Kabanata 15
Now playing: Bad Things ♡
_____________
Kabanata 15
Habang Buhay
"H-ha?"
Nanliit ang mata ko dahil kahit na mukhang takot na takot siya ngayon ay hindi ko iyon nararamdaman. Well, kung magaling siyang makipaglaro, mas magaling ako.
"Oh come on, Ales!"
Susugurin ko sana siya ngunit naramdaman kong may magaspang na kamay na humawak sa balikat ko. Nilingon ko iyon at nakita ang nakakunot noo at naiiritang mukha ni Trigger.
"Bigla niya akong inaway! Wala akong ginagawa sa asawa mo, kahit itanong mo pa sa kanila." Biglang sumbong ni Ales kahit na hindi naman siya tinatanong ni Trigger.
Tinignan ko ng mabuti si Trigger. Hindi siya nag-react sa sinabi ni Ales at nanatili ang tingin niya sa akin. Somehow, pakiramdam ko ay naniniwala siya sa sinabi ni Ales kaya mabilis akong pumiglas sa hawak niya.
"Magsama kayong dalawa!" Sigaw ko saka mabilis na tumakbo.
Hindi ko alam kung sumunod ba sa akin si Trigger o hindi dahil hindi ko na nagawang lumingon pa sa aking likod. Marahas kong pinunasan ang luha ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako kay Ales. Hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ako sa kaya niyang gawin. Natatakot pa rin ako na baka iwan nanaman kami ni Trigger.
Hindi na angkop sa edad namin ang ganitong klase ng pag-aaway kaya mukha na akong tanga ngayon. Ako ang nagsimula ng away, aminado ako. At ako ang umiiyak sa huli.
"Ineng!" Umalingawngaw ang boses ni Trigger sa parking lot.
Naramdaman ko ang marahas niyang hawak sa braso ko. Pinaharap niya ako habang ang luha ko ay tuloy tuloy na bumagsak mula sa aking mata. Nanlambot agad ang tingin niya sa akin. Umigting ang panga niya at ang isang kamay niya ay umangat para punasan ang luha ko.
Humagulgol ako sa harap niya. Ang ilang buhok ko ay dumikit sa aking pisngi dahil sa pamamasa neto. Para akong batang iniwan ng magulang sa pag-iyak sa kaniyang harapan.
Kulang nalang ay lumhod ako para sabihin sa kaniya na huwag niya akong iiwan.
"Don't cry..." namamaos niyang sabi.
"Nagawa ko lang naman iyon-"
"Shhh..." niyakap niya ako kaya sumubsob ako sa kaniyang dibdib, "Mahal na mahal kita."
Hindi man iyon ang sagot sa tanong ko ngunit nang sabihin niya ang salitang iyon ay para iyong naging pambura at binura lahat ng insecurities ko sa katawan. Lahat ng pagdududa ko. Lahat ng inis at galit ko.
"I am fucking inlove with you, Ineng... don't ever forget that, okay?" Malambing niyang sabi.
Namamaga ang aking mata nang makarating kami sa bahay. Hindi na siya bumalik sa kaniyang office at sinamahan niya akong umuwi ng bahay. Tulala lamang ako habang naglalakad papasok sa aming bahay.
"Tatay!" Sinalubong ng dalawa si Trigger habang si Mommy naman ay tumayo mula sa couch nang makita ako.
"Oh? What happened?" Nagaalala niyang tanong habang hawak si Elora.
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong naiyak sa tanong ni Mommy. Niyakap ko siya kahit na nasa kaniyang balikat si Elora. Narinig ko ang ingay ng dalawa kaya pilit kong pinipigilan ang aking luha ngunit pakiramdam ko ay kailangan ko iyong ilabas.
Naramdaman ko ang kamay ni Trigger sa balikat ko. Tahimik silang lahat habang nakatingin sa akin. Maging si Rain at Kean na wala pang maintindihan sa mga nangyayari ay nakatingin lamang sa akin.
"Let's talk..." bulong sa akin ni Trigger saka hinigit ako papunta sa aming kwarto.
Ni-lock niya iyon pagpasok namin. Umupo ako sa kama at siya ay nanatili sa aking harapan. Hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya dahil ayaw kong makita ang kaniyang mukha.
"Irene..." bumuntong hininga siya.
Tinigan ko siya, "Ayoko si Ales sa kumpanya niyo...."
"Irene, hindi pwede. Malaking tulong siya sa ByunTae at hindi ko siya pwedeng tanggalin nalang bigla." Ginulo niya ang kaniyang buhok habang sinasabi iyon.
"Bakit hindi pwede? Trigger, laging pwede kung gusto mo. O baka naman ayaw mo siyang tanggalin?" Nanliit ang mata ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Iritang tanong niya.
"Pagod na ako, Trigger! Pagod na akong masaktan! Pagod na akong magselos, magduda, magalit sa iyo. Pagod na pagod na ako!"
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Humapdi na ang aking mata dahil sa kakaiyak ngunit walang tigil pa rin ang tulo ng luha ko habang nakatingin sa kaniya.
"Actually, pagod na rin ako eh. Pagod na akong bumawi sa iyo tapos hindi mo naman pala pinapahalagahan. Pagod na ako sa mga pagdududa mo."
Para akong sinaksak ng milyong-milyong kutsilyo sa sinabi niya. Natigil ang luha ko at gusto kong mag-concentrate sa pakikinig ng mga sinasabi niya.
"Pagod na ako pero ni minsan ay hindi ko inisip na awayin ka. Na gawing big deal ang mga iyon. Na isiping iwanan ka. Dahil mahal na mahal kita, Ineng. Dammit!" Tumalikod siya sa akin saka hinilamos ang kaniyang kamay sa mukha.
"Para akong nagtatanim ng gulay sa wala. Para akong nagtatanim ng tiwala tapos ay hinahayaan mo lang palang mabulok ang mga iyon."
Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Kapag siya na ang nagsabi ng mga ganyan ay bakit parang ang sakit sakit? Samantalang, araw araw niya iyon naririnig mula sa akin.
"Natatakot ako..." mahinang sabi ko.
"Natatakot my ass! Irene, saan ka natatakot? Hinding hindi ako gagawa ng mga bagay na ikasasakit ng damdamin mo!"
"Pero nagawa mo na!" Sigaw ko.
Nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko nang bigla niyang suntukin ang pader. Tumulo ang dugo mula sa kaniyang kamay. Hindi ko alam kung lalapitan ko siya o panunuorin nalang.
"Hanggang kailan ko ba pagdudusahan iyon, Irene?"
Hindi agad ako nakasalita. Para akong nagising na nasasaktan ko na pala siya. Lumunok ako at hindi ko alam kung saan ako titingin sa sobrang guilty kaya yumuko na lamang ako.
"Natatakot lang naman akong bumalik ka kay Ales. Natatakot akong makahanap ka ulit ng dahilan tapos ay iwan mo ulit ako. Kami..."
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay habang buhay kong babaunin ang mga narasanan kong sakit mula sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top