Nueve

Unang araw

Tunog ng cellphone ko ang gumising sa akin. Nakabaon pa ang aking mukha sa aking unan, nakapikit ang mga mata tilay tamad na tamad para sa araw na ito. Kung saan saan dumapo aking palad upang kapain ang nag iingay kong cellphone sa lamesa, katabi ng aking kama.

Nang matagumpay ko na itong makapa ay kinuha ko iyon, dahil sa nakapikit pa ako ay muntik na itong dumulas aking kamay. Agad ko iyong inilapat sa aking tenga, hindi alintana ang buhok na nakatakip doon.

"Hmm," bungad ko ng sagutin ko ang tawag ng kung sino.

He chuckled when he heard my husky voice.

"Gising na, 5:30 am na malalate ka. I'm on my way na para sunduin ka,"

Imbis na intindihin ko ang sinabi ni Aries ay minulat ko nalang ang mga mata ko, bumaling ako sa alarm clock. Nakalimutan ko pala mag alarm. First of day at school, mukhang may balak pa akong malate.

Ano nalang gagawin ko kung wala si Aries?

"Hey, Tisha! Wake up!"

Napapikit ako ng mariin dahil na iniimagine ko na tumatawa si Aries habang sinasabi iyon.

"Y-yeah. Thank you," awkward kong sagot dahil lutang pa talaga ako.

"Good morning," masigla nyang sabi. "Paalis na ko, mag ready ka na. Okay?"

"Okay."

Noong pinatay ko ang tawag ay doon pa lamang ako natauhan na. Ginulo ko ang buhok ko, atsaka mabilis na bumango para maligo. Mabilis ko lamang itong ginawa dahil nakakahiya kay Aries na pag hihintayin ko pa siya pag dating nya.

Nang matapos ako sa pag ligo ay ngumuso ako ng pagmasdan ko ang aking uniform. Long sleeve na dirty white, isang maroon na neck tie at maiksing maroon na palda, tingin ko pag tuwad ko rito ay kita na ang aking pag kakababae. Bakit ba pinapayagan na ganto ang uniform ng mga estudyante?

Nagkibit balikat nalang ako at dinampo ang mga iyon para isuot. Humarap ako sa salamin at inayos ng konti ang aking sarili, hindi pa ko dapat ng lalagay ng kahit ano. Nakita ko kasi iyong ibang highschool na may nilalagay na sa kanilang labi, kaylangan ba talaga iyon? Hinawakan ko ang aking labi, natural ang pagiging mapula nito, ganoon rin ang aking pisngi. Sinuot ko ang isang pink na head band na may design na strawberry. Hinayaan ko lang na bumagsak ang aking wavey na buhok. Ngumiti ako muli sa harap ng salamin, sumilay sa aking pisngi ang dimple ko.

"Ma'am Tisha," pukaw ni yaya sa akin habang nakasilip sa pintuan.

Lumingon lamang ako sa kanya bago kinuha ang aking pink na bag. Feeling ko ay pang bata pa ang mga gamit ko, parang hindi na ito appropriate para sa school na papasukan ko, pero ayaw ko naman magpabili kay papa, may mga bag pa naman ako na hindi mukhang pang bata, sa ngayon ay ito nalang muna.

"Anjan na po si sir Aries sa baba," usal nito ng makitang papalapit na ko.

"Okay po," sagot ko bago sya tinapunan ng isang ngiti.

Pinalagpas nya muna ako bago tuluyang sinarado ang pinto ng aking kwarto. Pababa na ako ng hagdaan pero wala akong makitang Aries.

Nasaan kaya iyon? Sabi ni yaya, andito na sya.

"Nasa dinning area po sila, ma'am."

Nagulat ako ng biglang mag salita si yaya. Kasunod ko pa pala sya, nilingos ko lamang sya saglit bago nagtungo sa dinning area. Pag dating ko roon ay mukhang nag kakatuwaan si papa, mama at Aries.

"Oh Tisha, kala ko ay pag hihintayin mo ng matagal itong si Aries," si mama.

"Okay lang po iyon tita," nakangiting sabi ni Aries.

"Ano ka ba hijo, pangit iyong sinasanay mo iyang si Tisha sa mga gusto nya," si mama, ayaw na ayaw nya talagang na i-ispoiled ako ng kahit sino.

"Kanina ka pa?" bungad ko sa kanya ng tuluyan na kong makaupo.

"Hindi naman, kain ka na."

"Aries, wala akong problema sa panliligaw mo kay Tisha. May tiwala ako sa inyong dalawa. Kilala kita kaya naman, sana ay wag kayong mag madaling parehas," si papa, habang pinupunasan ang kanyang labi.

"Papa." suway ko.

Hindi ko sila ma gets. Talaga bang ganon ang payo nila kay Aries? Hindi ba dapat ay nagagalit sila, dahil ang babata pa namin?

