Disinueve
Aries ko
Linggo at buwan ang lumipas, simula ng araw na malaman 'ko ang tungkol sa kanya. Simula noon ay kinainisan ako ng lahat. Kahit anong gawin 'ko ay walang maniwala sa akin na hindi ko iyon ginawa. Unti unting nawala ang mga kaibigan 'ko. Tanging si Aria, Pancho at Aries na tunay na nakakilala sa akin ang natira. Anjan din si Estin, na aking ikinagulat. Nanatili siya sa aking tabi, kahit anong sabihin ng lahat.
Minsan pinuntahan ako ni Claudia, hindi rin siya makapaniwala sa mga balitang naririnig niya. Pero wala akong magawa. Hindi ko matanggap na mas kayang paniwalaan ng iba si Vieya. Na dahil lang sa naitulak 'ko siyang sa hagdanan ay kaya 'ko ng gawin ang mga binibintang niya sa akin.
Hindi tumigil si Aries at Aria para mapalabas ang totoo, pero kahit napatunayan nila na si Vieya lang naman mismo ang gumagawa ng mga iyon, pinakiusapan sila ni papa na sana wag nalang ilabas dahil lalong masisira ang pangalan niya.
Mas pinili niyang ako ang maging masama kaysa sa anak niya sa ibang babae.
Iniminsan ay hindi humingi ng tawad sa akin si Vieya. Nagpaliwanag lamang siya na nilamon siya ng sobrang inggit sa kung anong buhay ang meron ako. Na nakikita niyang masaya at kinagigiliwan ako ng lahat. Samantalang sya ay lumaking kinukutya at pinadidiriin dahil wala siyang ama, dahil doon ay nakuha niya kahit papaano ang simpatsya ni mama, ngunit hindi iyon naging sapat para talikuran ako ni mama gaya ng ginawa ni papa.
Sabi ni papa ay ginagawa niya iyon para bumawi kay Vieya, na mas lalo 'kong ikinagalit. Parang kasalanan 'ko pa na naging masaya ang buhay 'ko. Na nabuhay ako sa isang buong pamilya at s'ya ay hindi. Bakit ako ang kaylangan mag bayad sa kasalanan ni papa. Ako ang dapat magparaya sa isang ateng ako dapat ang iniintindi. 'Di ba dapat ay nagagalit ako sa kanya dahil ginusto niyang mamatay ang aking kapatid. Pero bakit, dapat ay ako pa ang umintindi.
"Tisha, may bagong resort sa Lejos. Outing tayo?"
Pag yaya sa akin ni Aries. Malapit na kasi ang summer break. Ramdam mo na ang init ng panahon. Ang hapdi ng sikat ng araw sa tuwing lalapat sa iyong balat.
"Ayoko, kayo nalang."
He pouted. "Please, promise tayo tayo lang nina Aria."
"Ayoko, Aries."
Huminga siya ng malalim bago marahas na tumayo sa aking harapan.
"Sasayaw ako rito. Sumama ka lang," saad nya.
"Aries, ano bang mahirap intindihin sa salitang ayoko! Please lang din! Kung gusto mo, kayo nalang! Peste!"
Padarag akong tumayo sa aking kinauupuan at iniwan siya.
Palagi kaming ganoon ni Aries. Kung hindi kami tahimik na dalawa, ay nasisigawan 'ko naman siya. Labag sa loob 'ko ang aking ginagawa pero hindi 'ko iyon maiwasan sa tuwing naiinis ako. Kinikimkim ko ang galit na matagal ko na dapat inilabas.
Ni minsan ay hindi umalis si Aries sa tabi 'ko. Kahit anong masakit na salita ang sabihin ko ay anjan pa rin sya. Ganoon rin sina Aria, Pancho at Estin, pero madalas ay nasisigawan 'ko rin lang sila o 'di kaya ay nasusungitan. Kaya minsan ay ilag sila sa akin, pero kahit minsan ay hindi nila ipinakita sa akin na sumusuko sila, nagpapahinga lamang sila ng ilang araw tapos ay anjan na naman sila at nangungulit. At si Aries, wala s'yang pahinga. Palagi siyang anjan, hindi umaalis kahit anong pang gawin 'ko.
