Chapter 10


Nang umalis si ate para kumuna ng cake ay lumapit sa akin si Mark.

"pwede na ba akong umuwi?" alangain na tanong niya.

Tumawa ako.

"ubusin mo muna yan. Mukhang may importante ka pang gagawin ah." Pang-aasar ko.

Habang pinapanood siyang ubusin ang cake na pinakain sa kanya ni ate Merlin ay nagring ang phone ko na nakalapag sa table. Sabay kaming tumingin doon at nakitang si papa ang tumatawag. Nagpaalam muna ako sakanya na sasagutin lang yung tawag kaya he just give me an approve sign.

Pumunta akong living room bago sagutin.

"pa.."

"aren't you excited for us to go home?" tanong niya.

"pa, malayo pa ang december."

"Nah, Velin company is already saved. That's why we are here already in Manila." I was relieved to know that Velin was already saved. But them to be in the Manila already this fast make me feels nervous and excited. That mixed feelings.

I laugh and fake a sound that look like I am excited to see them.

"really? That's good! When will you come here?" tanong ko.

"I'm sorry sweetie, bu we can't go there. We just rush back here in the philippines to do some errand business. We'll fly to America this next 2 days." Yung ngiti na meron ako kanina ay napanis agad. Right, they are a business tycoon and I am just a product of their loved.

"oh..then take care parents to your non stop business trip." I said with a mix of sarcastic tone and a teasing one. He just laughed like I am joking.

"you too. Take care yourself there while we are away."

Then I hung up the call. Palagi naman. Bago pumasok ng kusina I prepared my self like normal. I smiled tsaka papunta nang kusina pero lumabas siya.

"pano ba yan kailangan ko nang umuwi." Pag papaalam niya.

Mabuti ngang umuwi na siya kasi di ko kayang magpanggap pa ng matagal na ayos lang ako. Pag umuwi siya ay magkukulong na naman ako sa kwarto.

Nagpaalam siya ulit at madilim na nang hinatid ko siya sa labas. Nang makaalis siya ay mabilis akong pumasok ng kwarto ko at doon binuhos lahat ng sama ng loob. i just cried and cried. Mas mabuti nang ilabas lahat kaysa sa umabot pa sa punto na makapag-isip ng masama. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng walang kain sa gabing iyon. Gumising na lang ako ng alas dose na kumakalam ang tiyan. Habang pababa ng hagdan ay nag s-scroll ako sa facebook. Binuksan ko ang ilaw sa kusina at naghalungkat ng makakain sa ref. Kaso nang mapansin na may mga nakalagay sa lamesa tas nacover-an ay nilapitan ko iyon. Nang buksan ay pagkain pala na niluto siguro ni ate kaso hindi na ako bumaba para kumain. Kumuha ako ng plato at spoon saka nagsandok. Ganito pala pakiramdam ng sobrang gutom. Yung halos nanginginig ka na. Malamig naman dahil sa aircon pero pakiramdam ko pinagpapawisan pa rin ako.

Bago ako sumubo ay nakita ko pa ang 1minute ago post ni Hanimark sa facebook. Gising pa siya?

his post is about some plants I don't know. Anong alam ko diyan. Hindi naman kasi nilagyan ng caption man lang. tsk, parang ang tanda na kung magpost eh.

Kaya nakaisip ako ng ideya. Pinicturan ko ang kinakain ko at pinost with a caption. 'gutom lang pala 'to kaya ako nahihilo at nanginginig. Dinner @midnight'

Nagulat ako nang may nagreact agad. Pero pagtingin ko ay hindi ko naman kilala. Halos isubo ko na ng buo yung kutsara kasi akala ko siya na yun. Kaso iba pala gustong mangyari ng tadhana. nag chat siya.

[you're still awake?]

Napangiti ako habang nakasubo ang kutsara sa bibig ko at nagreply.

[kagigising ko. nagising ako sa gutom. Nakalimutan kong kumain bago matulog, ang aga ko pa natulog.] nilagyan ko pa ng emoji na naiiyak.

Sineen niya lang at hindi na nagreply. Pagalit na tinapon ko ang phone sa lamesa.

"tsk. Ang boring naman niya kachat." Bulong-bulong ko at hindi na namalayan ang malalaking subo na ginawa ko.

