Bente Quatro
Teri
"Ma'am, kanina 'ko pa po kayo tinatawag. Kayo po si Tisha, 'di ba? Eto na po order n'yo"
A girl with a white polo shirt and a black pencil skirt approached me. She handed a cold salted caramel and dark chocolate milktea.
"T-thank you." I said.
"You're welcome po." she flashes a sweet smile and turn around.
Nilagay 'ko 'yong straw sa cup bago iyon tuluyang tikman. Ang malamig at pinaghalong tamis at alat ng aking milktea, ay mabilis na kumalat sa aking bibig. I bit my lower lip before taking another sip.
Pinaglaruan 'ko ang straw sa aking bibig. Kinakagat kagat 'ko iyon habang nakatingin sa kawalan.
Hindi mawala sa isip 'ko ang nangyari kahapon. Iniinsulto niya ba ako o talagang nagbago na s'ya. Hindi 'ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niya?
Kung bakit niya iyon ginawa?
"You know what, I liked your place. Ang daming papa. Like, I can hired him as my personal bartender," he giggles.
Lumingon ako kay Max na ngayon ay abala sa pag papuri kung gaano niya ka type iyong bartender daw. Taga gawa lang naman kaya iyon ng shake, milktea and coffee mix pero hindi s'ya bartender. Ang isang 'to pati ka sosyalan ng England ay dinala pa rito sa amin.
"Yeah! Bakit hindi mo sabitan ng karatula iyang katawan mo. Hiring for bartender, para naman mag apply s'ya."
"Why so mean, Latisha?"
Halos mamuti ang mata niya dahil sa kanyang pag irap. Hindi 'ko tuloy maiwasang matawa.
"Puwedeng maki share ng table."
Sabay kaming napatingin ni Max, sa babaeng nag salita. Ang kanyang mala labanos na balat ay tumingkad dahil sa sikat ng araw. Nakapuyod ang kanyang itim na buhok at kumikintab ang kanyang noo at leeg dahil sa pawis. May bibit s'yang plastik bag sa kanyang braso, may ilang laman iyon na gamit sa bahay at kung ano ano pa.
"Yeah, sure."
Nakita 'kong muli ang pag irap ni Max. Ang isang to, allergic pa rin sa babae. Siguro kung lalaki ito, baka s'ya pa ang nag prisinta sa pag napaupo rito sa aming table.
"Anyways, babalik rin ako ng England by next week. So, let's travel around your beloved province as soon as possible," halata sa boses ni Max ang pag kairita. Parang gusto niyang sabihin na nakakaistorbo 'yong babae sa aming dalawa.
Totoong aalis na siya next week. Gusto niya lang magbakasyon. Madami rin s'yang kaylangan asikasuhin.
"Ayusin nalang natin 'yong itinerary mamaya pag uwi. Tapos bukas pwede na tayo mag start." sabi ko tapos ay humigop ulit sa aking milktea.
"Pwede akong sumama?"
Nagulat kaming parehas ni Max dahil sa kanyang inusal. Pero hindi katulad 'ko ay agad na tumaas ang kanyang kilay sa babae.
"Y-yah," bumaling ako kay Max at pinadilatan ito, "Puwede naman siguro, 'di ba?"
"Talaga? Bago lang kasi ako dito. Busy 'yong boyfriend 'ko dahil sa business nila, kaya hindi niya ako ma itour. Wala naman ako friends dito, kaya ayon. Hanggang bayan pa lang 'yong napupuntahan 'ko."
Bagsak ang kanyang dalawang balikat, malamlam ang kanyang mga mata at bakas sa kanyang labi ang kalungkutan at pag kadismaya. Siguro ay gustong gusto na niyang makapag gala sa Aguinaldo pero wala siyang makasama.
"For sure, your boyfriend doesn't loved you." Max said with full irritation in his voice.
"Max!" saway 'ko sa aking kaibigan bago ako bumaling sa babae. Ngumuso siya saglit at dahan-dahang tumungo, feeling 'ko ay mas kinalungkot niya ang sinabi ni Max.
