Cinco
Ang laman
Binuksan ni Aries ang pinto ng kotse, pag tigil namin sa beranda ng kanilang bahay. Hanggang ngayon na mamangha pa rin ako sa yari ng kanilang mansyon. Makaluma ang mga desisyon at ukit sa dingding ng kanilang pader. May sasalubong agad sayo na nag lalakihang mga jars na halatang antik at inangkat pa mula sa iba't ibang bansa.
Ang bahay kasi namin ay moderno na ang yari. Hindi na katulad nito, karamihan din sa mga bahay rito sa Aguinaldo ay moderno na ang pag kakagawa. Malalaman mo talaga sa mga Le Bris ang isang bahay pag muka itong makaluma at mamalaki. Yon na yata ang palatandaan ng kanilang lahi pag dating sa desisyon ng bahay.
"Magandang hapon po senyorito," bati ng isang katulong nila.
"Ate Evita, pakidalhan kami ng miryenda sa'king kwarto."
Utos nya bago ako tuluyang hinila patungo sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Ang kwarto nya ay sa unang pagliko lamang ng pasilyo.
Ang pinaghalong puti at greyish na kulay ng kanyang kwarto ay maganda para sakin. May mga muwebles din ito na sadyang kamangha mangha ang ukit.
"Anong gusto mo laruin?" tanong nya habang may pinipiling kung ano sa kanyang kabinet.
Tingin ko ay doon naka lagay ang kanyang mga CD's.
"May pambabae ba jan?" natatawa kong tanong.
Hindi ko iyon intensyon na itanong pero muka naman wala. Bakit sya mag kakaroon ng ganong gamit rito sa kanyang kwarto.
"Meron."
Namilog ang mata ko sa kanyang naging sagot. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Madalas kaming maglaro ng play station dito sa kanyang kwarto pero hindi ako aware na may ganon sya. Ngayon ko lang kasi naisipang mag tanong.
"Anong gusto mo? Itong para sa pagluluto o 'yong may kaugnayan sa mga damit?" tanong nya habang itinaas ang mga iyon.
"B-bakit ka may ganyan Aries? Bakla ka ba?" natatawa kong tanong.
"Para sa iyo ito, kung sakaling ayaw mo ng mga laro ko Tisha!" sagot nya.
Pero nakita ko ang pag iba ng kanyang ekspresyon.
Unti unti sya lumapit sa akin. Bawat pag hakbang nya papalapit ay syang pag atras ko, hanggang sa lumapat ang aking likod sa pader.
"Hindi ako bakla Tisha, tandaan mo yan." Mahinahon nyang sabi pero hindi pa rin nawala roon ang diin sa bawat salita.
Matagal nya akong tinitingnan bago tuluyang lumayo muli at bumalik sa kanyang dating pwesto.
Napalunok ako dahil sa ginawa nya. Ngayon lamang sya nainis sa'kin ng ganun.
Mali ata ang sinabi ko.
"Sorry Aries," saad ko ng lumapit ako sa kanya.
"Si Tayo, nasa bulsa pa ng bag ko. Tingnan mo muna. Maliligo lang ako."
Sabi nya at tumalikod na sa'kin. Nagtungo sya sa banyo at ako'y naiwan nakatayo lamang doon. Nag mawala sya aking paningin, ay binaling ko na sa bag nya ang aking atensyon.
Binuksan ko iyon at hinahanap si Tayo, hindi ko kasi naintindihan kung saan nya nilagay. May sinabi sya sa'kin pero hindi ko maalala.
Ilang bukas pa ng zipper ng bag nya ay nakita ko na si Tayo.
"Anjan ka lang pala," usad ko.
Bago ko pa sya tuluyang mailabas ng bag ay may pumukaw sa aking paningin.
"Nung first day pa ang activity na ito. Bakit nya itinago?"
Agad ko iyong kinuha bago tuluyang ilabas si Tayo.
"Dito ka muna Tayo sa hita ko ha, may babasahin lang ako."
Humuni sya ng bahagya na nag pabungisngis sa'kin. Para kasing sumasagot sya sa aking sinabi.
"Eto nga yon! yong activity namin kay ma'am Debora."
Pinagmasdan ko iyon, sumilay ang ngiti sa aking labi ng mabasa ang pamilyar na title, naalala ko nung sinabi nya sa'kin na yon ang gagamitin nya dahil ako naman daw ang kasama nya buong Christmas.
Ang aking prinsesa
Bumibilis ang tibok ng aking puso sa tuwing lilitaw ang kanyang magandang ngiti gamit ang kanyang mapulang labi. Hindi ko rin maiwasan mahulog sa tuwing masisilayan ko ang malalim na dimple sa kanan nyang pisngi.
Teka? Hindi ba sabi nya ay... ako ang isusulat nya? Pero bakit ganto ang laman ng kanyang sulat? Binasa ko pa itong maige hanggang sa nabuo sa isip ko na marahil ay gusto nga ako ni Aries.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko habang pinapasadahan ng aking mata ang bawat salita.
