Chapter2 Ang Pangarap
(Sa ilog)
Lucille: Glenda, hinog na ang mga bayabas oh.
Mamitas tayo! Diba favorite mo yan?
Glenda: Oo naman siyempre, Sige Tara!
Lucille: Oy! Ang daming hinog. Ang sasarap naman!
Glen,pangarap mo parin bang maging guro hanggang ngayon?
Glenda: Oo naman bes. Gusto ko rin kasing turuan ang mga bata gaya ng ginagawa ni Mrs. Rivera.
(At may biglang dumaan na mga lalake.)
Lucille: Oy! Sina Arturo.
Arturo: Hi Glenda,kamusta kana?
Lucille: Hoy! Wag mo ngang makamusta kamusta itong kaibigan ko. Tsaka mag-aral ka nalang kaya para naman mabawas-bawasan narin ang mga tambay dito sa lugar natin.
Arturo: Nga pala Glenda, si Santos pala kaibigan ko.
19 years old palang yan baka iniisip mong 20 yrs old na yan.
(Sabay tawa)
Santos: Hi sayo Glenda? Pwedi bang manligaw?
Glenda: Kamusta rin, pasensya na pero di pwedi eh. Mayroon na kasi akong nagugustuhan eh.
Santos: Ah gano'n ba?
Lucille: O,narinig niyo? Alis na!
Santos: Sige,maghihintay ako ah?
Sige alis na kami.
(Habang pauwi ng bahay)
Lucille: Glenda, sino ba yung natitipuhan mo na?
Glenda: Uhm.... Nahihiya ako eh.
Lucille: Ba't naman? Eh tayo lang ang nandito eh.
Glenda: Sige sabihin ko na nga.
Si...Emmanuel o mas kilalang Emong. Yung tahimik at bago nating kaklase.
Lucille: Ah okay! Well,mabait at matalino naman siya. Pwedi narin yon!
Ayy oo nga may kaguwapuhan rin. Hehe!
(Sabay ngiti)
Glenda: True! Kaya ko nga siya nagustuhan eh. Pero since mga bata pa lang tayo ang pag-aaral muna ang dapat mating isipin sa ngayon.
Lucille: Tama ka dyan bes!
Glenda: Tara! Uwi na tayo. Baka kasi hinahanap na ako ni Tatay.
Lucille: Sige! Tara na bes.
Hi saiyo!😊
Nagustuhan mo ba ang mga kwento ko?
Pwedi ka ring magfollow sa fb account ko @RhonLarongFebrero at
magsubscribe sa yt channel ko @Nhel195 para sa mga updates.Salamat!😊💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top