9/ Lunatics Series #1: Anxious

Hi, everyone! Welcome back to The First Three! It's been a while but here goes the last two stories I am going to review for our first batch of stories!

This one is a review for AngelaGamayon's Lunatic Series #1: Anxious!

The first three parts of the story that will be featured here are Prologue, Chapter 1 and Chapter 02.

PROLOGUE

* Just like what I keep saying in my previous reviews, authors should be able to discern the purpose of a prologue in a story. Para sa istorya na ito, masasabi ko na automatic ay Chapter 1 na dapat ito at hindi Prologue dahil hindi nito nase-serve ang purpose ng prologue sa isang nobela, as per masterclass.com:

A prologue is a piece of writing found at the beginning of a literary work, before the first chapter and separate from the main story. The definition of prologue introduce important information—such as background details, or characters—that have some connection to the main story, but whose relevance is not immediately obvious.

Dito sa 'Anxious,' maayos namang naitawid ang pagkakasulat sa Prologue. Konektado ang nilalaman nito sa istorya pero hiwalay ang eksena sa magiging kaganapan sa Chapter 1. I also believe na may pinapahiwatig ito na mensahe na magiging relevant sa kalagitnaan ng kwento kaya good job!

*Although na-convey ng maayos ang purpose ng isang Prologue dito, kailangang pag-aralan nang mabuti ng author ang technicalities sa pagsusulat. Ito ang ilan sa mga napuna ko na needed ng improvement:

- Grammar (lalo na ang paggamit ng 'ng' at 'nang')

- Wastong paggamit ng mga bantas at capitalization.

++ Halimbawa: 'I am, Empty.' ay dapat gawing 'I am empty.'

- Contrasting phrases

++ Halimbawa: 'My heartbeat is still fast but I don't feel anything.'

(Contrasting ito dahil ang heartbeat ay nararamdaman, pagkatapos, sasabihin ng karakter na wala siyang nararamdaman. This can be reworded para magkaroon ng harmony ang mga kataga at hindi nila kinokontra ang isa't isa.)

*Isa rin sa mga concern ko ay ang titulo ng kwento. Kahit tatlong chapters pa lang ang nababasa ko rito, nakikinita ko na tatalakayin sa nobelang ito ang tungkol sa mental condition na 'anxiety.' Gusto ko lang bigyan ng paalala ang author na mag-research nang mabuti ukol sa topic na ito. Ini-demonstrate kasi rito sa Prologue kung paano atakehin ng 'anxiety' ang female lead, but it wasn't made clear that we experience 'anxiety' differently. Maganda sanang maklaro ito para hindi makapagbigay ng maling impression na kung ano ang dinanas ni Kristine ay iyon lang ang valid na katibayan na may 'anxiety' ang isang tao.

Hindi rin appropriate pagdikitin ang katagang 'Lunatic' (which means 'crazy' o 'baliw') sa katagang 'Anxious' o 'anxiety.' This might give the wrong impression (about) and be disrespectful for people who go through anxiety (which the lead character K'ristine' is going to represent).

CHAPTER 1

*Katulad ng komento ko sa Prologue, mainam na i-improve ng author ang technicality sa pagsusulat. Mahalaga na maayos tayo sa teknikal na aspeto ng pagsusulat (teknikal = tamang grammar, spelling, punctuation, capitalization, etc.) kasi pinapadali nito para sa mga reader ang pagbasa at pag-unawa sa kung ano ang mensahe na nais iparating ng author sa kwento.

Ilan sa mga dapat iwasto ay ang mga sumusunod:

-Grammar: 'Nothing will see except webs and spiders at the corners.' na dapat ay 'Nothing can be seen at the corner of the ceiling except a web with some spiders.'

-Spelling: 'Nitatamad' na dapat ay 'Tinatamad.'

- Redundancy: 'Its still 3:45 am. Madaling araw na madaling araw.' na redundant dahil obvious nang madaling araw na kapag 3:45 am na ang oras. Maaaring gawing 'It's already 3:45 am.' o 'Madaling araw na.' ang phrase na ito.

*Karamihan din sa mga na-review ko na istorya ay may problema pagdating sa consistency. Nangyayari ang inconsistency kapag may sinulat si Author na kinokontra o kabaligtaran ng mga sumunod niyang isinulat. Ito ang mga nakita kong inconsistencies sa Chapter 1:

First statement: I would be in school right now but my body is not moving.

Following statement: I lazily pick up my phone just to check the time. Its still 3:45 am.

-Makikita na agad dito kung ano ang inconsistency. Ayon kay Kristine, dapat ay nasa school na siya sa mga oras na naganap ang eksena. Pero naganap ang eksena sa oras na 3:45 am—hindi normal na oras ito para sa pagbubukas ng paaralan o pagsisimula ng klase.

