Bente Tres

Utang

Ang sarap ng amoy ng sariwang prutas at gulay. Maganda talaga pag sa probinsya, makukuha mo lahat ng fresh, 'yong tipong bagong pitas pa ang iba.

"Tisha, bakit ikaw ang namimili?"

Bati sa akin ng tindero ng mga gulay rito sa palengke. Nakakagulat na hanggang ngayon ay may nakakakilala pa sa akin. Iyong mga halos kaidaran ko ay kilala pa rin ako pero 'yong mga sumunod sa kanila ay kakaunti na lamang ang nakakatanda sa akin.

"May importante po kasi akong bisita, kaya gusto 'ko po na ako mismo ang bumili at magluto."

"Nakakatuwa naman itong anak ni Mayor, marunong mamalengke at magluto." puri niya sa akin.

"Naku, 'yong si Vieya rin ah. Napagtitinda pa nga rito. Ikaw ba ineng ay marunong mag tinda?"

Bahagya akong umismid dahil sa sinabi ng isang lalaking may tinda ring mga gulay at prutas. Bahagya naman siyang siniko ng kanyang kasama sa pagtitinda.

"M-marunong naman po."

Magalang pa rin ang aking naging sagot kahit na tingin ko ay nabastos ako sa kanyang sinabi o baka naman dahil inis ako kay Vieya kaya iyon ang dating sa akin.

"Naku, ako'y hindi pa rin sampalataya sa tayuan ni Vieya, kumpara mo rini kay Tisha, na simula't sapul ay nasubaybayan na natin ang paglaki. Kung hindi nga 'yan winalangya ni Vieya, baka rito na rin iyan tuluyang nagdalaga."

"Aling Patring, tama na. Tayo'y mahiya sa anak ni Mayor."

Ilang piraso pa ng patatas at carrots ang aking kinuha at inilagay sa timbangan. Bago ako muling bumaling sa kanila.

"Okay lang po," saad 'ko.

Kahit ang totoo ay mejo nakakailang na ang kanilang usapan.

"200 pesos lahat iyan, madami ka atang lulutuin? Pang chicken curry gah?"

"Opo," sabi 'ko, habang bumubunot ng pera sa aking wallet.

"Naku, ay may manok ka na ba? Kung wala pa ay meron doon kay Karding. Mas mura doon, dahil angkat mismo sa farm ng mga Lazatin. Kaibigan mo si Aria 'di ba? Ay natanong 'ko lang."

Ngumiti na lamang ako sa kanyang mga sinabi. Bago nagtungo sa pwesto ni Karding. Tunay nga, na mas mura ang manok roon dahil galing mismo sa farm nina Aria.

"Tatlong kilo sa manok po, patadtad na ho."

"Aba! Tisha himala, ikaw ang namimili."

Halos lahat ata ng mabibilhan 'ko ay nagugulat na ako ang nabili sa kanila.

"Sino ho ba dati?"

"Si Vieya ang suki rito. Sayang nga lang at hindi sila nagkatuluyang ni Arius. Pero hindi mo rin naman masisi si Donya Victoria. Kahit ako naman ay hindi rin papayag."

Napakagat na lamang ako sa aking labi habang pinagmamasdan siyang hinahati ang biniling manok. Ganto siguro talaga sa Aguinaldo, lahat nalalaman ng tao kaya kahit maliit na bagay napaguusapan pa.

"Ikaw atsaka si Aries. Sayang rin kayong dalawa. Aba akalain mong may makakapaghiwalay pa pala sa inyo. Ang kapalaran nga naman." Sabay abot niya ng plastik na may lamang manok. "300 pesos nalang 'yan."

Agad akong nag abot ng bayad bago kunin ang aking binili.

Pinagmasdan ko ang aking bibit at mejo puno na ang aking basket. May ilang prutas na doon at kaylangan para sa bahay. Halos kumpleto naman na yata at mukang wala na akong nakalimutan.

