lumabas din sa van at lumapit sa akin.
"ate.." saad niya. Kinuha ko lang ang kamay niya at pinisil iyon para iparamdam sa kanya sa ayos lang ang lahat.
Lumapit sa akin ang inspector, "pasok muna tayo sa loob habang naghihintay sa chopper na pinadala ni sir." Gusto ko mang magtanong pero natatakot ako.
"s-sige."
Ngunit lumingon ako sa paligid pero wala akong makitang bahay. Tanging malawak na pader lang ang nasa harapan namin. Saan kami papasok?
Nagulat at namangha na lang ako nang may kinalikot siya sa gilid, parang may drinawing siya doon gamit ang darili niya saka biglang may nagbukas na pintuan sa pader mismo. What is this?
Pumasok siya roon kaya sumunod din kami. Pagpasok namin ay namangha ako sa loob nito. Kung sa labas ay isang pader lang ang nakikita pero pag sa loob napakalinis at maayos, parang sa sala lang din ng bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top