Siete
Checklist
Unti unti kong binuksan ang pinto sa kwarto ni Aries. Tahimik ang buong paligid nakita kong mahimbing syang natutulog pero balot na balot siya ng kumot.
Agad kong sinapo ng aking palad ang kanyang noo. Sobrang init nya, tila ba apoy na nakakapaso pag iyong hinawakan. Bahagya sya lumikot dahil sa aking pag hawak pero hindi naman sya nagising.
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan sya. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Actually, alam ko naman talaga ang gagawin pero... lalaki kasi sya at hindi ba pangit iyon tingnan?
I mean, oo nakita ko naman na yong katawan nya. Maraming beses na pero hindi ko naman iyon binibigyan ng pansin kasi nga... basta! Ngayon kasi iba, mahahawakan ko mismo.
"Hay! Bahala na nga si Lord," sabi ko at inangat ang kumot mula sa kanyang katawan.
Balak ko sanang hayaan makahinga ang kanyang katawan bago ko punasan ang tubig na may yelo. Nag utos na ako sa mga katulong na ipaghanda ako ng lugaw o kahit anong may sabaw at saka yelo na may tubig at alcohol sa isang palanggana.
Since, wala pa yong hinihingi ko. Pumunta muna ako sa kabinet nya at nag hanap ng puwede nyang pamalit. Nakakita ako ng isang T-shirt kaya naman kinuha ko iyon. Sa hindi inaasahan, may nahulog na papel galing sa drawer.
Pinulot ko iyon at aking tinanggal sa pag kakatupi.
Checklist? Para saan?
Pinagmasdan ko iyong maigi, maraming check pero may isang ekis. Wala namang nakasulat na kahit ano kundi ang check at ekis lamang, hindi ko talaga maintindihan kung para saan iyon.
"Anong ginagawa mo rito?"
Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa bigla nyang pag sasalita.
"May sakit ka daw," mejo awkward kong sagot.
Hindi na sya sumagot sa akin, bagkos ay muli nyang ipinikit ang kanyang mata.
"Aries, para saan ito?" hindi ko na kasi napigilan ang sariling magtanong.
Bahagya syang gumalaw atsaka lumingon sa'kin. Mapungay ang kanyang mata at mapupula ang mga iyon.
"Kung manliligaw ba ako o hindi," sagot nya. Mejo garalgal ang kanyang boses. Siguro ay masakit ang lalamunan niya o dahil may sipon sya na hindi makalabas.
Muli ay bumaling ako sa papel. Checklist ito kung manliligaw ba o hindi? Tingin ko ay manliligaw sya, puro check kasi.
"Manliligaw ka na? Pag girlfriend mo na, sabihin mo best friend tayo kaya hindi sya dapat mag selos sa akin."
Itinabi ko na ang papel sa drawer at naglakad papalapit sa kanya. Wala pa kasi yung inutos kong tubig kaya hindi ko pa sya mapapalitan.
"Sinong liligawan mo Aries?" tanong ko ng makalapit na ko.
Umupo ako sa dulo ng kanyang kama at inilagay sa tabi ko ang damit na ipang papalit nya. Umayos sya sa pag kakahiga kaya naman nakasandal na ang kanyang likod sa head broad ng kanyang kama.
"Galit naman sa'kin kaya... wag nalang siguro."
Dahil sa pag bangon niya ay mas lalo ko lamang nakita na may sakit talaga sya. Ginapang tuloy ako ng aking konsensya. Maputla na ang kanyang labi. Ganon rin ang kulay ng kanyang balat.
"Alam nya na may sakit ka?"
Hindi ko alam kung bakit ko pa ito tinatanong. Kung sino man sya ay ang swerte nya. Sempre, si Aries kaya ang manliligaw syo masasabi mo pa bang malas ka.
"Oo," tipid nyang sagot.
"Kung ganon, nasaan sya? Alam mo, kung ngayon palang na nanliligaw ka at hindi ka nya kayang pakitaan ng malasakit, paano pa pag kayo na. Ibig kong sabihin Aries, kahit ba nanliligaw ka pa lang, kung interesado sya sa iyo dapat ay andito sya ngayon at iniintindi ka."