Napalingon ako ng isang bata ang humihila ng dahan dahan sa laylayan ng aking damit. Madumi at butas butas ang suot niyang damit, salasalabid na rin ang kanyang buhok, tila walis na nilagyan ng  glue. May dala siyang lata na may kalawang na.

"Naku Tisha pasensya ka na," agad na lumapit ang isang tindera na malapit sa akin.

Agad niyang hinila ang bata papalayo sa akin. Narinig ko pa ang paghikbi nito.

"N-nagugutom na a-ako,"

"Anak iyon ni Mayor, sa iba ka nalang manghin-"

"Ate, okay lang po." Ngumiti ako sa tindera na naging dahilan nang pamimilog ng kanyang mata. "Halika, kakain tayo. Atsaka gusto mo ng bagong damit? Bibilhan kita."

Marahan kong inabot ang kamay ng bata at hinila ito sa pinakamalapit na kainan na aking nakita.

"Wala talaga kupas 'yang si Tisha."

"Oo nga, bata pa lamang ay likas nang matulungin."

"Kaya nga hindi matatalo talo si Mayor sa tuwing lalaban dahil sa kabaitan ng anak."

Narinig 'kong usapan ng bawat nilalagpasan namin.

"Ate hindi ka po nandidiri sa akin?"

"Hindi, bakit ako mandidiri sayo? Hmm... madidiri lamang si ate sa mga tulad mo pag... natututo kang magnakaw. Masama 'yon, pag nagugutom manghingi, pag ayaw bigyan, gumawa ng paraan."

"Kung bawal ang magnakaw, ano pong paraan?"

Isang lalaki ang nag squat sa harap ng bata aking kinakausap rin. Tumunghay ako upang mas makita pa kung sino siya.

"Marunong ka bang kumanta? O kaya ay sumayaw? O kaya naman ay tumulong ka sa kanila pag may binubuhat ang mga trabahador rito at tingin mo ay kaya mo rin buhatin. Tumulong ka, sa pagtitinda. Wag ka muna mag antay ng kapalit. Habang tumatagal na ginagawa mo iyon, maraming makakapansin. At pag napansin na nila, marami ang matutuwa, at pag maraming natuwa. May magbibigay na sa iyo. Pero pag nakuha mo iyon dapat ay tuloy lang ang ginagawa mo, at sempre magpapasalamat ka." paliwanag ni Aries sa walang muang na bata.

"Sige po," sagot nya.

Natawa kaming tatlo ng biglang tumunog ang tyan ng bata, hudyat na gutom na nga s'ya talaga. Sinipat 'ko ang oras 'ko at marami pa naman aking sapat na oras pa mapakain ang bata itong.

"Ako na."

Natulala ako saglit nang makitang bitbit na niya ang aking pinamili at hawak hawak na rin ang bata sa kanyang kamay. Kung ganoon ay pwede ko na silang iwan, pero paano 'yong pinamili ko, dala niya. Matalino pa rin talaga ang mokong.

"Aries, ako na ang mag babayad ng kakainin n'ya."

"Kaya ko rin naman mag bayad, Tisha," maagap ang naging sagot niya sa akin.

"Pero, ako ang nag yaya sa kanya. Tingin 'ko ay ako dapat ang magbayad." paliwanag ko.

Wag mong sabihin na magtatalo kami dahil sa pag babayad ng pagkain ng bata, na kung titingnan ay ako naman ang nauna. Teka? Mahalaga ba kung sino ang nauna. Basta ako ang nakaisip kaya dapat ako ang magbayad.

"Edi, utang mo ito sa akin." si Aries.

Nag abot siya ng pera sa tindera matapos maibaba ang pagkain para sa bata.

"Paano 'ko naman iyan magiging utang, aber?!"

Pakiramdam 'ko ay nag papalpitate ang aking kilay dahil sa kanyang sagot.

Paanong magkakaroon pa ako ng utang sa kanya, gayong hindi naman ako nangungutang at isa pa, may pera akong akin. Kaya kong buhayin ang sarili ko at limang batang gusgusin.

"Kinuha ni manang 'yong bayad 'ko."

"Then?" kunot ang noo ko habang nagtatanong.

