Kabanata 2
Kabanata
Kiss
"Ano ba, bakit ba kayo nagsisiksikan dito?" Inis na sabi ni Thunder na nasa tabi ko.
Mabilis na inilahad ko sa mukha niya ang middle finger ko para sabihin sa kaniyang wala akong pakielam kung naiirita siya. Tumawa ako nang makitang umirap siya. Nilingon ko ang likod ko habang pinaglalaruan sa aking kamay ang isang bottle ng tubig. Nakita kong katabi ni Dylan si Irene.
"Ayaw mo dun?" Tanong sa akin ni Chad.
Umiling ako, "Dito nalang ako, baka may magawa akong kasalanan sa likod." Ngumisi ako sa aking iniisip.
Ngayon nalang kami ulit nagkasama ni Irene simula nung tinext niya ako. Sinabi rin ni Ika na dare lang daw nila iyon kay Irene, pero para sa akin, galing talaga iyon sa kaniya. Ngumisi ako.
"Ang init init, gosh! Bakit ba kasi tayo nagsisiksikan sa iisang van?" Inis na sabi ni Louise.
Summer ngayon at binigyan kami ng aming magulang ng isang linggong bakasyon sa White House. Heck, gusto ko pa naman sanang kasama iyong bago kong nililigawan.
"Nauuhaw ako..." rinig kong sabi ni Irene.
Mabilis kong inabot sa kaniya ang tubig ko ngunit tinignan niya lang iyon. Inabutan din siya ni Dylan at iyon ang kinuha niya.
What the fuck? What's wrong with this girl? I'm just being gentleman here!
Umiling ako at nilagok nalang lahat ang tubig. Nawala ako sa mood kaya sinaksak ko sa aking tainga ang earphone habang sila ay nakikinig sa speaker ng sasakyan nila Sky.
Pumasok si Sky sa driver's seat kaya bumyahe na kami. Nagvibrate ang cellphone ko sa isang text mula kay Ella.
Ella:
Goodmorning! Ngayon ba ang alis niyo? Sayang hindi ako pwede sumama. :(
Isasama ko sana siya ngunit ayaw ng mga ugok na may ibang kasama maliban sa amin. Mabilis akong nagtipa ng reply kay Ella.
Ako:
Sa susunod, dalawa lang tayong pupunta. ;)
Well, she's pretty. Hindi naman ako pumipili ng hindi maganda and I hope magaling din siya para hindi ako maboring.
Ilang oras din ang byahe bago kami nakarating ng White House. Binaba namin ang mga gamit at ang mga babae ay nagsimula ng magkwentuhan. Binuhat ni Cupid at Chad ang dala naming beer. Actually, hindi alam nila Mommy na may dala kaming beer, binili nalang namin iyan habang nasa byahe kami.
"Anong yosi ang binili mo?" Tanong ko kay Jigger habang pumapasok kami sa mansyon nila Sky.
"Malboro black."
"Red ako, gago!"
Tinawanan niya lang ako. Tangina naman 'tong kambal ko, alam na hindi black ang sigarilyo ko. Kung bibili naman kami sa Time-Out ay mas mahal. Tss.
"Nahihilo kasi ako sa red! Okay na 'yan..."
Pagsapit ng hapon ay inayos na namin ang bonfire. Nakaboard short lamang kaming mga boys at ang mga babae ay nakapajama. Humagalpak kami sa tawa nang maramdaman namin ang malakas na hangin.
"Tangina, ang init naman!" Matapang na sabi ni Chad.
Tinuro ko ang balahibo niyang tumatayo na sa sobrang lamig. Nanginginig na rin ang kamay niya habang pinapay-payan ang apoy sa ihawan.
"Magbihis na nga kasi kayo!" Sabi ni Ika.
"Magbihis na ka raw, Der." Kantyaw namin kay Xander.
Nilingon niya kami at mabilis na lumipad sa ere ang middle finger niya. Humagalpak kami sa tawa kahit na nanginginig na kami sa sobrang lamig.
"Magbihis na kayo, wala naman kayong abs para ipasikat..." sabi ni Irene.
Ngumisi ako at humarap sa kaniya. Hinila ko ang kamay niya kaya hindi na siya nakapiglas at inilagay sa abs ko. Nagulat siya at agad niya akong sinikmuran.
