Chapter 11
Naghalungkat ako nang naghalungkat. Halos ilabas ko na lahat ng laman ng bag kasi hindi ko yun mahanap. Maliit lang kasi yun kaya mahirap hanapin lalo na at naihalo iyon sa mga gamit na malalaki kaya natatabunan. Kaya nang mahanap ko ay nabuhayan ako ng loob.Kkaso nga lang pagtingin ko sa paligid ko ay ang kalat na ng mga gamit ko na basta na lang nilapag sa lupa.
"bwisit na buhay 'to!" ginulo ko ang buhok sa sobrang inis sa sarili at no choice na inayos na naman ang mga gamit.
"Neneng, anong ginagawa mo rito sa gitna ng gubat?" napapitlag ako nang marinig yung nagsalita habang inaayos ang mga gamit ko. nilingo ko siya.
Isang matanda, no, hindi pala mga nasa 40s lang siguro, pero dahil sa suot niyang mga lumang damit na halos parang basahan na at mga balbas niya na mahahaba ay nagmukha na siyang matanda. Matangkad siya at hindi ganon kalaki ang katawan. Medyo payat nga eh. Ang kinagulat ko ay ang hawak niyang itak.
Halos malanghap ko na lahat ng hangin sa lalim ng paghinga ko nang makita iyon. Pero bago ko ipakita sa kanya na natatakot ako ay sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at normal na kinausap siya.
Mabilis na inayos ang gamit at tumayo para makausap siya at mabilis lang gumalaw pag may ginawa siyang hindi kaaya-aya.
"ahh...naliligaw po kasi ako." natawa siya nang makita niyang patingin-tingin ako sa hawak niyang itak.
"pasensya na dito. Sakto lang kasi na mangangahoy ako tapos may narinig akong nagsalita banda rito kaya pinuntahan ko kaya kita nakita. Saan yung mga kasama mo? Mag-isa ka lang?" maayos naman na pakikipag-usap niya.
"mag-isa lang po ako. tsaka may pupuntahan sana akong sinasabi nilang village dito na malayo sa kabihasnan kaso diko alam yung daan." Ang tanga ko. ba't ko sinabing mag-isa lang ako. ganito talaga napapala pag sobrang honest eh, napapahamak.
"village? baka don sa amin. Wag kang umaakyat ng mag-isa sa bundok neneng lalo na at babae ka. Sa banda rito ay medyo ligtas pa kasi malapit pa lang ito sa kabihasnan at pinupuntahan pa ng mga tao at mga hikers. Pero pag napapalayo ka na rito ay maraming mga hayop diyan at hindi na alam ang posibleng panganib na mangyayari sayo."
Base on how he said those ay mukhang kabisado na niya ang gubat na 'to. Tsaka based on his tone ay maririnig mo ang totoong concern niya. This gives me the courage to trust him.
"salamat po sa payo. Ako po pala si Amara." Sabay abot sa kanya na kamay para magkipagkamayan. Kaso natawa lang siya habang tinitignan ang kamay ko. "tawagin mo na lang akong mang Toni, tsaka madumi kamay ko para makipagkamayan sayo."
"ganon ba. Malayo pa ba rito yung village niyo po?"
"malayo-layo pa, neneng. Kung gusto mo sumama ka na lang sakin para hindi ka maligaw."
I don't know if I can trust him fully. Tinitigan ko siya. Nakita niya siguro yung nag-aalanganin kong mga mata.
"naiintindihan ko kung ayaw mo. Pero ikaw ang bahala." He said at akmang aalis na.
Bahala na.
"wait!" tumigil siya.
"s-sama po ako." he smiled genuinely. Hindi ko alam kung totoo ba lahat ng pinapakita niya.
"tara na."
Tinulungan pa niya akong buhatin ang mga gamit ko. Yung itak na hawak niya kanina ay nilagay niya iyon don sa lagayan na nakatali sa bewang niya. Ako na itong nahihiya kasi another perwisyo na naman itong ginagawa ko. Araw-araw na lang ba.
Nagkuwentuhan kami habang naglalakad. Marami akong nalaman about sa kanya. Matagal na silang nabubuhay dito. May anak siyang isang batang lalaki na 10 years old. Namatay ang asawa niya dahil sa sakit na hindi nila kayang ipagamot dahil sa kapos sa pera. Tanging ang anak niya lang ang kasama niya sa bahay. Iniiwan niya mag-isa ang anak para mangahoy at maghanap ng pagkain, marunong naman ang bata sa mga gawaing bahay at alam na mga ginagawa.
I saw the happiness in his eyes habang nagkukuwento siya sa about sa anak niya. He's a proud and a loving father.
"nag-aaral po ba siya?" natanong ko bigla.
Umiling siya. "walang paaralan sa amin, neneng. Sariling sikap na lang sa pag-aaral, pagbabasa at pagsusulat. Gusto man naming bumaba ng bundok para mapag-aral ang mga anak namin, pero wala eh. Mas mahirap ang buhay sa sa mundong ginagalawan niyo. Maayos na dito kasi maraming mga libreng mga tanim at pagkain. Doon kasi sa inyo, lahat na lang nabibili. Sa amin, di namin kailangan ng pera kasi kontento na kami sa kung anong meron."
