Wakas
Pitong taon
Parehong pakiramdam ang nanuot sa akin sa muli kong pag mulat. Pinagmasdan kong maigi nang dahan-dahan ang kabuuan ng lugar kung nasaan ako ngayon. Kumpara kahapon ay nasa isang normal na hospital room ako, based sa aking nakikita, tanging dextrose na lamang ang natitirang tubong nakakabit sa akin, nawala na ang mga aparatong kahapon lamang ay nakakabit pa, o... kahapon nga lang ba ang mga iyon?
"Good morning, gising ka na pala ulit. Tatawagin ko lang muna si Doc." she said and flashed a sweet smile.
"Hmm, e-excuse me."
Napabaling s'ya sa bigla kong pagsasalita, "Ano po iyon?"
"Si Aries?"
Kumunot ang noo niya sa akin.
May mali ba sa aking tanong?
"Aries? Ah... may isa po kaming pasyente rito na Aries ang pangalan. Madi-discharge na po s'ya mamaya." wika niya.
Kung ganoon ay hindi iyon panaginip. Andito si Aries at buhay siya. Ang tangi lang na gumugulo sa akin ay ang araw na una akong nagising.
Pero hindi ko na dapat iyon intindihin gayong buhay si Aries.
"Hindi niya ba ako bibisitahin dito?" magiliw ang aking boses sa pagbigkas ng aking katanungan.
Napakurap kurap s'ya sa akin na tilay ba may mali na naman sa aking itinanong. Para bang ang bawat tanong na aking ibabato sa kan'ya kakaiba at walang tuturan.
"Kaano ano n'yo ba si Aries? Matanong ko lang po," mejo awkward na ang kanyang boses bago pinasadahan ng tingin ang dalang clipboard kung nasaan siguro ang mga record ng pasyente naka assign sa kan'ya.
"Fiannce k-ko s'ya. Hmm... pakisabi naman bisitahin nya ako o baka pwede na ako ang bumisita sa kanya? Halika, samahan mo ako." I smile to ease the tension I'm feeling.
I tried to move para makaalis sa kama, inabot ko ang dextrose upang maisama ito sa aking pag alis.
"Si Ma'am naman, ang tanda na po nitong Aries na ito para sa inyo." saad niya habang may kinakapa sa kan'yang bulsa. "Sabagay po, kung hindi naman kayo na coma ng pitong taon, baka po... okay lang ang age gap n'yo. Pero kahit na, senior na nga po ata si Sir Aries e,"
Pitong taon?
Na coma ako ng pitong taon?
Gusto ko magsalita pero parang umurong ang dila ko at walang akong mahagilap na mga salita upang sabihin.
Napatingin ako sa kan'ya noong abutan niya ako ng isang maliit na salamin.
Namilog ang mata ko ng makita halos hindi ako tumanda. May nagbago man sa akin pero... ako pa rin ang Tisha... sa nakalipas na... pitong taon?
Mabagal kong itinaas sa ere ang aking kamay bago ito tuluyang dumapo sa aking pisngi. Ako nga ito. Pero hindi katulad nang... ano ba ang dapat kong itawag doon?
Bumaling ang tingin ko sa nurse at tila doon lamang unti-unting nabubuo sa aking isipan ang kan'yang mga sinabi.
"Miss... b-bakit ako na rito?" may halong kaba ang aking boses. Ang tila takot na nararamdam ko kanina ay nagkaroon na ng kompirmasyon ngayon.
"Naaksidente po kayo... sakay kayo sa tricycle tapos po nabangga ang sinasakyan n'yo na naging dahilan upang macoma kayo. Akala nga po namin hindi na kayo magigising. Limang taon po kaya bago kayo tumigil sa pag ciesisure." walang pakundangan ang kanyang pag bitaw sa mga sagot sa aking tanong.
Na sa bawat sagot na makukuha ko ay may bagong tanong ang nabubuo sa akin.
Saang tricycle? Bakit ako nakatricycle? Saan ako pupunta? Kanino ako pupunta? Kaylan nangyari? Limang taon? Anong nangyari sa limang taon? Mas lalo lang dumami ang mga tanong ko. Mas lalo lang akong kinabahan.
Pero isa lang ang tanging sigurado ako. Kung wala akong malay sa loob ng pitong taon... possible bang?
Hindi pwede...
Pananginip ba ang lahat ng 'yon?
