Tres

Bata... pa

Nakatingkayad ako habang pinagmamasdan ang munting inakay, nahulog sya mula sa puno at hindi pa sya marunong lumipad. Panay ang huni nito, tila bay kinukuha ang atensyon ng kanyang ina.

"Kawawa ka naman."

Ngumuso ako sa hindi malamang dahilan, gusto ko syang tulungan pero paano ko iyon gagawin?

"Tisha, anong ginagawa mo riyan?"

Napabaling ako sa pinangalingan ng boses. Ang gwapo ni Aries sa kanyang suot na P.E uniform. Hindi ko lubos maisip na pwede pa lang maging gantong kagwapo ang isang lalaki sa simpleng uniform lamang.

"Yung munting inakay, hmm... nahulog sya sa puno Aries, nagugutom na yata sya."

Paliwanag ko bago muling ibinaling ang tingin sa munting ibon. Patuloy ang pag huni at buka ng maliit nitong bibig.

"Kakain kaya sya ng tinapay? Meron akong dala rito," si Aries

"Siguro."

Agad kong tinanggap ang tinapay na inaalok nya at pumiraso ng konti roon. Agad na ibinuka ng munting ibon ang kanyang bibig upang masalo ang aking ibinigay.

"So, anong pangalan nya?" Nagulat ako ng biglang umupo sa tabi ko si Aries.

"Hmm... ano bang bagay?"

"Tayo," saad nya na naging dahilan ng bigla kong pagbaling sa kanya.

"Tayo? Hmm mejo... unique ang pangalan na iyon, ang galing mo Aries."

Muli ay binigyan ko ng piraso ng tinapay ang munting ibon na ang pangalan ay Tayo.

"Hi Tayo, iwan ka muna namin dito. Balikan kita mamaya, may gagawin ako."

Sabi ko habang pinapagpag ang aking dalawang kamay sabay tingin kay Aries na ngayon ay kinakamot ng marahan ang kanyang batok.

"Tayo na Aries," yaya ko sa kanya.

"Talaga?"

Nahimigan ko ang sigla sa kanyang boses.

"Oo, kaya halika na. Baka hinahanap na tayo nina Aria."

Wala kasi klase ngayon kaya naman nakapagliwaliw ako kahit paano. Hilig ko talaga ang mag masid sa paligid at tumulong sa mga hayop na nangangalingan. Feeling ko, magiging advocate ko ito pag laki ko.

"Hay naku Tisha," sabi nito bago nag bugtong hininga.

Ano bang problema ng isang iyon?

Ilang linggo na mula noong nagbalik eskwela kami, busy ang lahat para sa araw ng mga puso. Sempre may escort at muse pero hindi kami ni Aries kasali kasi panigurado na raw na mananalo kami sa contest. Well, ayos lang naman iyon samin. Mas okay kung manunuod nalang kami.

"For sure si Yna ang mananalo. Hindi naman hamak na mas maganda si Yna kaysa kay Claudia," panirinig ng ibang section sa amin habang papalapit kami sa covered court ng aming school.

Agad kong hinablot ang braso ni Aries, mabilis kasi syang mapikon sa mga ganung asal ng tao. Masyado kasing mabaet ang isang to. Sa kanila magkakapatid masasabi kong si Aries ang pinaka mabait ngunit sya rin ang pinaka madaling magalit. Hindi sya marunong komontrol ng kanyang emosyon. Kumpara kay kuya Primo, na iisa lang ang emosyon at mahirap basahin samantalang si Leo ay hindi hamak na palakaibigan kaya naman madali itong pakibagayan, sa kanilang tatlo si Leo ang pinaka madaliing lapitan.

Si Aries, kinulong na ata nya ang sarili sa'kin. Kaya hirap lumapit sa kanya ang ibang tao kahit palangiti at palakaibigan din naman sya.

"Tisha at Aries, saan ba kayo galing? Naku, kanina pa akong nang gigigil sa kabilang section. Mananalo lang daw si Claudia dahil mayayaman tayo," bakas sa mukha ni Aria na lubusan syang naiinis.

Hindi rin kasi sya kasali.

"Eto na yung pinabili mo," nagulat kami sa biglang pag dating ni Pancho.

May dala syang tubig, ilang piraso ng chocolates at kung ano ano pa.

"Para saan iyan?"

"Pag natapos si Claudia, ito mga chocolates ay ihahagis niya sa tao bilang paagaw, at sempre para inumin natin itong tubig Tisha," paliwanag nya.

"Dito ba ito?" napabaling ako kay Aries.

Umalis na pala sya sa tabi ko at hindi ko man lang iyon namalayan. Tumutulong na sya sa pag buhat ng props ni Claudia na gawa sa mga bulak na kinulayan. Isang malaking pakpak iyon. Ang kalahati ay kulay pula ang kalahati naman ay itim. Gagamitin iyon para sa talent portion.

"Halika Tisha, silipin naten si Claudia," yaya sa'kin ni Aria.

Agad naman niyang hinila ang aking kamay. Lumingon ako saglit kay Aries at nakita kong nakatingin ito saming direksyon bago muling ibinaling ang kanyang pansin sa ginagawa.

"Kahit naman kasali pa si Tisha, si Yna pa rin ang pinaka maganda. Sikat lang naman iyon kasi mayaman at laging nasa tabi nya si Aries. Pasasaan pa't magigising din si Aries sa katotoohanan na puro lang pag papanggap ang Tisha na 'yan," saad ng hindi ko naman kilalang taga ibang section.

Kumunot ang noo ko habang tinitingnan sila. Wala kasing kahit isa sa kanila ang alam ko ang pangalan ngunit alam kong taga ibang section sila.

