Bente Uno

Kapatawaran

Nakahilata lang ako buong mag damag. Kahit isang beses ay hindi ko nagawang humikab simula noong umuwi ako galing bristro. Pinasadahan 'ko ng aking hintuturo ang nakaawang 'kong labi. Tulala ako at tila hinihila pa rin ng aking diwa.

I need you... I want you... badly, Tisha.

Napakurap kurap ako dahil parang paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan ang kanyang mga salita.

"Ugh!"

Marahas akong bumangon para makaupo. Tumabad sa salamin ang aking itsura. Mukha akong zombie sa isang penikula. Kulang na lamang ay mag laway ako at tumabingi ang aking mukha.

"Ano? Sinabi ko sa kanya na mag usap kami, anong sinagot niya sa'kin?! No!... ugh! Tapos sasabihin niya, I want you! I need you! Fuck you, Aries!"

Habang sinasabi ko ang lahat ng iyo ay wala ring tigil ang hand gestures 'ko. Inis na inis talaga ako. Hindi na talaga s'ya ang Aries 'ko. Hindi ganoon ang Aries 'ko.

Agresibo? Sobrang agresibo n'ya! Sa tuwing maalala 'ko ang mga labi niya sa labi 'ko. Hindi 'ko maiwasang mainis. Sobrang rupok 'ko ba? Na pumayag na lang ako basta na mahalikan. Pero hindi naman s'ya ang una. Madami na ring nakahalik sa akin sa England. At... hindi iyon katulad ng kan'ya.

Pumikit ako ng mariin bago guluhin ang aking buhok.

Nababaliw ka na, Lastisha.

Paano nalang pala kung hindi siya sumuka kagabi? Baka kung saan na kami napunta.

Pinag ekis 'ko ang aking dalawang braso sa tapat ng aking dibdib. Mabilis 'ko rin naman iyong kinalas. Ano ba kasing iniisip 'ko?

"Tama Tisha, kumalma ka. Lasing lang si Aries. Oo! tama, lasing s'ya," kausap 'ko sa aking sarili.

Pero kahit na, ang isiping lasing s'ya kaya niya ako hinalikan ay isang kalapastangan para sa akin. Ano pwede niya akong halikan pag lasing siya? Na anytime ay okay lang sa akin?

Ang tanga tanga 'ko sa part na hindi man lang ako nagpumiglas. Ni hindi 'ko man lang s'ya pinigilan.

"Ma'am Tisha?"

Napalingon ako sa aking pintuan ng marahan iyong bumukas.

"Kung hindi pa raw ho ba kayo magtatanghalian?"

"Susunod na ako, Salamat."

Tumango siya sa akin bago tuluyang umalis. Mabilis naman akong kumilos para ayusin ang sarili. Tama na ang pagiging zombie 'ko. Hindi na tama ang pag iisip pa sa bagay na iyon.

Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Sinusuklay 'ko ang aking mahabang buhok.

Napabaling ako sa aking cellphone ng bigla iyong nag vibrate.

"Ace Lucas Perez sent a friend request, sino to?"

Binitiwan 'ko ang phone 'ko at hindi na lamang iyon pinansin. Hindi 'ko naman iyon kilala kaya bakit 'ko bibigyan ng panahon.

Muli ay tumunog iyon para sa isang pa notification.

Ace Lucas Perez wants to be connected with you.

My lips twisted, "hmm, persistent."

I click the spam message, sobrang daming messages na hindi 'ko binibigyan ng pansin. Wala kasi akong panahon para sa mga iyon. Kung gusto nila akong makausap ay lumapit sila mismo sa akin. Kausapin nila ako. Hindi naman ako nangangat or what para sa social media lamang sila magkaroon ng lakas ng loob.

Pero pagbibigyan ko ang isang ito.

Ace:

Hi, please don't ignore my friend request.

Ace:

What a snob, Latisha.

Tumaas ang kilay 'ko ng mabasa ang pangalawa niyang mensahe.

Ako:

Friend request accepted.

Humilita ako muli sa kama pag katapos 'ko iyong isend. Nakita ko naman na nagtatype siya ng reply sa akin. Pwede na rin siguro itong pampalipas oras para hindi ko maisip ang nangyari kagabi.

Ace:

Let's date. A friendly date.

"Woah!" natatawa ako noong mabasa 'ko ang kanyang reply.

Ako:

When?

Ace:

Now? Kung okay lang?

I chuckled, "Ang bilis talaga."

Ako:

Sure, after lunch.

