Otso
Kompirmado
"Wag mo ito iwawala ha. Registration form mo iyan."
Bilin sa'kin sa registrar. Tatlong araw mula ng magkasakit si Aries ay ngayon lang kami nakapag enroll.
Muntik na kami mawalan ng slot, ang ending nasa last section kami. Wala naman kasing palakasan dito dahil lahat kami ay kayang mag bayad ng higit pa. May mga scholarship program din ang school pero hindi ko alam kung paano ang proseso noon dahil hindi ko naman kaylangan. Si Pancho at Aria ay magkaklase.
Grabe ang inis ni Aria sa'kin dahil hindi kami naging mag kaklase.
"Ako na magtatago ng sayo," alok sa'kin ni Aries.
Naka grey vintage shirt at cargo pants lang si Aries, na tingin ko ay hindi bagay sa fuschia pink ko na sling bag. Pilit nya kasing kinukuha iyon, ganon daw talaga pag nanliligaw. Kahit dati na nya iyong ginagawa, pero ngayon ay parang iba.
"Ako na, akin na yang bag ko."
Akma ko sanang kukunin pero iniiwas nya. Madami tuloy ang nadadaanan namin ang napapatingin, ang ilan ay sanay na pero may ibang hindi maiwasang maasiwa dahil sa gwapo ba naman ni Aries ay ganon ang itsura ng bag na dala nya.
"Ako na Tisha, wag kang makulit."
"Alam mo, hindi pa ko nakakaranas maligawan pero tingin ko ay dapat ako ang nasusunod."
Tingin ko ay dapat sinusunod nya ang gusto ko para mapasagot ako at maging girlfriend nya. Hindi iyon sya ang nasusunod saming dalawa. Tingin ko talaga ay baliktad.
"Akala mo lang 'yon, ikaw na nga nagsabi hindi mo pa nararanasan."
"Bakit ikaw, nakaranas ka na?"
"Oo, ngayon pa lang. Nililigawan na kita. Tingin ko ay karanasan na ito," sinasabi nya iyon habang hawak ang ibaba ng kanyang labi.
"Pilosopo ka, Ariestotle!" inis kong sabi.
Ang lalaking to! Wag ko kaya sagutin.
"Tisha!"
Napabaling kami pareho sa biglang tumawag ng pangalan ko.
"Aria, anong ginawa mo rito. Hindi pa naman first day of school?" tanong ko.
"Wala lang, nalaman ko na may pinayagan na manligaw," malapad ang ngiti nya habang sinasabi iyon.
Paano nya nalaman? Sabi nga nila may pakpak ang balita. Hindi naman ganoong kalaki ang lugar namin para maitago ang gantong mga bagay lalo pa nga dahil sikat kami, lahat ay nakasubaybay sa mga buhay namin.
"Ang bilis talaga," usal ng katabi ko.
"Ano yon Aries?"
"Wala," sabi nya bago pisilin ang pisngi ko.
"Shit! Wag kang ganyan, punyeta sa harap ko pa!" Sabi ni Aria, kunwari ay naiinis pero kinikilig talaga sya, halata kasi sa lapad ng kanyang ngiti.
"Magtigil ka nga Aria!" saway ko.
Huminga sya ng malalim habang nakapikit na tila kinakalma ang sarili. Kami naman ni Aries ay nakatingin lamang sa kanya.
"Magkaklase pala kayo ni Pio?" basag ni Aries sa usapan.
Siguro ay para mailigaw si Aria ta hindi na kami kulitin tungkol sa ligaw ligaw na iyan. Kauumpisa pa lang ng highschool namin. Dapat ay maging masaya ang journey na ito.
"P-pio?" bakas kay Aria ang pag kagulat.
"Sabi nya sa'kin, kaklase ka niya," paliwanag ni Aries.
"Ah siguro, hindi ko pa nakikita yong mag nasa list," si Aria.
Kaklase nya pala si Pio. Isa rin yung gwapo. Maraming nag sasabi na tuso at matalino ang bunsong Quiambao.
"Bakit? Kinakabahan ang pinsan mo na mas matalino ako sa kanya?" Mapanghamon ang tanong ni Aria.
"Ewan, hindi ko naman tinanong kung bakit," sagot ni Aries.
"Dapat ay tinanong mo. Sa pasukan ay mag kakaalaman na."
Sempre, hindi nag patalo ang aking kaibigan. Kung ano mang balak nya ay hindi ko rin alam.
