Trenta y Nueve

Dayami

Nag aagaw na ang dilim at liwanag habang sinusubukang ayusin ni Aries si Baltaraz. Masuri ko s'yang pinapanood mula sa sa aking kinatatauyan. Ang kanyang buhok ay lumagpas na sa kanyang tenga, palatandaan na bumabalik na ang daming haba nito. Nakasuot s'ya ng kulay abong short sleeve na polo pero bukas ang lahat ng botones noon na naging dahilan upang makita ang kanyang puting panloob, hindi ko mawari kung sando ba iyon o T-shirt?

Ngumuso ako habang pinagpapatansyahan ang kakisigan ng lalaking ngayon ay kasama ko. Hinawi ko ang mga takas na buhok na pilit na hinaharangan ang aking paningin. Noon pa may ganito ko tingnan ang batang Aries at hanggang ngayon ay ganoon pa rin pala, bumaling s'ya sa akin at unti-unting kumurba pataas ang kanyang mga labi, resulta ng pagsilay ng kanyang maputi at magandang mga ngipin, bahagya ring na naliit ang kanyang mga mata dahil sa ginawang pag ngiti. Pagtapos noon ay pinasadahn niya ng kanyang dila ang mga labi para mabasa ito ng bahagya bago marahan lumapit sa akin. Sa bawat hakbang ay bumibilis at lumalakas ang pintig ng puso ko, isang pamilyar na pang yayari sa pusong naiwala ko.

"Anong iniisip mo?" bungad niya ng tuluyan na s'yang makalapit.

Kanina kasi ay nakaupo kami sa damuhan at pilit na dinadama ang bawat isa ngunit biglang kinuha ni Baltaraz ang aming atensyon kaya binigyan niya ng atensyon ito. At ngayon ay bumabalik na naman s'ya sa akin.

"Wala naman, Aries... nasabi ko na ba sayo na mahal kita?"

"Oo dati noong highschool tayo. Ngayon kasi puro sorry nalang ang sinasabi mo."

Malakas na pag hampas ang iginawad ko sa kanya dahil sa sobrang pagkainis. Hindi ko alam kung gusto n'ya ba talaga sabihin iyon o niloloko n'ya lang ako. Alin man sa dalawa 'yon ay hindi ako natutuwa.

"Tss! Ewan ko sa iyo Le Bris!" I rolled my eyes.

Hindi ko talaga alam kung bakit ganto ang lalaking 'to. Palagi niya akong iniinis tapos ang galing din magpakilig. Hindi ako magugulat if one day, mabaliw na ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman.

"Sino bang Le Bris ang tinutukoy mo?" he asked.

"Baka si kuya Primo o kaya si Leo," sarkastiko kong sagot.

"Akala ko kasi ang Le Bris na tinutukoy mo ay... ikaw."

Hay nakakabaliw na talaga ang isang 'to. Ngayon hindi ko alam kung kilig ba o inis o galit ang mararamdaman ko. Ramdam ko ang init na dahan-dahang umuusbong sa aking pisngi. Pakirandman ko ay kahit s'ya ay nakikita ang pamumula ng aking mga ito dahil hindi na rin maitangi ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Pakasal na tayo?" tanong n'ya.

"A-ayoko nga! Habulin mo muna ako..."

"Para namang bata, Tisha."

"Oh edi sa iba ka magpakasal." sabi ko sabay takbo patalikod, tilay nanunuya ako na maghabol s'ya sa akin.

Gagawin ko ang lahat para makauwi. At kung kinakaylangan na maging bata kaming muli at gagawin ko. Itataya ko ang lahat maging katulad lang kami ng dati.

"Pag nahuli kita... yari ka sa akin!"

Sinubukan na niya akong habulin. Nagpaikot-ikot ako na parang isang ibong sa kapatagan naghahanap ng madadapuan. May mga sandali na humaharap ako sa direksyon ni Aries. Hindi ko mapigilan ang sarili na ngumiti sa tuwing sumasagi sa isip ko na nakabalik na kami. Andito na ulit kami sa mundong kaming dalawa lang ulit. Walang ibang makagulo at walang ibang pwedeng sumira.

