Bente Sais

Sugat

Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ang hapdi mula sa aking paa. Bahagya 'ko iyong tinaas upang mas makita 'ko kung gaano iyon kalala.

"Tisha, halika na!"

Tawag sa akin ni Max, matagumay na siyang nakasakay sa may balsa kasama sina Aries at Teri. Balak naming magtungo nang mas malapit sa falls. May kweba sa likod noon na kahit minsan ay hindi ko pa napuntahan.

Damn it! ang mahabang linya na gumuhit sa aking talampak ay namumula na dahil sa dugo, mas tumingkad pa ang kulay noon dahil babad sa tubig ang matatalas na bato sa gilid ng ilog. 

"O-oo! Eto na!"

Pagkatapos ko noon ay mabilis kong ibinalik ang aking paa sa malamig na tubig ng ilog. Nang magtagpo ito at ang aking sugat ay bahagya akong napangiwi dahil sa hapdi. Hindi nag laon ay nasanay na rito ito kaya naman ang hapdi ay tila na manhid na lamang. Marahan pa ri  ang aking bawat kilos, tila may pangambang baka maramdam na naman ako ng panibango hapdi kung hindi 'ko pag iingatan ang aking mga kilos.

"Ang tagal ha," puna ni Max bago marahang inabot ang aking kamay upang makasama na rin ako sa wakas.

Napabaling ako kay Teri na ngayon ay kumukuha ng pictures sa falls. Nakangiti ito at parang walang bahid ng pag aalala sa aming pinag usapan kanina, o tama bang sabihin. Sinabi niya kanina, dahil hindi naman ako hinayaang makapagsalita ng maayos. Ni hindi 'ko nga magawang tumangi man lang.

"Aries, dito nalang kaya natin gawin 'yong pre-nup pictorial natin. What do you think?" sabi ni Teri habang busy sa pag scroll sa screen ng kanyang cellphone.

Siguro ay tinitingnan niyang mabuti kung maganda pa ang kakalabasan kung dito gaganapin ng pictorial para sa kasal nila.

Napabaling ako kay Aries, dahil inaantay 'ko rin magiging sagot niya.

Pero nakatagilid lamang ang kanyang ulo, ang kanyang hintuturo ay marahas na nilalaro ang kanyang pang ibabang labi, ang kanyang makapal na kilay ay nais ng magdikit, ang kanyang mga labi ay bahagyang nakaawa ngunit ang mga mata niya seryosong pinagmamasdan ang aking paa. Hindi 'ko tuloy naiwasan na napatingin rin roon.

Ramdam ng aking talampakan ang lamig ng kawayang nakalutang sa ibabaw ng tubig. Ang kulay pulang dugo ay humahalo sa bawat pag hampas ng mumunting alon sa aking paa. 

Muli akong nag angat ng tingin kay Aries pero huli ang lahat. Namilog ang aking mga mata ng punitin niya ang kanyang T-shirt na kanina lamang ay hinubad n'ya. Hindi 'ko na napansin kung kaylan niya iyon sinuot pero isa lang ang sigurado ngayon. Sira ang laylayan ng kulay abo niyang T-shirt.

"Take a sit!" utos ni Aries.

Napabaling ako sa kung saan, dahil sa pag iisip kung saan ba ako uupo. Pero wala akong makita na pwedeng kong gawing upuan.

Ang balsa ay gawa lamang sa ilang piraso ng kawayan na pinagtagpitagpi, tinalian at pinakuan lamang para maging balsa. May kasama kaming isang lalaki na s'yang nagsasagwan gamit ang isang kawayan na hindi pa na puputol at nanatili pang bilog ang hugis noon.

Matinis na irit ang aking pinakawalan ng bigla akong buhatin ni Aries. Ramdam ko ang malapad n'yang palad sa aking likuran at ang kanyang braso sa aking binti.

"Shit! Dahan dahan naman Clav! Ano bang ginagawa mo?!" bakas ang pagkairita sa boses ni Teri.

"Ano ba 'yan, Tisha?!" saad nito ng bumaling na sa akin.

"Omg! What happened?" agad naman lumapit si Max sa amin.

Nakita 'ko ang pagkabigla ni Teri ng makita niya ang nangyari sa akin.

Wala naman kasi sana akong intensyon na istorbohin sila. Hindi rin naman ako humingi ng tulog. Sugat lang naman iyon at malayo sa aking bituka.

Napakagat ako sa aking labi ng maramdaman ko ang tubig na dumampi sa aking puwitan. Marahan akong binitiwan ni Aries atsaka umayos ng pwesto sa aking harapan.

"Ang clumsy mo talaga," sabi ni Max, kahit batid 'ko ang iba ang nais ipahiwatig ng kanyang mga ngiti.

Umirap nalang ako sa kanya bilang sagot.

Napabaling akong muli kay Aries ng bigla niyang iangat ang aking paa, naka squat siya upang maging mag ka level kami.

Napalunok ako ng magtama ang aming nga mata. Kung titingnan ay s'ya pa rin ang Aries ko. Wala namang nagbago sa kanya. Kabisado ko pa rin ang  bawat detalye ng kanyang muka at kung paano iyon kumilos sa tuwing nakakaramdam siya ng inis. 

Kitang kita ko pa rin ang pag igting ng kanyang panga, ang mga mata niya mas dumidilim pa at ang mga bawat pag kilos ng kanyang balikat dahil sa mabilis na pag hinga.

Ano bang kinaiinis niya?

"Did, hmm..." pumikit s'ya ng malalim bago muling bumaling sa akin.

Ano bang ang itatanong niya. Marahan niyang pinindot ang bawat gilid ng aking paa. Tila sinusuri niya ang aking sugat.

