TFE 48: One Bad Move
“Just a quick reminder, my dear old friends, Sheena and Erron...”
Pagpapatuloy na pagsasalita noong hindi makilalang boses sa may likuran ng speakers, habang paumpisa na ang kanyang inihandang laro ng kamatayan.
“Every decisions eh bibigyan ko lamang kayo ng 15 seconds para makapag-decide sa susunod na magiging move niyo. If lumampas kayo ng 15 seconds, you guys will either be electrocuted, or may mga mahahaba at matutulis na mga karayom na tutusok sa buong katawan niyo. Kaya naman, play safe, choose wisely, and more importantly... ENJOY!” Matapos iyo'y tumawa nanaman ng malakas iyong tao, at tuluyan na ngang namatay ang pag-iingay noong speakers.
Ngunit dahil dito'y nagpatuloy lamang ang mga nararamdamang takot at kaba noong mga natitirang estudyante. Pilit na kumakawala sa kanilang pagkakagapos, ngunit hindi talaga sila makatakas.
Habang nangyayari ito'y sa may pinaka itaas na parte naman ng napakalaking silid ay may nagbukas na napakalaking monitor, at mula roo'y nag-umpisa na ang pag-countdown ng unang 15 seconds nina Erron at Sheena upang makapaglaro sila ng dama.
Dama'ng nakasalalay ang mga buhay ng kanilang mga pinakamamahal na mga kaibigan.
Kasalukuyan namang nasa may unahang bahagi ng dama board battlefield sina Angelou, Mell, Joseph at Daniel.
Habang nasa likod naman nila sina Reymart, Theresa, Justin, Florelyn at Juvy Ann.
9 pieces lang ang meron si Erron, habang 12 pieces naman ang meron si Sheena. The only difference is, Sheena's pawns are nothing but mere-statues.
And during that moment, it was Erron's first decision to make a move.
But the only question is, what's he going to do? And which of his beloved friends are he gonna choose first?
+++
Sa kabilang dako naman, kasalukuyang naglalakad na sa labas ang magkakasamang sina Heide, Ian at iyong isa pa nilang mysteryosong kaklase.
They escaped the collapsing building, at ngayo'y mahahalatang halos hindi na maipinta ang kanilang mga mukha dahil sa lahat ng mga pangyayari.
Hinang-hina na rin sila, at wari ba'y hindi na alam kung ano pa ba ang susunod nilang gagawin.
“Pagod na 'ko...” wika bigla ng dalagang si Heide, at pagkatapos ay napa-upo sa kalagitnaan ng kalsada.
Surprisingly, walang katao-tao. Ni kahit isang hayop o insekto'y wala rin silang makita.
They were all alone venturing through the night sky...
“Hindi tayo pwedeng huminto,” wika noong kaklase nilang nagligtas sa kanila.
“Kailangan nating mahanap sina Justin at iyong iba pa, para makaalis na talaga tayo rito,” aniyang muli.
Ian sighed...
“Come on, Lalaine, let's just give it a rest for a little while! Alam mo naman siguro kung ano ang mga pinagdaanan namin diba? Our friends died! And we don't even know kung naka survive sina Faye at Nicole sa nangyaring pag guho, and now you wanna find Justin? Are we even sure if they're all still alive?” Reklamo naman ni Ian, at napa tabi nalamang kay Heide, mahahalatang hinang-hina na rin.
Dahil dito'y wala namang ibang nagawa si Lalaine kundi ang umintindi nalamang, at tumabi sa mga kaibigan.
"So... How'd you survive the Camp killing spree, anyway? Nakita namin ang katawan mong isinilid sa isang body bag, at tsaka, you were also shot infront of us. So how come that you're still breathing?” Naitanong naman bigla ni Ian, dahil hanggang ngayo'y hindi pa rin siya makapaniwalang buhay si Lalaine.
“I--I mean... I'm happy for you of course! Pero... Hindi ko lang talaga mapigilang hindi magtaka eh,” aniyang muli.
Dahil dito nama'y bahagyang napahinga ng malalim nalamang muna ang dalaga bago tuluyang sagutin ang katanungan ni Ian.