First statement: I lazily pick up my phone just to check the time. Its still 3:45 am.

Following statement: Astrid: papasok ka ba bukas?

-Inconsistent ito dahil alas-tres na ng madaling araw nang mag-usap sila sa chat. Ang dapat na sinabi ni Astrid ay 'papasok ka ba mamaya?' imbes na 'bukas.'

First statement: Astrid: ...di naman sila nagtuturo.

Following statement: Me: ...Hingiin mo nalang yung mga lecture kina Badge.

-Inconsistent ito dahil magkasalungat ang mga statement nila. Napagkasunduan kasi nila ni Astrid na huwag pumasok sa school. Idinahilan ni Astrid na hindi naman kasi nagtuturo ang kanilang teacher at sumang-ayon doon si Kristine. Pero ang hindi tumutugma rito ay manghihiram sila ng lecture notes kay Badge. Dahil kung hindi pala nagtuturo ang teacher nila, bakit umaasa sila na magkakaroon ng lecture notes si Badge kung wala namang itinuro o ini-lecture sa klase?

First statement: Bakit kasi sa private ka pa pumasok, Tin!

Reklamo ito ng nanay ni Kristine, na dahil nag-aaral siya sa private school ay wala itong maibigay na pambaon sa kanya. Inconsistent kasi, capable si Kristine magkaroon ng cell phone at magkaroon ng pang-load para may mobile data connection siya na gamit sa pagcha-chat kay Astrid. Inconsistent din ito sa common sense na makaka-enroll lang naman si Kristine sa isang private school kung may approval ng magulang niya dahil may mga waiver at paperworks na involved sa proseso ng page-enroll. At dahil private school ito, malamang na mas mahigpit ang regulations pagdating sa enrollment. Kaya paanong wala sa kontrol ng nanay ni Kristine kung saan siya pag-aaralin?

* Nabanggit din sa Chapter 1 nang ilang beses si Tito Andy pero hindi nilinaw sa mga ito kung ano ang role niya sa buhay ni Kristine. Si Tito Andy ba ay stepfather niya? Kapatid ba ito ng kanyang nanay? Kapatid ba ito ng kanyang tatay? Bakit nakatira sila kasama ito sa ilalim ng iisang bubong? Importante na sa unang banggit sa isang karakter ay mabigyan ng kaunting introduction kung ano ang papel nito sa kwento tulad ng ginawa ng author nang mabanggit sa kabanatang ito ang kapatid ni Kristine:

Pagkalabas ko ay naabutan ko si Aly, ang kapatid ko.

But to be honest, medyo kulang din sa detalye ang introduction kay Aly. It would be better if it will be described how she looked like o kung mas matanda si Aly o mas bata kay Kristine.

CHAPTER 02

*In this chapter, Dino (Kristine's boyfriend) is introduced. Thankfully, may na-provide na description kung ano ang hitsura niya kahit medyo misteryo pa rin sa akin as a reader kung ano ang hitsura ni Kristine, Astrid at Aly (mga karakter na nauna kay Dino i-mention sa kwento).

Tulad ng nabanggit ko kanina lang, need ng author mag-provide ng detalye tungkol sa kanyang mga karakter. Nabanggit dito na mas matanda si Dino kay Kristine ng isang taon lang, pero hindi convincing ang statement na ito dahil kulang sa detalye.

Inconsistency #1:

...he's older than me. Isang taon lang naman.

At dahil may issue pagdating sa consistency ang kwento, mas lalong hindi magiging convincing na isang taon lang ang agwat ng edad nina Kristine at Dino dahil sa statement na ito:

"Sige ah. Mga bata pa ah. Bata pa ah. Sige talaga. Kapag ikaw napag-alaman kong may pinopormahan sa magiging student mo sasapakin talaga kita."

Base sa wording ng dialogue sa taas, parang ipinapahiwatig ni Kristine na pumapatol si Dino sa mga mas bata sa kanya ng maraming taon at may conviction siya sa pagbabanta niyang iyon dahil isa sa mga patotoo sa mga sinabi niya ang relationship nila mismo ni Dino. The author should examine this part of the story very well.

Ito pa ang ilan sa mga inconsistencies sa Chapter 02:

Inconsistency #2:

Ayoko sanang pumunta sa mga lugar kung saan siya o kung saan sko siya maalala.

Sinabi ito ni Kristine tungkol sa kanyang namayapang lola. Nang malaman niyang tuwing weekend ay mag-i-stay siya sa Calumpit ay naisip niyang ayaw niyang pumunta roon dahil maalala niya ang kanyang lola. Inconsistent ito sa naunang statement sa chapter na nagpapaalam siya kay Dino na lilipat na siya sa Calumpit simula ng vacation season dahil baka roon na siya pag-aralin, kasi kung pumayag na siyang mag-aaral sa Calumpit, ibig sabihin ay kaya na niyang manirahan sa lugar kung saan maaalala niya ang namayapa niyang lola.