"C'mon Tisha, I'm just stating the fact here. If her boyfriend loves her, surely, he will make time. Kung ako ang jowa, hindi ko hahayaan na malungkot ang girlfriend 'ko. But! iniisip 'ko palang magkagirlfriend ako... excuse me, I want to vommit." Pagkasabi niya noon humigop rin siya sa kanyang milktea, "Ang sarap noong dark choco, can I taste yours?" sabay hablot niya sa salted caramel 'ko.
Umirap ako sa kanya bago hawakan ang kamay noong babae. Suddenly, I feel guilty on what Max said to her. Alam 'kong totoo iyon, pero hindi niya dapat sabihin ng harap harapan lalo't hindi naman namin kilala.
Kung si Aries ang boyfriend niya, hindi niya hahayaang malungkot o masaktan ka. Gagawin niya ang lahat para sumaya ka kasi mahal ka niya.
Pero bakit 'ko ba s'ya iniisip?
Malay 'ko ba kung ganoon pa rin s'ya?
Tiyak akong nagbago na s'ya.
"I'm sorry. Hindi naman sinasadya ni Max na sabihin iyon."
"It's okay, my point naman s'ya."
"See, you're a smart girl." Komento ni Max na dahilan ng pag kunot ng aking noo habang nakatingin sa kanya. Pinadilatan ko syang muli para tumahimik na siya
Can't he see? I'm trying to save him, mula sa tapalasan niyang dila.
"Anyways, we can be friends." I offered.
Aangal pa sana si Max pero napigilan 'ko na agad siya gamit ang aking mga mata. Makuha sa tingin, sa madaling salita.
"Really? I'm so happy na may mga kaibigan na ako rito. By the way, I'm Teresa Esquivel, Teri for short."
"Teri? Teri teri?" Max laughed so loud at his own joke, "Mahilig sa teri teri."
"Max!" I gritted my teeth pag tapos 'ko s'yang sawayin. Ang isang 'to, malapit nang mamuro sa akin.
"Just kidding, I'm Max. Pero hindi ako kendi or what?"
Halos mapunit ang kanyang labi sa sobrang plastik niyang ngiti. Pag tapos noon ay tumingin siya sa'kin bago muling humingop sa milk tea na kanina pa niyang kinakalog.
"Call me Tisha, okay?"
"I guess... I heard your name somewhere."
Hindi 'ko na ikinabigla ang kanyang sinabi. Kilala naman kasi talaga ako rito at kahit hindi 'ko nakakasalamuha ay nababanggit ang aking pangalan lalo't anak ako ng Mayor.
"Well, hindi na bago. Dito kasi ako lumaki pero umalis ako noong highschool ako."
"Ah, kaya pala."
Tinapunan 'ko lamang s'ya ng isang ngiti bago bumaling sa walang laman 'kong cup. Inubos na pala ni Max ang milk tea 'ko. Kahit kaylan patay gutom ang isang 'to.
Sabay muli kaming napalingon kay Teri nang tumunog ang kanyang cellphone. Unti unting umangat ang kanyang labi noong makita kung sino ang natawag. Marahan 'kong rin inihaba ang aking leeg upang makita kung sino ang natawag. Nakakacurious kasi ang mga ngiti ni Teri. Nagiwas ako nang tingin ng tuluyan na siyang tumunghay at sinagot iyon.
"Hi Clav, yes... uh huh may binili lang ako sa bayan."
Boyfriend niya ba ang natawag? Ano raw pangalan? O baka love ang sabi niya. In fairness ang sweet ng love ang tawagan.
Ngumuso sa akin si Max na naging dahilan ng aking muling pagtingin kay Teri. Kagat kagat niya ang kanyang labi at muling lumungkot ang kanyang mga mata. Ang kaninang sigla niya bago sagutin ang tawag ay tila naglahong parang bula. Tahimik na lamang siyang nakikinig sa kanyang kausapan. Bahagya rin iyong tumango na tila iniintindi na lamang ang mga sinasabi sa kanya.
"Okay, just text when you're free. I miss y-"
Bahagya akong napaatras dahil sa mukhang pinagbabaan siya ng tawag kahit hindi pa siya natatapos na magsalita. Biglang bumigat ang kanyang mga mata at tila nag babadya tumulo ang kanyang mga luha.