"It's kinda complicated and a pretty long story if you'd ask me. Pero.... I really think that I died,” paunang kwento niya.
“So... No'ng nakita niyong ipinasok ang katawan ko sa isang body bag, I really was already dead. Tumigil talaga ang heartbeat ko no'n. I--I mean... 'Yon ang sabi nila... Pe--Pero... Ewan ko... Nakita ko sa panaginip ko ang mga nasawi nating mga kaklase no'ng araw na 'yon eh... Lahat sila nandoon, at pinapabalik nila ako para tapusin daw ang dapat na tapusin... And then after that... Nagising nalang ako na nandoon na 'ko,” buong pagkukwento ng dalaga.
Dahil sa huling sinabi ni Lalaine ay napakunot naman ng kanyang noo si Ian...
“Saan?” Tanong niya, tumutukoy sa lugar kung saan daw nagising si Lalaine.
But Lalaine kept a silent pace after that...
She sighed.
“For now, that doesn't matter,” aniya.
“What matters more is... Mahuli natin ang killer.”
“Yeah right! Eh linyahan naman nating lahat yan eh. But do we even know who the killer is? No! Dahil hanggang ngayon, nandito pa rin tayo't stuck sa mga bullshit na—”
“Alam ko kung sino,” agarang sabat ni Lalaine kay Ian, dahilan upang matigilan sa pagsasalita ang binata, at pareho sila ni Heide na agarang mapatingin kay Lalaine.
“Kikilala mo??” Heide asks...
+++
“Tick... Tock... Tick... Tock...” says Bladespawn in a very playful manner...
“Times running out, Erron. When are you gonna make your first move?”
"Hi--Hindi ko kaya!” Naibulyaw ni Erron dahil sa sobrang kaba.
"Then, you die! Gusto mo?!"
Biglang may tumusok namang isang napakahaba at napakatalim na karayom sa may kaliwang braso ni Erron, dahilan upang mapasigaw siya ng napakalakas.
“Stop pissing me off, Erron. Kung ayaw mong ako mismo ang pumatay sa inyong lahat ngayon, on the spot.”
Umiiyak na si Erron habang dahan-dahan niyang pinipili sa pag galaw mula sa mind sensory laptop na nasa harapan niya ang inuupuan noong nasa pinaka malapit sa kabilang side ng dama na si Angelou...
Nagulat naman si Angelou nang maramdaman niyang bigla nalang gumalaw ang inuupuan niya't umabante...
"A--Anong nangyayari!?" She panicked.
“Good boy, Erron!” Says Bladespawn.
“Sheena, honey! Now it's your turn! Please make daddy proud!”
“Ayoko! Hindi ko kaya! Mga kaibigan ko sila!” Bulyaw ni Sheena rito.
Dalawang segundo lamang ang lumipas ay bigla namang nakuryente ang buong katawan niya, dahilan upang mapasigaw ng sobrang lakas si Sheena dahil sa sakit.
“Bladespawn, ano ba! Tumigil ka na!” Bulyaw ni Joseph, na halatang kanina pa nag-aalala kina Erron at Sheena. Lalo na dahil sa kasalukuyang ginawa ni Bladespawn kay Sheena.
“Kung hindi mo gagawin ang ipinapagawa ko sa'yo, then pwede naman kitang kuryentehen nalang hanggang sa mawalan ka ng buhay eh. Masaya rin 'yon!” Nangingising sabi ni Bladespawn, habang patuloy pa rin ang pag kuryente kay Sheena.
"H--HIND--D--DI K--KO G--GA--GAWIIIN!” Pilit na isinigaw ni Sheena, habang patuloy lamang siyang kinukuryente mula sa kanyang inuupuan ni Bladespawn.
Wala namang ibang magawa iyong iba kundi ang mapaiyak nalamang at magsisigaw na itigil na ang pag kuryente kay Sheena.
“Sheena! Please! Just do what he says!” Bulyaw ni Theresa na iyak na ng iyak dahil sa nakikita niyang nangyayari sa kaibigan.
