Trenta y Uno

Uwi na

Mabilis akong tumayo, agad kong tinumbok ang kanyang katawan upang mayakap. Para akong batang nawalan na ina sa gitna ng maraming tao at walang na gawa kundi ang umupo sa isang tabi at umiyak hangga't sa matagpuan ako.

"Hush baby, I'm here."

Parang lalo akong naiyak sa mga sinabi niya, marahan niyang hinaplos ang aking buhok habang mahigpit ang pag kakahawak ko sa kanyang damit sa bandang likuran.

"My girl is such a cry baby. Hindi ka nagbago."

Napaangat ako sa pagkakayakap at dahan dahan tumingal upang makita ang kanyang mukha. Nakangiti ito habang pinag mamasdan ako.

Tila ang mga luhang kanina ay patuloy sa pag agos ay nanuyo dahil sa kanyang mga salita.

Hindi ako nag bago?

Kung ganoon ay s'ya ang nagbago.

O baka kami talaga.

Naulit na naman ang mga tanong na tila'y wala pa ring kasagutan hanggang ngayon.

"S-sorry," sambit ko, bago dumistansya sa kanya.

"Ano bang ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin

"Wala kang pakialam!" sambit ko ng tuluyan nang bumalik ang aking ulirat. May lakas na ulit ako ng loob para sigawan siya. Nawala na ang takot na kaninang bumabalot sa akin.

"Nagsusungit ka dahil..."

Itinabingi niya ang kanya ulo at sumibol ang mapang akit niyang ngiti.

"Dahil... dahil... ah basta! Ano bang ginagawa mo rito? Umalis ka na nga!"  sigaw kong muli.

Hindi ko kaylangan ang kanyang tulong.

"Fine, I'll go ahead. Bye Tisha."

Tumalikod na siya sa akin pagtapos na iyon sabihin. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa kanyang kinilos, pinagsiklop ang mga tikas na buhok mula sa aking pisngi. Nag uumpisa nang humangin dahil sa malapit na mag dapit hapon.

"S-sandali! A-ah... tulungan mo ako sa k-kotse ko."

Kinagat ko ang aking pangibang labi dahil tila kinakain ako ng kaba. Lumingon lamang s'ya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay. Wari ko'y nag aantay siya sa kung ano.

Lumunok ako ng bahagya bago muling nagsalita, "Please, Aries."

Unti unting kumurba ang kanya mga labi hudyat ng kanyang pag ngiti. Marahan itong nag lakad pabalik sa akin.

"Say it again. But this time... I want more."

Nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin, o mas dapat ko bang sabihin ay pinag mamasdan niya ang labi ko. Pabalik balik ang tingin niya roon tapos sa aking mata at pabalik na naman sa aking labi. Parang tambol na sira ang aking puso dahil sa sobrang bilis nito, palagay ko ay rinig rin ni Aries ang bawat tunog noon.

"I want..." he said huskily.

Hinapit niya ang aking byewang na naging dahil ng mas lalo naming paglalapit. Palagay ko ay wala ng pulgada ang aming pagitan.

"I want..."

Fuck! His voice.

Pakiramdam ko ay nalalasing ako sa kanyang mga titig, nanlalambot ang aking mga tuhod dahil sa kanyang boses. Nagwawala ang aking t'yan sa hindi malamang dahilan.

Buwisit na mga paniki ito ayaw akong tantanan.

"I want you." he finally completes his sentence, pero mas lalo ata akong nawala sa kamunduhan. Sinasabi niya iyon habang nakatingin sa aking mga labi. Kitang kita ko ang mahaba at maitim niyang mga pilikmata.

"M-magdedate na nga t-tayo 'di b-ba?"

"Gusto ko ngayon... na."

Mas lalo akong kinabahan noong ibinalik niya sa aking mata ang kanyang mga titig. Nanunuyo ang aking lalamunan, ang kanyang hininga ay dumadampi na sa aking balat. Hindi ko na ma proseso ang init na nag mumula sa aking katawan.

"S-s-sige hmm... n-ngayon na."

Muli ay kumurba nang bahagya ang kanyang labi. Isang ngiti na tila nagtagumpay siya para sa kanyang ninanais. 

Habang ako ay hindi na mapakali sa aking pagkakatayo. Tila nanlalamot ako at namumuo na ang aking pawis. Mas lalo lamang niya hinigpitan ang pag hawak sa aking byewang.

Isang tunog ang pumukaw sa aming atensyon. Bahagyang kumunot ang kanyang noo at gilid ng kanyang ilong. Agad na dumapo ang kanya g hintuturo roon at suminghot ito ng bahagya. Napapikit siya at agad na ginalaw ang kanyang ilong gamit ang likod ng kanyang hintuturo, tilay may amoy siyang gusto alisin doon.

Fuck! Lamunin sana akong lupa ngayon. Sa lahat ng oras ay ngayon ko pa mararanasan ito. Bakit ko kaylangan gawin ito sa mismong harapan niya.

Pero hindi ba ay maganda na maturn off siya sa akin?

Pero hindi sa gantong paraan, Tisha?

Tang ina! Nakakahiya talaga!

Isang malakas na tawa ang kanyang pinakawalan. Halos bumalot iyon sa buong paligid at saka s'ya muling bumaling sa akin.