Sana ay palaging ganito. Puno ng saya at walang pangamba ang bawat oras na walang ibang tunog ang iyong kagigiliwan kundi ang musika ng bawat halakhak namin ni Aries.

"Huli ka!" sambit niya ng sa wakas ay mahawakan ang aking beywang.

Dahil sa kawalan ng balanse ay natumaba kaming parehas at nahulog ako sa kanyang ibabaw. Nagkatitigan kaming dalawa at ramdam ko ang pag habol naming pareho sa aming mga hininga. Ilang beses s'ya napalunok dahil sa aming posisyon pero tila ako'y parang estatwang hindi ko alam kung babangon ba o mananatili sa ganoon posisyon.

Unti-unting umangat mula sa lupa ang kanyang ulo, patungo na ito sa direksyon ng aking mukha at malapit na magtagpo ang aming mga ilong, ramdam ko ng init ng kanyang hininga at ang bawat pag lipat ng kanyang mata mula sa aking mata patungo sa aking labi at pabalik muli sa aking mga mata na parang nag dadalawang isip s'ya sa kanyang gagawin.

Natigilan kaming pareho nang biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay noon ang pagdilim na ng kalangitan. Mabilis kaming bumangon mula sa posisyon iyon. Agad kaming nag tungo sa kinaroroon ni Baltaraz, hawak-hawak n'ya ang aking mga kamay habang papalapit kami sa kabayo.

Muntik na... naman.

Binitiwan niya ako upang maiayos ang kanyang sarili para sa pag sakay, nang matagumpay na niyang nagawa iyon ay inilahad niya ang kamay sa akin. Agad kong inabot iyon sa kanya at inalalay niya ako upang makasakay sa kanyang harapan. Ngayon ay nasa pagitan na ako ng kanyang dalawang brasong nakahawak ng mahigpit sa taling nagmamaneobra sa kabayo.

"Kumapit ka." utos niya.

"H-huh? S-saan?"

Gamit ang isang kamay ay iginaya niya ang aking mga kamay patungo sa kanya. Parang mas naging awakard ang posisyon namin ngayon kulang nalang ay humarap ako.

He started to gallops, gusto ko sana mag tanong kung saan kami pupunta pero isa ang sigurado ako hindi n'ya ako dadalhin sa mansyon. Andoon si Teri. Mabait ang mga Le Bris kaya hindi nila gugustuhin may mangyari na kahit ano sa walang muang na batang nasa sinapupunan ni Teri. Kung may tutulo man siguro sa kanilang ginagawa ay baka si Donya Victoria iyon o ang mga Quiamboa. Hindi kasi uso sa kanila ang kawang gawa.

Nilingon ko si Aries at seryoso s'ya habang nakatingin sa aming dinaraan. Madilim na at walang tanging liwanag na tumutulong sa amin pero tila ka kabisado niya ang daan. Sino ba namang haciendero ang hindi makakabisado ang ang buong lupain nila. Sigurado akong bawat sulok nito ay alam nya kahit nakapikit s'ya. Madalas kasi dati kung saan lang kami naglalaro ay doon lang kami, hindi na kami na punta sa ibang parte ng lupain. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung umalis pa ba si Aries dito o sumagi man lang ba sa kanya na lisanin ang lugar na ito o hinintay niya akong bumalik.

Nawala ako sa pagiisip ng biglang bumagal ang takbo ng kabayong aming sinasakyan.

"Kumapit ka, ako muna baba..."

Ako lang ba o may kakaiba na sa boses n'ya. Masyado na iyong malambing at namamaos. Maging ako ay hindi ko mawari. Nang tuluyan na niya aking abutin ay doon ko lamang napagtanto kung bakit. Halata na ang kanyang pagkalalaki, basa na ang kanyang polong pagsuson, maging ang pang ibaba salpot na ganoon rin. Tingin ko ay iyon ang dahilan kung bakit bumakat ang kanyang mga muscles... lahat ng muscles.