Dahil naman dito'y napansin ni Bladespawn na talagang pilit na nagmamatigas sa kanya si Sheena, kaya napagpasyahan niyang itigil nalang muna ang pag kuryente roon sa dalaga.
“Psh! Boooring! Why so persistent? Eh mamamatay rin naman kayong lahat!”
Mayamaya nama'y nakaisip ng ibang plano si Bladespawn. Isang plano kung papaano niya mapapasunod si Sheena...
At dahil dito'y isang napakalawak na ngisi ang kumurba mula sa kanyang labi...
++
Sobrang nanghina si Sheena dahil sa sunod-sunod na pagkuryente sa kanya ni Bladespawn. But she didn't care. She's even willing to sacrifice herself just to save them...
“H--Hindi kita... S--Susundin...”
Mahinang naisambit pa ni Sheena.
Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas, bahagya siyang napapitlag nang bigla nalamang may nagbukas na pinto mula sa kinatatayuan ng kanyang upuan...
Gumawa ito ng isang butas, at laking gulat niya nang dahil sa kanyang mga sunod na nakita mula roon...
Her chair is now on top of an aquarium.
An aquarium full of giant deadly alligators, ready to torn her into pieces!
Dahil dito'y gimbal siyang sunod-sunod na napasigaw.
Tatanggapin niya ang kahit na anong klase ng kamatayan. Huwag lang talaga ang malapa at ang makain ng buhay...
“HINDI! PAKAWALAN MO 'KO RITO!”
"Now, you little bitch! I'll ask you once again! Make a move... Or you die?!”
Dahil dito'y wala nang ibang nagawa pa si Sheena.
She moved one of the dama pieces infront.
At nasa harapan na ito ngayon ni Angelou.
And then, it was Erron's turn again...
Kinakabahan pa rin siya ng sobra, ngunit alam niyang kahit ano pa man ang pilit niyang huwag maglaro, ay gagawa at gagawa pa rin talaga ng paraan iyong killer upang makapag-participate sila.
Kaya nama'y sunod niyang iginalaw ay ang kinauupuan ni Mell. Paabante rin.
The others couldn't feel anything but pure fear, and the fact that they can't even do anything but to wait for their fate... is already terrifying as it is.
Nagpatuloy lang sila sa pag move ng mga dama pieces.
Patuloy lang na nangyayari iyon, side by side kina Erron at Sheena. At mahahalatang, sa bawat move ay iniiwasan ng dalawang makagawa ng galaw na magpapahamak sa kahit isa sa kanilang mga kaibigan...
It was like, they were both playing dama without eating one of the opponent's pawns.
At dahil sa bagay na ito'y muling nakaramdam ng pagka bored si Bladespawn, at muli siyang nagsalita sa may speaker...
“Ano ba yan! Nakakaboring naman! Ganyan nalang ba palagi ang gagawin niyo? I'm pretty fucking sure you guys are better than that! How long are you all going to resist?”
Erron made a threatening glare at one of the monitors, and replied...
“Hanggang sa araw na ikaw naman ang magdusa't magmakaawa sa lahat ng mga masasamang ginawa mo!” Bulyaw pa ni Erron, mahahalatang hindi niya na napigilan pa ang kanyang nag-uumapaw na galit.
Dahil sa sinabi ng binata'y mahigit pitong segundo naman munang nabalutan ng katahimikan ang buong silid...
Mahahalatang hindi muna nakapagsalita ang killer dahil sa biglaang ibinulyaw sa kanya ni Erron.
Sa puntong iyon ay tuluyan na siyang nawalan ng ganang ipagpatuloy ang laro.
Ngunit dahil naman dito'y dahan-dahang napangiti lamang muli si Bladespawn sa kanyang biglaang naisip.
“Talaga ba?” he giggled.
“Kung gano'n man, then why bother playing this game in the first place?” Aniyang muli.
“IF YOU CAN JUST ALL DIE RIGHT NOW, ON THE SPOT!!” Sunod na ibinulyaw niya pa, at pagkatapos ay muling napatawa na parang isang manyak.
