TFE 52: Butterfly Effect

<< FLASHBACK >>

+++

“H--Hello? Th--They're on the move again! Hello? Please, s--sumagot ka! Kailangan nila ng tulong!”

Takbo lamang ng takbo ang binatang si Mell... o mas makikilala ng lahat ngayon bilang ang pangalawang Mell. Ang clone ng orihinal... O... sino nga ba kasi talaga sa kanila ang tunay?

+++

Kagagaling niya lamang sa bahay ng isa sa mga dating kaibigan niyang si Joseph, upang sana'y ipaghigante ang nangyari sa kanyang sarili.

Upang maghigante mula roon sa taong nagnakaw ng katauhan niya, ang maghigante sa kanyang kamukha.

Dahil ang buong pag-aakala niya'y, iyong isang Mell na nga talaga ang tunay na si Bladespawn.

Ngunit...

Nagkamali siya.

Dahil pareho pa rin pala silang biktima sa mga kasalukuyang nangyayari ngayon...

+++

Alot of things just doesn't make any sense to him right now. Ever since he was almost got killed.

Sinubukan niyang umuwi mula sa kanilang bahay bago magpunta kina Joseph, ngunit wala roon ang kanyang mga magulang. Na para bang hindi na nag-e-exist ang mga ito. No traces of any of them...

And not even that, but everything! This whole place, this whole town... This whole... world!

Pakiramdam niya'y imahinasyon lang ang lahat ng mga. Na para bang nararamdaman niyang nasa isang simulation nalamang pala sila at pinaglalaruan ng mga kung sino-sino.

Isang laro ng kamatayang halos wala nang katapusan pa...

He wanted some answers, but all he's getting are continuous loops.

Kagaya nalamang sa biglaang nangyari kanina no'ng nasa bahay siya nina Joseph.

Someone attacked them, and suddenly took the others!

Paniguradong kung hindi pa siya mabilisang nakatakas ay nakukuha na rin siya kanina...

Sa ngayon, kasalukuyan niyang tinatakbo ang napakadilim na kalye ng kanilang lugar, makalayo lamang sa kapahamakan, at upang matawagan iyong taong tumulong sa kanya.

And what's odd about it is, there isn't anybody in sight!

Kung totoo man ang hinala niya, masasabi niyang, hindi na nga talaga ito ang mundong kinalakihan niya...

+++

“Hello? Teacher Zaira! Teacher Zaira, sumagot po kayo!” Muling sunod-sunod na bulyaw ni Mell mula sa hawak-hawak niyang cellphone, trying to reach out her own teacher, but all he can hear are statics.

“He.... M...Mell??” Mayamaya lamang ay narinig niya nang sumagot mula sa kabilang linya ang guro.
“Saan ka nagpunta?! I told you to stay close!”

“S--Sorry po... H--Hindi ko napigilan ang sarili ko...” Sagot ni Mell.
“P--Pero... Nangyayari nanaman... Bladespawn... Si Bladespawn! He's killing them all again! He's—”

Biglang natigilan sa katatakbo niya si Mell nang bigla nalamang siyang may makasalubong na isang pamilyar na tao.

Nakatamo ito, at tahimik lamang na nakatayo mula sa harapan niya, ngunit gayon pa ma'y nakikilala niya kung sino ito...

Dahil sa pagkagulat ay nabitawan niya ang kanyang hawak na cellphone, habang maririnig pa rin mula rito ang boses ng kanyang guro.
“Mell? Mell! Anong nangyayari riyan? Mell!”

Napasinghap bigla ang binata habang deretso lamang na nakatitig mula roon sa taong nasa harapan niya...
“M--Mama?” tawag niya rito, dahil sa haba ng panahon ay ngayon niya lamang ulit nakita ang mama niya.

“M--Mama! A--Ang akala ko ho nawala na kayo bigla! Ma! Nami-miss ko ho kay—”
Lalapitan na sana ng binata ang kanyang mama, upang bigyan ito ng isang mahigpit na yakap, ngunit kaagad lamang din siyang natigilan nang walang ano-ano'y bigla nalamang itong may inilabas na patalim mula sa kanyang bulsa't agarang nagtatakbo mula sa kinatatayuan ng kanyang anak, trying to stab him!