"Dito muna tayo, patilain muna natin 'yong ulan."

"Hindi ba natin hmm... sasabihin kay Leo na... a-ano s-sunduin n-nalang ano ah t-tayo?"

Tisha ayusin natin buhay natin pwede? Ugh! Nakakainis na Le Bris bakit kaylangan pareho kaming basa, hapit sa kan'yang katawan sa suot niyang panloob, may parte doon na basa ngunit hindi lahat dahil sa hinubad niyang polo. Pinigi niya iyon para matangal ang tubig, hinawakan niya ang dalawang dulo ng polo at saka hinahampas sa hangin upang mas matuyo pa iyon bago isinampay sa isang poste. Inulit niya ang ginawa niya kanina na mas lalong nag init ng aking pisngi, ngayon ay kitang kita ko na ang tipak ng mga muscles sa kanyang t'yan. Umiwas ako ng tingin at pinaypayan ang aking sarili. Ang lakas ng ulan at ganoon rin ang hangin pero bakit ang init ng aking pakiramdam.

Bumunga ako sa hangin at hinapit ang dulo ng aking kwelo, doon ko napagtanto na basa rin pala ang aking damit at hapit rin iyon sa aking kawatan, bakat roon ang hindi kagandahang hubog ng aking dibdib at katawan pero bakit ang init. Parang pipaligiran ako apoy, nasa loob ako ng isang nasusunog na bahay.

"Hindi ka ba maghuhubad? Magkakasakit ka."

Parang tubig na malamig ang kanyang boses na nakapag palambot ng aking mga tuhod. Mabagal akong humarap sa kanya at nakita kong nakatalikod na siya sa akin at tila may hinahanap sa isang kabinet sa may kaliwang dulo ng kamalig. Siguro ay may mga ilang gamit rito ang mga trabahador.

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang bawat galaw ng kanyang mga braso.

Tisha ano ba! Ganyan ka na ba kabukas ang isip para pag nasahan mo ang walang muang na si Aries. Teka? Paanong nawalan s'ya ng muang. Paano kung mas magaling pa pala s'ya sa akin? Paano kung...

"Hey, take off your clothes. Magkakasakit ka kung tatayo ka lang d'yan. Look Tisha, kung iniisip mo na bobosohan kita... marami akong nakita mas malaki pa jan."

Napakurap kurap ako sa kan'yang sinabi. Ang kaninang nawawalang diwa ko ay parang nagising dahil sa inis. Alam ko naman maliit lang ang aking dibdib pero hindi ko inaasahan lalabas 'yon sa mismong bibig n'ya.

"Ang kapal mo! If I know, my little boobs can make you horny?" I glanced at his lower part and I was right, it is already bulky.

I smirked and burst in laughed. He closed his eyes firmly and runs his fingers on his wet hair. Finally, I win.

"Naughty," he murmured.

Humakbang s'ya sa akin dala ang isang kumot. Bahagya s'yang tumingil sa aking tapat.

"Mamaya ka sa akin."

Muli ay humalakhak ako sa naging reaksyon n'ya. Bumaling ako sa direksyon kung saan s'ya patungo. Nagtaas ako ng kilay noong ipinatong niya ang kumot sa ibabaw ng isang damayi.

Naghahanda pa s'ya para doon?

Agad n'ya ring kinuha ang ilang piraso ng kahoy sa may gilid noon at nag umpisang maghanap ng pwesto para sa siguro gumawa ng bonfire. Nagtaas na lang ako ng kilay at agad na hinubad ang aking damit. Ngayon ay expose na rin ako pero hindi ko na naituloy ang pag iisip ng kung ano ng biglang kumulog. Malakas na tili ang aking pinakawalan at agad kong tinakpan ang aking mga tenga.

Naramdaman ko ang biglang pag yakap ni Aries sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. Nakatingala si Aries at tila nagmamasid sa paligid at sa mga susunod pang pagkulog.