"Bakit, Tisha? Ayaw mo ba kay Aries?" si mama naman ngayon.

Feeling ko ay mas kampi pa sila kay Aries.

"Kumain ka na," napabaling ako kay Aries, tapos sa plato ko na may lagay ng pagkain.

"Okay, sana ay nag kakaintindihan tayo Aries," seryoso ang boses ni papa doon. Nakatayo na siya ngayon. "I'll go ahead." paalam nya.

Lumapit sya sa akin upang halikan ako sa noo, ganoon rin ang ginawa nya kay mama. Sobrang perfect ni mama at papa. Kung magkaka asawa rin ako ay gusto ko katulad ni papa.

"Take care," bilin ni mama sa kanya.

"Hijo, bukas dito ka na mag almusal, okay?" saad nito noong bumaling sa amin.

"Okay po, tita Matilde," nakangiti nitong sabi.

"Ma, pinipressure nyo naman si Aries. Paano kung mag handa si tita Esmeralda ng breakfast for him." I said.

"It's okay Tisha, sasabihin ko nalang kay mama."

"Well, that's great. What's your favorite food, Aries?" halata ang excitement sa boses ni mama.

Kahit kasi na punta si Aries dito, ay hindi naman alam ni mama ang paborito nya. Kinakain kasi ni Aries kahit anong niluluto rito sa amin.

"Champorado, ma."

Ako na ang sumagot. Mamaya kasi pag si Aries ay kung ano ano pa sagot ni mama. Feeling ko ay gusto nya pang pahabain ang usapan.

Pinunasan ko ang gilid ng aking labi bago tuluyang tumayo. Sinipat ko ang aking wristwatch, 6:30 am na pala. Hindi pa kami late para sa flag ceremony.

"Alis na kami, ma," paalam ko tapos nakipag beso sa kanya.

"Tita, alis na po kami," paalam din ni Aries. Nag mano sya kay mama bago kami tuluyang umalis.

Napangiti naman ako sa aking nakita, ano pa nga ba ang hahanapin mo sa isang Le Bris na kagaya ni Aries?

"God bless hijo, ingat kayo ha."

Kumaway nalang ako kay mama habang naglalakad. Bumaling ako sa kasabay kong maglakad at naka kunot ang noo niya.

Anong problema ng isang to?

Kanina ay okay naman sya? Bakit naka kunot na naman ang kanyang noo.

"Okay ka lang?" tanong sa kanya habang papasok kami sa kanyang kotse.

"Alis na po tayo senyorito?" tanong ng driver nya.

"Opo," tipid nitong sagot.

"Hoy! Tinatanong kita? Okay ka lang ba? Bakit ka ba biglang nagalit? Hindi ba champora-"

"Wala na bang i-iksi pa yang palda mo?" mariin nyang tanong.

Napabaling ako sa palda ko at sobrang iksi nga noon. Halos makita na ang dulo ng aking panloob.

"Ito kasi yong... dinelivery ng school na uniform," hindi ko alam kung paano ako sasagot, dahil kahit ako, ayaw ko sa aking suot.

"Kuya, daan tayo saglit sa boutique," utos nya.

"Sige po," mabilis naman ang naging sagot sa kanya.

"Bakit tayo dadaan doon? Malelate tayo, Aries."

Pag rereklamo ko.

"Wala akong paki! I'd rather be late, than being annoyed by your damn school uniform the whole day! Baka makapatay ako."

Ang huling mga salita ay mahina na pero may diin pa rin. Sobrang kinagalit nya ba ang uniform ko? In just one snap kayang kaya niyang iutos na ibahin ang uniform ng school.

Pinaglaruan ko na lamang ang aking daliri. Huminga ako ng malalim at tumingin na lamang sa labas ng kotse.

Bahala sya.

Nag park kami sa isang boutique dito sa may highway. Malapit na rin naman sya sa school.

Pag papalitin nya ba ako ng damit?

Hindi sya umimik at mabilis syang lumabas ng kotse. Ganoon rin ang aking ginawa. Hindi ko sya aasarin ngayon araw, iyon ang sinisigurado ko. Mabait si Aries pero iba syang magalit.

"May jacket kayo? O blazer? Anything na pwedeng ipangtakip... sana?" 

"O-opo?"

Halata sa tindera ang pagkagulat. May ilang estudyante rin doon na tingin ko ay pareho namin ng school. Anong ginagawa nila rito gayong may pasok.

Teka? Kami rin ay narito.

Napabaling ako sa tindera ng maramdaman ko ang titig nya. Tinaasan ko sya ng kilay, dahil pakiramdam ko ay hinuhusgahan nya ako o kung ano man. Sa huli ay ngumiti ito sa akin, sempre ganoon rin ang ginawa ko. Baka isa sa mga ayaw sa pag papalakad ng munisipyo. Kahit ano naman gawin ng nasa posisyon ay may masasabi ang mga tao.

