TFE 47: Collection of Dead Friends

Unti-unting iminumulat ni Theresa ang kanyang mga mata nang makaramdam siya ng kaunting pangangalay mula sa kanyang buong katawan.

At maliban pa roon ay nakakaramdam din siya ng lubusang ginaw mula sa buong paligid.

Nang tuluyan na siyang magkamalay at sinubukan niya munang igalaw ang kanyang katawan, ngunit mula sa kanyang mga braso, kamay at binti, hindi niya magawang maigalaw ang mga ito.

Doon lamang napagtanto ng dalaga na mahigpit na nakagapos pala siya mula sa isang itim na upuan.

She looked around, at ganoon din ang nakita niya sa kanyang mga kaibigan, na kagaya niya'y naroroon din sa kasalukuyang sitwasyon niya.

“A--Anong nangyayari? Nasa'n nanaman ba tayo?” Agarang naitanong ni Theresa roon sa iba.

“Nahuli nanaman nila tayo,” naisabi naman ni Reymart, na kagaya no'ng iba'y pilit ding kinakalas ang kanyang mga braso't binti sa pagkakagapos. But unfortunately, none of them can do a single thing.

Siyam sila ngayong magkakasama sa silid na iyon. Sina Theresa, Angelou, Joseph, Justin, Juvy, Mell at ang ngayon lamang nila ulit nakitang si Florelyn. Sa kanilang lahat, si Florelyn nalamang ang hindi pa nagigising.

At kagaya ng inaasahan, pare-pareho silang nakatali sa mga itim na upuan.

The oddest thing is...
The way they were all placed.

Magkakahiwalay sila at medyo malayo-layo ang bawat agwat sa isa't-isa. Uniformed at window-window pa nga kung tutuusin.

At kapansin-pansin din ang sahig na kinalalagyan nila ngayon. Every tile has a black and white shade in it.
Na wari bang kasalukuyan sila ngayong parang nasa isang chess board. Ngunit imbis na chess, mala-dama ang pagkakaayos ng mga posisyon nila.

At dahil sa siyam lamang sila, alam ng lahat na may ilang mga nawawala.
Sina Sheena at Erron. Sila nalang ang hindi nila mahanap mula sa buong sulok. And whatever happened to that other boy who claimed to be Mell's clone?

“S--Somebody do something!” Bulalas ni Angelou, na halatang muli nanamang nabalutan ng pagpapanik.

Dahil sa lakas ng kanyang boses ay unti-unti namang nagigising ang dalagang si Florelyn...

“Meron ba sa inyong kayang kumawala sa mga nakatali sa'ting mga lubid?” Tanong ni Justin sa mga kasama.

“Kanina ko pa sinusubukan. Pero... Napakadiin talaga ng pagkakatali sa'tin! Hindi ko makayanang makawala!” Joseph replied.

“S--Same here...”
Sagot naman din ni Theresa.

Dahil dito'y napa-“Tsk” nalamang si Justin nang dahil sa inis, and angrily gritted his teeth in full range.
“What kind of sick game is he plotting this time?”

+++

Mula sa may itaas na bahagi naman ng silid ay unti-unti na ring nagkakaroon ng malay ang binatang si Erron.
Nasa may kaliwang bahagi siya ng silid, habang sa may kanang bahagi naman, sa mismong may di kalayuang harapan ni Erron, ay nadoon naman ang dalagang si Sheena. At kagaya niya'y unti-unti na rin itong nagigising...

At nang tuluyang magkamalay ay pareho silang nagimbal sa sunod nilang mga nasilayan.

They're both on top of the room, habang mula sa may ibaba nila naman ay pare-parehong naka upo sa isang itim na mga upuan, habang naka gapos pa sa mga ito ang ilan sa kanilang mga kaibigan.

Lahat sila'y nasa may kaliwang bahagi ng silid mula sa baba, di kalayuan sa may itaas na bahagi ni Erron.

Mula sa baba ni Sheena naman ay may mga estatwang wari ba'y mga hugis chess pieces.

And to think that, it looks more like, the whole room's some kind of a chess battlefield just made both Sheena and Erron sick to their stomach.

“No... Not again...”
Naibulong nalamang ni Erron sa kanyang sarili, nang mapagtantong nasa isang killing game nanaman sila, at trapped nanaman sa mga palaro ni Bladespawn...

++

“Shit! Guys! Tingnan niyo! Nasa itaas sina Sheena at Erron!” Bulalas na sinabi ni Reymart nang mapatingin siya sa itaas at makita ang dalawang kaibigan.

“Sheena! Erron! Ayos lang ba kayo?” May halong pag-aalalang tanong ni Justin sa mga kasama.

“Not really...” Sagot naman ni Erron.
Habang si Sheena naman ay hinang-hina pa rin at wari ba'y parang umiikot ang kanyang mga paningin.

“What the heck is happening?!” Muling naitanong ni Erron.

“Guess what?” Joseph replied...
“The son of a bitch got us again!” aniya pa.

“H--Hindi na 'to nakakatuwa!” Bulalas naman ni Angelou.

