Trece
Dalawang salita
Malamig at nakakakiliting bagay ang maya't maya ay dumadampi sa aking muka, sinamahan pa ito ng mumunting kahol mula aking talagang si peechy.
Minulat ko ang isang mata ko upang makita sya, kumakawag ang buntot nito sa akin tapos ay nag papaikot ikot sya sa'king kama.
"Hmm, peechy I'm sleppy. Mamaya na tayo maglaro."
Muli ay dumapa ako sa aking kama at niyapos ang aking unan. Pumikit ako at hinayaang dalawin muli ng antok. Hindi pa nag tatagal ang aking pag Filip ay tunog na ng aking phone ang bumulabog sa akin.
Kinusot ko ang aking mata bago tuluyang bumangon. Agad naman lumapit si peechy sa'king kadungan ng makaupo na ko sa kama.
"Ano?! Latisha! Wala kang balak pumunta ng school?!"
Malakas na sigaw agad ni Aria ang aking narinig. Agad ko naman iyong inilayo sa tenga ko. Sobrang lakas kasi.
"Hoy!"
"Ano ba Aria? Hindi naman mahilig sa mga laro jan sa school."
Sport fest na kasi namin. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kaylan lang, may unang araw namin bilang highschool, ngayon ay sophomore ba agad kami. Active pa rin si Aria, mapa academic man yan o extra curricular. Consistent ang agawan nila ni Pio sa leaderboard.
"Oo nga't hindi ka mahilig! Pero si Aries!" angil nito sa akin.
Nasapo ko ang aking noo. Oo nga pala, first game sina Aries ngayon sa basketball. Ito yung game kung saan mapapasali sa semi final yung mananalo. Tapos mamayang hapon yung laban ng kung sinong mananalo ngayon para kalabanin yung depending champion, para bukas.
"Ano? Wag mong sabihin nakalimutan mo!" si Aria ulit.
"O-oo."
"Anak ka ng... Latisha naman! Alam mong hindi mabubuhay yung isa nang wala ka! Nag uumpisa na yung laro. 1st quarter pa lang, ayaw pumasok sa game ni Aries. Nakaupo lang sya doon at hindi kumikibo. Baka gusto mong bilisan. Hindi sila makakapasok sa semis kung hindi sya lalaro!"
Agad na niyang iyong pinatay nang hindi na pinakinggang ang aking sagot.
Oo na!
Kasalanan ko na, malay ko bang hindi sya maglalaro ng wala ako.
Lahat kasi ng laro nya present ako. Ang maingay nyang cheerleader. Halos maps ako para I-cheer sya. Pag kasi hindi ako sumigaw ay sinasadya nyang hindi ishoot ang ball. At ngayon na wala ako? Hindi ba talaga sya lalaro?
"Peechy, anong gagawin ko?"
Tumingin sya sa akin bago tumalon sa sahig. Nagkalat doon ang mga gamit ko. Gumawa kasi ako ng panibagong banner para sa laro ni Aries. Mejo gusot na kasi yung mga na una. Mayr oon doon isang malinis pa na kartolina.
"Good girl," himas ko sa ulo ni peachy.
Agad akong lumapit sa kartolina, wala na akong panahon mag design o kung ano pa man. Isinutayo ko nalang doon ang dalawang salita. Bahala na kung pangit ang sulat ang mahalaga ay malaki iyon at kitang kita.
Mabilis akong naligo at nag palit ng damit na sigurado akong hindi ikakagalit ni Aries. Pair of jeans at simpleng T-shirt lang.
.
Hinalikan ko si peechy bago tuluyang lumabas ng kwarto. Dala ko lang ang isang maliit na bag at mahiwang kartolina.
Sana ay dapat na ang dalawang salita para sa kasalanan ko ngayon araw.
"Tisha ka-"
"Bye ma! Usap tayo mamaya. I love you." Sigaw ko at dirediretso na palabas ng bahay.
"Mang kanor, pakibilisan lang po. Late na ko," usad ko.
"Sige po."
Agad na kaming umalis ni mang Kanor. Kagat kagat ko ang pangilalim ko labi. Hindi ko na rin mapigilan ang pagtaas baba ng aking mga binti.
"May problema po ba Ma'am Tisha?"
Napabaling ako tanong ni mang Kanor.
"W-wala po. Pakibilisan na po."
Hindi ko na mapigilang kagatin ang aking mga daliri. Sobrang kaba ko. Paniguradong ang dami ng nagagalit kasi ayaw nya mag laro.
Ang isang yon pahirap kahit kaylan.
Kinuha ko ang salamin sa bag para sipatin ang aking muka. Pakiramdam ko ay muka akong ewan dahil sa sobrang kaba. Baka pag dating ko doon ay awayin ako dahil sa nangyari.
Napabugtong hininga ako ng muling tumunog ang aking phone.
"Nasan ka na?!"
