Kabanata 17

Kabanata 17

Sad Song

"Wash your hands first, my Princess." napangiti ako sa lambing nang boses ni Trigger habang sinasabi iyon kay Elora.

Tumakbo naman papuntang sink ang 4 years old na si Elora. Sabay-sabay ang tatlong magkakapatid na naghugas ng kanta habang kumakanta ng "Happy Birthday"

"What's with Happy Birthday?" kunot noo kong tanong kay Trigger.

He looked at me while he's wearing an amused girn, "I'm the king of internet searching, Love." sagot niya.

Lalong kumunot ang noo ko at hindi ko malaman kung anong kinalaman ng pagkanta ng Happy Birthday sa pag huhugas ng kamay. Gusto kong itanong sa kaniya ngunit baka lalo akong ma-stress sa tanong niya kaya hinayaan ko nalang silang mag-aama sa trip nila.

"Done!" sabay sabay nilang sigaw saka tumakbo papunta sa amin.

Tuwang tuwa sila dahil nagluto ako ng paborito nilang sinigang. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga anak naming masayang kumakain ngayon. Dati ay si Trigger lang ang nilulutuan ko nang sinigang, ngayon ay pati na ang mga anak namin.

Hindi ko talaga inaakala na aabot kaming dalawa ni Trigger sa ganito ka-seryosong relasyon. We all know how jerk Trigger was, noong college pa kami. Hindi ko na-imagine na magiging ganito siya ngayon. Mas tumatayo pa siyang Nanay sa mga anak namin kaysa sa akin.

"I wanna go to White House again, Nanay!" biglang sabi ni Kean kahit na maraming laman na pagkain ang bibig niya.

Kumunot ang noo ni Trigger, "Lagi na tayo roon. Sa iba naman kaya?" aniya saka nagpunas nang labi.

How dare he said that? Si Sky ang may-ari ng White House kaya malamang doon talaga kami lagi pupunta. Marami rin akong nababalitaan tungkol kay Sky kaya gusto ko siyang maka-usap ng personal.

"Ayaw! Ang sabi ni Tito Sky ay maglalaro kami kapag bumalik ulit tayo roon." sabi naman ni Rain.

Habang lumalaki sila ay nagiging tahimik si Rain, hindi mo makakausap kung hindi ikaw ang unang kakausap. At Keanu naman ang laging madaldal at maingay. Si Elora naman ay nagagaya na sa Kuya Keanu niya na madaldal at makulit.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinsulto na habang lumalaki sila ay nagiging kamukha nila si Trigger instead of me.

"You, Princess? Where do you want to go?" tanong ni Trigger kay Elora.

Hindi naman sumagot si Elora kaya natawa kaming dalawa ni Keanu. Busy sa pag kain ang baby Princess namin kaya hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ng Tatay niya.

"Back to you, Tay!" humahagikgik na sabi ni Kean.

"Hey, you two, stop laughing!" parang bata niyang saway sa amin.

"Eh, Tatay, nakakatawa ka po, eh." namumula ang pisngi ni Keanu dahil sa pag tawa. Nilapag niya ang kutsara't tinidor niya sa lamesa saka hinawakan ang kaniyang tyan at tumawa pa ng tumawa.

"Kean-"

"Just don't mind them, Tatay..." seryoso at maawtoridad na sabi ni Rain.

Natigil ako sa pag tawa at gulat na napatingin sa panganay namin. It's not that ngayon ko lang siya narinig na ganiyan, it's just, hindi ko alam kung saan niya namana ang ganiyang ugali. I think nagiging introvert na siya or introvert nga talaga siya.

"Hala ayan, napagsabihan ka ni Kuya, Tatay." umiiling na sabi ni Kean, inaasar pa si Trigger.

Pagtapos namin kumain ng dinner ay hinatid muna namin ni Trigger ang mga bata bago pumanhik sa aming kwarto. Hinalikan ko si Elora na nakahiga na sa kaniyang kama.

Iisa lamang sila ng kwarto dahil ayaw nilang maghiwa-hiwalay.

"Pray before you sleep, babies..." paalala ko sa kanila.