Ang marahang pag baba at pag taas ng adams apple ni Aries ay para isang salamangkang unti-unti akong hinihila papalapit.

"Okay ka na?" tanong n'ya.

Natigilan ako ng bigla s'yang bumaling sa akin. Nagtagpo ang aming mga mata, kinagat ko ang pang ibabang labi ko na naging dahilan ng pag baling ng atensyon n'ya roon.

Sa puntong bumalik ang kanyang mga tingin sa akin ay mapungay ang kanyang mga mata. Tila bumagal ang oras sa pagitan naming dalawa ang bawat pag galaw niya ay nagpapabilis pang lalo sa aking puso, isinara ko ang aking mga mata upang maramdam ang kanyang mga labi. At sa oras na nagtagpo ang mga iyon ay parang dinala ako sa ibang lugar.

Sa una ay mabagal ang kanyang ginagawa, mahinahon ang bawat bagsak ng labi niya sa akin na para bang ninanamnam ang bawat sandali pinagsasaluhan namin. Namalayan ko nalang ang dalawang mga braso kong nakapalupot sa kanya batok, ang isang kamay ko ay nakahawak lang roon at ang isa naman ay dahan-dahang gumagapang sa kanyang buhok.

Sinapo niya ang aking puwitan upang maigaya ako kung saan ay hindi ko alam at wala akong balak na alamin pa. Para akong sanggol na dala-dala ng kanyang ama papuntang kwarto.

Tinitigan niya ako habang nakapatong ang kanyang malaking katawan sa akin.

"Are you scared?" his voice was husky. Nababalot na kanyang mga mata ng makamundong pag nanasa.

"N-no."

"I'll be gentle..."

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Wala akong pakialam sa kung ano man ang sinasabi niya basta ang alam ko ay may gusto ako marating at s'ya lang ang pwedeng sumama sa akin doon.

Ramdam ko ang gaspang ng dayami sa ilalim ng kumot na aming tanging sapin. Nagumpisa s'ya sa paghalik sa aking mga labi hanggang sa nagpunta na iyon sa aking tenga patungo sa aking panga at masuyong hinalikan ang aking leeg. Naramdam ko ang pag gapang ng kanyang kamay sa aking likuran kung kumunot ang noo ko noong hindi niya agad matanggal ang lock ng aking bra. Patuloy pa rin s'ya sa paghalik pero gusto ko nang tumawa.

He is a virgin for pate sake. May nalalaman pa s'yang 'I'll be gentle' pero lock lang ng bra hindi niya matanggal.

"Aries..."

"Hmm," tumunghay s'ya sa akin.

"Ako na," I chuckled.

Sinamaan n'ya ako ng tingin dahil sa sinabi ko. Gusto ko lang naman makatulong pero bakit parang kasalanan ko pa.

Inabot ko ang aking likod at mabilis lamang iyong tinanggal. Nagtaas s'ya ng kilay sa akin at ako'y gusto ng tumawa dahil sa kanyang reaksyon. Hindi ko alam kung namangha ba s'ya na mabilis lang iyon natanggal o naiinis ba s'ya.

"Pang elementary kasi," saad niya.

"Aba!" Hinagip ko ang kumot at pinulupot sa aking katawan. Nanlait pa talaga s'ya.

"Kung ayaw mo wag!" dagdag ko.

He chuckled, "Ang pikon mo talaga. Wala akong ibang pinangarap kundi ikaw at ang mga sandaling 'to... kahit pa lugi ako."

"Ariestotle lumayo ka nga muna sa akin!"

"Saan ako pupunta kung ganoon."

"Kay Teri! Bumalik ka doon!"

"Ayoko nga, hindi naman maliit ang kay Teri!"

"Lumayo ka please, baka mapatay kita!"

Tinalikuran ko s'ya dahil sa sobrang inis. Nagulat nalang ako noong bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran. Wala ng kumot ang pumapagitna sa amin. Pakiramdam ko ay mangangati ako nito mamaya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top