Napatango-tango ako. He had a point. Mahirap makipagsapalaran sa buhay. And hindi na nila kailangan na bumaba ng bundok para maghanap ng ibang matitirhan kasi for me, nasa healthy community na sila. Yung tipong walang nagpapayabangan ng status ng buhay. They help each other to survive at halata naman na hindi sila masyadong nahihirapan. Normal lang at nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw.
"ano nga pala sadya mo doon neneng at naglakas loob kang pumunta mag-isa." Tanong niya.
Pinaliwanag ko naman sa kanya lahat para naman aware siya kung anong gagawin ko sa tahimik nilang komyunidad.
Pagod na pagod na ako kakalakad pero hindi tiniis ko at sinabayan lang siya. Parang hindi siya napapagod eh.
"kaya mo pa ba, Neng?"
"kaya pa naman po. Malayo pa po ba?"
"tiniisin mo na lang muna, malapit na tayo. Natatanaw mo yang liwanag na yan." Tukoy niya dun sa liwanag na nakikita pag nalampasan na itong daan na napapalibutan ng mga puno.
"pag nalampasan na natin yan, matatanaw na natin yung payapang lugar namin." Parang siya pa ang excited na ipakita sa akin ang lugar nila.
Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalakad. nauuna na siyang naglakad sa akin. Samantalang ako ay nanginginig na ang tuhod sa sobrang pagod, tinitiis na lang. Nang makalabas sa mapunong daan at dahil nauuna siya sakin ng halos ilang metro. Oo malayo ako sa kanya kasi parang siya itong excited na makita ang sarili nilang na parang turista lang.
Tumigil muna ako sa paglalakad kasi hindi na kaya ng mga paa ko.
Pinapanood ko siyang nakatanaw sa malayo. Hindi ko pa kita ang buong bayan kasi nasisilaw ako sa liwanag na nagmumula sa araw at malayo pa ako doon. Pero si Mang Toni ay nandon na sa harap. Habang nagpapahinga ako ay nagulat na lang ako nang makitang biglang siya napaluhod.
What happened? Mas lalo akong nacurious nang nagsisigaw siya.
"anong nangyari! Bakit!?" paiyak na sigaw niya.
Natanggal lahat ng pagod ko dahil don kaya mabilis na tumakbo at nilapitan siya.
"bakit po." Alalang tanong ko. Hindi siya sumagot pero sinundan ko ang direksiyon na tinuro niya.
Tulad niya ay nanghina rin ang mga tuhod ko at napasalampak sa lupa.
Am I really witnessing this? the village I am planning to visit, tanging mga usok at sunog na mga bahay na lang ang nadatnan namin.
Anong nangyari? I may not part of this place but my tears slowly cascading on my cheeks. Parang kailan lang nang marinig ko ang mga magagandang storya about sa lugar na 'to. Kailan lang nung iniimagine ko kung gaano kaganda at kapayapa ang lugar na pinaghirapan kong puntahan, kung kailan excited pa ako hindi lang halata dahil sa sobrang pagod.
Saan yung mga nakatira? Are they still alive?
Bumaba kami ni Mang Toni at dumeretso agad sa bahay nila, medyo malayo ito sa mga bahayan na natupok ng apoy kaya hindi nasunogg.
"Mhelton! Mhelton! Mhelton, nasan ka!" sigaw ni Mang Toni hinahanap ang anak. Maliit lang ang bahay pero safe na iyon tirhan para isa kanilang dalawa. Patingin-tingin ako sa paligid na siyang pinagsisihan ko.
Halos kapusin ako ng hininga dahil sa mga nakita ko. Mga katawan ng tao na nababalutan ng dugo. Naglakad ako at napadpad sa area na puro dugo na lang ang makikita sa lupa. Napapasigaw na ako sa takot, kaba, at mga pinaghalong negatibo na emosiyon. Lahat na lang na madaanan ko ay puro mga katawan na wala nang buhay. May mga bata pa na nadamay. Mga halang ang kaluluwan ng may gawa nito!
"ahh!" mas lalo akong napasigaw nang may nagsalita sa likod ko.
"ayos! Swerte naman oh! May makinis na dalaga dito!" sigaw nang isa. Lima silang lahat na may mga hawak na baril at palakol. Nagtawanan sila habang pinapasadahan ng tingin ang katawan ko.
"mga hayop! Halos pinatay niyo lahat ng mga nakatira dito!"
Tumawa lang sila na parang hindi buhay ng tao ang kinuha nila.
"walang magagawa eh ayaw nilang umalis. Tsaka trabaho lang namin 'to utos lang ni mayor. HAHAHA!"
"bat mo sinabi bobo!"
