Chapter5 Ang Hamon sa Buhay

Tatay: O anak, itong Tiya mo pala ay magiging nanay mo na simula ngayon.

(Biglang nagulat si Glenda sa sinabi ng kanyang ama)

Glenda: Pero Tay.....
Tatay: Wala ng pero pero! Basta Nanay na ang tawag mo sa kanya kahit kapatid siya ng Nanay mo,dahil dito narin siya titira mula ngayon. Kaya huwag kang magpasaway ha?
Glenda: Tay naman!
Tatay: Sige kumain kana at magpahinga.

(At dali-daling pumasok sa kuwarto at kinuha ang litrato ng Ina sa kanyang wallet)

Glenda: Nay, miss na miss na po kita. Sana ay ligtas at payapa na po kayo diyan sa langit.
Pinapangako ko nay, mag-aaral po ako ng mabuti at aabutin ko lahat ng nga pangarap ko para saiyo.

(Classroom)

Emong: Hi Glenda? Good morning!
Glenda: Hello! Good morning din sayo Emong.

(Sabay ngiti ni Glenda)

Emong: Pwedi ba akong man......
Lucille: Hi guys! Wala paba si Ma'am?

"Oo" (sabay na sagot ng dalawa)

Emong: Ayos! Sabay tayo ah?
Glenda: Kaya nga eh. Hahaha!

(Recess)

Emong: Glenda, pupunta ka ng canteen?
Glenda: Oo, bakit?
Emong: Tara! Sabay tayo.

(Canteen)
Glenda: Ate heto po ang bayad.
Emong: Huwag na, ako na. Heto ang po bayad Ate.
Glenda: Oy wag na! Nakakahiya naman.
Emong: Okay lang. Ano ka ba! Diba friends na tayo?
Glenda: Ayy, Oo naman.
Lucille: Oy, ang sweet niyo ah?

(Sabay tawa ng dalawa)

*Sa bahay*

Tiya: Glenda, kakausapin ka raw ng tatay mo. Punta ka sa kusina.
Glenda: Ah sige po!

(Kusina)

Tatay: Glenda, magdadalawang linggo ng buntis na ang tiya mo. Kaya di na kita mapag-aral at mapakain pa ng maayos. Kung pwedi tumigil kana muna sa pag-aaral bumalik ka nalang sa susunod na taon. Kasi di na kita masusuportahan pa.
Glenda: Ayoko po Tay! Mag-aaral parin po ako. Ipagpapatuloy ko po ang pagbebenta ng mga gulay sa school pambili ng bigas at ulam natin.
Tatay: Glenda, alam mo namang hindi sapat ang kinikita mo sa pagbebenta ng mga gulay sa mga gastusin natin dito sa bahay at bayarin sa paaralan mo ah?
Kaya kung ako sa'yo titigil na ako sa pag-aaral.

(Nang marinig ang mga salitang iyon ay naramdaman niyang tila bang inalisan siya ng karapatang magkaroon ng edukasyon.)😥

Glenda: Sige po, pag-iisipan ko pa po Tay.
Tatay: O humanap ka nalang kaya ng mapapangasawa para may magpaaral sa'yo.

Arturo: Pre ano, pustahan na naman tayo?
Santos: Sige ba!

Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang mga kwento ko?
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonLarongFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top