Damn! Imbes na masaktan ako ay lalo pa akong napangisi nang makita ang namumula niyang mukha.
"Leche ka, ano ba talaga trip mo sa buhay?" Inis na sigaw niya sa akin.
"Trip ko? Pakasalan ka..."
Kinantyawan nila kami kaya lalong sumimangot ang mukha niya. I smirked, proud na proud sa sarili. Inirapan niya ako. Parang iiyak na siya sa sobrang inis pero dahil doon, lalo pa akong ginanahan asarin siya.
Hindi siya tumabi sa akin nang maupo kami sa buhangin. Maraming tao ang naglalakad sa gilid namin habang tinitignan kami. Kasama namin ang may-ari ng resort kaya kami lang ang gumagawa ng ganito.
Ilang oras palang ay namumula na sila. Tumigil na si Ika sa paginom dahil nagalit na si Xander sa kaniya. Umiling ako sa kakornihan nila.
"Ito seryosong tanong, may gusto ka ba sa akin Janelle?" Tanong ni Chad.
Binato namin siya ng buhangin. Ngumisi lang siya. Nawala na ang mata niya dahil sa kalasingan. Namumula ang kaniyang mukha at namamasa ang labi.
"Asa ka, Chad, ew!"
Nahagip ng mata ko si Irene na namumula na habang nakikinig. Sinenyasan ko si Louise na katabi ni Irene para makipagpalit ng pwesto. Tumayo siya kaya tumayo na rin ako.
Pagupo ko ay siniko ko agad si Irene. Nilingon niya at inirapan. Ngumisi ako saka lumagok. Sinalo ko ang yosi na hinagis ni Jigger. Sinindihan ko iyon gamit ang lighter ni Dylan.
"Huwag kang tumabi sa akin kung magyoyosi ka naman."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang hithitin ang sigarilyo sa kamay ko nang sabihin niya iyon. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Binabawalan mo ba ako?"
"Hindi. Sinasabi ko lang..."
Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang ngisi at inabot ang ashtray saka dinikdik doon ang sigarilyo ko. Ngumisi ako sa kaniya nang magawa ko iyon at tanging irap lang ang sinukli niya sa akin.
Tumagal pa kami ng ilang oras. Kung kanina ay nilalamig kami, ngayon naiinitan na ako dahil sa beer na iniinom namin. Umiikot na rin ang paningin ko at hindi ko na mamulat ng maigi ang mata ko.
Naramdaman kong sinandal ni Irene ang ulo niya sa balikat ko. Nilingon ko siya at natawa sa kaniyang itsura.
"Inaantok ka na?" Bulong ko sa tainga niya. "Gusto mo na matulog?"
Tumango siya sa akin kaya inalalayan ko siya sa pagtayo. Ini-akbay ko ang isa niyang braso sa balikat ko saka ko sila nilingon.
"Ihahatid ko na 'to sa kwarto nila, inaantok na raw..." paalam ko.
"Ihatid mo lang, Trigger ha!"
Ngumisi ako sa kanila at nagsimula na kaming pumasok sa loob ng mansyon. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga roon. Tangina!
Hinawakan ko ang baiwang niya nang mawalan siya ng balanse. Tumigil kami sa paglalakad at mabilis ko siyang binuhat. Sinabit naman niya ang dalawa niyang kamay sa leeg ko.
Binuksan ko ang pinto gamit ang isang kamay ko at maingat na nilapag ko siya sa kama. Tinignan ko siya. Namumula ang kaniyang mukha habang nakapikit.
"Hmm," she moaned.
Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa namamasa niyang labi. Nang hindi ko na mapigilan ang sarili ko ay mabilis kong hinalikan ang labi niya.
Dumilat ang isa niyang mata para silipin ako. Imbes na sampalin niya ako ay ngumiti pa siya sa akin. Doon ako nagkaroon ng lakas ng loob para halikan ulit siya.
I'm kissing her slowly. I touched the sides of her face, gently sweeping her hair behind her ear. I let my one hand softly stroke the back of her neck while continuously kissing her passionately.
Kung pigilan niya ako ngayon, titigil ako. Pero hangga't tumutugon siya sa mga halik ko ay hindi ako titigil.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top