Pinagsangkop agad ni Elora ang dalawa niyang kamay, ganun din ang dalawa. Sabay na pumunta kami ni Trigger sa kwarto namin at pinag usapan ang gusto ng mga bata.

"I don't want to see Sky." bumuntong hininga siya saka tumabi sa akin sa kama.

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa sinasabi niya o hindi. Hinawakan niya ang baiwang ko at marahang hinila papalapit sa kaniya. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko at inamoy amoy iyon.

"Bakit? Anong meron?"

"Wala lang. Nakakairita lang angpagmumukha niya," he chuckled.

Umirap ako. Alam kong may dahilan kung bakit naiirita sila kay Sky. Kahit sila Dylan ay ayaw makita si Sky, ang sabi naman sa akin ni Elle ay dahil daw yata sa babaeng niloloko ni Sky. Wala namang sinasabi sa akin si Trigger at hindi ko naman siya pinipilit na ikwento iyon sa akin.

"Eh saan tayo pupunta?"

Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumisi, "Maraming pwedeng gawin ang google, Love..."

At tulad nga ng sinabi niya ay nagtingin kami sa google. Nagustuhan namin ang Dark Dream Resort kaya doon kami pupunta ngayon. Medyo mas malayo iyon kaysa sa White House ngunit magaganda ang feedbacks na nabasa namin tungkol sa DDR.

Excited si Keanu at Elora habang tahimik lang na nakatingin sa bintana si Rain. Sinasabayan ni Trigger at Kean ang kanta na tumutugtog.

Siguro mga 8 hours ang byahe namin papunta rito. Madaling araw kami umalis sa aming bahay, madilim pa. At ngayon ay may araw na.

Wala masyadong tao dahil hindi pa kilala ang Resort na ito. Natural na pino at puting puti ang buhangin doon, hindi nagkakalayo sa White House ngunit masasabi kong mas malaki ito kaysa sa WH.

"Gusto niyo bang mag swimming na ngayon?" tanong ni Trigger habang binubuksan ang isang private house na nirentahan namin. At sa isang braso niya ay buhat niya si Elora na nakayakap nang mahigpit sa leeg niya.

May dalawang kwarto iyon, may sariling sala, sariling kusina at banyo. Talagang bahay na siya.

Binagsak ni Rain ang kaniyang sarili sa couch saka pumikit, "I want to sleep all day."

Tumango si Keanu, "Ako rin, Tatay. Bukas nalang po tayo mag swimming..." tumabi siya sa kaniyang Kuya.

"How 'bout you, my Princess?"

"Sleep..." sagot niya saka lalo pang binaon ang kaniyang mukha sa leeg nang kaniyang Tatay.

Tumingin sa akin si Trigger, "Kung ano ang gusto ng mga bata, iyon ang masusunod."

Hinayaan naming matulog ang mga bata sa kanilang kwarto at kami naman ay nahiga nalang din sa aming kwarto. Nakaunan ako sa braso ni Trigger habang magkayakap kami.

"Kantahan mo ako..." mahina kong sabi, papikit na rin ang aking mata.

"Anong gusto mong kanta?" tanong niya habang hinahaplos ang braso kong nakayakap sa kaniya.

"Anything..."

Hindi siya sumagot. Tuluyan ko nang pinikit ang mata ko. Saka ko lang naramdaman ang pagod ko, ngayong nakahiga na kami. Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay hindi ko alam kung kaya ko pang bumangon.

Narinig kong umubo siya kaya inantay ko nalang ang kanta niya.

"You and I, we're like fireworks

And symphonies exploding in the sky

With you, I'm alive

Like all the missing pieces of my heart

They finally collide"

Ang malalim at maganda niyang boses ay napaka-gandang pakinggan sa aking tainga. Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko. Sa huli ay sinabi niya ang lyrics ngunit hindi na niya kinanta.

"Without you, Ineng, I'm just a sad song..."

___________

I'm sorrry! Sinabi kong hindi ako mag-uupdate hangga't hindi tapos ang graduation ko ngunit heto ako, may update sa TFS. Don't worry, pag nakaisip naman ako ng scene sa ibang story ko, iyon naman ang uupdate-an ko. :)

Vote and comment, para ganahan pa ako mag-update hehe.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top