Pangaral ko. Kung sino man sya, napakasama nya. Hindi naman siguro sya liligawan ni Aries kung hindi seryoso. Sabagay, highschool na kami at ang mga gantong bagay, tingin ko ay normal lang sa edad namin pero sempre kaylangan magisip rin ng mabuti.
"Nag aalala naman sya," nahimigan ko ang tuwa sa boses ni Aries.
Parang may kung ano sa kanya ang biglang nag painis sa akin. Kung nag aalala sya, sana ay andito sya.
"Talaga? Kaninang umaga, siguro sya nag punta. Pero bakit sabi ng katulong nyo hindi ka pa nakain? Ano palang ginawa nya rito kanina?" Ngumuso ako dahil sa sariling tanong.
Pakiramdam ko kasi ang bitter ko sa mga oras na iyon. Hindi ako against sa panliligaw ni Aries. May part lang sa akin ang natatakot na baka hindi na kaming puwedeng ganto pag may girlfriend na sya.
Sumagi din kasi sa isip ko yung sulat na nabasa ko. Kung totoo iyon, bakit nanliligaw pa sya ng iba? Bakit hindi ako? Pero bakit magiging ako? Paano kung ako nga? Papayag ba ako?
"Hindi nya pa ako pinapakain," natatawa nyang sabi.
"Tawagan mo kaya? May number ka ba? Kung ako sayo, itigil mo na. Hindi ka gusto noon."
Ano ba Tisha! Hayaan mo nga sya. Kung gusto nya manligaw, suportahan mo. Kaibigan ka nya 'di ba? So, dapat maging masaya ka. Hindi yung sinusulsulan mo pa ng hindi maganda.
"Meron. Tingin mo sasagutin nya kung sakaling tumawag ako?"
Aba, hindi pinasanin ang mga huling salitang sinabi ko. May balak pa nga tumawag. Sige tumawag ka! Pag hindi nya sinasagot, ibig sabihin ay hindi ka nya gusto. Wala sya paki sayo. Wag kang iiyak sa'kin Aries, pag nangyari yon!
"Kung gusto ko nya sasagutin nya sempre," mayabang kong sagot.
Sana ay hindi nya sagutin kung sakali nga na tumawag si Aries. Pero sinong niloko ko. Sinong babae ang hindi sasagot sa tawag ng isang Le Bris. Kahit sino yata sa kanilang tatlo ay kikiligin ang kahit sinong babae. Pero sempre, pag ako ay kay Aries lang.
Teka! Bakit ba iniisip ko iyon? Hindi naman ako ang tatawagan ni Aries.
"Paano pag hindi nya sinagot?" tanong nya.
Ang mapungay nyang mata ay tilay seryoso na sa mga oras na ito.
"Simple lang, pag hindi nya sinagot ibig sabihin ay hindi ka nya gusto. Ayaw nya sayo. Wala kang pag asa, ganon," paliwanag ko.
Sinabi ko pa rin iyon kahit alam ko naman meron syang pag asa.
"Talaga Tisha, totoo ba yang sinasabi mo?"
"Oo naman, babae kaya ako. Pag gusto ko ang lalaki, sasagutin ko ang tawag nya," sabi ko bago nag iwas ng tingin sa kanya.
"Bakit may nagustuhan ka na ba?"
"W-wala! Bata pa ako, hindi ko pa dapat iniisip yon. Kahit highschool na tayo ay dapat focus pa rin ako sa pag aaral. Pero kung, gusto mo na magkaroon ng girlfriend, hindi naman ako tututol."
Isa kang sinungaling Lastisha.
Paulit ulit na sinasabi ng utak ko sa'kin.
"Manliligaw pa lang naman, pero kung papalarin sempre gusto ko sana ay sya na talaga."
Hindi man ako nakatingin sa kanya ay ramdam ko ang mga titig nya. Ang tampalasan kong puso ay nag wawala sa hindi malamang kadahilanan.