"Malapit na Aria."
"Bilisan mo! Bente na ang lamang!"
Bente? Napakalaki na noon. Matatalo na ba sila?
"Ma'am papasok na po ba tayo sa loob?" tanong ni mang Kanor.
"Opo, sa may gym po!" sagot ko.
"Aria, papunta ako ng gym." baling ko muli sa kabilang linya.
"Thank God! Pakibilisan pa. Maguumpisa na ang second quarter."
"Oo na." Natataranta na talaga ako.
"Give way guys! Kung gusto nyo makitang maglaro si Aries! Mag give way kayo! Darating na si Tisha!"
Utos nya siguro iyon sa mga tao. Hindi na siguro nya pinatay ang tawag, kaya naman ko ang gumawa noon. Natanaw ko ang gym. Ang dami nang studyante sa labas noon at tingin ko ay mas marami pa sa loob.
Kaya ko ba talaga itaas ang banner na to? Sa ganoong kadaming tao? Pero kung hindi ko ito gagawin. Magagalit si Aries, dahil nakalimutan ko ang game nya.
Bakit kasi kung kaylan semis saka pa ako nakalimot?
Hinawakan ko ng mahigpit ang banner na ginawa ko ngayon umaga lang. Kumpara sa mga na una. Plain iyon, tanging dalawang salita lang ang nakapaloob at walang kahit anong desenyo. Pero... ito na ata ang banner na pinaka kinakabahan ako itaas.
"Salamat po."
Hindi ko na hinintay pag bukasan ako ni mang Kanor o magsalita sya. Agad na aking lumabas. Kita ko ang pag kataranta rin ng lahat ng makita ako.
Hindi ako mahirapan pumasok sa crowded na gym dahil sa bawat pag hakbang ko ay tumatabi sila upang paraanin ako.
Nang tuluyan akong makapasok ay tumambad sa akin ang score ng dalawang kupunan. Ten sina Aries at kalaban nila ay thirty two na.
Twenty two ang laman.
Iginala ko ang aking mata sa buong gym. Sobrang pagod na sina Pio,Oscar,Carlos at Pancho, at may isa pa. Puro sa section one kasi kinuha ang first five. Tanging si Aries lang nakasama na galing sa ibang section. Yung iba ay puro pang sub nalang. Mga third year kasi ang kalaban nila.
Napabaling ako sa isang lalaki nakasuot rin ng jersey pero naka tungo ito at magkasiklop ang dalawang kamay. Tila ayaw nya panuurin ang ang laban. Panay ang kausap sa kanya ng coach na ngayon ay naka squat para maging kalevel sya. Hindi man lang nya ito pinag pangalan ng tingin.
"Boyfriend ko!"
Malakas ang aking naging sigaw na nakapukaw ng halos lahat ng tao sa gym. Tumingil saglit ang lahat maging ang mga lalaro. Nakatingin na silang lahat sakin. Taas baba ang aking balikat dahil sa aking ginawa.
Tumunhay si Aries, lumapad ang ngiti nito ng makita ako sa kabilang dulo ng court.
"Yes! Andito na!" bulaslas ni Pio.
Nag apiran naman sila ng mga kagroup nila.
Agad kong itinaas ang banner na aking gawa. Nakapikit ako dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi go Aries o galing mo Aries ang nakalagay doon. Kundi...
Tayo na!
Malakas na iritan ang narinig ko sa buong gym. Daig pa noon ang nanalo ang team sa laro. Parang championship na ang dating.
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita kong tinapik ni Aries balikat ni Pio, doon na nagsimula ang pag pasa ng bola.
"Bawing bawi," nakangiting lumapit sa akin si Aria.
"Tumigil ka, Aria."
"Para nakaglue ang ngiti ni Aries ah. Hindi ka man lang tiningnan o kinausap pero alam na alam mong kinikilig."
"Aria sabing tumigil ka na."
Ngumuso sya para ituro sa akin si Aries na panay lang driball ng ball.
"Sigaw! Hindi iyon ishoot si Aries," panunukso nya.
Nasapo ko ang aking noo, bago sumigaw.
"Shoot Aries!"
"Ishoot mo daw sabi ni baby Tisha!" sigaw noong lalaki likod namin.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Aries.
Naku patay! Isip Tisha, bilisan mo. Manunugod yan.
"I love you baby Aries," sigaw ko.
Pakiramdam ko ay sobrang pula ko. Matatalo sila pag hindi ko iyon ginawa.
Jusko!
Muli ay ngumiti sya, two point for Ariestotle!
Kinidatan pa ako nina Pio at Pancho noong nadadaan sila sa tapat ko. Hindi namanasa hindi sila magaling pero sempre kahit magaling ka kung kulang sa team work ay wala rin.
Unti unti ay nahabol nila ang puntos ng kalaban at lumamang pa pag dating third quarter.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top