Inconsistency #3:

"Bakit antahimik mo yata ngayon?"

Ang dialogue sa itaas ay tanong ni Dino kay Kristine pagkatapos na pagkatapos niyang magkwento rito na baka sa Calumpit na siya magpatuloy ng pag-aaral. Inconsistent kasi katatapos lang niyang magsalita. Pero understood naman na ang nais ipaphiwatig ng author ay natahimik saglit si Kristine dahil niyakap niya si Dino at pinakinggan ang pintig ng puso nito.

This could be rewritten like this: "Bakit natahimik ka bigla?"

*May isa pang problema sa statement na nabanggit ko kanina. Ito kasi ang palitan ng dialogue:

"Tapos mag-aalaga tayo ng kapatid ni Fender. Siguro si Lucifer naman yung isang pusang aampunin natin tapos yung isa naman ay si Caramel."

"Oo, hingi tayo kay Badge ng mga pusa pa." tumingin ako sa kanya. "Ikaw siguro non ay isa ng prof sa university dito satin. Math ang subject. Sige ah. Mga bata pa ah. Bata pa ah. Sige talaga. Kapag ikaw napag-alaman kong may pinopormahan sa magiging student mo sasapakin talaga kita."

Ang naka-bold letters na parte ng dialogue ay ang problema sa palitan ng dialogue. Kung babasahin ang mga ito, parang bigla lang naisingit sa usapan ang tungkol sa pagiging teacher ni Dino dahil mga pusa ang topic. Out of the blue na nabanggit ng character at hindi connected sa sinabi ni Dino na mag-aampon sila ng marami pang pusa. Hindi rin connected sa pagiging prof niya sa hinaharap sa isang university kahit na doon pilit ikinokonekta ng author ang parte ng dialogue na ito.

Masosolusyunan ito sa pamamagitan ng pag-rewrite nito o pag-rearrange (paglipat sa pwesto ng naka-bold letters na parte ng dialogue).

*Regarding sa context ng chapter na ito, sa tingin ko ay hindi na-maximize ang eksena na ito para maikonekta sa tema ng kwento. Ikinukwento na ni Kristine kay Dino na posibleng sa Calumpit na siya manirahan... na magkakahiwalay na silang dalawa! This could have been the perfect moment para magpakita siya ng signs of anxiety dahil sa Calumpit nakatira ang mga kamag-anak niya na minamaliit siya at ginagawang utusan. Mahihiwalay pa siya sa nanay niya at kay Dino. The author should take advantage of scenes where she can subtly demonstrate her character's personality para kapag dumating na sa parte ng nobela na ire-reveal ang kondisyon nito ay mapapa-flashback ang reader sa mga nabasa nitong previous chapters at maikokone-konekta lahat ng naganap. Once ma-connect the dots ng reader ang mga simpleng eksena na ganito, they will find themselves agreeing na totoo ang ini-reveal na sikreto tungkol sa karakter.

***

SUMMARY:

Overall, Lunatic Series #1: Anxious has a promising theme. I really think, the story is well-intentioned and targeted toward teens. For me it is nice for the writer to consider creating a story that will make teens who go through serious issues feel understood. The author's aim would be easy to execute because the setting of the story and its characters fit her target readers--marunong pumili ang author ng karakter at setting na magbe-blend sa concept/plot ng kanyang sinusulat na kwento.

***

CONCLUSION:

I hope we all learned the following from this review:

-Maximize scenes where you can showcase your character's personality and/or strengths and weaknesses.

-Consistency gives harmony to your story. Make sure na hindi kinokontra ng mga dialogues o narration ang iba pang parte at detalye ng kwento para hindi malito ang readers.

-Huwag mahihiyang maglahad ng detalye tungkol sa mga setting at karakter sa istorya.

- Mahalaga na maayos tayo sa teknikal na aspeto ng pagsusulat (teknikal = tamang grammar, spelling, punctuation, capitalization, etc.) kasi pinapadali nito para sa mga reader ang pagbasa at pag-unawa sa kung ano ang mensahe na nais iparating ng author sa kwento.

-Hindi sapat ang mabuting intensiyon at magandang tema sa isang istorya. Kailangan na maayos mairepresenta ang mensahe, karakter, at kwento na nais ipabasa lalo na kung sensitibong tema ang involved dito (tulad ng anxiety disorder).

***

LEARN FROM THE AUTHOR:

-When you know who your target audience is, you will be able to craft a character, theme, setting, and story that is relatable to them.

***

Had some realizations about writing that is not mentioned on my list? Have questions?

Comment here!

Interested with AngelaGamayon 's stories?

Follow the author

AngelaGamayon

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top