Kabanata 9
Kabanata 9
Why
"Hi, can I ask you for a date?" Nakangiting tanong ko kay Joy pagkalabas namin ng classroom.
Tumawa naman siya at tumango. Kinagat ko ang labi ko habang nakangisi at kinuha ang bag niya. Namataan ko pa sa di kalayuan si Irene kasama si Dylan. Umigting ang panga ko.
Anong ginagawa nila? Bakit sila magkasama?
Matalim ko silang tinignan. Nang mapatingin sa akin si Irene ay bumaling ako kay Joy saka pilit na ngumiti.
"Saan mo gusto pumunta?" Tanong ko.
"Kahit sa Chowto nalang..." sagot niya saka ngumiti.
Pinatunog ko ang sasakyan ko at binuksan ang pinto para kay Joy. Ito ang gusto ko sa kaniya, lagi siyang nakangiti kaya nahahawa rin ako. Hindi katulad ni Irene na lagi nalang nakasimangot kapag kasama ako tsk.
"Mukhang close kayo ni Irene, ah?" Tanong niya habang nagd-drive ako.
"Close ba iyong lagi siyang galit sa akin?" Kumunot ang noo ko saka tumawa.
Close my ass! Ni hindi nga kami nagba-bonding nun, eh. Kahit yayain ko ng date, umaayaw nalang lagi.
Ngumisi siya, "May gusto ka sa kaniya, ano?"
Tumawa ako, "You're weird. Paano ako magkakagusto sa babaeng hindi ko naman type?"
"Ewan ko nalang." Pang-asar na sabi niya.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko saka nag-isip. Hindi ko naman talaga tipo si Irene. Maganda siya pero walang dating sa akin. As in, wala talaga.
"Ikaw ang type ko..." ngumisi ako sa kaniya.
Akala ko ay magagalit siya ngunit nang lingunin ko siya ay nakita kong pumula ang pisngi niya. Damn! Mutual ba?
"Wala bang sagot?" Tanong ko.
"Sus, isasali mo lang ako sa mga babae mo, eh..."
Meron nga? Shit, I wanna know!
Nilingon ko siya habang kagat ko ang labi ko. Ngumiti siya sa akin. Kung hindi lang ako nagmamaneho ngayon ay baka nahalikan ko na siya.
"Ikaw palang ang niyayaya ko ng date. Sapat na bang patunay iyon para sabihing seryoso ako sa iyo?"
Nung una ay gusto ko lamang ng atensyon ni Irene ngunit nang makasama ko na si Joy ay nagbago ang lahat. Parang gusto ko, lagi na siyang kasama, katext at maging girlfriend. For real.
"Bunganga ng playboy," humalakhak siya kaya tumawa rin ako.
It takes time. Hindi man siya maniwala ngayon pero sisiguraduhin kong magiging kami rin. At kapag nangyari iyon, hindi na ako titingin sa iba.
Araw-araw ay wala akong ginawa kundi itext siya at tawagan. Naiirita na nga si Irene dahil sa ingay ko pero wala akong pakielam. Niyaya ko na rin si Joy sa condo ko kaya nakulong si Irene sa kwarto namin.
"Talo nanaman ako!" Sigaw ni Joy saka binitawan ang controller.
Humalakhak ako. Ilang beses na kaming naglaro ng NBA pero hanggang ngayon ay puro talo pa rin siya.
"Paano ba iyan. Kiss ko, nasan na?" Hinarap ko sa kaniya ang pisngi ko saka ngumiti.
Sinamaan niya ako nang tingin saka lumapit para halikan ang pisngi ko ngunit bigla akong humarap sa kaniya kaya sa nahalikan niya ako sa labi.
Hihiwalay sana siya ngunit malakas kong hinawakan ang batok niya para mapalalim pa ang halik.
Dumilat ako at nahagip ng mata ko si Irene na nakasilip mula sa kwarto namin. Lumunok siya at nang makita niyang bukas ang mata ko ay agad niyang sinarado ang pinto.