"Tara muna kumain, hanapin ko sina kuya. Palibre tayo," nakangiti nitong sabi bago ako hinila.
Napalingon ako kay Aries na ngayon ay wala ng nagawa kundi ang sumunod sa amin.
"Pahirapan mo muna, wag mo sagutin agad," mahina ang kanyang boses pero sapat na para marinig ko.
Natawa naman ako sa naging bilin niya sa'kin. Para na kasing matanda itong si Aria. Marami syang kalokohan alam na minsan ay hindi mo na iisipin na anak mayaman siya.
"Ayon si kuya Rico!"
Sigaw ni Aria upang makuha ang atensyon ng kapatid kahit malayo pa kami sa kinaroroonan nila.
Malapad ang ngiti ni kuya Rico habang nakikipagusap sa mga kaibigan nito. Hindi ko mapagkakaila na gwapo siya, kaya naman ang dami ring nahuhumaling sa kapatid nitong si Aria.
"Tara dali, andoon din si Arius!" sabik na sabi ni Aria.
Hindi lingid sa'kin ang pag kagusto ni Aria kay Arius. Gwapo naman kasi talaga ang panganay ng mga Quiambao, bukod pa roon ay ang misteryoso pa itong tingnan. Pero kahit kaylan hindi nya iyon inamin sa'kin o kahit ipinaalam kay Aries.
Nang papalapit na kami. Isang babae may kulot na buhok at sobrang puti ang pinagkakatuwaan sa loob ng canteen.
"Kuya, libre mo ako."
Bungad ni Aria sa kapatid ngunit nanatili ang tingin ko sa babaeng pinatatawanan.
"May problema ba, Tisha?"
Hinawakan ako ni Aries sa aking siko para ipakita sa'kin ang isang upuan sa tabi nya. Nakaupo na si Aria at pilit na kinukulit ang kanyang kapatid.
Muli ay bumaling ako doon sa babae bago bumaling sa mga kasama ko dito. Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni kuya Rico ang kaninang malalapad nitong ngiti ay napalitan ng magkasalubong na kilay, siguro ay naiinis na sya kay Aria.
"Hi! I'm Rafael, Tisha right?" sabay lahad ng kamay sa'kin.
Tatanggapin ko na sana ngunit si Aries ang nakipag kamay sa kanya. Pilit na ngiti ang ibinigay ko kay Rafael.
"Woah!" tanging nasabi lamang ni Rafael.
Umismid sya ng baghaya nakita kong bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Arius. Hindi nya siguro ikinabigla ang ginawa ng kanyang pinsan.
"Diego nga pala, hello nalang sayo," mejo natatawa nitong sabi.
"Gago!" si Arius.
Bigla akong kinalabit ni Aria at sumenyas itong nakahingi na sya ng pera sa kapatid. Alam ko na ang ibig nyang sabihin kaya hindi ko na sya sinamahan. Nanatili nalang ako doon.
Ganto ba talaga ang highschool? Ibang iba sa elementary, mejo seryoso na ang mga tao rito.
"Pinsan ka ni Arius di ba?" tanong ni Diego kay Aries.
"Oo," tipid ang kanyang naging sagot.
"Kung ganon may Le Bris na naman sa school na to. Paniguradong papatok ka," si Diego ulit.
Napansin ko na madaldal sya. Sabagay sya ang kakwentuhan ni kuya Rico kanina.
"Alam nyo kasi itong si Tisha? Para na ito kay Ari-"
"Oo na, Rico! Sino bang hindi nakakaalam ng tungkol sa kanilang dalawa, hindi mo na iyon kaylangan ipaalala sa amin," si Rafael na ngayon.
"E bakit nakipag kamay ka pa? Alam mo na pala? Nainis tuloy si Aries sayo."
Agad naman syang binara ni kuya Rico. Tulad nga kasi ng sabi ko, walang tao rito sa Aguinaldo ang hindi nakakaalam tungkol sa amin.
"Lipat tayo ng upuan?" bulong nya sa akin.
"Hindi na nakakahiya, Aries," sabi ko.
Lalo akong nahiya noong bumaling na si kuya Aruis sa amin. Nakataas ang isang kilay nito na tila ba pinagmamasdan ang bawat kilos namin kanina pa.
"Aries?" pukaw nito sa pinsan.
"Si Pio ba hindi mo nakita?" seryoso ang boses nito habang nagtatanong.