Mell couldn't help himself but close his eyes and bow. Bagay na napansin naman ni Daniel.

“Dude, anong ginagawa mo?”

“This is it,” aniya.
“He's never gonna stop until there's nothing left with us but our rotting corpses. We're all gonna die...”
Tanging naisambit nalamang ng binata, mahahalatang masyado nang pinanghihinaan ng loob...

“A--Ano ka ba, Mell! Wag mong sabihin yan!” Sabi ni Angelou.

Ngunit napahinga nalamang muli ng malalim si Mell.

“B--Bakit?” Mayamaya'y bigla namang nagsalita ang kagigising lamang na si Florelyn...

“F--Florelyn... A--Ayos ka lang?” Tanong sa kanya ni Theresa, sinusubukang kamustahin iyong kaibigan, despite of whats happening.

“Kailangan ko pa bang sagutin yang tanong na yan?” Florelyn replied.
“Iniwan niyo 'kong lahat... Miraculously, no'ng gabing iyon, nagawa ko pa ring maka-survive. Nagpakalayo-layo ako... Ta--Tapos... Tapos—” halos hindi maituloy-tuloy ni Florelyn ang kanyang mga sinasabi dahil sa magkahalong mga emosyong kanyang nararamdaman ngayon.

“Darling, the truth is... You never actually left...”
Sabat bigla ng isang boses mula sa isang napakalakas na speakers.

Isang bagay upang magpaagaw ng pansin sa kanilang lahat.

“Ikaw nanaman!” Naibulyaw ni Reymart doon sa boses.

“Walang hiya ka, pakawalan mo kami rito!!” Bulyaw naman ni Juvy.

“Awww, now where's the fun in that?” Muling sabi noong boses mula sa speakers.

“Hayop...”
Nanggagalaiting naibigkas nalamang ni Justin...

“Don't worry, pakakawalan ko naman talaga kayo eh. Pero, let's play a little game first. You know cause, it's already a tradition.”

“Fuck you!” Bulyaw muli ni Reymart.

Mula sa may itaas naman ay makikitang halos sumabog na rin si Erron dahil sa nag-uumapaw na galit na kanyang kinikimkim.

But for some reasons, imbes na tuluyang magalit kagaya noong iba ay mas pinili nalamang ng binatang pakalmahin ang kanyang sarili't mapahinga ng malalim.

“Then let's get this over with...”
Sabi pa ni Erron doon sa nagsasalita.

“Oooh... Finally! Some encouragement!”

“Erron, anong ginagawa mo? Hindi mo ba alam na mas pinapaganahan mo lang ang hinayupak na yan dahil sa sinabi mo?!” Reklamo ni Reymart sa binata.

“Kaya mo bang makaalis mula sa pagkakatali?” Tanong ni Erron kay Reymart.

“A--Ano?”

“Just answer the question.”

Reymart, then again used all of his strength to free himself from being tied up. But, it was no use.

He sighed.
“Hindi...”

“At isipin nalang natin na, nakawala ka nga. Sigurado ka bang patatakasin ka nalang basta-basta ni Bladespawn?” Muling tanong pa ni Erron sa binata.

Bagay na nag-aalangang ikina-iling nalamang ni Reymart.
“H--Hindi rin..."

“Ako rin eh," aning muli ni Erron.
“Kaya wala tayong magagawa kundi ang sumunod nalamang sa ipinapagawa sa'tin ni Bladespawn.”

Dahil sa mga sinabi ni Erron ay napatawa ng sobrang lakas iyong boses na nasa may speakers.

“See? Yan ang parating hinahanap-hanap ko sa inyo eh. Yang mga pagiging palaban niyo! And as your legal guardian, you have no idea how proud I am to each and every one of you. Always.” Muling iniwika nito, mocking everyone with his sarcasm.

“Bullshit!!” Bulalas ni Justin.

“I love you all too,” sagot lamang nito, at napahinga na ng malalim, sabay agad na iniba na ang usapan.
“Okay, unfortunately, we don't have all day. Kaya kung gusto niyo pang mabuhay at maitawid ang death game na ito, makinig kayong lahat ng mabuti. Lalong-lalo na kayong dalawa, Erron Mark Mejico at Sheena Marie Morano. Dahil sa larong ito, kayong dalawa ang ating magiging main players...”

Dahil sa huling sinabi ni Bladespawn ay mas nakaramdam lamang ng mas nanaig na pagka-discomfort sina Sheena at Erron. Mahahalatang sila ang labis na kinakabahan sa mga susunod ma maaaring mangyari.

“For this game, as you guys can see, we're in a chess-board battlefield. Only in this case, it won't be a chess game. Instead, we'll be playing the easier one. DAMA. Since, I know most of you here doesn't know how to play chess. See? May kaunting puso rin naman ako kahit minsan.” He blabbered, and then continued...

“Anyway, the objective is... Since sina Erron at Sheena lang naman ang ating magiging main players, the rest of you won't be doing anything but to just sit, and wait for your fates to close in.”

“W--Wait for our fates to... C--Close in? Te--Teka... Anong ibig mong sabihin don?” Kinakabahang naitanong ni Joseph.