Sa pagkakataong iyon ay sabay-sabay na bigla nalamang naputol ang mga nakagapos na mga tali mula sa mga kamay at binti ng magkakaibigang nakakonekta sa kanilang mga kinauupuan...
Dahil dito'y pare-pareho silang lubusang nagtaka sa pangyayari.
“N--Now what??” Kinakabahang naiwika nalamang bigla ni Mell, at pagkatapos ay kaagad na napatayo mula sa kanyang kinauupuan, gayo'n din iyong iba, dahil bigla nalamang silang nakaramdam ng mahinang pag-uyog mula sa sahig...
Matapos iyo'y, ang mga nakataling sina Sheena at Erron naman ang nakawala sa pagkakagapos, at pagkatapos ay walang ano-ano'y bigla nalamang gumuho ang sahig kung saan sila nakaupo, dahilan upang parehong mahulog ang dalawa sa kung nasaan man ngayon nakatayo iyong iba.
Dahil dito'y kaagad silang linapitan ng mga kaibigan, at sinuri kung nagkaroon ba sila ng mga pinsala sa katawan dahil sa pagkakahulog. Luckily, Erron managed to keep a straight pace, ngunit nagdulot naman ng kaunting injuries si Sheena mula sa pagkakahulog.
Hanggang ngayon nama'y patuloy pa rin ang pagyanig ng sahig.
Kaya nama'y nagtipon-tipon na sa iisang sulok ang magkakaibigan, trying to figure out what's happening and how to get out of the place... Ngunit wala manlang silang makitang kahit anong uri ng exit.
Hindi na rin nila marinig pa ang boses ni Bladespawn.
Pakiramdam nila'y sumuko na ito sa pakikipaglaro sa kanila, at balak nalamang silang pataying lahat, marahil ay sa pamamagitan ng pagpaguho ng kinatatayuan nilang building...
“Ano na'ng gagawin natin ngayon?!” Nagpapanik nang tanong ni Angelou.
“Kumalma lang kayo! Ipokus niyo lang ang mga atensyon niyo sa paghabanap ng lagusan palabas!” Yelled Justin. Trying to be positive, even when things are already doom.
“Pero papano?! Everything is blocked! At wala na tayong——”
“THERESA!!”
Hindi pa man naipagpapatuloy ni Theresa ang sana'y kanyang mga sasabihin, natigilan siya bigla nang bigla nalamang siyang itinulak papalayo ng isa sa mga kaibigan niya...
Wari bang parang bumagal ang takbo ng oras ng dahil sa nangyari.
Hindi muna naintindihan ni Theresa kung bakit ginawa sa kanya iyon ng isa sa kanyang mga kaibigan.
She can still clearly see her face infront of her. And in slowmo...
Theresa gasped for air as she sees her friend's terrified-crying face...
“A--Angelou?” naisambit bigla ni Theresa sa kanyang isipan, habang nakatitig pa rin sa kaibigang nasa harapan niya.
At sa huling pagkakataon, kahit na umiiyak ay nakita niya ang huling mga ngiting naikurba ng kaibigan mula sa kanyang labi.
And in just a split of seconds, Angelou was then, crushed by a falling pillar. Ending her life as blood splattered all around her friend infront of her.
Ang nangyari pala'y mahuhulugan na sana noong malaking pillar si Theresa, ngunit kaagad siyang itinulak papalayo ng kaibigang si Angelou, switching up their places, and killing Angelou in the proces...
Dahil sa nangyari'y natulala nalamang bigla si Theresa, mahahalatang hindi alam kung ano na ang kanyang gagawin, knowing na, isa nanaman sa kanyang mga kaibigan ang nawala nalamang bigla, at sa harapan niya pa.
Gulat na gulat din iyong iba, lalong-lalo na ang binatang si Reymart, na ngayo'y pilit pang inaalsa iyong pillar na nakadagan sa dalaga habang umiiyak, kahit na ni-kaunting pag-galaw ay hindi niya magawa, nagbabakasakaling matutulungan niya pa ito.
