Kabanata 8

Kabanata 8

This Time

Sa inis ko kay Irene ay kung sinu-sinong babae sa school namin ang dinate ko, kung sinu-sino ang niligawan at sinama ko sa kung saan-saan. Sinasadya ko pa minsan na makita niya kami or sa harapan niya pa para naman mainis siya ngunit parang walang epekto.

"Sabay na tayong pumasok..." aya ko sa kaniya.

Nilingon niya ako habang nag-aayos siya. Umiling siya sa akin at alam ko na agad ang sagot niya. Bumuntong hininga ako.

"Hindi pwede. Mauuna na ako, Byun! Bye!"

Ano pa nga ba ang aasahan ko kay Irene? Hindi naman niya ako mahal. Wala naman siyang pakielam sa akin.

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng iyon. Ako na nga ang sumusuyo sa kaniya, hindi pa ba niya halata? Gwapo naman ako, malakas ang appeal, mabango, mayaman at magaling sa ano... kwarto.

Bakit hindi niya ako subukan?

Kaysa pumasok mag-isa ay umabsent nalang ako. Ilan lang naman ang subject namin at gusto kong tanungin ako ni Irene kung ano ang problema ko.

Ngunit nagugutom na ako ay wala paring Irene ang tumawag sa akin kaya ako nalang ang tumawag. Alam kong may klase kami ngayon pero wala akong pakielam.

"Oh?" sagot niya pagkalipas ng ilang ring.

"Hello din asawa ko..." I chuckled.

Sarap niya talagang asarin lalo na kapag namumula ang buong mukha niya. Pero ang gustong gusto ko talaga ay kapag sinisigaw niya ang pangalan ko sa sobrang inis.

"Bilisan mo ng sabihin ang kailangan mo, Byun..." sabi niya.

Natawa naman ako dahil alam na alam niyang may kailangan ako. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngising kanina pa nakaukit sa labi ko.

Ikaw ang kailangan ko.

"You really know me well, Ineng... anyway, go to our condo now, nagugutom ako."

"Alam mo naman itong prof natin, Byun! Magluto ka nalang mag-isa mo." Inis na sabi niya.

"I'll be waiting, Irene. Bye, Love!"

Pinatay ko ang tawag. Hindi rin ako matitiis nun. Pero kung sakaling matiis niya ako, magkukunyare nalang akong nagtatampo para maguilty siya.

Damn! Hindi ko mapigilan ang ngisi ko habang iniisip ang nagmamadaling Irene papunta sa akin.

Ilang minuto lang ang tinigal bago siya nakarating sa condo. I knew it! Hindi niya rin ako matitiis.

"Siraulo ka talaga eh, no? Napauwi pa ako ng maaga!" Bungad niya sa akin.

"Lutuan mo nalang ako. Kanina pa kaya ako nagugutom..." Sabi ko saka nauna nang pumunta sa kusina.

Umupo ako sa high chair habang pinapanuod siyang naglalagay ng apron saka tinali ang kaniyang buhok. Kinagat ko ang labi ko.

"Oh? Wala ka yatang kalaro?" Tanong niya at nagsimula nang magluto ng sinigang.

Napasimangot naman ako. Hindi ako makontento sa mga babaeng niligawan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako masaya.

"Break na kami ni Lara, eh. She's too clingy!" Ngumiwi ako habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos niya.

"Akala ko ba China pangalan ng girlfriend mo?" Tanong niya.

Wow tangina, alam niya? Ngumisi ako habang iniisip na may pakielam na siya sa akin. Ni-hindi ko na nga maalala ang mga pangalan ng babaeng nakakasama ko pero siya, kilala niya?

"Ikaw? Ayaw mo magboyfriend?" Biglang tanong ko.

Gusto kong marinig ang sagot niya. Baka kasi gusto niya na rin magboyfriend, edi alam ko.

"Kuntento na ako sa iyo. Trigger Byun palang sabog na ulo ko, tapos dadagdagan ko pa?"

Halos matumba na ako sa inuupuan ko sa sinabi niya. Tangina Trigger, kumalma ka!

Effective naman pala ang pagpapansin ko gamit ang mga babae. Parang nagkakaroon na siya ng interes sa mga ginagawa ko.

Umangat ang isang sulok ng labi ko habang iniisip na pormahan ang isa niyang kaibigan. Baka sa paraan na iyon ay mapansin niya ako lalo at magkaroon na siya tuluyan ng interes sa akin.

"Anong excuse mo kay Ma'am?" Tanong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Nagpanggap akong may sakit. Fucker ka, natututo akong magsinungaling dahil sa iyo!" Tinuro niya sa akin ang hawak niyang sandok.

Humalakhak ako, "Sinabi ko bang magsinungaling ka?"

"Hindi."

"Tsaka pwede mo namang hayaan akong magutom, a?" Ngumisi ako lalo nang makitang natataranta siya.

Malakas na nilapag niya ang sandok at akmang iiwan niya ako sa kusina. Mabilis na bumaba ako sa inuupuan ko at hinawakan ang braso niya.

"Biro lang, ito naman!"

"Hindi ka na nakakatuwa, Trigger Byun!"

Ngumisi ako, "Kailan ka natuwa sa akin?"

Kahit yata sa mga oras na mabait ako, wala lang sa kaniya. Natigilan siya ngunit agad niya ring kinuha ang sandok at nagluto na ulit, iniwasan ang sinabi ko.

Umiling ako. Tanginan talaga!

Pagkatapos niyang magluto ay nilagay na niya sa lamesa ang mga pinggan at kutsara't tinidor. Umupo ako sa pwesto ko at hinayaang lagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko. Halos ngumiti ako nang kinuhanan niya pati ako ng tubig.

Tahimik lamang kaming kumakain. Medyo magkalasa ang luto ni Mommy ng sinigang at luto niya kaya tuwing nagluluto siya ay gumaganda siya sa paningin ko.

"Nga pala, type ko si Joy..." Sabi ko, tinutukoy ang kaibigan niyang kulay green ang buhok.

Tinanong ko kay Chad ang pangalan nun at kinuha ko na rin ang cellphone number kanina habang nagluluto siya.

"Alam niya bang asawa mo ako?" Tanong ko.

Umiling siya, "Hindi. Alam mo naman kung sinu-sino lang ang may alam ng sekreto natin..."

Ngumisi ako, "Edi mabuti. Hindi sira ang plano ko.... tulungan mo rin ako, ha?"

"Wag kang magkakamali na isali sya sa collection mo, Byun, bestfriend ko iyon!" banta niya saka sinamaan ako ng tingin.

Lalo akong ginanahan dahil nakita ko ang pagkurap nang mata niya at ang paglunok niya nang sabihin ko iyon. Dinilaan ko ang labi ko saka kinagat para mapigilan ang ngisi.

"I won't... iba siya..."

Tinignan ko siyang mabuti. Tinignan ko kong ano ang magiging reaction niya sa sinabi ko. Nagkibit balikat siya saka nag-iwas ng tingin.

Akala ko ay sasagot pa siya ngunit nanahimik siya at kumain nalang. Mukha siyang walang pakielam pero alam kong naapektuhan siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung dahil ba may concern talaga siya kay Joy o dahil ayaw niya lang. Nakangiti ako habang humihigop sa sabaw ng sinigang.

Mapapansin mo na ba ako this time, Irene Byun?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top