“In other words, you'll perish waiting whether you live or die. All of your lives are now in the hands of Sheena and Erron. Meaning, if you all die, your blood will be on their hands now,” Muli nitong salaysay, dahilan upang muli nanamang mabahala iyong iba.

“As you can see, kayong siyam mismo ang mga magiging dama pieces para sa larong ito. Justin, Theresa, Mell, Juvy, Florelyn, Daniel, Reymart, Angelou and Joseph. You are all going to be Erron's dama pieces. While sa side naman ni Sheena... She'd have her own pawns to play with. Since kulang tayo ng cast members, mga statwang hugis chess pieces nalamang muna ang lalaruin ni Sheena.”

“Pe--Pero parang ang unfair naman yata!” Nasambit bigla ni Theresa.

“O--Oo nga!” Pag sang-ayon pa ni Daniel. “Bakit kami, siyam lang? H--Habang 'yong mga statwang dama pieces sa side ni Sheena eh dose?!” Aniyang muli.

Ngunit napatawa lamang si Bladespawn dahil dito.
“I mean... Who the fuck cares?” aniya.
“Erron's a smart kid, I'm pretty sure he'll figure it all out!”

“Uhh... E--Excuse me?” Florelyn tried asking politely.

“Yes, dear Flo?”

“P--Papaano ho ba gagana ang g--game na 'to? S--Simpleng dama lang naman ho diba? L--Like... I--If both Erron and Sheena's side are done playing then... L--Lahat kami eh... P--Pwede nang makalabas?” Aniyang muli.

“Stop being polite to the crazy bastard!” Reklamo ni Reymart kay Florelyn dahil panay gamit ito ng ho at po doon sa halata na ngang mamamatay tao...

But no one can really blame her. She's just afraid...

“Awww, I'm so sorry, dearie. But that's just not how the game works,” Bladespawn replied.
“You see, if Sheena's pieces succeeds on eating one of Erron's pawns, then... Those pawns are going to die.”

Dahil sa sinabing iyon ni Bladespawn ay muli lamang namuo ang magkahalong takot at galit mula sa mga magkakaibigan.

“Pe--Pe--Pero...”
Mangiyak-ngiyak nang sobra si Florelyn.

“Napaka hayop mo talaga!” Nanggagalaiting naibulyaw naman ni Theresa.

“I know, I know. Mahal ko rin kayo.”

Halos parang aatakihin na ng asthma ang binatang si Erron, kahit na wala naman talaga siyang asthma.

Ang gusto niya lang naman ay ang mailigtas ang lahat ng kanyang mga kaibigan. Pero sa sitwasyon nilang ito ngayon ay pakiramdam niya'y parang siya pa ang maghahatid sa kanilang mga kamatayan.

Why did he have to be the main player?

“P--Papaano kung a--ayaw namin?!”
Sa kalagitnaan ng muling pagpapanik ng lahat ay bigla nalamang iyong naitanong ng dalagang si Sheena.

“Ehhhh??” The killer was a little bit irritated about the said question.

“P--Papaano kung hindi namin sundin yang mga pinagsasasabi mo? P--Papaano kung hindi kami maglaro?”

Behind the speakers, the killer carved a wide smile on his face, and spoke once more...
“Then you'll all probably end up like THEM too...”

Mula sa may gilid ng silid ay bigla nalamang may nag-ilaw sa may audiences seats...

At mula roon ay pare-pareho silang nagimbal sa kanilang mga sunod na nakita.

Ang mga bangkay ng lahat ng kanilang mga kaklase't kaibigan.
Lahat ng mga ito, mula sa mga unang namatay na sina Jaica, Clariza, Vince at Lester, hanggang sa mga bago lamang na naging mga biktima ni Bladespawn na sina Ophelia, Marvie, Hanzell at Raffy. Lahat sila ay naroroon. Nakaupo sa tig-iisang mga upuan, na wari bang mga manonood sa susunod na mangyayaring death game. The only problem is... Now, they're all nothing but a bunch of rotting corpses...

Dahil dito'y walang ibang nagawa naman iyong iba kundi ang magimbal at mapasigaw nalamang sa kanilang mga nakita...

“O--Oh my god! P--Pati sina Rejielyn, Ophelia at Raffy?!” Naibulalas bigla ni Angelou nang makita ang mga ito sa may harapang bahagi ng audience seats, dahil ang buong pag-aakala niya'y buhay pa sila.

“Meh, they were the latest addition to my collection...” says the Bladespawn.

“P--Pati s--si Alexandra... N--Nandiyan din...” Nasambit naman ni Theresa, nang makitang naroroon din ang inakala nilang tunay na mastermind sa mga nangyayari.

“I know... You have all missed them so dearly,” says the killer.
“But don't worry. Soon, you'll be with them. And you're all gonna live happily ever after,” aniya pa, at pagkatapos ay muli nanamang napatawa ng sobrang lakas...

“So... What are we waiting for? Let the final exam killing game truly begins!”












T o B e C o n t i n u e d . . . . . . . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top