“Angelou!!” Sigaw ni Reymart, habang patuloy lamang sa pag-alsa.
“Ano ba!! Tulungan niyo 'ko!! Si Angelou! Iligtas na'tin siya!!” Sunod-sunod na sigaw naman ni Reymart doon sa iba.
Ngunit imbis na tulungan ang binata ay pilit lamang siyang pinapalayo roon nina Daniel at Joseph.
“Mart, tama na. Wala na si Angelou!” Mangiyak-ngiyak na iniwika ni Daniel.
“We'll mourn later. Pero sa ngayon, kailangan na muna nating makaalis dito!” Sabi naman ni Joseph...
Despite of what happened, patuloy pa rin sa paghahanap ng exit iyong iba sa kanila.
Mayamaya'y bigla namang may nakitang gumuhong butas sa may pader si Florelyn, na maaaring maghatid sa kanila papalabas. Kaya nama'y kaagad niyang sinabihan iyong ibang mga kasama.
“G--Guys! Tingnan niyo! May butas do'n!” Aniya, dahilan upang agad namang mapatingin sa kung saan siya nakaturo iyong iba...
“Tara na!” Mala-otoridad na sabi ng binatang si Justin, at agad na napatakbo mula roon. Kaagad naman siyang sinunod noong iba.
At masakit man para kina Theresa at Reymart na iwanan nalamang ang kaibigan, wala na silang ibang nagawa pa kundi iligtas nalamang ang kanilang mga sarili.
Ngunit hinding-hindi makakalimutan ni Theresa kung papaano siya iniligtas ng isa sa mga pinakamalapit niyang kaibigan... She was her hero...
+++
Pagkalapit naman ni Justin mula sa may butas ay napahinto muna siya't napalingon mula sa kanyang likuran, at sinuri kung lahat ba sila'y naroroon na. Except for Angelou, everyone was accounted for.
“Te--Teka... Papaano naman tayo nakakasiguradong hindi tayo ipupunta sa mas malalang panganib pag diyan tayo dumaan? Everything is pitch black!” Bahagyang kinakabahang naitanong ni Mell...
“It's our only shot,” sabi naman ni Erron.
Nilapitan naman ito ng dalagang si Juvy, at wari ba'y inamoy-amoy pa.
“Sa likurang bahagi ng butas na ito ay may isa pang silid. Pero meron ding nakabukas na pintong panigiradong maghahatid sa'tin sa labas mismo ng building na 'to,” aniya.
“Pero... Paano ka naman nakakasigurado?” Tanong sa kanya ni Florelyn.
“Alam ko, kasi naaamoy ko ang sariwang hanging dumadaloy mula sa labas,” sagot ni Juvy. “Hindi ko nasabi sa inyo, but I really have a strong sense of smell,” aniya pa.
“Ku--Kung gano'n naman pala, tayo na!—”
Una na sanang lulusot mula roon sa butas ang dalagang si Florelyn.
Ngunit natigilan siya ng itulak siya pabalik ni Juvy. Kamuntikan pang matumba ang dalaga, ngunit mabuti nalamang at nasa likuran niya si Daniel, dahilan upang kaagad siyang maalalayan nito.
Agad namang nagtaka iyong iba dahil sa ginawa ng dalaga...
“Juvy, anong ginagawa mo?” Hindi maintindihang naitanong nalamang ni Florelyn.
Juvy then smirked, and pulled something out from her pocket...
“At sino naman ang nagsabing makakalabas din kayo?”
“H--Huh??—”
May sasabihin pa sana si Florelyn, ngunit nagulantang silang lahat ng bigla nalamang siyang tinutukan ng baril ni Juvy Ann, at pagkatapos ay walang ano-anong pinaputukan ng baril!
Florelyn died instantly.
Dahil dito'y kaagad na napasigaw ang iba sa pagkagulat. Ngunit hindi pa natapos doon ang dalaga.