"Trigger..." sambit ni Joy habang nakatingin sa akin.
Tumawa ako at hinaplos ang mukha niya, "I like you, Joy..."
"I like you too..." ngumiti siya.
Tangina ano daw? Para akong nabingi. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko kaya kinagat ko na lamang ang labi ko.
"Don't do that! Don't bite your lips." Sabi niya saka pinasadahan ng daliri ang labi ko.
Hahalikan ko ulit sana siya nang may marinig kaming dabog mula sa kwarto ko. Lilingon sana doon si Joy ngunit mabilis kong hinawakan ang mukha niya.
"So, tayo na?" Tanong ko.
"Sira hindi pa!"
Sumimangot ako, "Bakit sabi mo, gusto mo ako?"
"Oo nga. Gusto palang!"
Hapon na ng umuwi si Joy. Hinatid ko pa siya hanggang sa bahay nila kaya gabi na nang makauwi ako sa condo. Naabutan kong kumakain ng mag-isa si Irene at nang makita ako ay tamad na pinanuod niya ang mga galaw ko.
"Masaya?" Matabang na tanong.
"Ofcourse! Gusto niya rin daw ako..." masayang balita ko sa kaniya.
Bakit kapag nakikita ko siya, nawawala ang pagkagusto ko kay Joy? Tangina.
"Good. Masaya ako para sa inyo..." sabi niya pero hindi ko siya makitaan ng pagkasaya.
"Are you really happy?" Tanong ko dahil sa tono ng boses niya ay parang hindi siya masaya.
"Oo naman!"
Nag-iwas siya ng tingin. Pumunta siya sa sink dala-dala ang pinggan na ginamit niya at hinugasan. Pinanuod ko siya habang naghuhugas ng pinggan at nang dumulas sa kamay niya ang ay kutsara ay alam ko nang hindi siya masaya.
"Hindi pwedeng masaya ako tapos ikaw hindi..." tumawa ako para mawala ang kaba ko.
"Masaya nga ako!" Sigaw niya.
Napawi ang lahat ng tuwa ko kanina. Imbes na magalit ako sa kaniya dahil sinigawan niya ako ay parang naguilty pa ako dahil pakiramdam ko ay ang sama sama ko sa kaniya.
"Masaya ka ba talaga?" Mahinang tanong ko.
Malakas na binagsak niya ang basong hinuhugasan niya kaya nabasag iyon. Hinarap niya ako na galit ang mukha.
"Eh ano kung hindi? May magagawa ka ba? Wala naman diba?!" Sigaw niya.
Nagulat ako. Hindi ko alam kung bakit hindi siya masaya. Hindi ko alam kung bakit galit siya. Hindi ko alam.
"Sabihin mo sa akin kung bakit, Irene..."
"No!" Nag-iwas siya ng tingin, "Wala lang ito. Huwag mo akong pansinin--"
"Just fucking tell me, Irene, why!? Bakit hindi ka masaya? Is it because of me? Bakit?"
Hindi ako magsasawang tanungin siya kung bakit hangga't hindi niya sinasagot. Hindi ako magsasawa sa kaniya.
"Wala nga, Trigger!"
"Why?" Matigas na tanong ko.
Narinig kong minura niya ako dahil sa kakulitan ko pero wala akong pakielam. Hangga't hindi ko naririnig ang sagot niya, hindi ako titigil.
Ginulo niya ang kaniyang buhok dahil sa frustration. Nakita ko ang tulo ng luha sa kaniyang pisngi. Gusto kong lumapit sa kaniya para punasan iyon ngunit gusto ko munang marinig ang sagot niya.
"Dahil kay Dylan! Dahil kay Dylan kaya hindi ako masaya! Ano, may magagawa ka ba?"
______
Is it lame?
May new story ako! "THE CAMP"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top