Hey guys! Hanggang Kabanata 20 nalang pala ito dahil sisimulan ko na ang Book 2 ni Jigger (Psuedo) tsaka para hindi na masyadong complicated ang TriRene hehe
_____________
Kabanata 16
Inlove With You
"Trigger, I'm sorry..." hinablot ko ang braso niya nang sinubukan niya akong iwasan.
Huminga siya ng malalim at wala ng nagawa kundi harapin ako. Namaiwang siya sa harap ko at nakatingin lang siya sa akin in a bored look. Hindi ko alam kung bakit namuo agad ang luha sa gilid ng mata ko.
"Lagi nalang ganyan eh. Kapag may nagawa o nasabi kang iba, nag-so-sorry ka. Kapag napatawad na, uulitin mo nanaman..."
Hindi ko rin naman ginusto ang pakiramdam na ganito. Kung tatanungin nga ako, sana ay hindi ko nalang nalaman na nangaliwa siya noon. Hindi ko alam ang buong storya kung paano niya ginawa iyon ngunit base sa kwento ni Rosezette ay mukhang ginusto talaga ni Trigger, at iyon ang pinakamasakit na pakiramdam sa buong buhay ko.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, Trigger..." mahinang sabi ko na kahit ako ay hindi ko na halos marinig.
Huminga siya ng malalim saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Naduduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Hinaplos niya ang pisngi ko bago halikan ang aking noo.
"Mahal kita, Irene... wala kang ibang gagawin kundi mahalin lang ako pabalik at ako na ang bahala sa iba,"
Tumulo ang luha ko at agad niyang pinunasan iyon using his tumb. Bumuntong hininga siya bago ako hinalikan sa labi. Hindi ko handa sa halik niyang iyon kaya nanlaki ang mata ko at hindi agad nakatugon.
Pinagdikit niya ang noo namin saka nilagay sa likod ng tainga ko ang ilang takas na buhok. Hinalikan niya pa ng isang beses ang labi ko bago ngumisi.
He chuckled, "I miss you..." bulong niya.
Kinurot ko ang tagi-liran niya dahil alam ko ang ibig sabihin nang "I miss you" niya. Wala ngayon si Elora dahil hiniram muna ni Mommy, wala raw kasi silang libangan sa bahay kaya si Elora na muna.
Hinila niya ako hanggang sala saka sabay kaming umupo. Tinapik niya ang legs ko saka siya huminga roon. Napa-irap nalang ako.
"Ang bilis mo akong napapatawad, Trigger, ano?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang buhok niya.
Napikit ang kaniyang mata habang nakahalukipkip. "Hmm?"
Hindi ko alam kung anong nagawa ko para magkaroon ng isang Trigger Byun na handa akong intindihin, mahalin at patawarin kahit na anong kasalanan pa ang nagawa ko.
Ngumiti ako nang maramdaman ko ang mabibigat niyang hininga, tanda na tulog na siya. Huminga ako ng malalim. Hindi na ako papatalo sa nararamdaman ko at lalong lalo na hindi ako papatalo sa Alesana na iyon.
Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Ano kayang nararamdaman niya noong nasa hospital ako at nag-aagaw buhay? Masaya kaya siya o nasasaktan din?
"Nung nakita kitang nakahiga sa kama ng hospital na halos wala ng buhay, para na rin akong namatay..."
Nagulat ako nang bigla siyang magsalita at akma pa sa iniisip ko. Hinayaan ko lang siyang magsalita.
"Sabi ko nga, eto na ba ang karma ko sa mga nagawa ko sa iyo? Kasi kung oo, mas mabuting ako nalang. Hindi ko kayang nakita kang nasasaktan, kayo ng mga anak natin. Nakaramdam ako ng comfort kay Ales dahil pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako, pero hanggang dun lang iyon."
Comfort? Natatawa ako, iniisip ko palang na concern si Ales sa akin o kay Trigger. Lahat talaga gagawin ng babaeng iyon, masira lang kami.
Bakit ba may mga babae pang ganun?!
Nagulat ako nang biglang bumangon si Trigger saka ngumisi sa akin. Kinagat niya ang kaniyang lower lip at naging malagkit na ang tingin niya sa akin kaya alam ko na kung ano ang gusto niya.
"Ayoko!" Inis na sabi ko sa kaniya.
Bumaba ang tingin ko sa suot niyang boxer at biglang nanlaki ang mata ko. Napanganga ako at pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. Tumayo ako kaso mabilis niyang nahila ang baiwang ko at mahigpit akong niyakap mula sa likod.
Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa leeg ko at halos tumayo lahat ng balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga roon. Mabilis kong tinulak palayo ang mukha niya. Kinalas ko ang yakap niya sa leeg ko at pumunta sa salamin para suriin ang leeg ko.
"Bakit mo nilagyan?" Inis na sabi ko sa kaniya.
Humalakhak siya. Hindi ko alam kung bakit expert siya sa paglalagay ng ganun. Kunting halik lang niya ay nagkakaroon agad ako. Hinawakan niya ang baiwang ko at marahas na pinaharap sa kaniya. Nasagi ko pa ang picture frame sa gilid ng lamesa.
"Isa lang..." parang bata niyang sabi.
"Tanghaling tapat, Trigger!"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Napatili ako nang bigla niya akong buhatin. Pinalo ko ang braso niya habang umaakyat siya papunta sa aming kwarto. Ngumisi siya sa akin saka tinadyakan pasarado ang pinto.
Marahan niya akong pinahiga sa kama at agad na nag-landing sa labi ko ang labi niya. Tumugon ako sa halik niya at ang kamay niya ay malayang lumibot sa buong katawan ko.
"I miss these..." he whispered habang sapo ang dalawang dibdib ko.
Tumingala ako habang nakaawang ang aking labi. Nahihilo ako sa ginagawa niya. Hinawakan ko ang buhok niya at sinabunutan ko iyon. Halos isang taon din naming hindi nagawa ito, iba pala ang pakiramdam. Parang una pa rin.
"Trigger..."
Hindi ko na makilala ang sarili kong boses. Hindi ko na rin alam kung ano ang ginagawa ko, ang alam ko lang ay pinapalitan ko ang bawat init na dinadala niya sa buong pagkatao ko.
"I love you, Ineng..." bulong niya na nakadagdag ng pagka-init ng katawan ko.
Bubulong nalang kasi, bakit ang hot pa? Para akong napapaso sa sarili niyang init. Namumula na ang buo niyang katawan at tumutulo ang kaniyang pawis.
Halu-halong emosyon ang naramdaman ko namg maramdaman ko siyang muli. Napuno ako at sa bawat pag alis niya ay para akong nangungulila. Nanatiling nakaawang ang labi ko at habol ko na ang aking hininga.
"Why am I so inlove with you, Trigger Byun?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top