Wala naman sigurong masama kung makikipagdate ako. Isa pa, friendly date naman daw. Kaya tingin 'ko ay okay lang naman 'yon.

Ace:

So, I'll pick you up. See you later, Latisha.

I'm about to type my reply when someone open my door without any permission. At isa lang naman ang gagawa noon.

"What do you need?"

Sinabi 'ko iyon ng hindi man lang siya nililingon. Sobrang naiinis pa rin ako sa kanya. Kahit pa sabihing napatawad na siya ng lahat ay hindi 'ko pa rin magawang alisin ang inis sa akin.

"Can we talk? Please, Tisha."

"Go ahead, pakibilisan lang."

Hindi maitatangi ng kahit sino ang inis sa aking boses. Hindi 'ko na rin pinansin ang mga chat ni Ace. Wala na ako sa mood para makipagusap sa kahit sino, lalo na sa kanya. Pero kung hindi ko siya pauunlakan ay ako na naman ang lalabas na masama. Palagi namang ganoon. Simula pa noong dumating siya rito ay ako na ang lumalabas na masama. Kaya nga andito ako sa sitwasyon na ito dahil sa kanya.

Naramdaman 'ko ang pag upo niya sa aking kama.  Sobrang bigat bigla ng kapaligiran dahil pareho kaming na iisang lugar.

I can even breath when she's near.

"I'm sorry, sa lahat ng nagawa 'ko. Alam 'ko hindi sapat ang sorry lang para sa lahat ng iyon. Pero Tisha, maniwala ka sa akin, pinagsisisihan 'ko na ang lahat. Hindi na maibabalik pa ng sorry 'ko o ng kahit anong pag iyak 'ko ang nawala sayo pero sana mapatawad mo pa rin ako, hindi 'ko kayang lisanin ang Aguinaldo nang hindi nakakahingi ng tawad sayo."

Aalis siya? Mabuti naman kung ganoon.

Bumaling ako sa kanya, "Aalis ka ng Aguinaldo? At hindi mo kayang umalis dito ng hindi kita pinapatawad, ganoon ba?"

"Oo, sa-"

"Gusto mo lang na malinis ang konsensya mo bago ka umalis! Ganoon ba? Ang galing mo rin talaga, Umalis ka kung gusto mo walang pipigil sayo! Pero ang hingiin ang aking kapatawaran, hindi ba kalabisan na iyon?!"

"Tisha, gusto 'ko lang naman na magkaayos tayo. Ayaw kong umalis ng may sama ka ng loob sa akin."

Lalong kumulo ang dugo 'ko sa kanyang sinabi. Gusto niyang umalis ng Aguinaldo, ng walang mabigat na bitbit sa kanyang dibdib. How selfish!

Umawag ang aking bibig dahil sa kanyang sinabi, ngunit hindi nagtagal ay napaltan iyon ng malakas na pagtawa bago ako muling nagsalita.

"Hindi mo makukuha sa akin ang gusto mo. Bakit noong umalis ba ako rito? Naging payapa ako? Nakahingi ba ako ng tawad sa mga nasaktan ko... nang dahil sayo? Hindi 'di ba? Kaya bakit 'ko ibibigay sayo ang isang bagay na ipinagdamot mo sa akin? Don't make me laugh, Vieya."

Batid ko ang mga luhang nag babayad sa kanyang mga mata. Pinipigilan niya lamang 'yon. Pero hindi 'ko pa rin ibibigay ang nais niya. Wala s'yang kapatawaran at kapayapaan  na makukuha mula sa akin.

"But still, I want to say... sorry. I'm really sorry, Tisha."

"Get out! Kahit pa lumuha ka ng dugo, wala kang mapapala sa akin. And a piece of advice, wag ka nang babalik. You are nothing, someone who doesn't deserve Arius."

"Yes, you're right. I don't deserve everything about this place even... him."

Agad na rin s'yang umalis sa aking harapan. Saka palang tumulo ang aking mga luha. Tanggap 'ko naman na kapatid 'ko s'ya. Ang hindi 'ko lang matanggap ay siya ang dahilan ng lahat ng ito. Sinira niya ang buhay 'ko. Ang buhay naming lahat, na kung tutuusin ay pwede naman maging maayos. Pwede naman pagusapan.

Katulad 'ko kinain rin s'ya ng galit at nagpadalos dalos ng desisyon pero magkaiba kami. Wala akong ibang nasirang buhay kundi ang akin at kay Aries. Wala akong ibang idinamay. Wala akong ibang naapektuhan. Ako lang ang tanging nasaktan. At hanggang ngayon, ako nalang ang nasasaktan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top