Nasobrahan ko yata kaya sumakit naman ang tiyan ko sa dami ng kinain kaya napatakbo ako sa cr. Grabeng buhay 'to. Kung makikita niyo lang itsura ko, sobrang haggard na. Para akong kakatapos lang manganak na hirap na hirap umakyat sa hagdan papuntang kwarto. Nang makarating ay saka ko lang naalala na nakalimutan ko pa ang phone ko. boset.

Pagod na humiga ako sa kama. Muling natulog at hindi naman ako nahirapan. Paggising ko ay umaga na siyempre. At dahil wala kaming pasok, I mean hindi kami magmemeet kasi busy lahat ng mga instructor dahil sa pagdalo ng professional regulatory board of psychology ay nag prepare sila para iwelcome sila. Kaya kami ay pa mekus mekus lang. pero akala niyo lang iyon kasi may gagawin akong case study. Yung balak ko sana na pumuntang pasig ay hindi ko na itutuloy. May iba akong target.

Muli ko kasing kinulit si Aaron about don sa village na nakita nila na yung anak raw ng mabuting tao na nagpatuloy sa kanila ay may down syndrome. Ang problema wala akong kasamang muling umakyat ulit ng bundok. Si Hani sana kaso parang ang busy niya lately. Si Mark naman eh hindi rin pwede kasi nakaka-ewan na. We decided to be just a friend pero ang awkward pa rin kung siya yayayain kong sasama sa akin.

Pumasok pa rin ako ng school kahit walang klase para tumambay sa libray. Siyempre hawak-hawak ang aking laptop na nakalagay sa bag. Pagpasok ko sa library, nandon na naman sila. Ano bayan, kung hindi sa laboratory dito naman sa library. Ewan pero imbes na dumeretso doon ay kumaliwa ako at pumasok sa isang room na puro mga researches at articles ang laman. Malawak din dito at konti lang tao. I spend my time here hanggang sa napagdesisyunan kong hanapin si Hani at subukan pa rin na yayain siya if wala siyang ginagawa.

Paglabas ko ng library ay saktong nasa labas siya. Kaso nga lang ay kasama si Ashley. Silang dalawa lang at may kausap sa phone.

"don't worry tita, I'll take care of her here." Rinig kong sabi ni Hanimark don sa kausap nila sa phone.

Ngiting-ngiti naman na hinila ni Asheley yung kamay ni Hanimark na nakahawak sa phone at nagsalita.

"mommy, wag mo naman masyadong bigyan ng responsebilidad si Hani. He's too busy here and I understand that. It's okay for me." Pabebeng sabi niya.

Binigay ni Hani sa kanya yung phone at seryosong namulsa habang naka'y Ashley ang atensiyon niya na kausap ang mommy niya. looks like he's thinking too deep, sa mga matang iyon ay parang may iniisip siyang iba pero kay Ashely ang tingin.

Anong connection nila sa isa't-isa ay? Para silang may malalim na koneksiyon pero bakit nung magkakasama kami ay parang hindi naman sila close. Parang hindi rin sila magkakilala, yung tipong nagkakilala lang sila kasi magclassmates sila. Huminga ako nang malalim at naglakas loob na lumapit pa rin sa kanya. umalis na si Ashely habang hawak yung phone niya kasi kausap pa niya roon ang mama niya. mag-isa na siya nang lumapit ako. nakatitig sa kawalan.

"hey!" bungad ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin na parang wala lang. like I am not a worthy person na pansinin. Nadismaya man pero sinubukan ko parin siyang kausapin at pasiglahin ang boses katulad ng mga previous times na kasama at kausap ko siya.

"are you busy this week?" tanong ko na malawak ang ngiti. Para akong tanga don na nagbeautiful eyes pa habang nakatitig sa kanysa. He's looking at me too pero gaya nga ng sabi ko, para lang akong isang tao na hindi niya dapat binibigyan ng pansin pero ako itong pilit na lumalapit.

"why?"he asked in a nonchalant tone.

"babalik sana ako ng bundok para tignan yung sinasabi ni Aaron na maliit na village don. Just have to conduct a field study."

Tumigil ako at hinintay siyang magsalita kung anong masasabi niya ron. Kaso mukhang hinihintay niya rin ang sasabihin ko kaya hindi na ako nagpaligay-ligoy pa.

"And kailangan ko ng kasama sana, tapos ikaw yung naisip ko hehe."

"I can't. just look for another person. I have some important matters to do with Ashley." He said coldy at umalis sa harap ko para sundan yung pinuntahan ni Ashley.

