Kabanata 7
Balik tayo sa POV ni Trigger. :)
____________
Kabanata 7
Susundin
"Irene, this is our fucking honeymoon, bakit iba ang ginagawa mo?" Inis na tanong ko.
Pinapanuod ko siya habang kinukunan ng mga litrato ang mga lalaking naglalakad sa gilid ng dagat. Narito kami sa White House para sa aming honeymoon pero fuck, paano ko maeenjoy ito kung isip bata ang asawa ko?
"Tangina, sandali lang kasi, Trigger!"
Hinawi pa niya ang kamay kong hawak ang kamay niya. Sa inis ko ay hinubad ko ang suot kong t-shirt at humarap sa kaniya. Tinignan niya lamang ako at binalik na ulit sa ibang lalaki ang kaniyang atensyon.
"Ikukulong kita sa kwarto, makita mo..." bulong ko.
"Ano?" Kunot noo niyang tanong.
"Tss, wala!"
Iniwan ko siya roon at nauna nang pumasok sa aming kwarto. Nag-iinit ang buong katawan ko sa sobrang inis kaya naman nagshower nalang ako. Nahagip ng mata ko ang shower gel niya sa gilid. Inabot ko iyon at inamoy.
Irene na Irene. Gustong gusto ko ang amoy niya kaya naman iyon ang ginamit ko sa katawan ko. Pagkatapos kong maligo ay naaabutan ko siyang nakaupo sa kama, tinitignan ang mga kuha niya.
"Patingin nga..." lumapit ako sa kaniya nang makitang picture ko ang tinitignan niya.
Mabilis niyang tinago iyon sa likod niya, "Umalis ka nga sa harap ko!"
Ngumisi ako at pilit na inaabot sa likod niya ang kaniyang camera. Nagulat ako nang bigla niyang amuyin ang leeg ko. Tumaas lahat ng balahibo sa aking katawan dahil doon.
"Ginamit mo ang shower gel ko?" Tumaas ang tono ng boses niya.
"Don't change the topic. Akin na ang camera mo..."
Akala ko ay nagbibiro lang siya ngunit nang makita kong namumula ang kaniyang mukha ay napawi ang ngiti ko. Kinamot ko ang batok ko.
"My goodnes, Trigger! Strawberry flavor iyon, bakit ginamit mo?" Inis na sabi niya.
So what kung strawberry flavor? Amoy niya iyon at gusto kong nakatatak siya sa akin. Hindi na sa kaniya ang katawan at buong pagkatao niya dahil nakaukit na sa pangalan at buong sistema niya ang pangalan ko.
Akin na siya at may karapatan na ako sa kaniya.
"Ang gamit mo ay gamit ko na rin..." ngumisi ako sa kaniya.
"Ugh! Tinitipid ko iyon tapos makikihati ka sa akin?" Nilapag niya sa table ang kaniyang camera.
"Kung ayaw mong gamitin ko iyon, paamoy nalang sa iyo araw-araw..." kinagat ko ang labi ko habang nakangisi.
Ngumiti siya, "Well, fuck you!"
See! Kung itrato niya ako ay parang hindi niya ako asawa. Ang mag-asawa, may ginagawang iba sa honeymoon nila pero takte, para lang pumunta siya rito dahil sa isang field trip!
Nakasimangot ako habang nakahiga sa aming kama. Ilang araw na kami rito. Uuwi yata ako ng Maynila nang sawi.
Lumabas siya sa cr nang bathrobe lang. Iniwas ko ang tingin ko at nanuod na lamang ng tv, kunyare hindi distracted. Umupo siya sa tukador at itinaas ang isang paa para lagyan ng lotion.
Amoy na amoy ko ang shower gel na gamit niya. Hindi ko alam kung ilang beses akong lumunok. Sumakit ang puson ko kaya sinubsob ko ang mukha ko sa unan.
"Trigger, 2 days nalang pala tayo dito, pasyal naman tayo sa kweba..."
Ibang kweba ang gusto kong pasukin ngayon, Irene.
Hindi ko siya sinagot. Pinakalma ko ang aking sarili dahil baka kung ano ang magawa ko sa kaniya ngayon kapag sumabog ako. Umuga ang kama at naramdaman ko ang presensya niya sa gilid ko.
Nag-angat ako ng ulo at tinignan siya. Nagulat ako nang nakasuot pa rin siya ng bathrobe habang nililipat ang channel sa tv.
"Ang panget naman ng mga palabas!"
Huminga ako ng malalim. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa ginagawa niya. Kinunot ko ang aking noo na kunyare ay naiinis sa kaniya.
"Magpalit ka na nga!" Kunyareng inis na sabi ko.
"Huh? Pakielam mo ba?"
"Feeling mo, ang kinis ng balat mo? Ang sakit sa mata kaya magbihis ka na..."
Inis na nilingon niya ako. Namula ang pisngi niya. Kinagat niya ang kaniyang labi at bumilis na rin ang hininga niya dahil sa galit.
"Excuse me?!"
"Bakit, totoo naman, ah? Ang nene nga ng katawa mo." Tumawa ako ng pilit, "Ineng..."
"Anong Ineng? Tsaka-- ugh! Nakakainis ka talaga Byun!" Sigaw niya.
Mabilis at marahas siyang tumayo mula sa kama at pumunta sa closet para magbihis. Nakahinga ako ng maluwag, tanginang pahirap.
Pasalamat siya at may respeto pa rin ako sa kaniya. Siguro kung si Jigger ang asawa niya ngayon ay hindi na siya makakabalik ng Maynila na virgin pa. Kilala ko iyong kapatid kong iyon at ibang iba ako sa kaniya.
Pumunta ako sa veranda at nilabas sa bulsa ko ang sigarilyo. Sinindihan ko iyon habang pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa tabi ng dalampasigan.
Humampas ang malakas na hangin kaya nagulo ang buhok ko. Hindi ko na inayos iyon at hinayaan na matamaan ang mata ko.
"Trigger..."
Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa kamay kong may hawak na yosi at dahil yata sa gulat kaya agad kong hinagis iyon sa baba. Ngumisi ako sa kaniya.
Umirap siya, "Matulog na tayo!"
Tinalikuran niya ako at padabog na pumasok sa loob. Sinundan ko siya habang nakangisi. Hindi ako guilty sa ginawa ko, kunting lambing lang rito ay patatawarin na niya ako.
"Isa lang iyon, promise..."
"Bahala ka na sa buhay mo, Trigger." Matabang na sabi niya.
Nainis ako sa sagot niya. Really? Sasabihin niya sa akin iyan ngayong kasal na kami? Hindi niya ako pwede pabayaan sa buhay ko at hindi ko siya pwedeng pabayaan!
Kaya nga kami nagsumpaan diba? Kahit na hindi totoo ang kasal na iyon.
"Wala ka ng pakielam sa akin?" Walang emosyon kong tanong.
"Wala naman talaga simula pa noon!"
Umigting ang panga ko. Simula palang noon wala na siyang pakielam sa akin pero hindi pwedeng wala siyang pakielam sa akin ngayon. Kasal kami at kahit anong iutos niya sa akin, susundin ko.
Kahit pagbawalan niya ako sa mga babae ko, hihiwalayan ko sila at siya lang, magiging sapat na sa akin. Sabihin niyang tigilan ko ang mga bisyo ko, ititigil ko.
Basta sabihin lang niya ang gusto niya, kahit mahirap, susundin ko para sa kaniya. Fuck!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top