Kabanata 14
Masyado akong natuwa sa Something Borrowed kaya 'di makapag-update dito huhu!
_____________
Kabanata 14
Malandi
"Trigger, ano ba!" Inis na sambit ko habang inaamoy niya ang leeg ko.
Marahas ko siyang tinulak at parang bigla niyang napagtanto na hindi nga pala kami okay kaya napahiwalay siya agad. Kinagat ko ang labi ko saka kunot noo na tinignan siya habang inaayos ang damit ko.
Napaupo siya sa kama at kinukusot ang kaniyang mata. Naiilang ako kaya mabilis akong umalis sa kama. Hindi na rin siya nagsalita at kinuha ang towel saka pumasok sa cr.
Napabuntong hininga ako habang inaayos ang kama. Hindi ko pa rin talaga kayang maging masaya kahit na magkasama kami, kahit na kumpleto kami. Parang punong puno ako ng pagdududa kaya hindi ko na kayang paniwalaan ang mga sinasabi niya.
Binuhat ko si Elora habang hinahanda ang mga pagkain. Nagunahan naman sa pagbaba si Rain at Kean na parehas pang basa ang buhok.
"Kain muna, mamaya na iyan!" Sabi ko sa kanila.
Binaba naman ni Rain at suklay saka nagmadaling umupo. Si Kean naman ay sumunod. Nang maupo ako ay saktong pababa naman si Trigger nang hagdan habang inaayos ang kaniyang neck-tie.
Tahimik kaming kumain at tanging si Rain at Kean lamang ang dumadaldal. Umiyak si Elora kaya tumigil ako sa pag kain para painumin siya nang gatas.
"Ako na dyan, kumain ka na muna." Halos manlamig ako sa boses ni Trigger.
Tumayo siya saka nagpunas at binuhat si Elora. Naalala ko noong una niyang buhat kay Rain ay halos malaglag na niya ito dahil sa sobrang kaba, ngayon ay sanay na sanay na siya.
Tumigil agad si Elora sa pagiyak kahit na kabubuhat palang sa kaniya ni Trigger. Nagkibit balikat at nagpatuloy sa pag kain. Mamaya pupunta si Mommy dito sa bahay kaya binabalak ko na pupuntahan si Trigger sa office niya at hahatiran nang lunch.
"Bye na Nanay! Bye baby Elora!"
Hinatid namin sila hanggang sa gate. Ni hindi manlang nagpaalam sa akin si Trigger, kay Elora lang. Naiintindihan ko naman dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ako ganito.
Pagalis nila ay nagluto ako ng paboritong sinigang ni Trigger. Dumating si Mommy kaya tinulungan niya ako.
"Hihingi na rin ako ng tawad, Mommy..."
"Ayusin niyo iyan, Irene. Baka mauwi pa ito sa hiwalayan..."
Iiwan ko muna si Elora kay Mommy. Naligo na ako at nagayos. Nang bandang alas onse na ay nagpahatid na ako sa driver. Mahigpit kong hawak ang bag nang baunan.
Alam kong naroon si Ales kaya dapat hindi na ako magulat kung makakasalubong ko siya roon. Huwag lang siya gagawa nang bagay na ikaiinis ko, I swear, kaya ko siyang patayin doon.
Bumaba ako sa harap nang ByunTae. Dito ako nag-intern noon kaya medyo kabisado ko ang pasikot-sikot. Binati agad ako ng ibang staffs dahil alam nilang asawa ako ni Trigger.
"Irene!"
Nagulat ako nang makasalubong ko si Jigger. May hawak siyang folder at halos matawa ako nang makita siyang nakasuot ng suit. Kamukha niya naman si Trigger ngunit iba kapag siya mismo ang may suot. Hindi ako sanay.
"Wow, gwapo ah!" Pang-uuto ko.
Nagpogi pose naman siya saka ngumisi. Umirap ako at sinabing pupunta na kay Trigger. Nagmamadali rin siya dahil ipapasa daw niya ang ginawa niyang presentation.
Isang katok lamang ang ginawa ko saka binuksan ang pinto. Nakaupo si Trigger sa kaniyang pwesto habang nagbabasa nang mga papers. Pinaglaruan niya ang ballpen na nasa kamay niya saka gulat na napatingin sa akin.
"I-ineng? What are you doing here?"
Sinalubong niya ako kaya inabot ko sa kaniya ang bag. Ngumiti ako saka umupo sa upuan na nasa harap nang kaniyang table.
"Dinalhan kita ng lunch. Tsaka gusto ko ring mag-sorry..."
Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa kaniya. Nakasandal na siya ngayon sa kaniyang swivel chair habang nakangisi. Kinagat niya ang kaniyang labi at biglang kuminang ang diamond earring niya sa kanang tainga.
