Trenta
Goku
"Ma'am last na fresh milk na po ito. Mag gorgroceey pa ho kami mamaya" sambit ni Salome habang nilalabas ang huling pack ng fresh milk.
"It's okay, Salome," I said.
Isinali ko ang gatas sa aking baso at marahan ng tumalikod para makabalik sa beranda.
"Ma'am kanina pa po pala nakaalis si Sir Bernardo. Pinapasabi sa inyo na gusto n'ya raw na sabay kayo mag dinner."
Malakas ang boses ni Salome habang sinasabi ang mga iyon. Ako naman ay dirediretso lang hanggang makalabas, tila ba ayaw kong intindihin ang kahit isang salita na kanyang binanggit.
"Ang tagal ha," bungad ni Aria ng tuluyan na ako makabalik.
"Yoo looked stress, pailang fresh milk mo na ba iyan?" dagdag pa niya.
"I don't know," mabilis ang aking naging sagot.
Tanggan ko ang isang papel. May kaylangan kasi akong aralin doon, hindi ako pupunta ng office ngayon dahil may bibisitahin ako sa site namin sa magallenes, kung saan ang ibang trucks at engines ay na andoon.
"Anyways, andito na si Pancho kagabi. I'm lucky na may tutulong na sa akin."
"Tutulong lang ba?"
Nagtaas ako ng kilay sa aking kaibigan. Pancho was there to help her, with I don't know. Magaling naman si Pancho, graduate din siya ng busines so, I think may maitutulong sya sa production ng company nina Aria sa Maynila.
"Oh please, Latisha! We'er friends and we've talked about that already." she rolled her eyes.
"Well, I hope so. He's crazy for you." I teased.
Nagkibit balikat na lamang ang kaibigan sa akin. Hindi ko akalain na magsasama pa sila matapos ang nangyari.
"You're right! Sa sobrang pag kabaliw n'ya sa akin. Sinabi niya na may nawalang dalawang tao na nag outing sa Malibiclibic falls, natagpuan daw sa kweba? Blind item of the day."
My lips parted, hindi ko rin alam kung paano ako magsasalita. Looks how she turns the table.
"Hindi naman 'yon sinasadya. Hinahanap ko si Max." sabi ko.
"Si Max? I don't think so na si Max nga ang hinahanap mo." tila siguradong sigurado s'ya sa kanyang sinasabi at parang alam niya na hindi si Max ang aking kasama.
"I'm saying the truth. Si Max ang hinahanap ko. Hindi ko alam kung paano s'ya napunta doon."
"Ibig sabihin, nag teleport si Aries. Ano s'ya si Guko?"
Napapikit ako ng mariin dahil sa kanyang sinabi. Her logic was unbelievable. Parang hindi kayang iproseso ng aking isipan.
"Fine! You win, Tuaria! Hinanap ako ni Aries, at hindi sinasadya..." I emphasised the word sinadya, "nahulog rin s'ya, kaya ayon wala kaming choice kundi mag hintay sa rescue."
Ngumuso ang aking kaibigan tila hindi s'ya kombinsido sa aking paliwanag. Wala na akong sasabihin pa sa kanya. Mama is more than engouh para makaalam pa sa nangyari doon.
"Wala na Aria! I swear!"
It feels likes, ako na ata ang pinakasinungaling na tao sa mundo. At mag susingungaling pa ako matapos lang ang lahat ng ito.
"Okay, sabi mo. So, after that, hindi ka na niya muli pang kinausap?"
Magsasalita na sana ako ng bigla niyang itinaas sa hangin ang kanyang palad. Hudyat iyon na nais niyang pigilan ang aking sagot.
"Don't dare na magsingaling, malalaman ko rin ang totoo, Latisha. I'm warning you!"
I sighed, "Kahapon sa office, may dala s'yang flowers. He invited me to... have a date with him."
Lumapad ang ngiti ni Aria at ilang sandali pa ay nag sisigaw na ito. Tinakpan ko ang aking tenga dahil sa tinis ng kanyang tili.
"Calm down Aria!"
"O to the M to the G..." muli ay nagpakawala na naman siyang ng matinis na tili, " Okay, okay, wait I need to take a breath," sabi niya habang nakakurba pa rin ng ubod ng laki ang mga labi.
Nagtaas lang ako ng kilay sa kanya at nag hintay kung kaylan ako pwede magsalita. Kagat kagat ko ang aking mga labi habang pinagmamasdan ang kaibigan. Ilang beses ang pag hinga niya ng malalim habang nakatingin sa akin, sinamantala ko iyon upang maubos ang pang huli kong baso ng gatas.
