Kabanata 10
Kabanata 10
In Love
Umigting ang panga ko habang nakatingin sa kaniya. Kanina pa ako hindi makasalita dahil sa inis at galit. Binasa ko ang aking labi gamit ang dila ko bago nagtanong.
"Why him?" Seryosong tanong ko.
Bakit si Dylan? Bakit hindi ako ang maging dahilan kung bakit balisa ka, Irene? Bakit hindi ako dahilan mo?
"Stop throwing questions at me, Trigger!"
Nag-iwas ako ng tingin. Inilagay ko sa loob ng gilid ng pisngi ko ang aking dila habang nag-iisip kung bakit ayaw niya sa akin? Bakit ayaw niyang tanungin ko siya?
"You really hate me, huh?" Mapait na sabi ko.
Sasagot palang sana siya pero agad akong umalis sa kusina. Nagkulong ako sa guest room. Kapag sa kwarto namin ay malamang pupunta rin siya doon, ayokong makita niya akong ganito.
Ginulo ko ang aking buhok saka bumuntong hininga. Parang gusto kong magwala sa sobrang frustration. Hindi ko maintindihan si Irene. Bakit kay Dylan, apektado siya? Bakit si Dylan?
Bakit hindi ako?
Sa inis ko ay hindi ko siya pinansin nang ilang araw. Hindi na ako maapektuhan sa kaniya. Wala na akong pakielam kung hindi niya ako pansinin o kung pabayaan niya ako.
"What do you want? Strawberry or chocolate?" Tanong sa akin ni Joy habang tinitignan ang menu sa Yvan Navy.
Nasa kabilang lamesa sila Irene. Katatapos lamang ng klase namin kaya nagka-ayaang kumain. Nahuling pumunta si Louise dahil may exam pa daw siyang tinapos.
"Strawberry..." sagot ko.
Sinabi niya sa akin ang kaniyang order kaya tumayo na ako para mag-order. Tinap ko ang daliri ko sa lamesa habang naghihintay ng order.
"Oo na, ako naman lagi, eh!"
Nilingon ko sila dahil sa ingay. Nakasimangot si Irene habang hawak ang isang papel at mga pera. Mukhang siya yata ang pinag-order nila. Tumatawa si Elle at Verns habang nakatingin kay Irene.
"Samahan na kita." Umigting ang panga ko sa sinabi ni Dylan.
Umayos ako ng tayo at kumunot ang noo ko habang pinapanuod silang dalawa na tumatawa. Anong nakakatawa sa ginagawa nila?! Tsk!
"Huwag na. Ako na."
Umatras si Irene papunta sa akin. Nakatalikod siya habang kinakausap si Dylan, hindi niya ako napansin kaya nabangga niya ako sa kakaatras niya.
"Ayy!" Gulat na sambit niya saka tinignan ako.
Umirap ako. I looked at her with a blank expression dahil gusto kong malaman niya na nagtatampo ako, na nagagalit ako, na naiinis ako. Gusto kong mag-sorry siya sa akin.
Gusto kong lambingin niya ako! Damn it!
"Sorry..." sabi niya.
Hindi ko siya pinansin. Nang dumating ang order ay kinuha ko na saka pumunta sa pwesto namin ni Joy. Tinignan ko muli si Irene na hanggang ngayon ay nakatingin lang din sa akin. Bago pa siya mag-iwas ng tingin ay naunahan ko na siya.
"Tapos mo na iyong project sa SAD?" Tanong ni Joy.
Umiling ako, "Design palang..."
Umingay ang table nila Irene kaya napatingin ako doon. Nagpapa-cute siya sa harap ni Elle. Nakaharap siya banda sa akin kaya kitang kita ko ang nukha niya.
"Gusto mo ng codes?"
Hindi ko alam kung bakit nagpapa-cute siya sa harap ni Elle. Mukhang may dare yata sila kasi hindi talaga siya ganyan. Sumubo ako sa pagkain ko habang nakatingin pa rin sa kaniya. Umiling ako at tumawa.
"Trigger?"
"H-huh?"
Gulat na nilingon ko si Joy. Nakataas ang dalawang kilay ko sa kaniya. Sinundan niya ng tingin kung saan ako nakatingin kanina. Nakangisi siyang tumingin sa akin.