Ngunit dahil sa mabilis na senses ng binata'y kaagad niya itong nailagan...

But what his mother did really almost caught him off guard! At hindi niya maintindihan kung bakit bigla nalamang siya nitong inatake.
“M--Mama... B--Bakit po?!” may halong pagkagulat niyang naitanong, ngunit hindi lamang siya nito sinagot at muli nanaman siyang sinubukang atakihin!

She aimed for the young boy's face.

Mell quickly managed to dodge her again, ngunit nagawa siya nitong masugatan mula sa pisngi, dahilan upang bahagyang mapasigaw ng mahina ang binata.

He tried to run away, ngunit bigla siyang natisod ng kanyang dalawang binti, dahilan upang madapa siya mula sa semento, at bahagyang mauntog ang ulo niya mula rito.

At dahil sa nangyari ay biglang may mga alaalang nagbalik mula sa isipan niya...

No'ng mga panahong kamuntikan na siyang mamatay...

Naaalala niyang bigla siyang pinalibutan ng napakaraming mga tao...

Wala siyang ibang makita sa mga mukha nito kundi ang determinasyon at hangaring siya ay paslangin!

Buong pag-aakala niya no'ng mga oras na iyon ay talagang katapusan niya na.

All he could ever do, was to just close his eyes shut and wait for the extreme embrace of death.

Tinanggap niya na ang kanyang kapalaran.

Not until he heard voices...

And when he suddenly opened both of his eye back, doon niya nasilayan ang mukha ng isang lalakeng unang beses niya palamang nakikita.

And that man saved him. Along with his teacher, na sa mga panahong iyon ay kausap noong binata mula sa cellphone.

And they both knew what was happening all along.

Zaira knew what was happening... She was just being controlled by the mastermind. Like a puppet. Like a pawn from a chess. They all were.

At dito niya lamang din napagtantong, kapareho no'ng mga taong pumalibot sa kanya ang inaasal ng sarili niyang ina ngayon. Ang hangaring patayin siya.

All he could see at this point mirrors to the moment he almost got killed. A person standing in front of him, with nothing on their face but an image of someone who's hungry for blood and murder.

Only this time, pakiramdam niya'y  walang may magliligtas sa kanya...

+++

Mula sa puntong iyon naman ay dahan-dahan nang lumalapit mula sa kanyan ang ina niyang mahigpit pa rin ang hawak sa isang kusilyo.

All he is to her at that moment is nothing but a prey.

At makikitang muli niya na sanang iwawasiwas mula roon sa binata ang kanyang patalim, upang tapusin na ito.

Ngunit hindi niya pa man tuluyang nasasaksak ang binata'y bigla nalamang siyang natigilan nang makaramdam siya na parang nakuryente bigla ang kanyang buong katawan.

At dahil dito'y kaagad niyang nabitawan ang hawak-hawak niyang kutsilyo, at natumba, habang patuloy pa ring nakukuryente.
It almost looked like she was tased by someone. Isang bagay na ikinagulat at ikinabahala ni Mell sa sarili niyang ina.

“M--Mama?” Agarang naibigkas ng binata, at pagkatapos ay agad itong nilapitan.

“Hindi siya ang mama mo,” wika ng isang pamilyar na boses ng isang binata mula sa may di kalayuan.
“I mean... Atleast hindi sa ngayon.”

Dahil dito'y kaagad namang napatingala mula roon si Mell at nakita ang ilang mga taong dahan-dahang lumalapit sa kanila.
And these people were wearing some kind of protective suits and helmets.

“Te--Teka... S--Sino kayo? A--At anong ginawa niyo sa mama ko?”
May halong takot niyang naitanong sa mga ito.

One of the guys was holding a taser gun. Mahahalatang ito ang ginamit niya upang pansamantalang mapatumba ang inakalang ina no'ng binata.