"Simple logic, Tisha. Ako ang nagbayad, pero ang gusto mo ay ikaw ang gagastos. O, 'di sige ikaw gumastos. Bayaran mo 'yong binayad 'ko. Nakakahiya naman kung babawiin pa natin dahil lang sa gusto mo ay ikaw ang magbayad. May utang ka sa akin ngayon. So please, have some decency na magbayad ng utang." He smirk.

My jaw dropped in every word na binitawan niya. Ang isang 'to napakahusay ng logic. Akala 'ko ay nag bago na siya pero mukang kahit isang parte ng pagkatao niya ay walang nag iba.

"Unbelievable," iyon na lamang ang tanging salitang nasabi ko.

"Masarap?" tanong nya sa bata habang ninanamnam nito ang kanyang pagkain, "Say thank you to ate Tisha, s'ya ang bumili 'yan." he chuckled while saying his words.

Nag aasar ba ang isang to. Kasi kung nang aasar siya. Tingin ko ay tumatalalab. Totoong, nakakaasar s'ya.

"Thank you ate, sa uulitin po."

"You're welcome." sabi 'ko atsaka tinapunan ng isang matalim na tingin si Aries. Hindi pa rin s'ya natigil sa pag tawa.

Ano bang nakakatawa? Kinagat 'ko ang aking labi bago tuluyang kumunot ng pera sa aking wallet.

Utang utang? Ugh! Utang his face.

"O, bayad 'ko!"

"Marami ako 'yan."

Sinabi nya iyon ng hindi man lang ako titingnan. Napakurap kurap ako sa sobrang pag kamangha. Ano bang ang gusto ng isang to?!

"Sabi mo may utang ako! Eto na, nagbabayad na ako!" halos pasigaw na ang aking tono ng boses pero pinipilit 'ko pa ring kumalma.

"Date me instead, Tisha."

Ayan na naman 'yong seryosong boses na narinig 'ko noong una kaming magkita.

"W-what?"

Hindi ko talaga kayang paniwalaan ang sinasabing isang 'to. Mas lalong hindi ko yata siyang kayang i-date.

"I said, date me. Tell me when, and I'll be there."

"Are you out of your mind, Le Bris?!"

"Yes, I am."

Ngayon ay napalingos ako sa paligid, halos lahat nakatingin na sa amin ni Aries. Pag balik ng aking tingin sa kanya ay sobrang lapit na pala niya.

"I-i-i don't do d-date for only 50 pesos, A-aries." halos hindi ko magawang bubuin ang aking mga salita dahil sa sobrang kaba.

Sobrang labi niya sa akin. Para akong nakukuryente dahil sa kanyang presensya.

"Then, how much?"

Isang malakas na sampal ang binigay 'ko sa kanya. Hindi 'ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para gawin iyon. Pero isa lang ang sigurado na talaga ako, kung kanina ay akala 'ko 'di s'ya nagbago. Ngayon ay masasabing 'kong sobrang laki ng pinagbago niya. Sobra.

Agad 'kong kinuha ang ang aking pinamili at hindi na sya muling nilingon pa. Nakatingin ang mga tao sa aking pagdaan. Wala na akong pakialam 'kong pag usapan nila o kung anong sabihin nila. Basta kaylangan 'kong makaalis rito. Makalayo sa kanya. Kahit ngayon lang.

Bakit kasi kaylangan 'ko pang bumalik. Bakit kasi bumalik pa ako. Pwede naman ibenta nalang ang trucking at ang mga negosyo. Pwedeng namang kalimutan nalang ang Aguinaldo.

Mabilis kong pinindot ang car key. Halos hindi ko iyon magawa ng maayos dahil nangangatal ang aking kamay at nalalabo ang aking mata dahil pag iyak at galit na nararamdaman.

Agad kong ipinasok ang aking pinamili sa compartment at umaayos na para sa pag sakay. Mabilis ko iyon pinaandar, gusto 'ko nang umuwi. Ayaw ko na rito, pero bakit lagi nalang akong walang choice.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top