"Ano naman kung narinig nya? Buti nga 'yon ng malaman nya na hindi na nakakatuwa ang bait baitan nya."

Ngayon ay nakaharap na s'ya sa'kin habang sinasabi iyon. Naramdam ko ang pag amba ni Aria para puntahan sila ngunit pinigilan ko sya.

"Hay, ang bait mo! Leche!" bakas ang pag kainis sa kanyang boses.

"Si Claudia nalang kasi isipin naten."

Bahagya syang umismid dahil sa sinabi ko.

"Iniisip ko talaga, bakit hindi subukan ng mga yan mag parinig pag anjan si Aries? Tinataon talaga nila na wala yung isa, para ano? Mapalampas ang mga ginagawa nila!"

Tuloy tuloy ang pag sasalita nito habang nag lalakad kami patungo sa backstage. Madami rin ang naglalaban ngayon taon. Isang representative kasi kada section tapos by year level. Kahit mga kinder ay kasali kaya nakakatuwa, per year level naman yung winners tapos yung grade four to six yung maglalaban para sa grand winner.

"Hi, ang ganda mo Claudia."

Bati ni Aria ng tuluyan na kaming makapasok. Maganda naman kasi talaga si Claudia, morena sya at bilugan ang mga mata. Samantalang si Yna ay maputi at bilugan din ang mga mata. Kung ako ang tatanungin, lahat ay deserving para sa titulo ng Ms. Valentine, dahil pinaghirapan nila iyong lahat pati na sempre ang mga magulang na todo ang suporta at hirap para sa kanilang mga anak.

"Sana kasi kayo nalang ang sumali, feeling ko talaga ay hindi ako mananalo."

Inayos ni Aria ang buhok ni Cluadia atska ito iniharap sa salamin na hawak nya.

"Ang ganda di ba? Kaya please lang, wag nega. Nagpapakahirap kami dito hindi para panghinaan ka ng loob," si Aria.

"Pero kasi..."

"Tama si Aria, Claudia enjoy mo lang. Wag mong isipin kung mananalo ka o hindi, last na natin ito dito sa Petals. Next school year, baka hindi na tayo magkasama sama kaya dapat ay enjoy na natin."

Tumango si Aria sakin atska ako ngumiti kay Cluadia. Mukha naman kahit paano ay narelax sya dahil sa sinabi namin.

"Balik na kami sa labas, ayusin namin pang cheer namin," paalam ni Aria.

Muli ay pinisil ko ang balikat ni Cluadia bago nag paalam sa kanya. Kaya nya iyon, manalo o matalo. Wala naman kasing imposible kung susubukan at hindi susuko muna agad.

"Ang tagal mo bumalik," saad sakin ni Aries pag balik namin.

"Ikaw Aries, saglit lang nawala si Tisha. Ugali mo ha!" pabirong sabi ni Aria.

"Ganyan nga yang si Aries. Minsan naman luwagan mo," sabi ni Pancho.

"Para ano? Pormahan mo? Hindi na!" may diin sa mga salita binitiwan ni Aries.

"Kung ganon, nililigawan mo ba?" matapang na tanong muli ni Pancho.

"Hoy, wala kamong gano-"

"Hindi pa... bata pa kami," nagulat ako ng bigla nya putulin ang aking sinabi.

Kung hindi pala kami bata ay liligawan nya ako?

Inalog alog ako ni Aria dahil sa kanyang narinig.

"Bata pa raw ay!" Punong puno ng panloloko ang kanyang boses.

"M-mag tigil ka nga A-aria," nauutal kong sabi.

"Hala! mamumula si Tisha, Aries ayie!" mas lalo pang ginanahan si Aria sa kanyang pang loloko.

"Tama na Aria, namumula na si Tisha," suway nito.

"Last na," pigil ni Aria.

"So, gusto mo nga? Nag aantay lang ng tamang panahon?" si Aria ulit.

Nagniningning ang kanyang mga mata habang naghihintay sa sagot ni Aries, pero hindi na ito umimik pa, bagkos ay bumaling na lamang ito sa stage upang makinig sa sinasabi ng isang guro.

"Ang kill joy mo Le Bris!" Pang aasar ni Aria sa kanya.

"Kung ayaw nya sumagot, edi ako ang manliligaw kay Tisha," seryoso boses ang gamit ni Pancho, na naging dahilan ng pagbaling ng atensyon ko sa kanya.

"Ligaw ligaw, kababata pa!" narinig ko ang boses ng isang teacher namin sa music.

"Ano yan Pancho at Tisha?" tanong nito ng makalapit na samin ng tuluyan.

"Gusto ko po si Tisha, ma'am," matapang na hinarap ni Pancho si ma'am Feliza.

"May gatas ka pa sa labi, gusto gusto na agad. Ikaw naman Tisha, anong masasabi mo roon?" tanong nya ng bumaling ito sa'kin.

"Bata pa ho kami, wala pa ho iyon sa isip ko."

Pinal kong sabi sa kanya.

"Ikaw Aries, ano tingin mo doon?"

Namilog ang mata ko ng tanungin nya rin si Aries. Bumaling ako sa kanya at hinitay ang kanyang magiging sagot. Hindi ito nakatingin sakin bagkos ay seryoso niyang tiningnan si ma'am Feliza.

"Bata... pa!" ang huling salita ay sinabi nya habang tinitingnan ako sa aking mata. Tilay sinasabi niya na pag hindi na kami bata ay liligawan nya ako.

Paano nga kung ganon ang ibig niyang sabihin sa'kin. Papayag ba ako? At bakit hindi ako papayag?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top