Sunod niyang pinaputukan ay ang mga nasa harapan niyang sina Mell, Erron, Joseph at Daniel, dahilan upang sabay-sabay ang mga itong mawalan ng mga buhay. Sinubukan pang tumakbo papalayo ni Sheena, ngunit siya naman ang sunod na pinaputukan ng baril ni Juvy mula sa likuran, killing her off instantly too.
The only ones left were Reymart, Justin and the still-in-shock Theresa...
“Hayop ka!!” Nanggagalaiting bulyaw pa ni Reymart, at susugurin na sana ang dalaga, ngunit napatumba siya nito gamit ang isang bala lamang...
Dahil sa mga nangyari'y bigla nalamang napatawa ng napakalakas si Juvy, na wari ba'y nawawalan na ito ng sarili niyang pag-iisip.
At hanggang ngayo'y gulat na gulat pa rin ang dalawang natitira nalamang na sina Theresa at Justin...
Dahil sa sobrang panghihina'y bigla nalamang napaluhot si Theresa...
“Ju... Juvy?? Anong ginawa mo??!!” Bulyaw na naitanong ni Justin sa talaga, na may magkahalong panggagalaiti, takot, kaba at lungkot.
But Juvy just continued laughing hysterically.
“Hindi mo pa rin ba makuha-kuha?” Says Juvy, in still a pretty hysterical way, at pagkatapos ay naging seryoso nalang bigla...
“It's me, Justin...” Aniya.
“I am, Bladespawn. The one and only. The ORIGINAL,” wika niya pa at muling itinutok ang baril sa binata.
She then, smiled. At dahil dito'y muli lamang na nabalutan ng hindi magmayaw na takot at kaba ang binata.
He was waiting for the bullet to hit him.
But the next thing he knew, bigla nalamang ibinaling ni Juvy ang pagkakatutok niya ng baril kay Theresa...
Siya na sana ang susunod na papaputukan nito.
Ngunit in just a blink of an eye, sunod nalamang na nakita ni Justin ang kanyang sariling tumatakbo papalapit sa dalagang kaibigan...
“Theresa!!”
Making himself a human shield from the girl her loves...
At bago pa man mapagtanto ni Theresa ang ginawa sa kanya ng kaibigan ay huli na nang malaman niyang may isang tao nanaman pala ang nagsakripisyo ng kanilang buhay, mailigtas lamang siya...
Justin was hit...
But he managed to save Theresa for the last time.
“J--Justin??”
Tanging naibigkas nalamang ng dalaga...
“A... Ayos ka lang...”
Nakangiting nasambit naman ni Justin, bago tuluyang mawalan ng buhay...
Dahil dito'y hindi na napigilan pa ni Theresa ang kanyang emosyon, at nagsimula nang dahan-dahang mamuo ang mga luha mula sa kanyang mga mata...
“H--Hindi...”
As Theresa started sobbing, walang tigil lang naman sa kakatawa ni Juvy...
“Blast! Sinasabi ko na nga ba eh!” Anito. “Alam kong kapag sa'yo ko itutok ang baril ay tatakbo agad si Justin para maging knight & shining armor mo. Cringe, but totally worth it,” aniya pa, sabay tawang muli.
“Ba--Bakit?” Mahinang naitanong nalamang ni Theresa, habang mahigpit na niyayakap iyong binata't patuloy pa rin sa pagluha. Napatingin din siya sa iba niya pang mga kaibigan. At mas nasaktan lamang siya ng makita ang mga sitwasyong kinalalagyan ng mga ito...
They're all dead...
“L--Lahat nalang... Lahat nalang ng mga taong nakapaligid sa'kin... N--namamatay...” aniyang muli.
“Ganyan talaga ang buhay dearie eh. Some days you're alive and breathing. Some other days, you're dead and rotting,” Muling sabi pa ni Juvy, clearly taking amusements in other people's sufferings.
“K--Kasalanan mo 'to...”
Theresa uttered once more.
Dahil dito'y napairap nalamang si Juvy.
“Blah, blah, blah. Yan talaga parati ang mga sinasabi niyo eh, everytime nasa bingit na kayo ng kamatayan. Pretty boring!” Sunod niya namang itinutok iyong baril doon sa dalaga.