"eh hindi rin naman yan makakatakas kaya hindi rin niya masusumbong sa mga pakialamerong pulis HAHAHA"
Utos ng mayor? Pinapalayas niya ang mga nakatira dito para kamkamin ang lupa? Bakit? Because this land has many natural resources!? And to the point of killing them all dahil ayaw nilang umalis sa lugar nila!
Gigil na gigil man sa galit pero alam wala akong magawa sa ganitong situation.
"you fucking animal! Ngayon pa lang nasusunog na ang kululuwa niyo sa impyerno!" gigil na sigaw ko kahit may halong takot para sa sarili.
Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako dito ng buhay. Nanginginig man ang buong katawan ay nagawa kong humakbang palikod nang nilapitan ako nung isang lalaki na nagsalita kanina.
Ma, pa...I don't know what to say. Pero kung sakali man na hindi ako makalabas ng buhay dito. Please give those people who died the justice they deserve. They are just living the peaceful life they only needed pero pinasok ng mga taong halang ang kululuwa. Nakontento sila sa pamumuhay nila rito pero may mga taong hindi talaga marunong makontento at kaya pang kumitil ng buhay just to get what they want.
I prepared myself nung makitang seryoso nang lumapit sa akin ang lalaki, ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakarinig ako ng sunod-sunod na baril at sigaw mula sa likod ko.
"mamatay na kayong lahat! Putangina!" si Mang Toni. Galit na galit na sumulpot sa likod ko at pinagbabaril yung isang lalaki.
"tumakbo ka na!" nagsimula na ang palitan nila ng bala. Pilit niya akong pinoprotekatahan at halos mabingi ang tenga ko sa kakasigaw niya na tumakbo na ako. Inagaw ang kamay ko at may nilagay doon. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko na nanginginig na. Bumuhos ang luha ko at tanging paghikbi ko lang nag lumalabas sa bibig ko.
"tumakbo ka na hanggat kaya mo! Isama mo si Mhelton! Ipangako mong kahit anong mangyari....take care of him please.." pasigaw na sabi niya, but his voice cracked sa huling salita na sinabi niya. Nagulat man nung nalaman kong he can speak fluently in english pero hindi ito ang tamang oras para doon.
Hindi ko man masabi ang salitang pangako na gusto niyang marinig pero tumango ako ng ilang beses para ipahayag sa kanya na hindi ko siya bibiguin. Halos itulak niya ako para paalisin para tumakbo na. Kaya nang makita niyang patakbo na ako ay hindi na siya nag-alanganin pang ialay ang sarili niya para lang makatakas ako ng walang tama ng baril.
I don't care if I die right now. Wala namang iiyak kung mamamatay ako eh. May parents? Eh parang wala nga silang anak na naghihintay palagi sa kanila. The only motivation I have right now to live because of there is a child I promised to take care of in exchange of my life.
Pumasok ako sa kubo nila, nandon si Mhelton na takot na nakupo at nakasiksik sa sulok habang niyayakap ang sarili. Nang makita ako ay tumayo siya, mas lalong bumuhos ang mga luha ko nang parang may hinahanap siya sa likuran ko. I'm sorry. I'm sorry, wala na ang tatay mo dahil sa akin. The only person na meron siya sana. He choose to sacrifice his own self para iligtas ako instead na pwede naman nila akong iwan na lang dito at tumakas silang dalawa.
"si tatay!?" umiling lang ako at alam kong nainitindihan niya iyon kaya sunod-sunod na bumuhos ang mga luha niya. hindi ko na pinatagal at hinila siya. Dumaan kami sa likod ng bahay nila at tinahak ang madamo at mapunong kagubatan. Someone is following us. Nakarinig kami ng balang humabol sa amin. Hanggang dito ba naman hindi nila kami palalagpasin. Oo nga pala, hindi pwedeng maleak sa batas ang kademonyohang ginagawa ng mayor. They need to kill me bago ko pa iyon masabi sa mga pulis.
Napatigil kami nang masabit sa isang matulis na sanga ang paa ni Mhelton kaya dumugo. Nang tignan ko ay may kalaliman iyon.
Masunurin siyang bata at alam niya ang mga ginagawa niya. Kaya imbes na humiyaw na pag-iyak, he tried not cover his mouth at tiniis ang sakit ng sugat na nararamdaman niya. Nagtago kami sa isang makapal na damo. Rinig na rinig ang yapak nang humahabol sa amin. Not until I realize na nasundan pala kami dahil sa dugong naikalat sa lupa.
"HAHAHA! Hindi kayo makakatakas kahit anong gawin niyo!" rinig naming siagw niya habang nagkakasa ng baril na papalapit sa amin. Hindi niya kami kita dahil makapal yung damo. He only believed na nandito kami dahil dito ang diretso ng dugong nakakalat sa lupa.
Niyakap ko ng mahigpit si Mhelton. I wanted to protect him they way his father protected me.
Is this really our end? Sa ganitong paraan ba ako mamamatay? Paano ko magagawa ang pangako ko kung mamamatay lang din naman kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top