Kabanata 4

Kabanata 4

Trigger

"Sineryoso mo talaga yung sinabi ni Rene?" Tanong ni Jigger.

Mukha ba siyang nagbibiro nung sinabi niya iyon? Kaya bakit hindi ko seseryosohin?

Umayos ng pagkakaupo si Chad para marinig ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit big deal din sa kanila ang nangyari. Hindi naman talaga kami close ni Irene kahit dati pa.

"Dude, where are your balls? Pakipot lang si Irene!" Ngumisi sa akin si Sky ngunit sinamaan ko siya ng tingin.

"Maraming babae dyan na mas sexy at mas maganda kaysa kay Irene..."

Umiling si Cupid sa sinabi ko, "I doubt that. Hindi lang talaga buo loob mo..."

Fuck! Wala nga akong gusto sa malditang iyon. Alam nilang marami akong babae at bakit ba nila pinipilit si Irene sa akin? Hindi ko maintindihan ang ugali nun kaya hindi rin ako makakatagal sa kaniya.

"Wala akong dapat patunayan sa inyo..." umiling ako.

"Ang pikon mo naman!" Humalakhak si Jigger.

"Ganito nalang, yayain natin sila ngayon dito sa bahay niyo tas halikan mo ulit. Kapag patay ka na, alam na..."

Napairap ako sa sinabi ni Chad. Nagapir pa sila ni Cupid na para bang tamang tama ang sinabi niya. Umiling ako. Narito sa bahay sila Mommy kaya hindi ako makakadiskarte ng maayos.

"Ano, unggoy? Tatanggapin mo ba ang hamon?" Tanong ni Cupid.

"Wala na bang mas mahirap pa dyan?" Ngumisi ako.

Lahat ng nahahalikan ko, kusang tumutugon. Sure ball akong panalo neto. Tsaka sa case ni Irene na ako ang first kiss niya, baka maadik pa siya sa halik ko.

"Yun oh! Masusubukan na ang galing ni Master Trigger sa babae..." humalakhak si Cupid.

Hapon na ng dumating ang mga girls. Tinignan ko si Irene na iwas na iwas ang tingin sa akin. Pinaglaruan ko ang aking lower lip habang iniisip kung paano ko siya mapapapunta sa kwarto ko mamaya.

"Hi tita, makikikain po kami ng dinner..."

"Sige at magluluto ako ng sinigang." Tumatawa si Mommy habang pumapasok sa loob ng bahay pagkatapos niyang batiin sila Louise.

"Sinigang ni tita ang the best! Paampon na kaya ako?"

Napangisi ako sa sinabi ni Irene. Gusto niyang maging Mommy si Mommy? Umayos ako ng pagkakaupo bago siya inasar.

"Magiging Mommy mo rin siya kapag kinasal na tayo," banat ko.

Sinamaan niya lamang ako ng tingin. Tumatawa si Louise sa tabi niya habang sinisiko siya. Sinuntok ni Chad ang braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"Galing mo dun, ah! Master talaga!"

Bumili si Daddy ng isang case ng beer para sa aming mga lalaki. Binawalan ang mga girls kaya nagmamaktol sila kay Daddy.

"Tito naman, eh! Mahigpit na nga sa bahay, mahigpit pa rin dito?" Nakasimangot na sabi ni Elle.

"Dapat lang iyon, no! Ang alak, para lang sa mga lalaki..." sabi naman ni Chad.

Alas otso na ng gabi nang tawagin kami ni Mommy para sa dinner. Isa-isa naman silang pumwesto. Hinintay ko si Irene para matabihan ko siya.

"Rene, dito ka!"

Umupo siya sa tabi ni Louise. Hinila ko ang isang upuan sa tabi niya at ngumisi sa kaniya. Inirapan niya ako.

"May mga boyrfriend at girlfriend na ba kayo?" Tanong ni Mommy sa kanila.

"Si Trigger ho tita, maraming girlfriend!" Tinuro pa ako ni Verena.

Wala akong girlfriend ngayon pero marami akong nililigawan. Isa na roon si Ella na kunti nalang ay sasagutin na ako.

"Mana sa tatay..." humigikgik si Daddy ngunit agad din siyang binatukan ni Mommy.

"Mana talaga! Baka nga hanggang ngayon ay may babae ka pa."

Here we go again! Ipinagpatuloy ko ang pag kain dahil buhay nanaman ang bunganga ni Mommy. Wala tigil niyang inaway si Daddy sa harap namin.

Pagkatapos naming kumain ay inayos namin ang pool. Doon kami iinom. Hinubad ko ang suot kong t-shirt habang hinahalo-halo ang mga iinumin namin.

"Ano pang silbi namin dito? Hindi naman kami pwede uminom."

Dumaan si Irene sa likod ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa maupo siya sa tabi ni Sky. Ngumisi ako at pinagpatuloy nalang ang ginagawa ko.

"Feeling strong itong si Cupid, kapag kasama naman natin si Thei, tiklop siya!" Kantyaw ni Chad.

Mahigit dalawang oras na rin kaming umiinom. Pulang pula na ang mukha ni Chad at halatang lasing na. Inaasar siya ni Elle at Verena. Sa huli ay pinayagan na rin naming uminom ang mga babae.

"Tangina mo, ah."

I played with my lower lip. Kinagat kagat ko iyon habang nakatingin ng seryoso kay Irene. Tumatawa siyang nakikipagkwentuhan kay Louise. Ngumisi ako nang bigla siyang tumayo.

"Cr lang ako."

Inubos ko ang iniinom ko tsaka tumayo na rin. Sinundan ko si Irene. Inayos ko ang aking buhok habang naglalakad. Sumandal ako sa pader malapit sa cr at hinintay ang paglabas niya.

Inabot ng ilang minuto ang tinagal niya sa cr. Umayos ako ng pagkakatayo nang lumabas siya. Ngumisi ako sa kaniya kaya inirapan niya ako. Hinarang ko ang daanan niya.

"Excuse me!" Sigaw niya sa akin.

"Paano kung ayaw ko?" Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya habang suot pa rin ang ngisi sa aking mukha.

"Trigger, ano ba!"

"Come with me..."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya pataas. Pumiglas siya kaya mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kaniya. Pinasok ko siya sa loob ng kwarto ko.

"Cactus ka! Papatayin talaga kita!" Nangigigil na sabi niya.

Ngumisi ako, "Papatayin sa sarap?"

Nanlaki ang mata niya at nalaglag ang panga. So innocent. Lumapit ako sa kaniya habang umaatras siya. Umiling ako sa kaniya dahil wala naman siyang aatrasan.

"A-aalis na ako..."

Umiwas siya sa akin at nilagpasan ako. Bago pa siya makalapit sa pintuan ay nilingon ko siya at hinila ang kamay papunta sa akin. Sinalubong ko agad siya ng halik.

"Open your mouth..." I whispered.

I bit her lower lip kaya napanganga siya. My kissing getting more intense while I move my hand to hold her face. Hindi siya pumiglas. Dinilat ko ang mata ko at nakita kong nakapikit ang mata niya. Nakahawak siya sa kamay kong hawak sa pisngi niya.

Humakbang ako kaya napaatras siya. Ihiniga ko siya sa kama. Marahan akong pumatong habang naglakbay ang isa kong kamay sa tyan niya. Sumakit ang puson ko nang maramdaman ko ang init.

"Trigger!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top