"Nanliligaw ka ba?" Nanliit ang mata niya.
Ang kapal din talaga ng mukha nitong asawa ko! Pero dahil may kasalanan ako ay sumakay nalang ako sa trip niya.
"Ayaw mo ba?" Nakangisi ko ring tanong.
Umiling siya, "Bakit walang chocolates or flowers?" Nakanguso niyang sabi.
Dahil dun ay napairap na ako, "Ano ka? Chicks?!"
Tumawa rin siya. Binuksan niya sa harap ko ang niluto ko saka sabay naming kinanin. Sinubuan niya ako kaya sino ba naman ako para tumanggi?
"Ikaw na ang kumain! Tapos na ako kanina, tsaka para sa iyo iyan..." sabi ko habang punong puno ng laman ang bibig ko.
Tumawa siya, "Makita lang kitang busog, busog na rin ako!"
Kinurot ko ang braso niya kaya napahiyaw siya sa hapdi. Hinagod niya iyon habang masama ang tingin sa akin. Natawa naman ako sa itsura niyang kulang nalang ay kulamin niya ako sa sobrang inis.
"Ako na nga itong nagmamalasakit, ako pa ang nasaktan." Umiiling na sabi niya.
"Ang oa mo, para kurot lang! Akala mo naman binugbog na."
Tumagal ako ng isang oras doon. Halos ayaw na niya akong paalisin kaso baka hanapin ako ni Elora. Natambak tuloy ang mga gagawin niya dahil sa pagbisita ko.
"Hatid na kita sa labas..." aniya saka tumayo.
"Hindi na. Marami ka pang gagawin, diba? Kaya ko na!" Ngumiti ako sa kaniya.
Ngumisi siya habang hinihila ang baiwang ko. Kinagat niya ang kaniyang labi saka ngumuso at mukhang alam ko na ang gusto niya kaya tinampal ko ang bibig niya.
"Kiss..." parang batang sabi niya.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya para halikan siya nang sandali. Unang halik namin simula nang magising ako. Nang tignan ko ang mukha niya ay biglang itong sumeryoso saka mahigpit akong niyakap.
"I fucking missed you..." bulong niya.
Hinatid niya ako hanggang sa elevator. Halos maglandian pa kami doon kung hindi lang pumasok ang ibang nagtatrabaho na pababa na rin.
Nakangiti ako habang naglalakad paalis nang bigla kong mahagip si Ales na papunta nang elevator ngayon. Nanliit ang mata ko at lahat ng dugo ko ay napunta sa ulo ko kaya mabilis akong tumakbo sa pwesto niya para hilahin ang kamay niya.
Pagkaharap niya ay malutong at malakas na sampal ang natanggap niya sa akin. Narinig ko ang bulong-bulungan ng ibang tao na nandun ngunit wala akong pakielam.
"M-ma'am I-irene?" Nauutal niyang sabi kaya natawa ako.
"Ma'am mo pala ako? Kailan pa?" Inis na sabi ko.
"Diba ho asawa niyo si Sir Byun kaya po talagang Ma'am ka namin..."
Napairap ako habang nakatingin sa kaniya. Anong pakulo ito? Kunyare nagka-amnesia siya at wala siyang maalala na malandi siya?
"Ales, ilabas mo ang baho mo! Hindi ganyan ang ugali mo." Madiin na sabi ko.
"Hala, bakit inaaway ni Ma'am Irene si Ales? Akala ko pa naman mabait ang asawa ni Sir Trigger?" Agad kong nilingon ang nagsabi nun na agad ding nag iwas ng tingin saka hinila ang kasama niya papunta sa hagdan.
"A-anong pinagsasabi mo, Ma'am? Nagtatrabaho lang ho ako ng maayos dito..."
Oh fuck! Lagi nalang akong nagugulat sa ugali ng babaeng ito. Ano nanaman ba ang pinaplano niya? Feeling inosente?
"Ales, sawa na ako makipaglaro sa iyo kaya kung ako sa iyo, aalis nalang ako dito sa ByunTae bago pa kita tanggalin."
Alam kong hindi ako nagtatrabaho rito ngunit pamilya ng asawa ko ang may-ari. Hindi ko hahayaan na may ahas na nagtatrabaho dito.
"A-ano po?"
Natawa ako, "Ang landi mo pa rin, Ales! Imagine, sinundan mo pa talaga dito ang asawa ko?"
Lumakas nanaman ang ingay dahil sa usap-usapan. Pinalibutan kami ng mga tao at hindi alam kung tutulungan ba si Ales o pipigilan ako.
"Kahit mamatay man ako Ma'am, hindi ho ako malandi!" Naiiyak na sabi niya.
Napangisi ako saka siya hinead to foot, "Talaga Ales? Baka mamaya biglang kang mangisay dyan sa kinatatayuan mo..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top