“Easy, kid...”
Wika no'ng lalakeng may hawak na taser, at pagkatapos ay dahan-dahang tinanggal ang suot niyang helmet...
“Everything's gonna be okay... At ayos lang siya. Pinatulog lang namin saglit,” Anito, habang may malawak na mga ngiti sa kanyang labi, at kaagad na inilahad ang kamay niya kay Mell, upang tulungan itong makatayo.

Agad namang napatingin sa mukha noong binata si Mell, at sa unang tingin niya palang mula rito ay kaagad niya na itong namukhaan.

“I--Ikaw...”
Aniya...

Kung hindi siya nagkakamali, ito iyong lalakeng tumulong sa kanya dati, no'ng nasa bingit na rin siya ng kamatayan.

“Gab?”

The other guy smiled and winked.
“No worries, kid. You're safe now,” wika pa nito. At dahil dito'y tinanggap na ni Mell iyong kamay no'ng binata, upang siya'y kaagad nang makatayo.

Ito rin ang mismong binatang nagpanggap na isa sa mga nakabantay na pulis, no'ng mga kahindik-hindik na pangyayaring naganap sa Mary Hill Woods.

Mayamaya naman ay lumapit iyong isa sa mga kasama ni Gab, at may isang parang relo na ikinabit mula sa kamay ng kanyang mama.

“Name, Lucila Labita... Age, 52... Gender, female... Status, civilian... Transferring subject initializing...” Sunod-sunod na iniwika no'ng babae, dahilan upang bahagyang mapakunot ng kanyang noo si Mell at magtaka...

“Te--Teka, anong ginagawa niyo?” Agaran niyang naitanong doon sa tao.

Ngunit hindi lamang siya nito sinagot, at may pinindot na switch mula sa kanyang wrist. At ilang segundo lamang ang lumipas ay bigla nalamang naglahong parang bula ang kanyang ina, bagay na sobrang ikinagulat naman ni Mell.

“A--Anong ginawa niyo sa mama ko!!” He started panicking, ngunit dali-dali lamang siyang pinakalma nina Gab.

“Relax, ligtas na siya...” Wika ni Gab kay Mell. “We transfered her physical data to a safer location. Outside the dome. Wala nang may magkokontrol pa sa kanya...” anitong muli. Bagay upang mas hindi lamang maintindihan ni Mell...

“Physical data? Safer location? DOME?? Anong ibig niyong sabihin??” Sunod-sunod lamang na naitanong ni Mell.

Napahinga ng malalim iyong isang kasama ni Gab.
“Well, there you have it! It looks more like, our so-called teacher still hasn't fill him up with all the latest informations yet,” sabi naman noong taong naglagay ng watch sa kanyang mama kanina.

Dahil dito'y si Gab naman ngayon ang napahinga ng malalim.
“It appears so,” aniya, at pagkatapos ay sinenyasan ang ibang mga kasamang magsilapit mula sa kanila...

“S--Sino ba talaga kayo?” Muling naitanong ni Mell, habang dahan-dahang napapaatras.

“Marami kang kailangang malaman, Mell,” aning muli ni Gab. “But now's just not the right time—”

“We're living in some kind of simulation... Are we?”
Agarang sabat ni Mell doon sa binata, na magkahalong ikinagulat at ikinamangha naman ni Gab.
“Well... That was rather... quick,” aniya.

“Te--Teka... Totoo? Tama ang hula ko?!—”

“It's more than that, Mell,” sabat naman no'ng isa sa mga kasamahan ni Gab, habang tinatanggal ang helmet nito.
“You're all living in some kind of artificial intelligence-reality TV horror-drama simulator,” sunod-sunod na iniwika nito.

Hindi naman makapaniwala si Mell nang makita niya ang mukha no'ng dalaga.

“H--Hindi maaari.... Jaica... B--Buhay ka pa?!”

The girl sighs.
“Kind of...”

Matapos iyon ay nagsitanggalan na rin ng kani-kanilang mga helmet iyong apat pang mga kasama nina Gab at Jaica.