"O sige, kumain nalang tayo."
Hindi ko na ikinagulat ang kanyang pag sunod sa akin. Bakit ba kahit anong masakit na salita ay tila hindi natalab sa kanya.
"Busog ako Aries," tipid ang aking naging sagot. Ni hindi ko nga siya matingnan sa kanyang mata.
Nagulat ako ng bigla akong ipihit ni Aries papunta sa ibang direksyon. Lumingon ako para tingnan kung ano o sino ba ang iniiwasan namin.
Ang group pala ni Vieya ay naroon sa hindi kalayuan. Masaya siya at tumatawa, katulad ng buhay ko dati. Kinagigiliwan ng lahat.
"Wag mo ng lingunin. Ice cream tayo,"
Bigla akong hinila ni Aries, gusto 'ko sana mag pumiglas pero wala akong nagawa kundi sumama na lamang sa kanya.
"Manong dalawa po."
Nakangiting sabi ni Aries sa tindero ng sorbetes sa labas ng school.
"Sa apa o sa tinapay?"
"Saan mo gusto, Tisha?"
"Kahit saan."
"Sa tinapay nalang manong."
Tumango ang manong sa sinabi ni Aries at agad na naglagay ng ice cream sa tinapay.
"Ang ganda po ng girlfriend ko 'di ba?"
Hindi ko sana lilingunin si Aries pero hindi ko iyon na iwasan dahil sa sinabi niya.
"Aba! oo hijo, nag away ba kayo? Mukhang malungkot."
"Hindi po, nagagwapuhan lang iyan sa akin. Tingnan ninyo titig na titig. Para tuloy akong ice cream, natutunaw na," natatawa niya sabi.
Kung sa normal na araw baka nasapak ko na siya o 'di kaya ay nakatikim na siya ng hampas mula sa akin.
Pero bakit hindi ko na magawa?
Bakit parang ayaw ko nang gawin?
Bakit ganito?
Narinig ko ang tawa ni manong at Aries dahil sa kanilang usapan. Pero nakatitig pa rin ako kay Aries. Mainit na ang gilid ng aking mga mata.
Miss na miss ko na si Aries pero para akong nawawala. Nasaan ba ako? Ako pa ba ito?
"O, tikman mo masarap pala."
Inabot na niya sa akin ang isang tinapay na pinalamanan ng ice cream. Mukang masarap pero bakit hindi ako natatakam?
"Ayoko na."
"Ha? Ayaw mo nito? Sa apa ba ang gusto mo?" tanong niya sa akin.
"Ay, manong palagyan nga po sa apa. Ayaw pala ni-"
"Ayaw ko na nga, Aries!"
Ngayon ay lumabas ang luhang kanina ko pang pinigilan na umagos sa aking pisngi.
Ang bigat bigat na nang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay sasabog ako dahil sa sobrang bigat.
"Tisha, ice cream lang ito. Bakit ka ba umiiyak? Kung ayaw mo ay hindi na tayo bibili."
Nagabot siya ng bayad kay manong at hindi na kinuha ang mga biniling ice cream.
Hinawakan niya ako sa makabilang pisngi upang pahindan ang mga luhang walang tigil sa pag agos.
"A-ayoko na, Aries. I'm s-sorry."
"Ano bang sinasabi mo. Okay lang, hindi ako galit kung ayaw mo na ng ice cream. Sabihin mo, kung anong gusto mo, Tisha."
Nagtama ang maamo niyang mata sa aking mga mata. Batid kong hirap na hirap na rin s'ya sa akin pero ayaw niyang sumuko. Ayaw niyang bumitiw kasi pilit niya akong iniintindi. Pilit s'yang lumalaban para sa aming dalawa.
Pero ako?
Ako na ang susuko.
Susuko na ako sa laban na s'ya lamang ang lubos na nasasaktan.
"G-gusto ko..."