Umiling iling si Max dahil sa kanyang nakita, siguro ay parehas kami ng naramdaman para kay Teri. Kung sino man ang boyfriend niya at hindi siya itinuturing ng maayos. Hindi iyon maganda para sa akin.
"Boyfriend mo?" mejo sarcastic ang tono na ginamit ni Max pero ramdam mong na lungkot rin siyang makitang ganoon ang ekspresyon ni Teri.
"Oo, busy lang i-iyon," wika ni Teri.
Tila maging ako ay hindi kumbinsido. Gusto 'ko mag usisa pero wala akong lakas ng loob para magtanong. Anong klase nang lalaki ang gagawa ng ganoon sa babaeng mahal na mahal siya. Ramdam mo kasi talaga pag mahal ng isang tao ang isa pang tao. Masaya sila sa simple pag tawag lang nito. Kaya naman bakit niya gagawin iyon kay Teri.
"Alam nyo, bili tayo beer. Inom tayo sa inyo, Tisha?"
Itinagilid 'ko ang aking ulo dahil sa mga sinabi ni Max. Siguro ay nakuha na rin ni Teri ang kayang simpatsya.
"Ayan ang kabisera Max sa taas. Bakit kaylangan pa sa amin."
"Hindi 'ko naman kasi alam na may bar pala sa d'yan sa taas, sana ininform mo ako 'di ba?"
Dahil sa kanyang sinabi ay natawa kaming parehas ni Teri. Tumatawa siya pero kita sa kanyang mga mata ang lungkot na dulot ng nangyari kanina.
Sinipat 'ko ang aking wristwatch. Malapit na mag 4:00pm kaya siguro ay mag bumukas na iyon mamaya.
"Gala muna tayo sa plaza. May five minutes pa bago mag bukas. Hindi rin naman agad nakakapasok kaya balik nalang tayo maya maya."
Tumango naman silang parehas sa akin kaya naman sabay sabay na kaming tumayo. Hinawi 'ko patalikod ang aking buhok bago muli silang hinarap.
"Iwan 'ko lang sa car 'tong mga pinamili 'ko." si Teri.
"Okay hintayin ka namin doon," saad 'ko sabay turo sa unahan ng stall.
Agad rin naman s'yang tumalikod sa amin pag kasabi 'ko noon.
"Sosyal may car."
Siniko ako ni Max at mahina niya iyong binulong sa akin.
"Tumahimik ka na pwede? Be sensitive naman."
"Naku! Kung boyfriend ko iyon hindi ako magtitiyaga kahit pogi pa s'ya? Like, duh!"
"Kahit pogi?" pag kumpirma ko.
"Hmm... maybe, there's a room for consideration."
"Gaga!" sambit 'ko saka siya tinampal sa kanyang balikat.
"Sorry natagalan." si Teri.
"Okay lang kahit nga, wag ka na bumalik... just kidding."
Ewan ko na dito kay Max kung totoo nagbibiro s'ya o gusto niya talaga iyon sabihin.
Nag libot kami sa plaza. May ilang kabataang naglalaro roon ng basket ball. Hindi 'ko na matandaan kung kaylan ba kami huling pumunta doon ni Aries o kung naglaro man lang ba kami doon. Sa lugar na ito isang alala lang ang tumatak sa akin. Ang alala kung kaylan masaya pa kami. Kung saan okay pa ang lahat.
Pero rito rin sa mismong pwesto ito kami unang nagkita ni Vieya. Dito na nagsimula ang lahat. Dito na nagbago ang lahat.
"Okay ka lang Tisha?" puna sa akin ni Teri.
"Ah o-oo."
Ngumiti ako sa kanya bago bumaling kay Max. Kung natutunaw lamang ang mga kabataang iyon dahil sa mga titig niya baka nawala na silang lahat. Child abuse ang kanyang ginagawa.
"Tara doon, gusto ninyo makita ang simbahan?" yaya 'ko sa kanilang dalawa.
"Mamaya na... panira ka Tisha," pag mamaktol niya sa akin.