"Okay, game!"
"Naglalaro ba tayo? We'er to old for that." I smirked.
bakas sa kanyang muka ang namumuong inis dahil sa aking sinabi. Ang kanyang masayang mukha ay biglang lumukot dahil sa kanyang nakahabang nguso. Ang kanyang mga kilay ay tila naging iisa dahil sa sobrang pagsimangot ni Aria.
"Alam mo... wag mo baguhin 'yong usapan."
"Sorry..." I laughed, "Magdedate kami pero hindi ko pa alam kung kaylan."
"So, paano 'yong fiancee? What is her name again?"
"Teresa Esquivel."
"Hmm... seems like... maganda ba?" pag uusisa niya.
Kumaway siya saglit sa may bandang harapan niya hudyat na may pumasok sa kanyang office. Ngumiti si Aria at saka marahang itinango ang kanyang ulo.
"May meeting ka?"
"Yah, so ano maganda nga?"
Ang isang 'to may meeting pala inuuna ang pakikipagchsimisanan sa akin.
"Oo, mas may kurba pati. Pang model ang katawan. Mga tipo talaga ni Aries."
Flat chested ako kung ikukumpara kay Teri. Atsaka 'yong mga ganoon klase ng katawan kayang kayang mag pa horny ng kahit sinong lalaki.
"Paano mo naman nalaman ang tipo ni Aries? Buong buhay noon ay ikaw ang pinangrap."
"Malay ba natin kung nag bago na."
"May point ka jan, anyways... I'll go ahead may meeting pa ako. See yah!"
Ngumiti lang ako sa kanya bago tuluyang nag end ang video call.
Tumingin ako sa kawalan at saka nagpakawala ng bugtong hininga. Tumayo na ako at dinala ang laptop ko sa kwarto. Kaylangan ko na rin siguro mag ayos para maaga akong makabalik para sa dinner.
Tatay ko pa rin s'ya at kahit papaano ay dapat ko pa ring s'yang pag bigyan sa munti niyang mga hilig.
Hinayaan kong damihin ng aking katawan ang tubig pero bago pa ako tuluyang makulong noon ay tinawag na ako ni kalikasan. Pailang beses ko na ito muli ng mag umpisa ako maligo. Sa awa naman ng d'yos ay tumigil na siya sa loob ng ilang oras. Pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas dahil sa nangyari. Nasobrahan ata ako sa fresh milk. Hindi na ako uulit noon sa susunod, ang isa ay tama na.
"Ma'am malayo po ang Magallenes, sigurado po ba kayong ayaw ninyo magpasama?"
"Hindi na po mang Kanor."
Dala ang isang bag pack na naglalaman ng lahat ng kaylangan ko. I decided to wear a comfortable pair of jeans and skin tone shirt that perfectly fit to my slim body. And white sneakers that I think compliment my aura for today. I wanted it light and compy.
"Malayo pa iyon at walang masyadong bahay. Sa may bayan lang ho nila mismo marami at dikit dikit ang bahay, sa papuntang site po ay walang gaano." paliwanag niya.
Tila na buo sa aking isipan ang lugar na aking pupuntahan. Sa kalapit na lugar iyon ng Aguinaldo. Noong wala kami rito ay nakabili pala si papa ng lupa roon na naging paradahan at taguan ng aming reserbang truck at engines.
"Salamat po sa inpormasyon, uuwi po ako bago mag dilim."
"Sige ho, ingat Ma'am."
Ngumiti ako sa kanya bago inilagay sa passenger seat ang aking bag at umikot patungo sa driver seat. Kumaway ako kay mang Kanor bago tuluyang pumasok. Pinihit ko ang susi para makaalis na ko. Pinagmasdan ko muna ang paligid bago tuluyang lumabas ng bahay.
Binaybay ko ang landas patungo sa kabilang bayan, sa magallenes. May ilang jeep at sasakyan pa akong nakasabay na sigurado akong doon rin ang tungo. Unti unting nagbago ang paligid. Nakalapgpas ako sa arkong may nakalagay na come again. Hudyat na 'yon nakapasok na ako ng ibang lugar.
Sumalubong sa akin ang malawak na kapatagan at mga nag tataasang bundok na nakapalipot sa buong lungsod. Tunay nga ang sinabi ni mang Kanor. Wala ganong bahay sa lugar na ito.