Kung ganoon nasaan si Aries. Kung gising na ako hindi ba dapat ay andito s'ya? Kung pananginip nga iyon, ibig sabihin hindi s'ya isinama ni Connor sa pagkahulog, hindi patay si Teri at hindi rin sila totoo. Kung ganoon ano ba ang totoo? Sino ba ang totoo?
"Si Aries?" muli kong tanong, walang ibang makakasagot sa akin kundi s'ya.
Wala akong oras para isipin kung totoo o hindi lahat ng nangyari o nagsisinungaling ang nurse na ito sa akin.
Naguguluhan ako. Sigurado ako sa nakita ko, magkasama kami. Noong isang araw ay magkasama kami. Kapiling ko s'ya, nasa bisig niya ako.
"Ma'am iisa lang po ang Aries na pasyente dit-"
"Sinungaling ka! Kasama ko si Aries noong isang araw sa hacienda nila. U-umulan pa nga! Magkasama kami!" sigaw ko sa kan'ya bago mabilis na hinagip ang dextrose na makakabit sa akin upang tangalin ito.
Kung kanina ay may balak pa akong dalhin 'yon ngayon ay wala na akong pakialam sa kung anong maidudulot sa akin noong maganda.
Natigilan ako ng bumukas ang pinto at iniluwa noon si Mama, kababa pa lang ng cellphone mula sa kanyang tenga at mukhang may kinausap siya na kung sino. Taranta ang kanyang itsura ng makita akong nakahawak sa aking dextrose.
"What's happening here?!"
"May hinahanap po s'ya, Aries po ang pangalan. Tawagin ko lang po si Doc."
Ilang beses na lumunok si mama at marahan akong nilapitan. Naupo siya sa aking tabi at kinuha ang aking dalawang palad. Nanatya pa rin ang aking mga mata habang tinitingnan ang biglang pag lungkot ng kanyang mga mata.
"Mama si Aries! Nailigtas ba s'ya? Nahuli ba si Connor? Si Teri patay na ba talaga s'ya?"
Sunod-sunod ang aking naging tanong. Pakiramdam ko ay totoo ang sinabi ng nurse pero pilit kong pinapaniwala ang sarili kong magkasama kami ni Aries. Gusto kong maniwala na ganoon ang nangyari dahil ayoko na bigyan ng kahit anong pagkakataon ang aking isipan na bumuo pa ng ibang kwento.
Tinakpan ni mama ang kanyang bibig gamit ang kanyang palad habang marahan na umiiling. Mas lalo akong naguluhan noong tumulo na ang mga luha sa kan'ya mga mata.
"Anak... matagal ng wala si Aries."
Paanong matagal na? Ibig sabihin napatay talaga s'ya ni Connor?
Napaatras ako ng bahagya sa kanyang sinabi.
"H-hindi ba s'ya naligtas?"
"Pitong taon na Tisha, p-pitong taon na s'yang patay... kung sino man ang Connor o Teri na sinasabi mo ay hindi ko kilala. Pero wala na si Aries a-anak."
My lips parted, tila tumigil ang aking paghinga at hindi ko agad ma proseso ang kan'yang sinabi.
Bahagya akong tumawa, "Ma! Ano bang sinasabi n'yo?! Magkasama kami no-"
Namilog ang mata ko ng kulungin ako ni mama sa kanyang braso. Umiiyak ang aking ina.
Kahit ako ay hindi ko matandaan kung kaylan talaga kami huling nagkasama?
Noong isang araw?
Noong isang linggo?
Noong isang buwan?
O... pitong taon na ang nakalipas?
Pumikit ako ng mariin at pilit na inalala kung kaylangan nga ba?
"Ma! K-kasama ko s'ya! Sabi n-niya... sabi niya h-hindi niya ako iiwan..." patuloy ang aking pagsasalita sa pagitan ng bawat pag hikbi.
Umagwat si Mama sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ako sa magkabila kong balikat. Patuloy pa rin ang pag landas ng mga luha sa kanyang mata.
"Hindi kami sumuko sa'yo. Kahit ganoon katagal at sinabi nila na hindi ka na magigising. Naniwala kaming ibabalik ka ni Aries sa amin. Nagusto lang ni Aries na makasama ka pa. Ilang buwan matapos kang macoma. Palagi niyang sinasabi na gusto ka niyang makasama. Walang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari hanggang ngayon, maging mga Le Bris ay walang makuha sa imbistegasyon. Ang tanging lead ay... nagpakamatay s'ya."