"Halika na," sabay hila 'ko kay Max.
Panira pala, sige sirain pa nating lalo. Dapat ay magbawas siya ng kasalanan. Narinig 'ko ang pag hagikgik ni Teri bago ako tinulungang hilain rin si Max.
"Bawasan natin ang kasalanan mo," natatawang sabi ni Teri.
Mukha naman siyang mabait at magaang kasama. Batid mo nga lang ang lungkot sa kanyang mga mata.
Nang makapasok na kami sa gate ng simbahan ay tumambad sa amin ang malaking puno ng narra sa pinakataas kung saan may paikot natamabyan.
Agad na tumakbo si Max upang tumaas sa hagdan patungo sa puno.
"This is awesome, Tisha. Sobrang laki noong puno na nagbibigay ng lililom sa buong paligid."
"Ano iyong nasa likod? Simbahan rin?" Pag uusisa ni Teri.
Napalingon rin kami sa kanyang tinuro. Bukod kasi sa simbahan na kita mula sa labas ay may isa pang simbahan sa may bandang likod. Wala pa iyon noong umalis ako. Mas maganda iyon at parang may palapag.
"Hindi ko alam, Teri. Wala pa iyan noong umalis ako." Paliwanag ko sa kanya, "Tara nalang sa loob. Magdasal tayo saglit."
Hindi 'ko na hinintay ang kanilang magiging sagot. Basta naglakad na ako pababa doon at tinahak ang direksyon pa punta sa simbahan.
Na mangha ako dahil ibang iba na iyon. Hindi 'ko kasi naisip na magpunta rito noong dumating ako. Busy ako sa ibang bagay kaya siguro marami ang gumugulo sa akin dahil hindi 'ko naiisip na mag punta rito, nakausapin s'ya.
Nang tuluyan na akong makapasok ay pinagmasdan 'kong mabuti ang bawat detalye noon. Kung saan madalas ang pwesto sa may unahan kami na umupo ni Aries tuwing simbang gabi, kung saan bumibilis ang tibok ng aking puso noon sa tuwing kakantahin namin ang ama namin habang hawak ang kamay ng bawat isa.
Mas maganda na ito kumpara sa aking alala. Ang mga ukit sa pader ay mas pinaigihan pa. Nagbago na ang lahat. Nagbago na ako. Nagbago na s'ya pati ang lugar na minsan naming naging kaharian ay nagbago na. Nawala na at nananatili nalang sa aming mga alala.
"Picturan mo ako rito, Teri," utos ni Max sabay abot ng kanyang cellphone.
Mukang nagkakasundo na sila. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Max, sana ganoon rin si Teri. Hindi pa namin s'ya lubos kilala pero mukha namang makakasunod rin namin siya.
Nagtagal pa kami ng konti sa loob, manghang mangha kasi si Max sa mga nakikita. Nangtuluyan na kaming lumabas na pinuntirya naman nila ang tianggihan.
Marami rin ang nagbago, sempre ang mga presyo ng paninda roon ay iba na kaysa dati. Wala na rin iyong ibang mga nakapwesto. Hindi 'ko na rin naman sila matandaan. Napalingon ako sa lumang maunisyo at mukhang tagumpay rin ang naging plano na maging headquarters iyon ng iba't ibang ahensya.
"May cafe pala rito. Try natin minsan," si Max.
"Masarap jan, ang bait pa noong may ari."
Sabi ni Teri habang pumipili ng kung ano mula sa isang tindahan. Seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin sa isang bonet na itim. Siguro ay ireregalo niya sa boyfriend n'ya.
"Kilala mo ang may ari?" tanong 'ko.
"Oo, si Estin. Katulad mo galing din siya kung saan nagbalik lang rito. Last month lang sila nagbukas."
"Estin? Celestine Canlas?"
Hindi ako makapaniwala na sa tagal ng panahon na wala akong balita sa kanya, ay muli 'ko s'yang matatagpuan rito sa Aguinaldo.
"Oo, kilala mo? Ang bait noon at ang ganda pa."
"Oo," tipid kong sagot.