Hindi ko alam kung paano ito pipigilan o kung mapipigilan pa ba. Wala pa kami sa aming tamang panahon, ngunit inip na ako, inip na inip na. Hanggang kaylan ako? o kame? maghihintay sa aming pag laki? Ang aking pangamba ay nilalamon ang aking pasensya. Paano kung sa pag takbo ng panahon ay makalimot ako o makalimot sya? Mag iba ang gusto ko o gusto nya? Nakakatakot pero hindi yata iyon puwedeng iwasan. Gusto kong tumanda na agad pero ginagapang ako ng katotoohanang baka hindi ako ang para sa kanya.
Saan nya nakukuha ang ganong mga salita? Paano sya nakakaramdam ng ganito? Hindi ko lubos maisip na sa batang puso ni Aries ay may tinatago syang ganto? Totoo ba ang lahat ng ito? Lalo bumilis ang tibok ng aking puso ng makarating ako sa huli paragraph.
Bata pa sya. Bata pa kami. Hindi lingid sa aking kaisipan na aking nararamdam ay wala pang kasiguraduhan. Pero gusto kong maisulat ito ngayon, upang pag dating ng panahon. Kung sakaling malimot kong minsan ay bumilis ang pintig ng aking batang puso para sa batang Latisha Barbara Santiango, may isang papel na mag papaalala sa'kin tungkol sa kanya at sa aking batang pusong binihag nya. Binihag ng aking prinsesang si Tisha.
Naka awang ang aking mga labi. Hindi ko alam kung paano ko iproposeso ang aking mga nabasa. Isa lang ang sigurado ako, malinaw kung bakit sya nagalit noong tinawag ko syang bakla. Dahil ang totoo ay may gusto sya sa akin. Hindi ko maiwasang ngumiti, marahil ay pareho kami ng nararamdaman.
Pero tulad ng sinabi nya, ang nararamdaman nya ay walang kasiguraduhan. Ganon rin ang akin.
Huni ni Tayo ang pumukaw sa aking pag iisip. Agad ko ng ibinalik ang papel sa pinaglagyan nito.
"Alam mo Tayo, pag dating ng panahon na makalimot rin ako. Sana may mag paalala rin sa'kin ng tungkol kay Aries."
Gamit ang isang daliri ko ay hinipo ko ang ulo ni Tayo habang sinasabi ang mga iyon.
Muli syang humuni kagaya kanina, kaya natawa akong muli, pakiramdam ko talaga ay sinasagot nya ang aking mga sinasabi.
"Senyorito?" tawag ng isa pa nilang katulong na hindi ko alam ang pangalan.
"Hello po, naliligo po si Aries," nakangiti kong sagot.
"Kung ganun ay dapat kang lumabas dito, babae ka pa rin at nag dadalaga ka na. Pangit na tingnan na naliligo si senyorito tapos andito ka sa kwarto niya."
Pangaral nya sa'kin. Mejo may katandaan na sya at mukang masungit. Pero may punto ang kanyang sinabi.
"Ah pasensya na po, sige po aantayin ko lang po si Aries sa labas kung ganun," nahihiya kong sagot.
Lalabas na sana ako ng biglang iniluwa ng pinto ng banyo si Aries. Wala itong damit pang itaas at wala pang ganong hubod ang kanyang katawan. Nakapatong ang tuwalya sa kanyang ulo habang marahan kinukuskos ang kanyang buhok.
"Senyorito ito na po 'yong pinadala nyo miryenda," usad nito habang nakatingin sa akin na tila ba hinihintay akong lumabas kaya naman humakbang na ko.
"Saan ka pupunta?" tanong nya.
Paniguradong para sa'kin ang tanong na iyon. Inilapag ng katulong ang pagkain sa lamesa bago ito muling lumingon sakin at tuluyan na siyang lumabas.
"Mali kasi na andito ako sa kwarto mo habang naliligo ka," paliwanag ko.
"Matagal na tayong ganto Tisha, ngayon pa ba naging masama iyon?" muli niyang tanong.
"Pero... nag dadalaga na ako at ikaw ay binata na. Hindi na magandang tingnan kung ganon," pinaglaruan ko ang aking mga daliri habang sinasabi iyon.
"Edi sa labas tayo maguusap."
"Aries, hmm... nabasa ko 'yong activity natin kay ma'am Debora," nag aalangan pero gusto kong malaman.
"Kung iniisip mo na... hindi iyon totoo. Totoo iyon Tisha, mang yayari iyon sa tamang panahon," sabi nya habang isinusuot ang kanyang damit pang itaas.
"Pero Aries..."
"Yun ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na rito tayo sa kwarto ko?" mariin nyang tanong.
"Hindi sa ganon pero... bakit? ano kasi..." kinagat kong muli ang pang ibaba kong labi.
Hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko magawang sabihin sa kanya dahil nahihiya ako. Nahihiya akong malaman nya na gusto ko rin sya kagaya ng pag kagusto nya sa'kin.
Bata pa kami at hindi pa ito sigurado, pero wala naman masama kung malalaman nya rin.
"Kung ayaw mo rito, sige halika na doon sa labas."
Halata ang inis sa kanyang boses. Mukang mali ang pag kakaintindi nya sa'kin.
Paano ko iyon sasabihin kung galit na sya sa'kin.
Teka galit ba sya?
Wala naman syang sinabi pero paano kung ganon nga talaga?
Hay ang gulo naman nito. Ang hirap naman nito. Hayaan ko nalang nga muna. Hindi rin naman sigurado. Mahirap na, baka masira pa kami kung aamin din ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top