Tila tumigil ang paligid sa huling sinabi ni mama. Hindi ko magawang umimik dahil sa gulat nanararamdaman. Ang aking katawan ay hindi ko na rin magawang maramdaman, namanhid ito, ngunit kita ko ang pag galaw ng aking mga daliri, nangangatal ako sa sobrang pag kabigla.
"You're l-lying!" sa wakas ay may lumabas na sa aking bibig. Pag tapos noon ay agad ko hinagip ang aking kamay upang tangalin muli ang dextrose.
Hahanapin ko si Aries.
Babalik ako roon, nagsisingungaling sila.
"Tisha! please... Doc!" Mama screamed to caught the doctor's attention.
Pilit akong pinigilan ni Mama sa aking ginagawa pero desidido ako. Hahanapin ko si Aries.
Buhay pa si Aries. Alam ko... nararamdaman ko.
"Doc! Oh my God!"
My mother keeps on calling their attention, that was the lasting I knew, bago ako tuluyang nawalan ng malay. Muling dumilim ang paligid at wala na akong maramdaman.
Ilang araw pa ang lumipas ay palagi akong ganoon. Dalawa lang ang nangyayari sa tuwing magigising ko. Ang isa tulala ako at halos hindi umimik. Kahit anong gawin nila ay hindi ako kumikibo, nanatiling nakatikom ang aking mga bibig at nakatanaw sa malayo, tila naubos ang lahat ng emosyon sa akin. May ibang araw naman na, sobra sobra ang emosyon aking nararamdam. Magigising ako habang tinatawag ang pangalan niya. Nanahahatong palagi sa pag bebreak down ko. Madalas ay ilang linggo ulit ako bago magising sa tuwing ganoon ang nangyayari.
"Aries!"
Agad kong sigaw noong bumaligwas ako sa kama. Inuuwi na nila ako sa bahay dahil pwede na daw akong doon nalang obserbahan. Mas gusto iyon ni mama kaysa nasa ospital ako. Kumuha sila ng personal nurse na titingin sa akin at isang doctor na ako lang din ang tututukan.
"Goodmorning po, Ma'am."
The nurse was standing in front of me, her lips rise a little bit when I finally stared at her.
"Hinahanap n'yo na naman po s'ya?" sambit niya,
I slowly close my eyes and feel the cold breeze of air touching my sensitive skin. The tears rolling down on my cheeks as I remember how it feels like to be in his arms.
"I can feel him... I know deep inside me. My Aries was alive. He is alive."
"Ako na dito,"
Napamulat ako sa biglang pagsasalita ng isang babae. Pinagmasdan ko s'yang maigi at doon ay mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. Agad niya akong kinulong sa kanyang mga bisig at marahan hinaplos ng taas-baba ang aking likuran.
"It's okay, I'm here, we're here."
"Aria... I missed him."
"You need to be strong, he wants you to be happy. I know it is really hard to accept it but you need to learn to live your life without him."
"Please... I want to know the truth, Aria... p-please."
"Tisha hindi 'to makakabuti sa'yo. Baka ibalik ka na naman sa ospital. And we don't want that to happen. Pag okay ka na... promise, ako mismo magsasabi sayo ng lahat." wika niya at tinapunan ako ng isang ngiti. Bago kinuha ang aking palad at may nilagay doon.
Mabilis na dumapo ang aking mga mata sa aming mga palad at unti-unting niya binitawan iyon. Tumambad sa akin ang maliit na bote kung saan may nakalagay na papel na may itim na ribbon.
"Buksan mo 'yan pag okay na..."
Muling nagtagpo ang aming mata bago marahang tumango sa akin.
"Nasa sala si Claudia at Pancho. Tara na,"
"S-susunod ako, hmm... liligo lang."
"Okay."
Iniwan na ako ni Aria at tuluyang lumabas ng aking kwarto. Ilang buwan na mula noong magising ako. Mula noong unti unti akong nakakarecover pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap. Kaylan ko ba matatangap.
Lumadas muli ang mga luha sa aking mata, doon ko naramdam ang lamig ng maliit na bote na sa aking palad. Hawak ko ang bote at tingin ko ay hindi lalagpas ang haba sa isang ruler. Itinabingi ko ang aking ulo at pinagmasdan maige ang papel na naroon. Kulay brown na iyon ay halatang lumang-luma na. Pitong taon na ba mahigit ang sulat na ito?
Kaylan mo ito isinulat? Hindi pa ako okay pero tingin ko ay masagot ang mga tanong kung bubukasan ko iyon.