“Now, it's your turn to die, Theresa...” Huling sinabi ni Juvy, at papaputukan na
“KASALANAN MO TO!!” Napakalakas na naibulyaw ng dalaga...
Nagulat dito si Juvy, kaya nama'y kaagad niyang kinasang muli ang kanyang baril at pinaputukan iyong dalaga.
Ngunit laking gulat niya nang bigla nalamang itong makailag!
“Te--Teka... Ano?!” Gulat na nasambit ni Juvy, dahil napakabilis ng naging pag-ilag bigla noong dalaga.
Dahil dito'y ipinagpatuloy lamang ni Juvy ang kanyang pamamaril, ngunit sa magkasabay na pangyayari'y patuloy lamang din sa pag-ilag iyong dalaga.
Punong-puno na siya ng galit mula sa kanyang isipan, na halos wala na siyang ibang maisip pa kundi ang ipaghigante ang lahat ng kanyang mga kaibigan at mapuksa na ang kasamaang idinulot ni Juvy...
Mula sa may sahig ay may nakitang isang basag na salamin si Theresa, kaya nama'y kaagad niya itong pinulot.
Pagkapulot niya rito'y agad niyang sinugod si Juvy Ann, upang saksakin.
Juvy flinched, and made another shot for the last time, but Theresa managed to evade it during its one last moment! Sabay na hinawakan ang kamay ni Juvy na may hawak na baril, at walang ano-ano'y bigla niya nalamang binali ang buto nito, dahilan upang mapasigaw ng napakalakas ang dalaga.
Ngunit hindi pa natapos doon si Theresa, agaran niyang isinaksak mula sa kaliwang mata ni Juvy iyong napulot niyang parte ng isang basag na salamin kanina, dahilan upang mas mapalakas lamang ang pagsigaw ng dalaga.
Kaagad siyang natumba dahil sa nangyari, at dali-dali naman siyang dinaganan ni Theresa...
At matapos iyo'y marahang na binunot ni Theresa ang salamin mula sa mata ni Juvy, na nagsanhi upang madala nito ang mismong eyeball ng dalaga.
Ngunit hindi pa nakuntento si Theresa't sunod-sunod niya pang pinagsasaksak ang dalaga. She wanted to hit some vital points, ngunit dahil pilit ring lumalaban si Juvy ay ginagawa niya nalamang na shield mula sa matutulis na mga pagbuno ang kanyang sariling braso. But the pain still stings her nonetheless.
“Mamatay ka na! Mamatay ka na! Mamatay ka na!!” Sunod-sunod na isinigaw ni Theresa, at itinaas ang kanyang hawak-hawak na basag na salamin upang sa huling pagkakataon ay isaksak na mula sa leeg ni Juvy...
Ngunit hindi niya pa man naipagpapatuloy iyon, pareho silang nakarinig ng isang napakalakas na alingaw-ngaw nanaman ng baril...
Napatigil si Theresa ng dahil dito...
“Freeze!!” Bulyaw ng isa sa mga pulis na kasalukuyang nasa harapan nila ngayon.
Napatingin mula roon si Theresa, at nakitang sa kanya nakatutok ang mga baril nito.
Mayamaya lang ay bigla nalamang siyang napasuka ng dugo, at nakaramdam ng isang napakasakit at hindi magandang sensasyon mula sa kanyang katawan.
Doon lamang napagtanto ng dalaga na binaril pala siya ng mga ito...
“H--Hindi ako...”
Huling naisambit ng dalaga, bago tuluyang matumba...
++
Dahil sa nangyari naman ay pakiramdam ni Juvy'y mamamatay na rin siya. Masyado siyang naubusan ng napakaraming dugo, at halos mamanhid na rin ang buong katawan niya.
At dahil dito'y unti-unti na rin siyang nawawalan ng malay.
But for the last time...
Juvy smiled upon seeing Theresa's gruesome fate...
She smiled at the fact that she still managed to get ahold of herself and survives.
And for the last time, she spoke...
“I won...”
“I really, really, won...”
T o B e C o n t i n u e d . . . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top