ANIME ADDICT

Chapter Eight

CROSS POV

Nandito ako ngayon sa aking condo dahil manonood ako ng aking paboritong anime,  oo in a amin ko isa akong anime addict.

Magsisimula na sana ako sa aking panonood ng mapalingon ako sa stock box ng mga junk foods ko pero sa kasamaang palad naubusan na papa ako ng stocks.

Haixt!  Kailangan ko munang lumabas at mamili sa pinakamalapit na convinience store dahil mas masarap manood habang may kinakaen diba hahaha.

Napakahassle naman kung gagamit pa ako ng kotse para lang mamili ng pang stock kong junk foods saying lang ang gas mahal pa naman ang kada litro ngayon dahil panay panay ang ginagawa nilang pagtataas yung professor lang yata naming penguin ang hindi nataas eh hahaha.

Agad agad kong  kinuha ang wallet ko at lumabas sa aking condo.

Nang makalabas na ako ng building nagsimula na akong  maglakad papunta sa convenience store, mga limampung kembot sabay split lang naman yun pero hindi ko yun gagawin bukod sa nakakahiya na hindi din ako marunong mag-split.

Habang naglalakad ako ay may mararamdaman akong tila ba may sumusunod sa akin pero ng lumingon ako wala namang katao tao sa asking likuran baka naman namamalik-mata lang ako,  konting hakbang na lang at nandoon na ako sa convenience store ng bigla akong nakaramdam ng panghihina at pagkaantok.

Hanggang sa it turns to all black.....

MALA POV

Nagtatumbling ako habang nagiisplit pauwi ng tiyempong nakita ko si Cross at mukhang may pupuntahan siya kaya naman dahil sa likas na intrimitida at pakielamera ang inyong lingkod sinundan ko siya ng palihim.

Mukhang nakakaramdam siya ah    sabi ko sa aking sarili kaya naman ng lumingon siya dali dali along nagtago sa isang parte ng kalsada na napakadilim at dun ko sinimulang banggitin ang mahiwagang orasyon, hindi ko na lang ito idedetalye pa king among klaseng orasyon yun  baka gayahin ninyo pa at gamitin sa crush nyo hahahaha.

Nang matapos ko na ang orasyon dahan dahan ko itong hinipan na para bang nagpaflying kiss papunta sa pwesto ni Cross.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas ng mapansin kong tumatalab na yung ginawa kong orasyon dahil mukhang nanghihina na siya.

Ilang sandali pa ang aking hinintay bago siya tuluyang bumagsak at saka dali dali ko siyang nilapitan para buhatin sabay bulong sa kanya ng paalam na Cross kita na lang tayo sa kabilang buhay sabay tawa with matching hawak sa tiyan na parang nalipasan ng gutom.

Hahahahaha




------------------------------------------------------

Here na guys ang ikawalong installment ng kwentong isinulat ko hehehe.

Siguro pagsinipag ako magtype mamaya baka bukas maipost no na ang susunod na kabanata.

MIDNIGHT0019

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top