Matagal na akong nagagandahan kay Estin, pero bihira ang nakakapansin noon at ang sabihin ni Teri na maganda sya, tingin ko ay nagbago na rin sya.
Lahat ba talaga ay nagbabago?
Bakit ba kaylangan ang pagbabago?
"Parang mas okay 'tong plain na black kaysa doon sa printed. Just my perception." si Max.
"Talaga?" bumaling si Teri kay Max bago muling bumalik sa tindera, "Sige ito nalang po."
"May titingnan lang ako," paalam 'ko sa kanila.
Hindi 'ko na inisip kung susunod sila o hindi. Gusto 'kong makita si Estin.
Nang mapansin 'ko ang salitang cafe sa pintuan ay mabagal kong inangat ang aking mga kamay. Dahan dahan 'ko iyong binuksan at tumambad sa aking ang kulay pink at blue na design na cafe. Mababa ang mga lamesa noon na parang nasa isang korean drama ka habang kumakain. May mga palamuti ring vines at sunflower na gustong gusto 'ko.
"Welcome po," bati sa akin ng isang staff.
Napatulala ako sa isang babaeng nakatalikod mula sa counter. Ang kulay kalawang niya buhok ay ganoon pa rin ngunit hindi na ito kulot. Maganda na rin ang kanyang tindig habang kinakausap ang isang pa niya staff.
"Estin?" Bulaslas 'ko ng tuluyan na akong makapalit.
Unti unti ay pumihit siya at nilingon ako. Ang kanyang mga mata ay namilog dahil sa gulat, marahan din kumurba ang kanyang mga labi. Malapad ang naging ngiti niya ng mapagtanto kung sino ako.
"Tisha? Hala, totoo ba ito?" sambit niya habang patakbong lumabas mula sa counter papunta sa akin.
Mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin nang tuluyan niya akong malapitan, agad 'ko namang iyong sinagot ng mahigpit rin na yakap.
Nang bumukas ang pinto ay pareho kaming bumitaw sa pag yakap. Iniluwa noon sina Max at Teri. Nakangiti sila habang nag kakwentuhan sa kung ano.
Bumaling akong muli kay Estin, kumunot ang noon 'ko ng magpakawala siya ng bugtong hininga habang unti unting nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang matamis niyang ngiti ay pumait na ngayon.
"Iniwan mo naman kami Tisha," si Teri.
Nakatingin pa rin ako kay Estin. Binabasa 'ko ang bawat ekspresyon niya. Umismid siya ng banggitin na ni Teri ang aking pangalan.
"Ikaw Tisha, lately tulala ka palagi. Kinakausap ka namin bakit mo kami iniwan." pag angil ni Max.
"S-sorry." tipid kong sagot.
"Kilala mo na s'ya?"
Napabaling ako kay Estin ng muli siyang magsalita.
"Ah oo, ito pala si Max, friend 'ko tapos ito si Teri, kilala mo na siguro sya."
"Of course, kilalang kilala." pati ang kanyang pagsasalita ay nagiba na rin.
"May gusto ba kayo? Libre 'ko." alok niya.
"Hindi na Estin, busog pa kami. Hindi kasi namin alam na may cafe ka pala, sana ay dito nalang kami. Balak namin mag bristro, sama ka?" yaya 'ko sa kanya.
"Sige, pag out 'ko rito sunod ako sa inyo. Here's my calling card. I miss you, Tisha." sabay yakap nyang muli sa akin.
Nag kwentuhan lang kami saglit tapos ay nag paalam na kay Estin. Pag labas namin ay panay ang reklamo ni Max dahil gabi na raw at baka mabitin siya sa bar.
"Pwede naman hanggang madaling araw." paliwanag 'ko.
"Alam n'yo, si Clav, laging natigil sa pwestong 'to." si Teri.
Napabaling ako sa kanya, bago ibaling ang kanyang sinasabi.
Nasa harap pala kami ni Heneral Aguinaldo. Ang rebulto kung saan kami nanumpa ni Aries. Kung saan pinangako 'ko na, ako'y para sa kanya at ganoon rin s'ya para sa akin. Na ako si Latisha Barbara Santiango ay para lamang kay Aries Clavio Le Bris.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top