Kabanata 18

Dedicated to: taeysthetic

_____________

Kabanata 18

For Real

"Si Kean ang nag mana sa iyo," humahalakhak na sabi ko habang pinagmamasdan naming naglalaro ang tatlong anak namin.

Nakaupo lamang si Rain habang pinapanuod ang dalawa na nagbabasahan. Si Kean ang pilyo at si Elora naman ang mixed ng ugali namin ni Trigger.

Hinigpitan niya ang hawak sa aking baywang ang humalakhak sa aking tainga. Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg.

"Hmmm?" Hindi niya pinansin ang sinasabi ko.

Kinurot ko ang tagi liran niya kaya naman malutong siyang napamura. Binitawan niya ako para hawakan ang parte ng katawan niyang kinurot ko. Nanggigigil ako sa kaniya at hindi ko alam kung bakit.

"What's your problem? Naglilihi ka ba?" Magkasalubong ang kaniyang kilay dahil sa galit.

"Sinisigawan mo ba ako, Trigger Byun?" Naningkit ang mata ko.

Tumaas baba ang kaniyang adams apple dahil sa kaniyang paglunok. Umayos siya ng pagkakaupo saka hinigit muli ang baywang ko.

"Hindi, ah? Siyempre, joke lang yun. Mahal kaya kita..."

Umirap ako sa kawalan. Oo na, inaamin ko na! Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa kaniya, ganito pa rin ang epekto niya sa akin.

Ngumuso ako at halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niya akong nakawan ng halik. Pinalo ko ang braso niya. Ngumisi lamang siya habang kagat ang pang ibabang labi.

"Ang landi mo pa rin." Pinigilan ko ang sarili kong mapangisi.

"Atleast sa iyo lang..." he whispered.

Pilyo siya sa ibang bagay ngunit mas matured pa yata siyang mag isip sa akin pag dating sa aming pamilya.

Maraming babae ang gustong magkaroon ng isang Trigger Byun, ngunit napunta sa akin.

"I said, ayaw ko. Hindi ba?" Halos manlamig ako sa tono ng boses ni Rain.

Nilingon namin sila. Hawak ni Kean at Elora ang magkabilang kamay ni Rain habang hinihila nila ito sa dagat. Hindi natinag ang dalawa sa galit ng kanilang Kuya at mas lalo pa nila itong hinila.

"You're no fun, Kuya!" Sigaw ni Kean.

Natawa kami nang bumagsak silang tatlo sa tubig. Mukhang nakainom yata ng tubig dagat si Kean kaya ubo ito ng ubo.

"That's what you get!" Inis na sabi ni Rain sa kaniya ngunit hinagod pa rin niya ang likod ni kapatid.

Tumaba ang puso ko sa mga napapanuod ko. Hindi ko talaga iniisip na lalaki ng ganito kalaki ang pamilya namin. Nilingon ko si Trigger at nagulat ako nang maabutang nakatitig siya sa akin.

"Wala na akong hihilingin pa, Irene. Nakuha ko na lahat ng gusto ko, sobra sobra pa..."

Nagising ako kinabukasan dahil sa cellphone ko. Inaantok kong inabot ang aking cellphone na nasa gilid lamang ng aming lamesa. Sinagot ko iyon kahit na hindi ko tinitignan kung sino ang tumawag.

"Ate!"

"Hmm?" Tamad kong sagot sa kapatid kong si James.

"Ate, naaksidente sila Mama kagabi!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang napabangon sa higaan. Sumakit pa ang aking ulo dahil sa biglaan kong pagbangon kaya napaupo ako sa gilid ng kama habang sapo ang aking ulo.

"Shit, anong sabi mo?!" Natataranta kong tanong.

"You heard me right. Itetext ko nalang sa iyo kung nasaan kami..."

Nagulat din si Trigger sa akin kaya napabangon siya. Nanginginig ang aking kamay habang inaantay ang text mula sa aking kapatid.

Tumabi sa akin si Trigger at niyakap niya ako mula sa likuran, "What's wrong, Baby?"

"Naaksidente raw sila Mama..."

Agad kong binuksan ang text ni Hayme saka tumayo na. Hinila ko si Trigger na ngayon ay magulo ang buhok habang nanlalaki ang singkit niyang mata.

"Mama... what?!" Hindi na rin siya makahabap ng tamang itatanong dahil sa gulat.

Dali dali kaming umalis ng DDR dahil sa bad news na iyon. Nasa sasakyan palang ay todo na ang tulo ng luha ko. Hindi ko kakayanin na mawala sila Mama, kahit na hindi ko pa alam kung malala ba ang natamo nila o ano.

"Shhh... everything's gonna be alright, Ineng..." nililingon ako ni Trigger habang nag mamaneho siya.

"Eyes on the road, Tatay..." maawtoridad na sabi ni Rain.

Siya at si Trigger lamang ang kalmado sa amin. Kahit na hindi nila alam kung ano ang nangyayari ay umiiyak si Kean at Elora sa likod. Hindi ko alam kung dahil ba umiiyak ako o alam na nila ang nangyari sa Lolo't Lola nila.

Ilang oras ang byahe namin dahil malayo layo ang Resort na iyon. Naabutan naming nakaupo si Ronnie sa harap ng room, habang si Hayme naman ay sinalubong kami.

"Kamusta?" Agad na tanong ko.

"Hindi naman malala. Gasgas lamang ang natamo nila, kaso hindi pa sila gumigising."

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko.

"I still don't know, Ate. Pag dating namin ni Ronnie kanina ay hindi pa sila nagigising..."

Naghintay kami roon. Tinawagan na rin ni Trigger sila Mamita at wala pang trenta minutos ay nakarating na sila, kasama sila Jigger at Louise.

Agad na sinalubong ko ng yakap si Louise. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa magulang ko. Naramdaman ko ang kamay ni Mamita sa aking likod kaya medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko.

"Shit, paano ang plano?" Rinig kong tanong ni Jigger kay Trigger. Hindi ko nalang din pinansin iyon dahil baka boys talk.

Wala pang isang oras ay nagising na rin sila Mommy. Tinawanan pa nila ako dahil bakit daw ako umiiyak, eh malayo naman sa bituka ang nangyari sa kanila.

"Dad naman, eh! Nagawa niyo pang mag biro!" Inis na sabi ko.

Tumawa siya saka tinignan si Trigger, "Oh ano?"

Ngumisi sa kaniya si Trigger at hindi ko alam kung maiinis ako o ano dahil naguusap sila gamit ang mata. Tumango tango pa si Daddy saka sinabing dalian na niya.

"Habang buhay pa kami..." halakhak naman ni Mommy.

Patawa tawa lang din si Trigger. Gusto ko siyang sikuhin ngayon ngunit nahihiya ako dahil narito ang magulang niya.

Nagulat ako nang marahas na hinila ni Trigger ang kamay ko. Halos masapak ko ang mukha niya dahil sa gulat ko. Magkasalubong ang kaniyang kilay kaya wala akong ideya sa ginagawa niya.

"Anong problema mo?"

Dahan dahan siyang lumuhod at wala akong nagawa kundi takpan ko ang aking bibig. Alam ko na ito. Sa pagkaakataong ito ay hindi ako pwedeng magkamali sa iaalok niya sa akin.

He chuckled, "Will you marry me, again? For real?"

____________

Aaminin ko, may insecurities ako at iyon ang mga hadlang ng pag update ko huehue pero dahil nalaman kong may nagpopromote nito sa mga kaklase nila ay ginanahan ulit ako. :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top