Wakas

Wakas

"Trigger, you may now kiss your wife..."

Ngumisi si Trigger saka humarap sa akin. Namumula ang kaniyang mata at pisngi. He licked his lower lip kaya namasa iyon at namula.

"Finally..." he whispered saka lumapit sa akin.

Tumingin siya sa mga guest. Sumigaw sigaw mula doon sila Dylan at nangingibabaw ang boses ni Chad. Trigger raised his middle finger saka tumawa. Pinalo ko ang braso niya kaya binalingan niya ako ng tingin.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko na parang nanggigigil siya sa akin. Tumingin muli siya sa mga guest.

"Paki-takpan ho ang mata ng mga anak namin!" Sigaw niya kaya nagtawanan ang lahat. Kahit ako ay natawa na rin.

Tumingin siya sa akin. Straight sa mata ko. Namuo ang luha ko dahil kitang kita ko kung paano nagbago ang isang Trigger Byun. Kung paano ko makita sa mga mata niya na mahal na mahala niya ako.

"Mahal na mahal kita, Ineng ko..." bulong niya.

"Mahal na mahal din kita, Totoy ko..." bulong ko bago niya ako halikan sa labi. Diniin niya pang mabuti ang mukha niya sa akin kaya halos matumba na ako.

He chuckled between his kisses. Binitawan niya ako. Ngumiti siya sa akin. Hinapit niya ang baiwang ko saka tinaas ang kamay kong may singsing.

"Kasal na kami ng asawa ko!" Sigaw niya habang pinapakita sa mga guest ang kamay naming may singsing.

"Kasal naman na talaga tayo," sabi ko.

"Hindi pa kita masyadong mahal 'nun. Ngayon, mahal na mahal na kita. Hindi ko alam na kaya ko palang mag mahal ng ganito, Ineng. Dahil sayo..."

Nagsilapitan ang mga guest para sa picture taking. Inabot kami ng isang oras. Habang nasa reception kami ay kating kati na si Trigger umuwi kaya naman kahut hindi pa tapos ang after party ay umalis na kami.

"I love you, baby..." bulong niya sa akin saka humiga ng maayos sa tabi ko.

Pinagmasdan ko sa lapag ang wedding dress na suot ko kanina. Napangiti ako saka mahigpit na niyakap ang hinihingal na si Trigger. Masaya ako. Napaka saya ko ngayong araw na ito.

May 9, 2017. Kinasal ulit kami ng totoy ko.

Tinapik ko ang balikat niya nang bigla siyang humalakhak. Inangat ko siya ng tingin para sana samaan siya ng tingin ngunit nakita ko lang ang namumula niyang mukha at matang nakatingin lamang sa akin.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

He bite his lower lip saka umiling. Hinapit niya ang baiwang ko at inamoy ang leeg ko. Tinaas niya ang kumot hanggang balikat ko nang hindi pa rin siya natitigil sa pag tawa.

"Bakit nga?" Inis na tanong ko.

"Wala nga!" Ngisi niya. Hinalikan niya ang pisngi ko para maputol ang pag sama ko ng tingin sa kaniya.

Pumikit ako sa inis, "Ano nga iyon, Trigger Byun?"

"We did it thrice..." sabi niya saka kinagat ang labi.

Anong connect ng pagtawa niya sa tatlong beses naming ginawa? Kahit kailan talaga may isang bagay na hindi nagbabago sa kaniya, ang pagiging alien niya.

"And?" Inis na tanong ko.

"At wala pa ring nagbabago." Ngumisi siya saka yumuko para makapantay ang tainga ko.

"Maingay ka pa rin..." bulong niya saka humalakhak.

Tinanggal ko ang braso niyang nakayakap sa akin. Pinalo palo ko ang kaniyang dibdib. Wala naman siyang ginawa kundi tumawa lang ng tumawa. Hinuli niya ang kamay ko saka niyakap akong muli.

"Why? Your scream turned me on big time..."

At dapat ba akong matuwa dahil doon? Nasaan ang logic ng isang Trigger Byun?

"Sigurado ka ba sa gusto mong iyan, Rain?" Tanong ni Trigger sa panganay naming anak habang nasa hapag.

"Tay, ilang beses ko na bang sinagot iyan?" Iritang sabi niya.

Ilang taon na sila kaya hindi na namin sila kayang kontrolin. Si Trigger lamang ang medyo mahigpit at kung minsan ay hindi niya pinapayagan si Elora sa mga group activities nito sa school.