"Bakit?" Kunot noong tanong ko.
Umiling siya, "May alam ako pero hindi ko sasabihin!"
Parang bata niyang sabi habang tumatawa. Natawa na rin ako sa itsura niya. Binatukan niya ako kaya pabirong binatukan ko rin siya.
"Aray ha!" Kinagat niya ang kaniyang labi saka tunatawang sinabunutan ako.
Sa kalagitnaan nang tawanan namin ay nakarinig kami nang dabog. Natigilan kami at sabay na nilingon ang kabilang table. Nagmamadaling umalis si Irene at dumiretso sa cr.
"Problema 'nun?" Sigaw na tanong ko sa kanila.
"Ewan? Baka dahil masyado kang malandi?" Sarkastikong sabi ni Louise.
Tangina ako nanaman? Ako pa ang malandi?
Hindi ko nalang sila pinansin. Kailan ko kaya maiintindihan ang ugali ng babaeng iyon? Kapag may pakielam ako sa kaniya, ayaw niya. Kapag wala naman, nagagalit siya.
Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
"Trigger, huwag ka sanang magagalit sa sasabihin ko..."
Kunot noo kong tinignan si Joy. Nasa harap kami ng bahay nila, hindi pa rin bumababa sa sasakyan ko.
"Ano?"
"Feeling ko may gusto si Irene sa iyo..." nakangiti niyang sabi.
Kahit gusto kong ngumiti ay hindi ko magawa. Paano naman magkakagusto sa akin si Irene, eh wala ngang alam na gawin iyon kundi magalit nang magalit sa akin.
"At feeling ko rin, may gusto ka sa kaniya..."
Hindi ako sumagot. Meron nga ba? Hindi ko natandaan kung may nararamdaman ba ako kay Irene o wala kaya hindi ko masagot-sagot ang tanong ni Joy.
"Kahit hindi mo sabihin, Trigger. Inlove ka kay Irene. I can see it in your eyes. Ganoon din kay Irene..."
"Am I?"
Inlove ba talaga ako? Kahit sarili ko ay hindi ko masagot. At ganoon din si Irene? Damn! Iniisip ko palang na may gusto siya sa akin ay napapangiti na ako.
"Kung gusto mong makumpirma ang mga sinabi ko, tutulungan kita..."
"Anong tulong?" Kunot noong tanong ko dahil mas lumawak ang ngisi niya.
"Just go with the flow!"
Gabi na nang makauwi ako. Sinabi sa akin ni Joy ang plano niya kaya natagalan kami sa loob nang sasakyan. Kumain na rin muna kami nang dinner dahil nagugutom daw siya.
"Bakit ngayon ka lang?" Malamig na tanong niya habang kumakain sa kusina.
"Why do you care?" Sumandal ako sa pader habang pinapanuod siyang kumakain.
Inis na nag-angat siya ng tingin sa akin. Tumaas naman ang isang sulok nang labi ko dahilan kung bakit lalo siyang nainis. Fuck it! Gusto kong umamin na siya.
"Bakit naman hindi? Asawa mo ako!"
"Ah talaga? Akala ko nakalimutan mo na..." ngising sabi ko.
Marahas na tumayo siya, ang kaniyang dalawang kamay ay nasa lamesa habang masama ang tingin sa akin. Umayos din ako nang pagkakatayo at pinantayan ang tingin niya sa akin.
"Bakit ko ba nakalimutan na ganito ka nga pala? Play--"
"Playboy?" Tumawa ako, "Ano naman sa iyo kung playboy ako?"
Damn Irene, kung umaamin ka na ngayon edi masaya.
"Puro ka babae! Hindi mo iniisip na may kasama ka pang babae dito sa condo mo, which is ako. Wow! Wala ka talaga pakielam kapag gabi na tapos wala pa rin akong kasama dito sa condo mo!"
Tumingin ako sa mata niya. Napawi ang ngisi ko at seryoso ko siyang tinignan. Ngayon ko lang binigyan ng pansin ang matagal ko nang nararamdaman tuwing tumitingin ako sa kaniya. At ngayon ko lang din nakumpirma ang sinasabi ni Joy kanina.
Fuck! I am in love with her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top