Katorse
Ang unang tagpo
Natapos ang laro, panalo sila pero dalawa lang ang naging lamang. Umikot ikot siya sa buong court at nagsisigaw na ang saya saya nya. Nakakahiya siya tingnan pero hindi ko rin magawang itanggi na sobrang saya rin ng aking nararamdam.
"Tisha, ulitin mo nga yung sinabi mo kanina?"
"H-huh? Alin don?"
Alin ba ang dapat kong ulitin?
"Yung ano. Sinigaw mo kanina," kinakamot na nya ang kanyang batok habang sinasabi iyon.
Namumula ang pisngi ni Aries at hindi sya makatingin sa'kin. Hindi ko akalain na may ganto palang side si Aries. Marami pa pala akong hindi nakikita sa kanya.
"Ah, yung boyfriend ko?" tanong ko sa kanya ngunit umiling sya.
Bahagyang nagsalubong ang aking mga kilay. Ngayon ay hindi ko na rin alam kung ano ba ang tinutukoy nya.
"Alin ba?"
"Y-yung a-ano."
Pinunasan ko ng pawis nya gamit ang towel na nakasampay sa kanyang balikat. Pinadaan niya ng kanyang mga daliri ang kanyang buhok bago muling tumingin sa akin. Grabe sobrang pula na ni Aries.
"Oy, ano ba kasi iyon?" natatawa kong tanong.
"Yung ano nga... isinigaw mo kanina. Yung ano kas-"
"Tawagin mo ulit na baby!" Kanyaw ni Pio sa kanya.
Nagtawanan naman sina Aria dahil sa sinabi ni Pio, magkakasama na sila ngayon habang pinapanuod si Aries.
Tinakpan ko ang aking bibig dahil sa nagbabayad pag tawa.
"Baby Aries," malambing ang tono ng aking boses.
"Isa pa," nakangiti nitong sabi.
"Tang ina! Alam kong mahal mo Tisha. Pero hindi ko akalaing patay na patay ka." Panunukso ng mga kasama.
"Tumigil nga kayo jan! Tara na baby?" Sabay akbay nya sa akin.
"Mabaog ka sana Le Bris!" sigaw ni Pio habang papalayo na kami.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hindi ko na inisip iyon. Basta ang mahalaga ay kasama ko sya.
Nagulat ako ng bigla 'yang pisilin ang tunki ng aking ilong.
"Bakit nalate ka?" seryoso na ang kanyang boses ngayon.
"Napasarap ng tulog, sorry."
Tumango tango lamang sya sa akin. Muka naman syang hindi badtrip kaya hindi na ako nagsalita pang muli.
"Nagugutom ako, saan mo gusto kumain? Tara sa plaza?" pagyaya nya sa akin.
"Pwede, doon mo ba gusto magcelebrate tayo?"
"Nang pagkapanalo namin? Pwede? Nang first date natin, ayoko doon madaming tao."
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Bakit kaylangan magkaiba pa? Atsaka ano naman kung madaming tao? hindi ba mas okay pag ganoon?
"Tisha, I love you," sabi nya at hinawakan ang aking kamay.
"I love you too," sagot ko.
Iyon ang unang beses kong sinagot ang I love you niya. Palagi ko kasi iyong binabaliwala o kaya ay hindi pinapansin. Pero ngayon siguro ay okay lang kung sasagutin ko iyon dahil kami naman na.
Napatingin ako sa kanyang ng bigla syang tumingil at ipinikit ang kanyang mga mata.
"Oy, bakit?"
"Ganoon pala ang pakiramdam noon," sambit nya habang nakapikit pa rin.
Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa magkabila kong balikat at iniharap sa kanya. Titig na titig ako sa kanya mala chokolateng mata.
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanyang sinabi ngunit iba na Ito ngayon. Mas malakas at mas mabilis.
"Latisha Barbara, ako si Ariestotle Clavio ay iyong iyo. Isinusumpa ko sa harap ni Heneral Aguinaldo habang nakasakay sa kanyang kabayo na wala akong ibang mamahalin kundi ikaw."