"Gusto mo ng?" Nanunuri ang kanyang mga mata. Titig na titig ito sa akin. Tila nag aantay sa aking kasagutan.
"m-mawala ka na..."
Bahagya s'yang lumayo sa akin dahil siguro sa nabigla siya sa aking sinabi.
Ayaw 'ko na.
Ayaw 'ko na nahihirapan s'ya.
Ayaw 'ko na pa ulit ulit 'ko siyang nasasaktan.
Ayaw 'ko na pa ulit ulit niya pa ring akong pinipili na para wala lang ang sakit na ibinibigay ko sa kanya.
Tapos na.
Tapos na ang mga ito.
"Tisha naman, a-ano bang sinasabi mo,"
Pilit na tawa ang lumabas sa kanyang bibig habang binibitawan ang mga salitang iyon.
"T-tapos na tayo, A-aries."
Marahan 'kong inilayo ang sarili mula sa kanya. At tumakbo palayo.
Palayo sa lalaking pinakamamahal 'ko.
Ang lalaking may hawak ng halos kalahati ng buhay 'ko.
Hindi 'ko na kayang araw araw pa siyang saktan dahil lang sa duwag ako. Dahil lang sa mas pipili 'kong manahimik. Tapos na 'ko sa lahat ng ito. Hindi 'ko na siya idadamay pa sa kahit anong mangyayari sa akin. Tapos na ang pagtakbo 'ko palagi papapunta sa kanya, ngayon ay pipiliin 'ko na ang ibang direksyon. Direksyon na walang Aries na nag hihintay.
Malayo sa lahat.
Malayo kay Aries.
Isang malakas na pwersa ang humigit sa akin.
"Tisha, sabihin mo... nagbibiro ka lang," saad niya habang yakap yakap ako.
"Nagbibiro ka l-lang 'di b-ba?"
Garal garal na boses ang bumalot sa aking pandinig. Pumikit ako ng mariin bago siya tuluyang itinulak palayo sa akin.
"Aries naman! Hindi na kita mahal! Ayaw ko na sayo!"
Umiling iling sya sa akin habang pinagmamasdan ako.
"Grabe talaga, si Aries na nga lang ang nag titiyagan. Nakukuha n'ya pang saktan. Santa santita talaga 'yang si Tisha!"
"Sinabi mo pa! Kala mo bagay sila ni Aries!"
"Magigising rin 'yang si Aries na hindi naman talaga si Tisha ang bagay sa kanya!"
Mga salitang galing sa kapwa estudyanteng noong ay halos pagdikitin kaming dalawa.
"At sino ang bagay sa ak-"
"Aries! Tama na!"
"Ano Tisha? Nakikipag hiwalay ka ba sa akin dahil sa kanila?" sabi niya at pag tapos ay ginulo ang kanyang buhok.
"Hindi sila ang dahilan! Ako! Ayoko na sayo!"
"May nagawa ba akong mali? Ayaw mo ba nasinusundan kita palagi? Sige, every another day nalang."
Punong puno ng pag mamakaawa ang boses ng lalaking minsan 'kong pinangarap. Ni hindi 'ko maisipin na darating ang araw na magagawa 'ko s'yang saktan. Ang araw na ito.
"Basta ayaw 'ko na! Wag mo na ipilit!"
"Once a week, okay na ba iyon?"
"Tang ina! Sabing ayoko na! Wag na wag mo na akong lalapitan! Gusto 'ko nang mawala ka! Nasusuka ako sa tuwing maiisip 'ko na nagmahal ako ng katulad mo! Sobrang kulit mo, nakakapagod na ang kakulitan mo! Nakakasawa na ang mukha mo! Sana hindi na kita nakilala, Aries! Sana hindi nalang ikaw!"
Sabay takbo kong muli, hindi na ako lumingon pa sa kanya at agad nang sumakay sa tricycle na dumaan.
Tapos na ito dito.
Hindi na kita muli pang masasaktan... Aries ko.
Ito na rin ang huling beses na masasabing 'kong akin ka.
"Tapos na, Tisha," bulong ko sa aking sarili.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top