"Hayaan mo na ang mga bata..." sabi ko habang hinahaplos ang braso niya.

"Delikado iyon! Paanong papayag ako?" Hinilot niya ang kaniyang sentido.

Gusto maging agent ni Rain. Pupunta siya sa Country Club para sa kaniyang training ngunit ayaw siyang payagan ni Trigger. Katunayan nga ay hindi na dapat siya nagpapaalam dahil nasa tamang edad na siya pero lagi lang silang tinatakot ni Trigger.

"Don't you trust your son?" Tanong ko.

"Alam niyo naman na kahit pigilan niyo si Kuya ay hindi rin siya makikinig." Sabi nang ngumunguyang si Kean.

"Ugh right!" Sabi naman ng ten years old na si Elora.

Hindi sumagot si Trigger.

Si Rain ay masyadong mailap sa babae at seryoso lamang sa mga bagay na gusto niya.

Si Kean naman ang Trigger version 2.0 o mas malala pa. Minsan kapag pumupunta sa party ay umaga na umuuwi. Tinatawagan ko siya at babae lamang ang nakakasagot. Kaya mas close sila ni Trigger.

Si Elora, boyish. Nahawa yata sa mga lalaking nasa paligid niya. Ilang beses na kaming pumunta sa school dahil may kasuntukan siyang mga lalaki.

"Alright alright. Nagkampihan nanaman kayo, ano pa bang laban ko?" Ani Trigger saka hinalikan ang balikat ko. Nakiliti ako dahil sa ilang tubo ng bigote niya.

"Turuan mo ako, Kuya kapag natuto ka na..." bulong ni Elora sa kaniyang Kuya na hindi nakaligtas sa tainga ng Tatay nila.

"Elora! Binilhan kita ng barbie kanina. Iyon ang laruin mo."

Lumago ang TriRene. Ngayon ay nasa iba't ibang mall na siya at minsan ay ako ang nagdedesign ng mga gown doon.

Hindi na rin nanggulo sa amin si Ales. Nabalitaan ko na nabuntis siya ngunit hindi ko alam kung sino ang tatay. Gusto ko sanang magkaayos kami ngunit mukhang malabo. Mas mabuti nang ganito kaysa agawin nanaman niya sa akin ang asawa't anak ko.

"Chad, anong balak mo? Tatanda ka nalang na binata?" Kantyaw ni Dylan kay Chad na nasa sulok, umiinom ng beer.

Ngumisi ito, "Nagpapaligsahan ba tayo rito?"

Narito kami sa White House. Napapangiti na lamang ako tuwing naalala ko ang mga memories na nangyari sa lugar na ito. Ang mas mahalaga ay kasama ko pa rin ang mga dating kasama ko noon.

"Cheers para sa bagong kasal!" Sigaw ni Verns saka tinaas ang kaniyang baso.

Kinasal last week si Liam at Elle. Ngayon lang namin na-celebrate dahil nag honeymoon sila rito rin sa White House. Kinindatan ko si Sky na akbay akbay ang kaniyang misis.

"Cheers din para sa pusong sawi ni Chad!" Tumatawang sigaw ni Cupid.

"Cheers!" Sakay ni Der sa trip ni Cupid.

Humalakhak kami sa itsura ni Chad. Hindi naman siya mukhang naasar. Pakiramdam ko ay may girlfriend na ito, hindi lang sinasabi sa amin. Kaya ganiyan nalang ang ngiti niya.

"Iniwan na kita, bes. Sorry! Nauna na ako sa iyo." Biro ni Elle.

Sila nalang kasing dalawa ang single noon. Bigla nalang kaming nagulat nang magpapakasal na raw si Liam at Elle.

"Sige lang, pakasaya kayo." Ngisi ni Chad.

Sa dami nang nangyari sa buhay ko, namin. Isa lang ang natutunan ko.

Mahirap magtago ng sekreto. Mahirap isekreto at mas lalong mahirap kung tinatago mo ang taong mahal mo. Kaya ngayon, tinatapos ko na ang munti naming sekreto ni Trigger.

"Trigger, kamusta naman kayo ni Irene?" Tanong ni Kurt habang nakayakap kay Zette.

Nagkatinginan kami ni Trigger saka natawa. Inilagay niya sa aking labi ay isang daliri at hinarap silang lahat.

"Shhh, it's a secret..." sabay naming sabi.

_________

Official hashtag: #TheFinalSecretFinale (charoooot hahaha)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top