Ilang beses akong lumunok habang dahan-dahan inaalis ang takip na humahadlang sa pag bukas ko sa nakaraan. Ang tanging pinto pabalik sa kanya.
Tinaktak ko ito ng baghaya upang lumabas ang halos kalahati ng parte nito. Huminga ako ng malalim, bago lubusang himala iyon mula sa pagkakakulong.
Sana ay kasabay niya akong lumaya. Lumaya sa lahat ng sakit na aking nararamdaman.
Marahan kong hinila ang dulo ng itim na ribbon, hindi pa rin ito na tanggal sa pag kaka rolyo. Nahubog na ang papel sa ganoon posisyon.
Muli ay nagpakawala ako ng bugtong hininga bago nagpasyang tuluyan na itong buksan.
Ang tunong ng lumang papel ay tila tunong ng kinakagat na chitcharon. Malutong na iyon ay halata nang lumang-luma na dahil sa mala kalawang nitong kulay sa gilid. Ang gitnang parte nito ay manilaw-nilaw na tama lang upang makita ko ang bawat letter na dumudurog sa akin.
Aking Tisha, sumupa tayo na ikaw ay akin at ako'y sayo pero bakit mo ako iniwan. Bakit sa dami ng pinagsamahan natin ay sumuko ka? Hindi ba't handa naman akong maging lakas mo. Handa akong maging sandata mo pero paano ako magiging sandata kung wala na ang gagamit sa akin?
Napapikit ako sa sobrang sakit habang ninanamnam ang bawat letra niya. Sumpa kami, na kami habang buhay na hindi ako mawawala sa tabi niya. Na kami ay para sa isa't isa lamang. Pero bakit nga ba nagkaganito. Masyado ba akong naging mahina?
Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Kaylan ko iyong tapusin.
Bakit kaylangan sa atin pa mangyari ang ganito. Naging mahigpit ba ako? Naging makasarili ba ako? O sadyang hindi pa tama ang panahon? Hindi ko lubos maisip na kukuhanin ka sa akin ng ganoong kabilis.
Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luhang namumuo roon. Ang isipin hanggang sa huli ay ako pa rin ang iniisip niya. Nakapakanan ko pa rin ang gusto niyang unahin.
Gusto kong magalit, sumigaw o magwala habang dumdaloy sa aking mga kamay ang dugong nagmumula sa iyo. Nabigo akong protektahan ka, nabigo ako sa lahat ng bagay. Kasalanan ko iyon. Kung hindi kita hinabol, kung hinayaan kita, baka sa iba ka sumakay at hindi sa kanya baka hindi ikaw ang napahamak... baka ako? Sana ako nalang ang sumakay roon para sundan ka, sana ako nalang. Bakit sa ganoong paraan tayo dapat magkawalay.
Hinabol?
Pilit kong iniisip ang mga oras na kayang sinabi. Ibig sabihin ay buhay pa s'ya noon. Noong mga oras sa school. Ibig sabihin ay highschool pa kami noong mangyari ang lahat ng ito. Tumakbo ako palayo at pinagsalitan s'ya ng mga masasakit na salita sa huling araw na kapiling ko s'ya.
Ang huling araw kung saan wala s'yang ibang ginawa kundi ang pasayahin ako.
Ilang buwan na pero hindi ka pa rin gumising. Ilang buwan na Tisha pero wala ka pa rin. Pagod na ako maghintay, na sa bawat oras na makikita ko ang tuwid na linya ay para akong sinasakal. Kung hindi ka ibabalik ay susunod na ako. Sasamahan na kita sa lugar kung nasaan ka. Mas masaya ba d'yan? Mas okay ba d'yan? O kaya ayaw mong bumalik kasi andito pa ako? Ganoon ba iyon? Pag patay na ba ako? Babalik ka na rito? Sinabi mo di ba na ayaw mo sa akin. Kaya ba mas gusto mo d'yan? Kung ganoon ay ako ang pupunta d'yan, para makasama ka pa nila.
Muli akong napapikit at tinakpan ng isa kong palad ang aking bibig habang unti-unting bumabalik sa akin ang bawat salitang binitawan ko noon sa kanya. Hindi ko 'yon gusto. Ayaw kong masaktan s'ya kaya ko iyon ginawa. Pero hindi ito ang inaasahan kong kapalit. Hindi ito.
Magkikita tayong muli... pangako 'yan. Tapos papakawalan na kita. Aking prinsesa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top