"Hindi kuya, bakit?"
"Wala," tipid nitong sagot.
Ngumuso ako dahil pakiramdam ko ay ang awkward na ng palagid simula pa kanina noong andito yung babae.
"Alis muna ako," paalam ni Arius habang tumatayo at inaayos ang kanyang gamit.
"Hoy! Saan ka na naman pupunta?" sigaw ni Rafael habang pinagmamasdan namin si kuya Arius na naglalakad palayo.
Itinaas lamang nito saglit ang kamay sa hangin habang nakatalikod pa rin at tuloy tuloy lang sa paglalakad.
"Ang isang 'yon, inaantok na naman siguro." puna ni Rafael.
"Hayaan mo na nga si Arius, lagi naman yung ganon," si Diego naman ngayon.
"Naiingit lang kayo, kung sino pa yong tahimik sya pa ang mas habulin kaysa sa inyong dalawa," pang aasar ni kuya Rico.
"Gago! Porket crush na crush ka lang noong mangkukulam, kala mo ang pogi mo na!" Natatawang sabi ni Diego, nag apir pa sila ni Rafael.
Mangkukulam?
May mangkukulam rito sa school?
"Fuck you!" sabi ni kuya Rico at hinagisan sila ng kung ano.
"Si Arius?"
Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Aria sa aking tabi. May dala na itong pagkain na sakto para sa aming lahat.
"Umalis," sagot ko.
Kumunot ang kanyang noo, hindi sya makapagtanong ng ayos dahil nasa tabi lamang ang kanyang kapatid.
"Oh, pinagbukas na kita."
Napabaling ako kay Aries, binuksan na nya ang bottle water para sakin.
"Hoy, kayo bang dalawa ay talaga naka arrange merraige?"
Nagulat ako sa biglang tanong ni Rafael. Lahat kami ay nakatingin sa kanya, na para bang mali ang kanyang tanong o dapat ay hindi na niya iyon tinanong pa.
"Nililigawan ko," si Aries.
Mas ikinagulat ko ang kanyang sagot. Dahil wala pa sa aming dalawa ang nag kompirma ng mga haka-haka tungkol sa kung anong meron sa amin. At ang pag amin niya na nililigawan ako. Paniguradong kakalat iyon, dahil mula na sa bibig ng isa sa aming dalawa.
"Sa wakas!" saad ni kuya Rico.
"Bakit kuya?" tanong ni Aria.
"Aba, matagal ng gumugulo sa akin iyon. Nasagot na rin," malapad na muli ang kanyang ngiti.
"Kuya, hindi pa sinasagot. Nililigawan pa nga lang! Ano ba yan kuya?! Hindi ko talaga alam kung paano ka nagugustuhan ng mga babae," pang aasar ni Aria.
"Initindihin mo kasi yung sinabi ko! Pero ikaw Aria, papatayin ko ang mag tangkang manligaw sayo. Sinasabi ko sayo ha! makini-"
"Takot sa sariling multo yan Aria," natatawang sabi ni Diego.
"Paiyakin mo ba naman halos lahat ng babae sa Aguinaldo, hindi ka ba matatakot para nag iisa mong babaeng kapatid?" si Rafael naman ngayon.
"Akala nya siguro only child lahat ng pinaiyak nya," si Diego ulit.
Mukang napagtitripan si kuya.
"Gago kayo!" si kuya Rico.
Ngayon pa lang naiisip ko na masaya talaga ang high school. Kaya siguro sinasabi na ang high school life pinaka masaya.
Sana nga.
"Ikaw Aries, wala bang iba bukod kay Tisha?"
Pag lipat ni Diego ng topic, siguro ay iniiwasan nilang mapikon si kuya Rico o magsesegway na naman sila.
"Si Tisha lang," tipid nyang sagot.
Napabaling ako sa kanya at seryoso nya iyong sinasabi. Ngayon ko lang din na pansin ang kanyang kamay na nakapatong sa aking upuan.
"Daig ka pa ng bata, Rico. Stick to one."
Sabay kaming natawa ni Aria. Siguro ay parehas kami ng naisip noong tinanong nya si Aries, patibong iyon para mainis na naman si kuya Rico. Maging si Aries ay natawa na rin.
Bukas ay umpisa na ng high school life namin. Sana tulad ng araw na ito ay marami pa kong makilala. Sana ay maging masaya ang high school life ko tulad nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top