May nakita akong ilang kalabaw sa may palayain kasama ang ilang mapuputing tagak. Ang ilang ay tumtuka sa ibaba at ang ilan ay lumilipad. Nakakatuwang may mga ganoong lugar pa pala sa Pilipinas.
Marahan ko inikot ang handle upang bumaba ang bintana ng aking kotse. Inilabas ko ang isang kamay ko roon, dinama ko ang malamig na hangin dumadampi sa aking palad. Dahan dahan umagat ang gilid ng aking mga labi habang ang isang kamay ko ay busy sa pag hawak ng manibela.
Nang mag iba na ang kapaligiran ay binawi kong muli aking kamay papasok. Nakarating na ako sa kabahayan. Maraming mga bata ang nag kalaro sa daan kaya naman binigalan ko ang aking pagpapaandar. Nagbibigay din ako ng hudyat sa tuwing malapit na ako upang makuha ang kanilang atensyon. May ilang matatandaan sa kanto ng klasada ang nag kakwentuhan at nagtawanan ang ilan sa kanila ay puro kababaihan.
Nadaan ko rin ang isang sapa kung saan ay mga matatanda rin ang naglalaba roon, ang iba ay ginagamitan ng pamukpok ang kanilang labahin, as sobrang bagal ng aking patakbo ay makita ko pa ang isang batang tumalo mula sa isang mahabang bato. Tila nag dive ito, hindi ko maiwasang mapailing habang nakangiti.
Mejo matagal bago ako nakawala sa kabahayan, ilang liko at pasilyo pa ang aking nadaan. Nang muli kong matanaw ang kapatangan ay nagbigay ito ng nakaibang pananabik sa akin.
Muli ay inilabas ko ang aking kamay. Marahan kong iginalaw ang aking ulo na parang bang nakikinig at sumasabay ako sa saliw ng musika.
Nataranta ako ng biglang tumigil ang aking kotse. Nagpabalikbalik ang aking tingin sa manibela at sa aking paanan.
"Hala, bakit ngayon ka pa nasira."
Nakalimuta ko kasi ipacheck ito sa pagawaan. Lumabas ako ng kotse at binuksan ang hood nito. Nang matagumpay ko itong mabukasan ay maitim at na ngangamoy sunog na usok ang tumambad sa akin. Bahagya akong napaubo habang panay ang paypay ng isa kong kamay sa aking harapan ang isa naman ay nakatakip sa aking ilong habang unti-unti akong umaatras.
"Tss! Paano na ito ngayon?"
Bumaling ako sa paligid, tanging kalabaw, mga ibon at damo lamang ang andoon. Ilang beses bumaling ang paningin ko sa mag kabilang direksyon ng daan ngunit tila imposible ang may dumaan dito.
Lumipas ang ilang oras pero tanging mga motor at iilang taong nag lalakad lamang ang aking nakita. Puro pa sila nag mamadadali kaya hindi ako magawang tulungan.
Iyong isa kasi ay umuwi lang para kumuha ng gamit ng misis niya dahil na nganganak na daw. Iyong isa naman ay nasabitan ang kalabaw kaya napilay at kaylangan na nilang katayin upang mapakinabang. May ilan namang malalaking sasakyan na dumaan pero iyong isa ay may emergency dahil nag aagawa buhay ang nakasakay at kaylangan magamot dahil nakainom ng clorox. Ang mga truck naman na dumadaan ay may lamang mga kawayan o 'di kaya gulay at prutas na panluwas. Hindi naman ako pwede roon dahil puno na sila.
"Pag minamalas ka nga naman." I said out of frustration.
Umupo ako sa klasada dahil nangangalay na ako sa pag tayo. Tumungo at ipinikit mula ang aking mata. Kaylangan kong kumalma at magisip ng paraan. Tirik na tirik si haring araw at ramdam ko ang pawis sa aking katawan. Mabilis lumipas ang mga oras, sinipat ko ang aking oras at pasado alas dos na ng hapon, isa pa, may kakaiba pa akong nararamdaman sa aking t'yan pero kaylangan ko iyong tiisin wala akong pupuntahan rito para ilabas iyon.
Napabaligwas ako sa tunong mg kotseng tumigil sa aking harapan.
"Tisha?!"
Sabay sa aking pag tunghay ay tumanbad ang isang lalaki sa aking harapan. Bakas sa mukha nito ang pagtataka habang nalatingin ang kanyang mapanuring mga mata.
"A-aries," daman ang takot at hirap sa akin. Ngayon lang ako naiwan ng ganito. Sobrang tagal sa gantong lugar na ngayon ko lang narating ng magisa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top