At kagaya ng naging reaksyon ni Mell kanina'y nagulantang din siya nang makita ang mga mukha nito. Isa lamang doon sa apat ang hindi niya nakikilala, ngunit iyong tatlo...

“Angel, Joyce... Richard??” Hindi niya makapaniwalang naisambit ang mga pangalan nito. Dahil buong pag-aakala niya'y lahat ng mga taong nakikita niya ngayon ay matagal nang nasawi sa mga kamay ni Bladespawn.

“Sup, nerd...”
Seryosong bati sa kanya ni Richard.

Lalong-lalo na si Jaica, na isa sa mga naunang napaslang.

Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang kahindik-hindik na nangyari sa kaklase, at ngayon, bigla niya nalamang itong makikita mula sa harapan niya?

“A--Ang akala ko wala na kayo. P--Papaanong—”

“We managed to save some of your friends in peril, Mell. We were lucky enough to get a hold of Angel, Richard and Joyce,” pagpapaliwanag ni Jaica, na ikinatango naman noong tatlo.
“But the Jaica you knew in this timeline is different from me. Wala na siya. Me, meanwhile... Ako lang ang tanging nakaligtas sa sarili kong timeline,” aniyang muli.

“Timeline? S--Sorry, pero hindi kita maintindihan. A--Ang ibig mo bang sabihin ay nanggaling ka sa ibang universe? Does multiverse exist?” Muling sunod-sunod na tanong ni Mell, dahil talagang hanggang ngayo'y naguguluhan pa rin siya.

Umiling-iling naman kaagad si Jaica bilang sagot.
“No, not like that. Not quite,” aniya.
“Medyo complicated, pero... Kagaya mo, isa rin akong clone. We ALL are. This whole scenario, lahat nang ito ay nangyari na. You are all just repeating it over and over again. Parang kagaya sa isang pelikula. Ang pagkakaiba lang, everytime nire-reset ang pelikulang ito, nagkakaroon ng iba't-ibang kinakalabasan. Iba't-ibang ending. Parang... butterfly effect kung tawagin. Kagaya nalamang sa nangyari sa timeline ko. I was the only survivor, everyone on my timeline died. Including you, Theresa, Sheena, Justin, Lester, Daniel and all of the others. I managed to survive dahil sa tulong ni Gabrielle,” monologong pagkukwento ni Jaica, sabay turo pa kay Gab. “Isa siya sa mga unang naging survivors sa mga walang katapusang death games na 'to. Ang survivors sa mismong unang larong nangyari mula sa America. Ang Orphanage death game incident na kumitil sa buhay ng napakaraming kabataan. And together with the rest of the survivors, nandito kaming lahat ngayon upang tulungan kayong makatakas sa impiyernong lugar na ito,” pagpapatuloy niya pa, bagay na mahahalatang halos magpatameme na kay Mell.

Tumango naman si Gab bilang sagot.
“At timeline ang tinawag namin, everytime na nangyayari ang reset.”

Muli lamang na nakaramdam ng panghihina mula sa kanyang buong katawan si Mell dahil sa mga impormasyong kanyang narinig.
“I--Ibig mo bang sabihin, m--mga fictional characters lang tayo?”

“No!” Mariing naisambit naman ni Joyce.
“It's not like that. Kasalanan itong lahat ni Juvy,” aniya pa. “Isa siya sa mga taong responsabilidad kung bakit nagkaganito ang mga buhay natin nang paulit-ulit! She is NOT one of us!”

“J--Juvy? Te--Teka... Ang ibig mong bang sabihin... Siya si Bladespawn?!—”

“The truth is, there's no such thing as Bladespawn,” wikang muli ni Gabrielle. “Isa lang siyang fictional killer na ginawa ni Juvy at ng buong Sinister Syndicate upang maging major antagonist sa mga paulit-ulit na ginagawa nilang games dito. If anyone should be blamed, it's them. Not the fictional killer,” aniya pa.

“Sinister... Syndicate?” Mell was rather more confused.