Hinampas ko sya ng marahan sa kanyang balikat. Ang isang ito manunumpa nalang din naman sa harap pa ng rebulto. Pati iyong nanahimik at walang kaalam alam ay nadadamay sa kanya kabaliwan.
"Totoo, saksi ang buong Aguinaldo sa ating dalawa. Alam nilang lahat iyon, at sa lahat nang sulok ng bayang ito. Ikaw at ako, tayong dalawa, Tisha. Pangako," anang niya.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang nag salita.
"Ako si Latisha Barbara ay nangangako rin..." natawa ako dahil hindi ko maisip na gagawin ko rin ang ginawa nya.
Idadamay ba talaga namin si Heneral?
"Ano bang nakakatawa?" tanong nya.
Tiningala ko ang walang kamuang muang na rebulto ni Heneral. Bago muling nagpakawala ng isang bugtong hininga. Hinarap ko si Aries at tinitigan siya sa kanyang mga mata.
"Okay," muli ay nagpakawala ako ng isang malalim na bugtong hininga, "Aristotle Clavio, ako si Latisha Barbara ay nangangakong ikaw lang habang buhay. Sa ngalan ni Heneral at ng buong Aguinaldo. Sila ang saksi na kahit magbago ang panahon. Ako si Tisha ay para lamang kay Aries at hindi hindi ako mawawala sa tabi nya."
Unti unting lumapad ang ngiti ni Aries. Napairit ako ng malakas ng bigla nya akong buhatin at ikot ikot sa kawalan.
"Aries, ibaba mo na ako, nakakahilo ang iyong ginagawa," natatawa kong sabi habang hinahampas ang kanyang balikat.
Marahan nya akong ibinaba at nang lumapat na ang aking mga paa sa lupa ay hinigit nya ako papalapit sa kanya. Dahan dahan nyang pinagdikit ang aming mga noo.
"Ang aking Tisha," sabi nya atsaka pumikit.
Tilay dinadama nya ang bawat minuto ng magkasama kami ngayon. Ang kanyang mainit na hininga ay lumalapat sa aking balat. Naduduling ako sa sobrang lapit nya. Tila nag sasanib ang pintig ng aming mga puso.
Palakpakan lamang ng mga tao ang aming narinig, dahil sa wakas ang dating kuro kuro lamang ay totoo na. May isang bata ang kumalbit sa akin dahilan ng aming pag aagwat.
"Pinabibigay po ni mama," sambit niya.
Ngumiti ako ng makita ang isang pares ng singsing na gawa sa stainless. Ibinebenta ito sa mga tiangge na hilig bilhin ng mga estudyante dahil tig sasampung piso lamang.
"Ne, hindi pa naman kami ikakasal pero sala-"
Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mga mata kaya hindi ko nagawang ituloy ang aking sasabihin.
"Ikakasal tayo ngayon di ba?"
Napabaling ako kay Aries dahil sa kanyang sinabi. Muli ay pabulong itong nagsalita, "pumayag ka na, iiyak 'yong bata."
Ngumuso ako dahil sa sinabi nya. Ginawa pang dahilan 'yong bata. Ang isang ito puro kalokohan, hindi tuloy maalis sa isip ko na sya rin ang nag utos nito.
"A-ate kasi..." biglang hinapit ng bata ang kanyang pag iyak.
"Ah s-sige na ne, tahan na magpapakasal na kami ni kuya Aries," kinuha ko ang singsing sa kanyang kamay at ipinakitang isinusuot ko kay Aries, "O, tingnan mo."
Nanliit ang aking mata nang makita ang bungisngis ni Aries habang ginagawa ko iyon.
Yari ka sa akin mamaya Ariestotle!
Pero bago pa ako magkaprotesta sa kanyang reaksyon ay kinuha na niya ang aking kamay. Hinalikan niya ito, bago tuluyang ipinasok ang singsing sa aking daliri.
"Paano ba yan? Le Bris ka na."
