Dos

TISHA'S POINT OF VIEW

Ang aking...

"Good morning mama," bati ko sa kanya.

Nasa beranda sya at humihigop ng mainit na kape. Nakadekwarto ang kanya mga hita at nakapusod ang kanyang buhok.

"Hey there princess," bati nya saken atska ako hinalikan sa aking pisngi.

"Where's papa? Puwede kaya nya akong ihatid  sa school?" I said while pouting.

"Tisha, busy ang papa mo may session si-"

"Of course, bakit naman hindi," si papa sabay hawak saking balikat.

"Ini-ispoiled mo masyado ang batang yan Bernardo," pag angal ni mama sa kanya.

"Ano pa bang dapat kong gawin Matilde? Wala naman akong ibang dapat ispoiled kundi ang aking nag iisa prinsesa," sabi ni papa at pagtapos ay humalik sa pisngi ni mama.

"Unless... you want me to spoiled you instead?" pilyong ngiti ang iginawad ni papa kay mama na naging dahilan ng pamumula ng pisngi nito.

"Magtigil ka nga Bernardo!" saad ni papa na nagmamdaling umalis sa harap namin.

Nagtawanan kami ni papa at iginaya na nya ako palabas ng bahay. Sumakay kame kotse nya. Didiretso daw kasi sya sa munisipyo kaya idadaan nya lang ako sa school.

May ari din kami ng trucking na pinaparentahan sa mga malalaking kompanya at sempre mga construction equipments na pinaparentahan rin. Sa buong Aguinaldo ay kami lamang ang may ganun kaya mabilis itong lumago.

"Ipapasundo nalang ba kita kay Kanor mamaya o sasabay ka kay Aries?"

Napabaling ako sa aking papa.

Alam na alam na talaga nya kung ano ang nasa isip ko. Minsan kasi kung hindi pa ko susunduin kina Aries ay hindi pa ako uuwi kahit gabi. Minsan nga inaakala ng mga taga Aguinaldo na pinagkasundo kami pero hindi iyon tinatanggi nina papa at tito Valentin.

"Siguro po ay sasabay nalang ako kay Aries," sagot ko habang inaayos ang aking sarili.

Malapit na kasi kami sa aking school. Madaming private at public school dito sa Aguinaldo kaya marami kang pag pipiliin. At kami ni Aries, ay Petals Integrated School o mas kilalang bilang PIS.

"Tisha," pukaw ni Aries sa'kin ng bumaba ako galing sa aming kotse.

"Good morning Aries," bati ni papa sa kanya.

"Good morning po tito, hihintayin nyo po ba umuwi si Tisha?" tanong nya kay papa.

"Naku hindi Aries, may aasikasuhin pa ko sa munisipyo. Ikaw na bahala sa prinsesa natin ha," sabay hawak ni papa sa ulo ni Aries kaya naman ngumiti ito sa kanya.

Prinsesa ang tawag nila sa'kin at ng ibang tao rito. Nag iisang anak at tagapagmana kasi ako ng mga Santiago. Pero hindi lang naman ako ang tinitingalang babae rito, anjan si Aria na halos kaedad ko lang din. Bunsong anak ng mga Lazatin. At madame pang iba na may mga negosyo rin dito sa Aguinaldo.

"Tisha, ang ganda ng bag mo. Si papa binilhan rin ako ng bago," sumasayaw ang unlandis na buhok ni Aria habang papalapit ito sa akin.

Nasa isang section lang kasi kami. Kumaway muna ako kay papa bilang pag papaalam, ganon rin ang ginawa ni Aries at Aria. Nag umpisa na kaming maglakad patungo sa aking classroom, agad ko naman naramdaman ang kamay ni Aries sa aking balikat habang papasok kami ng pinto.

"Ikaw Aries, grabe ka makabakod," tukso ni Pancho sa kanya.

"Sempre! baka maligawan mo," madiin sa boses ni Aries pero hindi ko na iyon pinansin.

Sila ang mga kaibigan ko rito. Ang iba kasing mayayaman ay sa Biblica nag aaral. Tanging si Aries lang ang andito samantalang si Leo at ang pinsan nyang si Pio ay andoon sa Biblica.

Iniisip ko rin kung bakit hindi sya roon pumasok. Ako kasi, ayaw ko roon. Masyadong matataas ang mga tao, porket may kaya sa buhay ay akala mo na kung sino. Atleast dito sa Petals, kahit papaano may nakakapasok na mga taga middle class, nakakasalamuhan namin sila.

Pag dating mo naman ng highschool ay sa Aguinaldo National High School at Holy Mother Community Institute ang puwede mong pasukan. Sa college ay sa Aguinaldo University ka pwedeng pumasok kung ayaw mo lumayo, pero kung sawa ka na sa Aguinaldo ay pwede naman sa kapalit na lugar o mag maynila ka kung iyon ang gusto mo.

"Aria, totoo ba? Sa HM ka mag hihighschool?" tanong ko sa kanya habang papasok kami ng pinto ng classroom.

"Pinagiisipan ko pa Tisha, parang gusto ko kasi sa ANHS. Ayaw ko talaga pag puro mayayaman ang  kasama," seryoso nitong sabi habang binaba ang kanyang bag.

"Tabi kami," napasin ko ang biglang pag baba ni Aries ng bag sya sa upuan katabi ng akin.

Napabaling ako kay Pancho, na ngayon ay nakasimangot. Dati pa kasi nyang sinasabi na may crush sya sakin.

