Uno
Aries's Point of View
Pangit na Le Bris
Dahan dahan kong inabot ang bungkos ng mangga. Madilaw na iyon at mukhang matamis. Nang matagumpay kong mapitas ang isa ay agad ko iyong inilapit sa aking ilong. Sobrang bango at sobrang tamis ng amoy. Nakakatakam.
"Tisha saluhin mo ha!" sigaw ko kay Tisha na ngayon ay nag aabangan sa'kin.
"Hindi ba ako magkakasugat dahil sa dagta niyan Aries?" pag mamaktol nito.
Nakahanda na ang kanya dalawang kamay. Magkadikit na ito at pumorma na parang basket upang masalo ang hinog na mangga.
"Hindi! Ang arte mo naman! Sabi mo gusto mo nito," mariin kong sabi sa kanya.
"Pero... kasi, sige na nga! Ihagis mo na!" bakas pa rin ang pag aalinlangan sa kanyang boses.
Natawa ako ng bahagya dahil sa kanyang inusal, gusto nya kasing kumain pero ayaw nya na mahirapan. Anak mayaman din naman ako pero hindi ako kasing arte niya.
"Ayusin mo ang pagsalo!" utos ko.
Umamba na ako ihagis ang unang mangga na aking napitas. Ilang beses kong idinuyan ang aking mga braso bago tuluyang binitawan iyon. Dumaplis iyon ng bahagya sa kamay ni Tisha bago tuluyang nahulog sa lupa.
"Ano ba naman yan! Lamog na!" may inis sa aking boses.
"Sorry," natatawa nitong sabi tapos ay pinulot ang mangga sa lupa at pinagmasdan ito.
"Hindi naman Aries, promise maganda pa ang isang to," natatawa nyang sabi.
"Ewan ko sayo! Ano kukuha pa ako?" sabi ko habang ginugulo ang aking ulo.
"Dalawa pa! Sasambutin ko na," maligaya nyang sabi sa'kin.
"Siguraduhin mo!"
At muli ay inilapit ko ang aking kamay sa piraso ng mangga. Marahan kong pinitas ang isang piraso at muli ay bumaling ako kay Tisha.
"Game na?" Saad ko.
"Oo, bring it on Ariestotle," may pasayaw sayaw pa siyang nalalaman habang nakaporma muli ang dalawang kamay.
Muli ay idinuyan ko ang aking kamay bago bitawan ang mangga. Sa pangalawang pag kakataon ay nasambot nya nga iyon. Tumalon talon siya habang hawak ang mangga. Hindi ko maiwasang mapangiti. Oo, marahil ay maarte sya pero malaki naman ang kanyang puso para sa lahat ng bagay sa mundo nabubuhay man o hindi.
"Eto pa! Last na ha," sabi ko habang hawak ang ikatlong mangga.
"Hoy! Bumababa ka nga riyan!" si kuya Primo.
Tss! Sigurado akong magpapasikat lamang ang isang to kay Tisha! Hindi naman sinasabi ni kuya na may gusto sya kay Tisha pero sa tuwing may ginagawa kami ay malaki hadlang sya palagi.
"Okay." pagsuko ko.
Mabilis akong tumalon mula sa aking kinalalagyan, upang mas mabilis ang aking pagbaba. Pinagpag ko ang aking kamay bago muling tumunghay.
"Okay na ba kuya?" sarkastikong tanong ko sa kanya.
Hindi naman kame mag kagalit ni kuya, iginagala ko pa rin sya. Kaso lang minsan ay sobrang istrikto na nya, daig nya pa si papa.
Sinamaan nya ako ng tingin bago kami tuluyang iniwan. Binata na kasi sya at ako ay mag hihighschool pa lamang, sabi ni mama ay okay lang naman kung mag laro ako kasi bata pa ako at sempre ganun rin si kuya, pero ewan ko ba kung bakit masyado nyang sineseryoso ang kapihan.
May ari kame ng coffee plantation. Hekta-hektarya lupain ang sakop namen dito sa Aguinaldo. Minana ni papa ang negosyo ng aming lolo samantalang si tita Valencia ay ang aming ancestral house. Kaya naman nag tayo si papa ng sarili nyang mansion sa mismong hacienda.
"Ang sungit talaga ni kuya Primo," Pagrereklamo ni Tisha saken.
"Hayaan mo na yon, tara sa kusina. Kainin na natin yang mangga." Sabi ko at kinuha ang mangga sa kanyang kamay at hila sya pabalik sa mansion.
"Tisha, hija andito ka pala," bati ni mama sa kanya ng makita kaming papasok ng kusina "Sana ay sinabi mo Aries, nang nakapagpahanda ako ng miryenda" sabi ni mama ng bumaling saken.
"Kumuha na kami ng mangga mama, ito raw ang gusto nya," sagot ko sa kanya.
"Aba! hinog na pala ang mga mangga," nahimigan ko ang tuwa sa boses ni mama.