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi. Hindi man ito totoong kasal. Pero si Heneral at ang mga mamamayan ng Aguinaldo ang nagkasal sa aming dalawa.
"Bagay na bagay sila, ang prinsesa at prinsipe ng ating bayan."
"Oo nga, napaswerte na nila sa isa't isa."
"Sana ay magtagal pa sila, hanggang sa kanilang pagtanda,"
Muli ay nagpalakpak sila, rinig na rinig namin ang kanilang galak sa bawat salitang binibitawan nila.
Katulad nila ay iyon rin ang dasal ng aking puso. Saan ay mag tagal pa kami. Sana hanggang sa dulo ng walang hanggan ay ganto pa rin kami.
Muli ay niyakap ako ni Aries bago kami tuluyang umalis doon.
"Nagugutom na ako," bulong nya sa akin.
Oo nga pala, nag punta kami rito para kumain pero sa iba na napunta ang usapan.
"Ako rin," saad ko.
Sabay naman kaming natawa dahil doon. Hawak nya ngayon ang aking kamay, ng bilang may dumaan sa aming gitna.
"Ay sorry," sabi nya.
Kumunot ang noo ni Aries dahil sa kanyang ginawa, ako naman ay tinitingnan siyang mabuti. Hindi ko siya namumuka. Walang kahit anong parte ng kanyang muka ang nakita ko na rito sa Aguinaldo.
Hindi siya taga rito.
Naglahad sya ng kamay na hindi ko sigurado kung para ba sa akin o hindi.
"Hindi ko na pansin 'yong bato, natisod tuloy ako. Sorry, by the way I'm Genevieve Mineya Pineda. Bago lang ako dito, sana maging friends ko kayo. Since mukang sa school nyo ako papasok."
Nagkatinginan kami ni Aries, bago 'ko iyon tanggapin.
"Ako si Tisha, tapos ito si Aries. Boyfriend ko."
Feeling ko ay tama lang na emphasize ko yung word na boyfriend. May kung ano sa kanya ang hindi ko mawari.
"Hi Tisha, ang gwapo naman ng boyfriend mo. Gusto 'ko rin ng ganiyan," nakangiti at pabiro nitong sabi.
Umismid ako sa kanyang sinabi. Naramdaman ko ang pag higit ni Aries sa akin. Marahil ay ramdam na rin niya na may kung ano sa babaeng ito.
Maganda sya, morena ang kulay ng kanyang balat, manipis ang kanyang may kapulahan labi at ang kulay chokolate nyang buhok ay tila pinalantsa dahil sa pagiging tuwid nito.
"Ito naman si Aries, hindi na biro. Hihilain agad si Tisha palayo."
"Nagugutom na ang girlfriend ko. Kaya pwede na ba kaming umalis?" mariin ang bawat bigkas ni Aries sa kanyang mga salita.
"Sama ako, tara na Tisha."
Sabi nya sabay higit sa akin palayo kay Aries. Nagulat ako ng bigla akong higitin ni Aries pabalik sa kanya.
"Vieya, halika na umuwi na tayo!" sigaw ng isang babae sa hindi kalauyan. Bakas rito ang galit. Sobrang galit.
"Si mama talaga ang kill joy, see you when I see you... Latisha."
May kakaiba sa pag banggit nya sa aking pangalan. Ibang iba. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang totoo kong pangalan, kaya paanong alam niya iyon?
Kumaway siya habang nakangiti matapos ay tumalikod patungo sa kanyang ina.
"Okay ka lang?"
"Oo naman. Tara gutom na ako," saad ko at naglakad ng muli.
Naramdaman ko ang pag hawak ni Aries sa aking kamay. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Bumabagabag sa akin ang babaeng iyon. Alam kong ganoon rin sya. Tahimik kaming naglakad papunta sa aming gustong kainan.
Sino ka ba Vieya? Anong meron sa iyong pagkataon? Bakit ganto nalang ang epekto mo sa akin? Sino ka bang talaga?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top