Natulala ako sa kinatatayuan ko. hindi ko alam kung tatawa ako o iiyak. But in this moment mas magandang tumawa na lang. I just felt rejected, pero wtf? Hindi naman ako nagconfess ah. Nanghingi lang ako ng pabor, pabor na una pa lang ay alam ko namang hindi pwede pero sinubukan ko parin. And if hindi niya gusto then it is understandable naman kasi busy siya, isa pa, masyadong malaki ang pabor na hinihingi ko. he's a busy person para yayain kong umakyat ng bundok, anong gagawin niya ron? Maging alalay ko? I think of every possible reason para igaslight ang sarili ko. bakit nga ba ako nasasaktan? Why do I felt like rejected kung simula pa lang ay purely platonic friendship lang naman ang meron kami.

But the thoughts that he and Ashley have a more deeper connection than us is really bothering me. Kasi akala ko, meron parin yung mas matimbang sa aming dalawa, akala ko ako yun, akala ko mas malalim ang friendship na nabuo namin kesa sa kanila ni Ashley.

Ngumiti na lang ako ng pilit at pinunasan ang namumuong luha sa mata ko. I was raised to be alone anyway, hindi ko kailangan ng kasama palagi. I ain't be the independent woman na nabubuhay sa sariling pera at hindi umaasa sa parents niya, but I can be the woman who don't need a moral support of others, I only have to rely on myself about this.

Gabi na yun nang naghanda ako ng mga gagamitin kong umakyat ng bundok mag-isa kinabukasan. Siyempre para hindi ako maligaw ay kumuha ako ng compass at tracker. Tinext ko rin si Aaron para pa sa ibang mga possible na gagamitin pag nasa bundok na. siya na lang kasi maasahan ko ngayon. Hindi naman siya nagtanong nang nagtanong kaya hindi ako nahirapan na ipaliwanag sa kanya. I packed everything I need. Medyo mabigat man pero kaya pa naman. Meron naman yung sinasabi nilang pahinga pag pagod na.

Halos one week wala kaming klase, some instructors is still busy and some just gave us an activity to do. Kaya heto ako, isang mabuting studyante na mag c-c-onduct ng field study na totoo imbes na pwede namang doctorin na lang hahaha. Alam ko namang yung iba eh dinoctor lang nila at mga fake pictures nilagay for documentation, yung iba naman ay sa sped sila pumunta. While me, heto nagpapakabayani.

Alas singko pa lang ng madaling araw ay nagpahatid na ako kay monong Efren dito sa bungad ng kakahuyan. Hindi naman ito yung klase na forest na may mga wild animals. Safe naman siya, ang problema dito ay yung mga plants na pag nahawakan ko eh talaga namang kakati buong katawan mo.

Nag excersice at nag unat muna ng katawan. Pagkatapos nag lakas loob na mag-isang pinasok ang tahimik na gubat. Tanging mga huni lamang ng mga ibo at mga pagkaskas ng mga dahon ang naririnig. Medyo may kadiliman pa kasi 5:30 pa lang. wala yung araw, but nakikita naman na yung daan.

Hindi pa yata ako nakakalayo ay nagpahinga at naupo muna don sa isang bato. Grabe, ano ba 'tong gingawa ko? ganito na ba ako kabored sa buhay at nag o-outing ako mag-isa dito sa gitna ng kakahuyan. Ilang minuto pa ay muli akong naglakad.

May time man na gusto kong makaramdam ng takot pero tinatatagan ko ang loob ko. This is not the time para maghallucinate ka ng kung ano-ano, Amara! Hindi muna ako masyadong tumingin sa paligid at sinundan lang ang maliit na tracker na binigay ni Aaron.

Natapilok ako at nabitawan ang tracker na hawak ko. Ang malaking problema ay nahulog pa ito don sa isang bangin. Halos napapikit na lang at napadasal kasi hindi ko ito napansin bago matapilok. Nagpasalamat na hindi ako nahulog don kasi konti na lang ay mahuhulog na ako. Nanginginig ang mga tuhod na tumayo at nanlulumong inisip kung ano na ang gagawin ko pag wala na yung tracker. Lumayo ako sa bangin at naupo na lang muna doon sa malaking ugat ng isang malaking punong kahoy kasi medyo malayo sa bangin. Frustrated na napatampal ako sa aking mukha. Nang maalala na meron pa pala akong compass ay mabilis ko yun hinalungkat sa bag. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top