"Grabe ang baho pa rin ng utot mo."

Bakas pa rin ang pagkamangha sa kanyang mukha. Hindi pa rin niyang mapigilang tumawa. Halos mawalan siya ng hininga sa pagtawa dahil lang sa utot ko.

Agad na namula ang aking pisngi kasabay noon ang paginit nito. Gusto ko nang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyaan tapos pagtatawanan n'ya pa ako. Kung hindi siya pumunta rito ay baka hindi niya kaylangan marinig iyon mismo at maamoy ng kanyang ilong.

Agad kong hinubad ang aking sapatos, huminga ako ng malalim habang pinag mamasdan si Aries na halos mamatay sa katatawa. Hindi ako nag dalawang isip na ipaltok iyon sa kanya.

Nakikiamoy na lang s'ya ito pa ang igaganti niya. Pag katapos noon ay agad ko s'yang tinalikuran hindi ko na intindi kung nasaktan ba s'ya o hindi.

"Hey, I'm sorry." habol niya sa akin, ngunit ramdam at rinig ko pa rin ang kanyang pagtawa.

Dirediretso pa rin ako sa pag lakad.

Pakiramdam ko ay maiiyak ako sa sobrang kahihiyan.

"Ang pikon mo man. Matagal ko nang alam na ganyan ang amoy niyan. Hindi noon mababago ang pag mamahal ko."

"Tumahimik ka na Aries! Hindi ka na nakakatuwa! Tigilan mo na ang pagsunod sa akin!"

Mabilis ang aking pag hinga. Hindi ko napigilan ang aking mga hula.

Mahal niya pa rin ako?

Bakit may fiancee s'ya?

Kahit ilang beses niyang sabihin na wala hindi noon mababago ang tungkol kay Teri. May mga pictures sila.

"Hindi kita sinundan may pupuntahan lang ta-"

"Kung hindi mo pala ako sinundan! Umalis ka na! Pabayaan mo na ako Aries!"

Hindi n'ya pala ako sinundan pero bakit s'ya andito?! Kung may pupuntahan s'ya bakit hindi pa s'ya umalis at puntahan kung sino man iyon.

"Look, I'm sorry baby. Let's go, ihahatid na kita sa pupuntahan mo."

Hinawakan niya ng marahan ang braso ko na para bang tinatanya niya ang aking galit ngunit hindi pa 'yon nag tatagal ay marahas ko na iyong binawi.

"I'm not your baby! Umalis ka na! Hindi kita kaylangan! Ayaw ko sayo! Hindi kita gusto Aries!"

Lumungkot ang kanyang mga mata. Mabilis niyang dinampot ang sapatos na aking inihagis kanina at bumalik sa akin. Pinalis ko ang aking mga luha at tiningnan siya ng masama.

Namilog ang mga mata ko ng lumuhod siya sa aking harap. Marahan at muli ay tila nananatsa ang bawat galaw. Pinagpagan niya ang ilalim ng aking medyas at marahan na ipinasok iyon sa aking sapatos.

Hindi ko magawang mag pumiglas. Tila nakulog ako sa kanyang ginagawa. Tila tumigil ang paligid sandali para sa aming dalawa.

"Sinabi mo na iyan dati. At noong hinayaan kita, kasi akala ko ay kaylangan mo ng oras para magisip. Akala ko kasi nakukulitan ka lang sa akin at kaylangan mo mapagisa. Hindi ko akalain na... 'yon na pala ang huli. Sana pinigilan kita. Sana kinulit pa rin kita."

Marahan siyang tumayo at ngumiti sa akin. Pero kumpara kanina ang kanyang mga ngiti ay peke. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot na dulot ko.

Parang natuyo ang lahat ng salitang nais kong sabihin. Hindi ko magawang magpumiglas man lang at tumakbo palayo sa kanya.

Dahil tulad niya.

Ganoon rin ang mga sana ko.

Sana hindi ako lumayo. Sana hindi ko s'ya iniwan.

"Kaya ngayon, hindi na ko titigil. Kahit ilang beses mo akong itaboy. Kahit pa gawin mo ang lahat para mawala ako. Hindi ako mawawala, hindi ako aalis, hindi kita iiwanan at hinding hindi ako titigil. Simula noong una kitang makita. Nakapagdesisyon na ako. Kahit hindi mo na ako mahal, kahit ayaw mo na sa akin. Ipipilit ko pa rin ang sarili ko. Hindi na ako papayag, Tisha. Dahil nangako tayo."

Muling tumulo ang aking mga luha. Ngayon ay dahil na sa galak. Dahil alam kong ang kanyang mga sinasabi ay totoo at hindi ko dapat pang pagduduhan.

"Gusto kong magalit. Pinilit kong iwasan ka. Pero hindi ko kaya, hindi ko magawa."

Pagkasabi niya noon ay agad niya akong ikinulong sa kanyang mga bisig. Ramdam ko kung gaano niya kagustong magawa iyon. Marahan Kong itinaas ang aking mga kamay upang mayakap rin s'ya. Gusto kong suklian ang bawat sakit na  naidulot ko sa kanya at alam kong hindi sapat ang isang yakap lang.

Hindi iyon magiging sapat.

"Please, uwi ka na." bulong niya sa akin.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top