"A-aray,"

"S-sorry," saad niya bago nag bitiw muli ng bugtong hininga.

He lick his lower lip bago tumingin sa ibang direksyon. Ngumuso siya atsaka nilapat ang tela sa aking mga paa.

"Sabihin mo pag masakit, o-okay?" sambit niya bago hinigpitan ang pagkakatali noon sa aking paa.

Napapikit na lamang ako ng mariin habang ginagawa niya iyon. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata nang maramdaman kong tapos na s'ya.

Muli ay bakas sa akin ang gulat ng hindi siya umalis doon bagkos ay inayos niya ang kanyang pag upo at ipinatong ang aking mga binti sa kanyang hita.

"Max, ikaw nalang kaya gumawa nito. May pag uusapan kami ni Aries," pukaw ni Teri sa atensyon ni Max na nasa aking tabi lamang at nais ng mapunit ng labi sa pag ngiti.

"Okay lang naman 'di ba, Tisha?"

Tila hindi tanong ang kanyang sinabi. Matalas ang kanyang tingin sa akin at nakataas ang kanyang mga kilay, magka ekis ang kanyang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib.

"O-oo naman," sagot ko sa kanya atsaka tinapik si Max para pumalit sa pwesto ni Aries.

Natigilan si Max sa pag tayo ng biglang magsalita si Aries. Nakatingin lamang ito sa akin habang nagsasalita.

"Pwede naman tayo mag usap mamaya, Teri."

"P-pero... importante kasi ang paguusa-"

"Importante rin si Tisha." pinal niyang sagot kay Teri.

Wala kaming nagawa ni Max kundi ang magtinginan. Sa huli ay nabawi 'ko ang aking ulirat mula sa pagkabigla dahil sa narinig.

"A-ries, si Max nalang atska maliit lang naman na sugat 'yan."

"Oo nga, ako na d'yan, Aries," si Max.

Alam kong gustong ibahin ni Max ang namumuong tensyon sa dito sa maliit na balsa.

Bakit ba kay tagal namin bago makarating sa falls. Wala na bang ibibilis pa ito? Gusto ko nang makarating doon dahil hindi 'ko na kaya ang nangyayari rito.

Paano niya nasasabi sa harap ng fiancee niya na importante ako. Ni minsan ay hindi 'ko narinig ang kanyang pag tutol tungkol sa kasal pero hindi rin niya iyon kinukompirma.

Ano ba ang totoo?

Gusto kong magtanong pero hindi sapat ang aking  lakas ng loob.

"See, Hindi naman kasi kaylangan na ikaw ang gumawa. Ang hirap kasi sa mga babae ang maaarte!" sambit ni Teri at halos lamunin ako ng kanyang mga tingin.

Umawang aking labi dahil sa kanyang sinabi.

Do I heard it right? Last time I check, hindi ako nag complain about sa sugat 'ko at lalong hindi 'ko inutusan ang fiancee niya na mag malasakit sa akin.

Nagkibit balikat si Max sa akin at tila sura na rin sa kanyang narinig.

"Wala naman kasing nag iinarte, Teri. Baka naman sadyang maawain 'yang fiancee mo. Just be proud na sobrang bait ni Aries."

Pinandilatan 'ko na lamang ng mata si Max. Ang tabil talaga ng dila ng isang 'to.

"Really, para kasing nakakaamoy ako ng lansa ng  ahas. Maigi na 'yong handa." sambit ni Teri

"Teresa!"

"Why? We're just having a conversation here, Aries. Kahit tanungin mo pa si Tisha, 'di ba?"

"Y-yah." tipid 'kong sagot.

Hindi 'ko talaga mawari kung anong ugali meron si Teri. Never pa s'yang naging bayolente o kung ano. Palagi s'yang nakangiti at tingin 'ko ay approachable s'ya.

Minsan 'ko nang naramdaman ang ganito noong makita 'ko si Vieya sa unang pagkakataon. May kung ano sa kanya ang gumugulo rin sa akin.

"Andito na po tayo, tawagin n'yo lamang po ako kung gusto ninyo nang bumalik doon." Saad ni kuyang nag hatid sa amin.

"Kaya mong tumayo?"

Napabaling ako ng bigla akong hawakan ni Aries sa aking braso. Inalalayan niya ako para makatayo pero hindi pa ako nakakahakbang ay bigla na siyang hinila ni Teri.

"Ops! I'm sorry. Nasanay kasi akong nakahawak sa fiancee 'ko." may diin ang pag bigkas niya sa salitang fiancee.

"Teri, muntik na s'yang matumba." pag angil ni Aries.

"Nagsorry naman ako, 'di ba?" bumaling si Teri sa akin atsaka ako tinapunan ng kanyang mala anghel na ngiti.

Ang ngiting hindi 'ko dapat pag katiwalaan.

"Nagsorry ka nga, pero mukang sinadya mo!" si Max, habang inaalalayan ako para sa aking balanse.

"Tangalin mo na lang kaya Max, para makatayo ako ng ayos."

"Maiimpeksyon 'yan, Tisha."

"Hindi 'yan Max, dali tanggalin mo nalang. Ayoko ng nagiging pabigat ako. Maliit na sugat lamang 'yan."

Pa upo na sana si Max sa aking harapan ng biglang naunahan siya ni Aries. Muli s'yang nag squat at marahang hinawakan ang aking paa. Napalunok ako dahil sa kanyang ginawa. Ang isipin na nakakalunod siya sa aking harapan ay para may dumadaloy na kuryente sa aking katawanan. Tila kinikiliti ako ng sariling pag iisip.

Shit! Stop it, Latisha!

"Ako ang naglagay, ako rin ang mag aalis."






Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top