May ilang puno ng pikong mangga kami rito sa hacienda bukod sa kape na aming produkto.
"Opo, kaya po gusto ko sana kumain tita Esmeralda," nakangiti si Tisha kay mama habang sinasabi iyon.
"Naku, Tisha kainin mo ang lahat ng gusto mo rito ha. Wag mong pansinin si Primo" ang kanyang huling mga salita ay pabulong.
Dahilan kung bakit kami natawang tatlong. Sakto naman dumaan si Kuya para uminom ng tubig. Nagtaas ito ng kilay samin habang naglalagay ng tubig sa isang baso.
"Ma, ilalabas ko po si Baltaraz. Gusto ko pong magpunta sa batis. May kaylangan po akong icheck doon," mariin ngunit mahinahon ang boses ni kuya.
Palagi siya ganyan, seryoso sa buhay. Kung ano ang papipiliin ay hindi ko gugustuhin na maging katulad niya. Parang nakakabangot iyon para sakin.
"Primo, I think you should loosen up... a bit. Bata ka pa, wag mo masyadong isipin ang plantation," suhisyon ni mama sa kanya.
"Ang tamis," bulong saken ni Tisha.
Bumaling ako sa kanya at hinili na sya paalis doon. Hindi ko na hinitay matapos ang kanilang usapan at dinala sa labas ng terrance ang nahiwa ng mangga.
"Ang seryoso ng kuya mo, bakit ganon sya?" usisa ni Tisha sakin.
"Dahil kay lola," tipid kong sagot.
"Masungit ba talaga si Donya Victoria, Aries?" tanong nya sabay kagat sa piraso ng mangga.
"Uh huh," sagot ko sabay tango sa kanya, bago ko punasan ang tumulong katas ng mangga sa kanyang labi.
"Ang arte mo pero... burara ka," natatawa kong sabi.
"Hoy! Ang bad mo saken ha!" she pout.
Sobrang ganda talaga nya, pag laki ko gagawin ko talaga syang prinsesa. Ang aking prinsesa. Bubuo rin ako ng sarili kong palasyo para sa kanya.
Tisha deserves everything. Hindi ko pa naiintindihan kung bakit aliw na aliw ako sa kanya pero isa lang ang sigurado ako, hindi ko gusto na malungkot sya.
"Totoo naman kasi," muli ay humalakhak ako dahil sa itsura nya. Asar na asar sya sakin pero kahit nakasimangot sya, nag papakita sakin ang malalim nyang dimple sa may kanang pisngi na lalong pinatingkad ng namumula nyang pisngi dahil sa sikat ng araw.
"Alam mo Aries ang pangit mo," tukso nya saken.
"Talaga ba? Ikaw lang ata ang nagsabi yan," mayabang kong sagot.
"Oo kaya, tingnan mo oh, patpatin ka!" sinasabi nya iyon habang itinuturo ang aking braso.
Itinaas ko ito kunwari ay may muscle ako, na naging dahil ng malakas nyang pagtawa. Hindi ko maiwasan mapangiti sa tuwing maririnig ko ang kanyang tawa. Sobrang ganda noon sa pandinig. Ang makitang nakangiti ang aking Tisha ay nag papabilis sa pintig ng aking batang puso.
"Baka pag laki ko maghabol ka sakin ha," sabi ko bago sya gawaran ng pilyong ngiti.
"Ang y-yabang mo! Ang pangit pangit mo kaya bakit kita hahabulin! Isa akong Santiango sobrang ganda ko kaya," mejo nauutal pero mayabang pa rin tunong ng kanyang pag sasalita.
"Pangit na Santiango, ampon ka naman kaya. Sabi ni tita napulot ka sa tae ng kalabaw," biro ko.
Naningkit ang kanyang mga mata at kunot ang kanyang noo habang nakatingin sakin. Padarag itong tumayo at tinalikuran ako.
Pikon talaga.
Napailing ako bago tuluyang hinabol sya. Sinubukan kong pantayan ang maliliit nyang hakbang. Nang maabot ko ang kanyang kamay ay hinigit ko ito papalapit saken at saka ko sya pinilit na iniharap. Nag tagumpay ako, kaya naman agaran kong kinurot ang dalawa nyang pisngi.
"Pikon ka talaga Latisha," sabi ko habang natatawa sa kanya.
Mas lalo lang sumimangot ang kanyang mukha na naging dahilan ng malakas na pag palo nito sa aking balikat.
"A-aray naman."
"Tse! yan ang bagay sayo, pangit na Le Bris!" ganti nya saken sabay tawa.
Kahit nag aasar kame ay hindi kame nagagalit ng matagal sa isa't isa. Sanay na kasi kaming anjan palagi ang isa't isa. Hindi kami mapaghihiwalay, yon ang sabi ni mama at tita Matilde samin.
Hindi ko rin alam kung masasanay pa nga ba ako ng wala sya sa'king tabi. Ang araw na walang Latisha Barbara Santiango ay parang araw na tinakpan ng buwan. Madilim at nakakatakot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top