Kung papalarin ay gusto nya na magkasama habang buhay, kung sino man ang gusto nya ngayon?
"Uulitin ko Tisha? Pag sumagot sya... ibig sabihin gusto nya ako?" muli syang salita.
"O-oo nga sabi!"
Ramdam ko ang biglang pag galaw ng kama. Hudyat na kumikilos sya. Napabaling ako sa kanya dahil kinukuha nya pala ang kanyang cellphone sa ibabaw ng maliit na lamesa sa gilid ng kanyang kama.
Ginulo nya muna ang kanya wavey ngunit mahabang buhok. Kung titingnan ay tama lang ang haba noon kung sa karaniwang straight na buhok pero ang kay Aries ay may pag kakulot kaya bumagay sa kanyang ng sobra. Nag mumuka siyang bad boy.
"Tatawagan ko na," muli nyang usad.
"Sige."
"Pag sumagot, gusto nya ako di ba? Papayag sya mag paligaw kung ganun?" tanong nya.
"Kung sasagot," pinilit ko pa rin maging normal ang pakitungo sa kanya.
Pero nag aalala talaga ako na baka ito na ang huling lapit ko kay Aries, kung may liligawan na sya. Ayaw ko naman sempre makagulo.
Ngumiti sya habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nung nag umpisa ng gumalaw ang kanyang daliri ay para akong bomba na gustong sumabong sa oras na may kausapin sya doon.
Handa na ba ako para lumayo sa kanya?
Napalundag ako ng bahagya sa aking pagkakaupo ng biglang mag vibrate ang cellphone sa aking bulsa. Maingat ko iyong itinaas patungo sa aking harapan para makita kung sino ang tumatawag.
Pangit na Le Bris...
Ang pangalan ng tumatawag sa'kin. Si Aries to. Ilang beses akong nagpakurap kurap habang pinagmamasdan ang aking screen.
Bumaling ako kay Aries at seryoso itong nakatingin sa screen ng cellphone na hawak nya. Hindi man lang nya ako binigyan kahit isang sulyap. Kunot ang noo nya at parang kinakabahan dahil hindi pa rin sinasagot ang kanyang tawag.
Muli ay ibinalik ko ang atensyon sa harap ng screen. Dahan dahan kong pinindot ang answer botton.
"Hello?"
Nasa iisang lugar lang kami pero ramdam ko ang sobrang kaba. Nasa dulo ako kanyang kama samantalang sya naka kabilang dulo.
"Yes, sinagot nya. Kinabahan akong hindi mo sasagutin," maligaya nyang sabi.
"Nangtitrip ka na naman A-aries," kabado pa rin ako hanggang ngayon.
"Desidido ako, Latisha."
"Ma'am Tisha eto na po yung pinaluto niyo atska yung request ninyong tubig na may yelo."
Napabaling ako sa kadarating lang nakatulong. Narinig namin ang halakhak ni Aries habang inaayos ang pagkakaupo.
"Angs saya ni senyorito. Si Ms. Tisha lang pala kaylangan nyo," pabirong sabi nya.
Bumaling ako sa hawak kong cellphone, doon ko na kompirma na hindi nya pa ito pinapatay.
"Sige po, alis na ako," paalam nya.
"Tisha, subuan mo naman ako."
Kuha nya sa atensyon ko. Ang lalaking ito! Nilalagnat lang nilamon na ata ng ibang mundo ang pag iisip! Kung ano ano ang sinasabi at ginagawa.
Nakakainis!
"Manliligaw mo na ako ah," sabi nya habang taas baba ang kilay sa'kin.
"Oo, basta mag pagaling ka!" Iritado kong sagot.
Muka man akong naiinis pero ang totoo nagbubunyi ang aking buong pagkataon. Ang bata ko pa para sa ganito pero anong bang dapat kong gawin kung gusto ko rin sya.
"Ang bilis mo naman mapasagot," biro nya.
"Gusto mo bastedin kita?"
Sagot ko pero tinawanan lamang nya ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top