“Oo. Sila ang grupo ng sampung dating mabubuting influencers na naging mga tunay na demonyo at siyang sumakob sa buong mundo. They're the ones who created the war. And most importantly, this infinite killing games,” aning muli ni Gabrielle.

“And we're her to end this nightmare once and for all. It's now or never,” aning muli ni Jaica.

“O--Okay... Th--Then... Papaano tayo makakaalis ditong lahat? G--Gagawin niyo rin ba sa'min iyong ginawa niyo sa mama ko kanina? A--And... Are you guys really sure na ligtas na siya?” He asked once more.

“Sa ngayon siya palamang ang tanging adult na naliligtas namin,” says Gab.
“And... No, hindi magiging kapareho no'ng sa kanya ang pag-alis ng iba sa'tin dito. The data that you guys have are far more complicated, lalo na't kayo ang numero unong mga kalahok sa larong ito,” aniyang muli, bagay upang hindi pa rin kaagad na makuha ni Mell.

“In other words?” Clearly he wanted a much simpler explanation...

Dahil dito'y bahagyang napahinga nalamang ng malalim si Gabrielle...
“Let's just say, you guys are the main characters. You are all selectable and playable. While iyong mama mo, at ang iba pang mga taong trapped sa dome na ito ay ang mga NPCs o supporting character, even extras. Meaning, iba ang pagkaka-scan sa kanila ng dome. Mas madali silang mailabas sa lugar na ito gamit lamang ang mga transportational gadgets. While kayo naman, kailangan niyong magsama-samang lahat at sabay-sabay na lumabas sa isang mismong gate,” monologo niyang muli.

Dahil dito nama'y unti-unti na iyong naiintindihan ni Mell.
“K--Kung gano'n... Ano nang sunod na gagawin natin ngayon?—”

Hindi naman naipagpatuloy ng binata ang kanyang sana'y sasabihin nang bigla nalamang silang makarinig ng isang napakalakas na putok ng baril mula sa kung saan, at sunod nalamang din nilang nakita, ay may tama na mula sa may kaliwang balikat niya si Mell, dahilan upang mapasigaw siya ng sobrang lakas dahil sa sakit na kanyang naranasan.

“Sht!” Napamurang naisambit bigla ni Jaica... Mula sa may di kalayuan ay may parang mga zombie'ng mga tao ang dahan-dahang nagsisilapitan sa kanila. Mapa-lalake, babae, bata o matanda man. Papunta ang mga ito sa kanilang mga dereksyon, at kagaya no'ng inasal ng mama ni Mell ang kasalukuyang inaasal ng mga ito ngayon. At lahat ng mga ito may mga dala-dalang pang mga iba't-ibang klaseng mga armas at patalim. Mahahalatang may kung sinong nagkokontrol lamang sa mga ito...

“Retreat! Tawagan niyo 'yong iba! Tawagan niyo si Lalaine at Zaira!” Bulyaw naman ni Gab, at pagkatapos ay pareho sila ni Richard na dali-daling lumapit kay Mell, upang tulungan itong makalayo...

“A--Anong... Anong nangyayar—”

“Save it, nerd,” agarang pagpuputol ni Richard sa sana'y mga sasabihin ni Mell.

“We'll talk later,” sabi naman ni Gab.
“Ngayon, kailangan na muna nating makaalis dito. They've seen us,” ani pa no'ng binata.

“Th--They? Teka... S--Sinong they?!” Muling pagtatakang natanong ni Mell, kahit na namimilipit pa rin siya sa sakit mula sa kanyang tama...

“Everyone...” Tanging isinagot naman ni Gab, at pagkatapos ay dali-dali na nga silang nagsi-alisan mula roon...








+++







Mula sa may di kalayuan naman...

Sa harap mismo ng screen ng isang telebisyon ay may isang misteryosong karakter ang bigla nalamang napangisi sa kanyang mga nakikita ngayon mula sa TV...

“They've finally made it...”
Bulong pa nito sa sarili, at pagkatapos ay mas lumalakas lamang ang kanyang pagtawa...

“They've finally surpassed the game!”








+++








T o B e C o n t i n u e d . . . . . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top