"Ikaw Aries, saan ka papasok?" tanong ni Aria ng tuluyang na itong nakaupo, ganun rin ang ginawa ko.

"Kung saan si Tisha, Aria," seryoso nyang sagot.

"Naks naman! Iba na yan ha," sabay siko saken ni Aria.

Ang mga ito wala na naman mapagtripan. Pero, iniisip ko talaga kung bakit sya ganun? Hindi ko naman magtanong kasi baka isipin nya na pinakikialaman ko ang desisyon nya.

"Guys!" napabaling agad kami sa papasok ni Claudia.

Si Claudia at Pancho ay kabilang sa middle class yung may mga kaya sa buhay pero hindi kasing rangya namen. Sabagay sa school na ito kami lang ata nina Aries, Aria at ako ang pumapasok rito na kabilang talaga sa mayayaman pamilya.

"Kala ko late na ko," natatawa nitong banggit bago umupo sa may tabi ni Aria.

"Ang ganda ganda mo Tisha, saan ka nag lagi nung bakasyon. Ikaw rin Aria, lalo atang pumusyaw ang kulay ng buhok mo," dagdag nya pa.

"Tinatanung pa ba yan? Alam naman natin kung saan nag lagi yang si Tisha, Claudia," Pabirong sabi ni Aria.

"Ay oo nga pala, kay papa Aries," si Claudia.

Sinamaan ko sya ng tingin dahilan ng  pagtawa nila. Lalong naningkit ang aking mata ng pati si Aries ay tumawa na rin.

"Good morning class, since this is our first day after a long vacation. I want each of you to write about your Christmas break. Three hundred words okay," sabi ni ma'am Debora samin.

Since hindi naman ganun kalaki ang school na ito kaya kilala ko na lahat ng teachers dito.

"Naku, I bet yung dalawa jan pareho ang laman ng papel," parinig ni Claudia samin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin sila tumitigil sa pang aasar. Mukang ang kami ang flavor of  the day ngayon. Umiling nalang ako sa kanila at bumaling kay Aries.

"Anong title ng sayo? Ang sa akin ay... ang aking prinsesa," sabi nya sabay pakita ng nakasulat sa kanyang papel.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Bakit iyon ang isusulat niya? Tungkol sa christman dapat laman noon. Anong kaugnayan ng Christmas sa prinsesa?well, I mean puwede naman. Kaso 'di ba dapat ay yung title is about Christmas, for example, My Wonderful Christmas.

"Bakit ganyan?" tanong ko.

"Sabi ni ma'am tungkol sa Christmas 'di ba? sino ba ang kasama ko buong Christmas?" ibinalik nya lamang ang tanong saken.

"Ako?" pag kompirma ko.

"Oh edi ikaw ang aking Christmas, ang aking prinsesa," sabi nya at muling bumaling sa kanyang papel para pagtuunan ng pansin iyon.

Naiwan akong nakatitig sa kanya. Bumibilis ang pintig ng aking puso. Hindi ako sigurado kung bakit o kung para sa ang mga iyon, o baka para sa kanya.

"Sulat na Tisha."

Nagulat ako sa biglang nagsalita si Aria sa aking tabi. Napalunok ako bago binalingan sa ang aking papel na ngayon ay wala pa ring laman at hindi ko alam kung paano ko lalagyan ng laman. Dahil sigurado akong si Aries, din ang magiging laman noon.

Muli akong bumaling kay Aries at nakita kong seryoso siya habang nag susulat sa kanya papel. Mahaba na iyon at tingin ko ay hindi sya nakafocus kung three hundred words ba ang kanyang sinusulat. Sumilay ang ngiti sa kanyang labi habang nag susulat. 

"Tisha, hoy ano wala kang balak?" Pabulong na kinuha ni Aria ang aking atensyon.

Lumingon ako sa kanya dahil humahagikgik sya. Nang mapansin ang aking tingin ay kinamot nya ang kanyang leeg na para bang nabubulunan.

"Aminin mo na kasi," bulong nya sa hangin pero batid kong para sakin ang kanyang sinabi.

Nakita ko ang pag baling ni Claudia samin na ngayon ay kunot na ang noo.

"Pwede ba magsulat ka na jan Aria," suway ko sa kanya.

"Nagsusulat ako Tisha," natatawa nyang sabi habang ipinapakita sakin ang kanyang papel.

Inirapan ko nalang sya na naging dahilan ng kanyang pagtawa.

"May problema ba Tisha?" Bumaling ako kay Aries.

"W-wala. Magsusulat na ako A-aries, ipagpatuloy mo na iyan," nauutal ako habang sinasabi iyon sa kanya.

"Ang pag-ibig," pasimpleng sabi ni Aria.

"Ang ingay nyo, magsulat na lang kayo jan!" masungit na pag saway ni Pancho samin.

Sabay sabay tuloy kaming napatawa. Mukhang seryoso ata sya sa pag susulat.

Huminga ako ng malamin at sinulatan ang aking papel.... The first point of Aries.

Tingin ko, sa pag kakataon na iyon. Pumutos sya. Hindi man sigurado, wala mang katiyakan kung para saan, pero isa lang ang alam ko, ang dating kaibigan lang ay unti unti na nag iiba. Nagiging malalim na iyon ng hindi sinasadya.

Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang title sa aking papel. Umiling ako habang nakangiti, bago nag patuloy  sa pagsusulat. Kung ano man ito, mukang delikado para sa aking puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top