Kabanata 6

Kabanata 6

Frozen in Time

"You look like your mother, Rene! Bongga!" Sigaw ng baklang si Art pagkatapos makita ang ginawang make-up sa mukha ko.

Tumingin ako sa harap ng salamin at agad na napangiti. Kamukha ko nga si Mommy. Ngayon na ang kasal namin ni Trigger. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maiiyak ba ako sa tuwa o maiiyak sa inis dahil siya ang mapapangasawa ko.

"Thank you, Art..."

Pumasok si Mommy kasama si Ninang para asikasuhin ang gown ko. Kasama naman ni Trigger sa kabilang kwarto si Daddy at Ninong.

"Ikakasal na ang baby ko!" Paglalambing sa akin ni Mommy.

Isang garden wedding ang kasal namin, ideya iyon ni Mommy at Ninang. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko sana sa simbahan ngunit naisip ko na hindi pa naman siguradong ito na ang huli kong kasal. May usapan kami ni Trigger at hinding hindi ko makakalimutan iyon.

"Smile, Ire! This is you day, ija..." niyakap ako ni Ninang.

Nagtutubig na ang mata ko ngunit hindi ako pwedeng basta basta nalang umiyak. Hindi rin naman ako iyakin kaya for sure mame-maintain ko ang ayos ko hanggang mamaya.

Isang sikreto rin ang ginawa namin para sa mga ka-schoolmate namin ni Trigger. Tanging sila Elle lamang ang may alam dahil narito rin ang mga magulang nila. Ang kaibigan kong sila, Joy, Seulgi at Wendy ay walang kaalam-alam.

Umakyat sina Ghine sa kwarto at nagkaroon ng photoshoot. Mahigit isang oras din ang tinagal namin magpicture.

"Girl, we are so happy for the both of you!" Niyakap nila ako.

"Oh walang iiyak! Kayo rin naman ang susunod, nauna lang kami ng ungas na yun."

Tumawa kami at maging si Ninang ay natawa na rin. May tumawag kay Mommy kaya lumabas muna ng kwarto. Nang bumalik siya ay sinabi niyang nasa venue na raw sina Trigger.

Kumabog ang dibdib ko. Kinakabahan ako kahit na wala naman akong gagawing iba roon kundi sumagot lang sa mga tanong ng preacher. Parang hindi pa nagsisink in sa utak ko na ikakasal na ako ngayon.

Ilang minuto lang ang byahe namin papunta sa venue. Pagkarating namin doon ay nagkalat ang mga bata at mga kasali sa kasal. Sinarado nila ang pinto papunta sa mismong altar.

"Okay na!"

Binuksan nila ang pintuan ng sinasakyan ko. Petals ng bulaklak agad ang bumungad sa akin kaya napapikit ako habang nakangiti. Nagliliparan ang iba't ibang uri ng paru-paro. Tumaas ang balahibo ko nang biglang tumugtog ang isang kantang familiar sa akin.

"I can't believe my fantasy

Has finally come true

God must have smiled upon me

The day I met you

You are the most beautiful in every way"

Ngayon ko naramdaman na totoong ikakasal na pala ako. Para akong nagising mula sa isang panaginip at narito ako, naglalakad sa sarili kong pangarap.

Bumukas ang pinto. Nakita ko si Mommy at Daddy na naghihintay sa akin doon. Hindi ko na napigilan ang aking sarili, agad na tumulo ang luha sa aking mga mata.

"If I was ever frozen in time

It wouldn't matter how when

Or why it would be

As long as I knew that

You were next to me

Frozen in time for eternity"

Kinuha ni Daddy ang kamay ko. Nagpupunas ng luha si Mommy. Napatingin ako sa altar, kung saan nakatayo ang isang taong pakakasalan ko ngayong araw.

Kagat niya ang kaniyang labi habang diretso ang tingin sa akin. Nakatayo ang buhok niya. First time ko siyang nakitang nakabussiness atire. Inayos niya ang ribbon sa kaniyang leeg at huminga ng malalim.

Muntik na akong matawa nang tapikin ni Jigger ang balikat niya para pakalmahin.

Lumipad ang maraming paru-paro sa dinadaanan ko. Ang iba ay dumapo pa sa aking balikat.

"I get so excited when

I hold your hand

And just the slightest touch

Sends me right to heaven

I forgot to that it's supposed

To feel like this

You inspire my desire

And showed me what I missed"

Palapit ako ng palapit sa kaniya. Kitang kita ko na rin ang mga butil ng pawis sa noo niya kaya inabutan siya ni Jigger ng panyo. Pinunasan niya ang kaniyang pisngi ngunit ang tingin niya ay hindi nawawala sa akin. Kinagat niyang muli ang kaniyang labi bago kunin ang kamay ko mula kay Daddy.

"Take care of my princess..."

"I will, Tito... I mean, Daddy..." tumawa siya at maging si Daddy ay natawa rin.

Simpleng salita lang iyon mula kay Daddy pero ramdam na ramdam ko ang iba't ibang emosyon. Bumuhos ulit ang luha ko nang halikan ko ang pisngi ni Mommy at Daddy.

Nang humarap ako kay Trigger, tinaas niya ang suot kong belo at dahan dahang pinunasan ang pisngi ko. Nakatingin lang ako sa kaniyang matang punong puno ng emosyon habang nakatingin sa akin.

"As life goes on I pray

I never take you for granted

From this moment on

I'll never let a single day pass

Without saying "I Love You""

"You look stunning..." Trigger whispered.

Humarap kami sa altar at nagsimula na ang seremonyas. Para akong lumulutang ng mga oras na iyon, kahit sarili kong boses ay hindi ko na marinig. Hindi ko makita ang mga taong mga bisita namin at tanging si Trigger lang ang nakikita ko.

"Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife..."

Nakangising humarap sa akin si Trigger. Napatingin ako sa kamay naming magkahawak at agad kumislap ang singsing mula sa daliri namin nang matamaan iyon ng sinag ng araw.

"You may now kiss your bride!"

Sigawan agad ng mga kaibigan namin ang narinig ko. Sabay na nilingon namin sila habang tumatawa. Hinarap naman ako ni Trigger at tinaas ang belo at hinawakan ang baba ko.

"Hi, Mrs. Trigger Byun..."

__________

Nakalimutan kong POV pala tayo ni Trigger! Naalala ko lang nung naka 800 words na ako kaya hindi ko na binago haha.

Anyway, marami pong typo ito dahil wala na akong oras para icheck dahil pagod na pagod ako ngayon at inaantok na rin ako. Ayun lang.

Goodnight!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top