Nagulat ako ng biglang pumulupot ang kamay ni Aries sa'kin. Sobrang lapit nya na halos maramdama ko na ang init ng hininga nya. Itinatali nya ang isang blazer sa aking byewang. Seryoso siyang nakatingin doon.

"Ang sweet nila. Sana all, may childhood friend na may gusto syo tapos kasing gwapo ni Aries," isang babaeng nakapareho namin ng uniform ang nagsalita.

"Oo nga, bakit kasi konti lang gwapo rito sa Aguinaldo. Yung iba mahihirap pa abutin."

"May iba naman na pwede na, pero iba ang dating pa Le Bris ang lahi."

Tingin ko ay nag papalpitate na ang aking kilay sa naririnig. Sige lang! Pag pantasyahan nyo sa harap ko mismo. Mga bastos kayo!

"Mas okay tingnan,"

Napabaling ako kay Aries, dahil sa bigla nyang pagsasalita.

Ang kaninang nakasimangot ay nakangiti na ngayon. Tiningnan ko ang aking itsura at may itim na blazer ang nakayapos sa aking byewang. Parang ang awkward tingnan na may nakalagay na ganon sa akin, pero kung ito ang ipapayapa ni Aries ay okay lang sa akin.

"Mamayang lunch break, patahi tayo ng mas mahaba jan ng konti, kahit hanggang taas lang tuhod para hindi maiba yung uniform mo, pero hindi ganyang ka-iksi," si Aries.

Agad syang nagbayad at hinila na ako pabalik sa kotse. Kung tutuusin pwede na namin lakarin, kaso malelate lang kami. Ilang minuto lang kasi.

Pag dating namin ay narinig ko na ang tunog ng isang masiglang kanta.

"Late na tayo, nag e-exercise na sila."

"Okay lang yan, first day pa lang naman."

Nang tuluyan na kaming makababa ay pinagtitingnan ako. Hindi ako sure kung dahil ba kay Aries? Sa suot kong blazer? O dahil hawak ni Aries ang kamay ko?

Nagbungtong hinga nalang ako. Tulad kasi kahapon. Si Aries, ang may dala ng bag ko. Ang bag nya ay nasa likuran niya at ang akin ay na kanyang harapan. Eto naman naman ako sa pag aalala. Pink iyon at hindi bagay sa kanya. Ang kulay maroon ang pants ng lalaki, may neck tie din silang maroon at short sleeved na dirty white din ang kulay, bukod pa roon ay clean cut ang required na gupit dito. Kaya parang ang off tingnan ng pink na bag para kay Aries.

"Pakibuksaan yung likod, Tisha."

Nawala ako sa aking iniisip dahil na sa harap na pala kami ng guard. May metal sensor sila para icheck ang bawat bag.

"Pinapahirapan mo naman masyado mag dala itong si Aries," natatawang sabi noong guard.

"Okay lang po iyon," si Aries.

Kinagat ko ang pang ibabang labi ko bago muling isara ang bag ni Aries.

"Tara na," hila nya muli sa aking kamay.

Bago kami tuluyang makapasok ay may station roon na itatapat mo yung ID mo para ma recognize ka, doon makikita kung enroll ka ba o hindi sa school na ito.

Nang matapos is Aries sa pag tapat ng kanyang ID ay bumaling ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago inilagay ang aking ID sa sensor.

"Ang ganda," puri nya.

"Tumigil ka nga. Late na tayo, nakalagay o!"

"Ang lover birds late!" nagulat kami ng bilang sumulpot si Aria.

"Goodluck sa pinsan mo Aries, naghahamon na hindi raw ako ang mag to-top?" kibit balikat si Aria habang sinasabi iyon.

"Paano kung sya ang mag top, Aria?" tanong ni Pancho.

"Asa!" sagot nya kay Pancho. "Una na kami, sabay tayo mag lunch mamaya ha. Text ko kayo," si Aria.

"Bye Tisha," si Pancho.

"Lokong Pancho, sayo lang nag paalam."

Natawa naman ako sa reaction ni Aries. Umpisa palang ng araw pero ang dami ng nangyari. Kung may gera sa klase ni Aria. Ano kaya ang meron sa klase namin?

"Tara na," ngumiti si Aries sa akin bago ako muling hinila.

Last section, andito na kami ni Aries.

Nakaramdam ako ng sigla habang nag lalakad patungo sa bagong buhay, bagong kaibigan at bagong mundo para sa amin ni Aries.

Sana habang buhay kaming ganto. Hindi ko imagine na may ibang hinila sa akin, patungo sa bagong mundo. At kahit magbago pa ang mundo, isa lang ang gusto kong manatili roon. Si Aries.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top