TFE 40: And the Madness Continues

3 months later...

Matapos ang mga kahindik-hindik na nangyari sa Mary Hill Woods ay napagpasyahan ng mga estudyanteng mag-kanya-kanya nalamang muna. Nagsipag-layuan sila sa lugar na kung saan nag-iwan sa kanila ng trauma.

Sa lugar na kung saan ay nawalan din sila ng napakaraming mga kaibigan, at sa parehong lugar kung saan kamuntikan na 'rin silang kunin ni kamatayan.

21 students survived during the night of the last murders on Mary Hill Woods. Namely... Angelou, Raffy, Daniel, Rejielyn, Erron, Reymart, Faye, Mell, Hanzell, Rosario, Heide, Nicole, Ian, Sheena, Joseph, Theresa, Justin, Florelyn, Juvy, Mark and Ophelia

But there are still tons of unaswered questions surrounding with them.

What happened to Joyce and Gab?

Where are Richard and Angel?

And who exactly is the Mell at present? Is he still the true Mell?

What secret is Zaira hiding?

What about the killing game?

Is it really over?



++


"It's not over yet..."

Iyon ang mga salitang inibigkas ng dalagang si Rosario matapos ang nangyari sa araw na sana'y pauwi na sila mula sa kanilang home village.

Bagay na hanggang ngayon ay nagpapabahala pa'rin sa karamihan sa kanila...



++



"Bon appetit!"

"Wow! Zell, ikaw ba talaga ang nagluto sa lahat ng ito?" Manghang sabi ni Faye, habang naka-titig sa mga pagkaing inihanda sa kanila ni Hanzell.

Kasalukuyan sila ngayong nasa bahay ng binata. It has been 3 months simula noong magkakasama sila ulit. At pakiramdam nila'y parang tatlong taon na iyon.

Kasama din nina Faye at Hanzell ngayon sina Raffy at Ophelia.

They were all supposed to attend a reunion party kasama ang iba pang mga naging kaklaseng sina Mark.
But instead of going, they've decided to make a party of their own.

"Wag kayong mahihiya ah? Kain lang kayo nang kain. Marami pa yan," aniya.

"You really are a good cook," says Raffy.
"Let me guess, when you go to college, cookery ang kukunin mong course noh?" He asked.

Bahagyang napaisip naman ng dahil dito si Hanzell, sabay na napa-taas-baba nalamang sa kanyang balikat.
"Di ako sure brad eh. Sa ngayon wala pa sa isip ko yan, pero... Why not? Sana lang talaga, eh maka-graduate na talaga tayo," aniya.

Napa-buntong hininga naman si Faye.
"Tama ka. Ever since we left Annex High, sa sobrang trauma eh pare-pareho tayong hindi na muna nakapag-enroll sa ibang school," wika nito.
"I think gano'n din sina Mark eh—"

"Can you guys please, don't mention him? Or any of them?" Singit na sabi naman ni Ophelia, dahilan upang pare-parehong mapatingin sa kanya sina Faye, Raffy at Hanzell.

"Bakit?" Takang tanong ni Raffy.

"Just don't," agarang isinagot ni Ophelia.

Mahahalata kasing hanggang ngayon ay hindi pa'rin maka-move on ang dalaga sa mga nangyari sa kanila sa Annex High, pati na'rin sa Mary Hill Woods.

Ayaw na ayaw niyang naririnig ang mga pangalan noong mga naging kaklase niya doon. Patay man o buhay. Dahil naaalala niya lamang ang mga nangyari sa kanila, tatlo buwan na ang nakakalipas.

She didn't even wanted to be around Faye, Raffy and Hanzell.
Ngunit dahil sa pinilit siya ng mga ito ay wala siyang ibang nagawa kundi ang makisama.

Dahil sa sinabi ni Ophelia ay iibahin na sana nina Faye ang usapan.
"All right! Siguro ang mabuti pa, kumain na tayo?—"

Ngunit natigil siya sa pagsasalita nang magsalitang muli si Ophelia...
"H--Hindi nalang sana tayo dapat nag-transfer pa doon eh," aniya.
"K--Kung nanatili nalang sana tayo sa sariling klase natin... E--Edi sana, hanggang ngayon buhay pa sina Chris, Aldrich, Jessa at Bettylou. A--At hindi sana nangyayari ang lahat ng iyon sa'tin," nagsimula nang maging malungkot ang boses niya. Halatang pinipigilan ang sariling hindi maiyak.

Dahil dito'y nagkatinginan nalamang iyong tatlo.

Agad na hinawakan ni Faye ang kamay ni Ophelia, trying to calm her friend down.
"Wag mo nang alalahanin pa ang mga nangyari sa'tin Phels. I know it's sad that we've lost alot of friends. Pero, wala na tayong magagawa pa. The important thing is that, atleast we survived," aniya.

"Survived? For how long? Sa tingin niyo ba talaga tapos na ang lahat?" Wikang muli ni Ophelia.

"It's over, Phels," ani Raffy.
"Kung iniisip mo ang nangyari kay Claire, it happened not because there was another killer. Napag-alaman ng mga pulisyang may inilagay na kung anong klaseng heat radiation machine bomb malapit doon si Alexandra, kaya naman ay bigla nalamang sumabog ang mga sasakyang naroroon. Alexandra planned it from the start, so the rest of us will die kapag sumakay tayo sa isang vehicle. She never wanted any of us to escape to begin with."

Umiling-iling naman si Ophelia dito.
"No. I don't think it was just her. Hindi niya magagawang makapatay ng napakaraming tao mag-isa lang sa iisang gabi. And besides, she already confirmed it herself! She was not alone. They are not alone.

Dahil sa sunod-sunod na sinabi ni Ophelia ay matapos iyo'y nabalutan na muna sila ng isang nakakabinging katahimikan.

Hanzell, Raffy and Faye were stunned-shocked because of what Ophelia just told them.

Dahil dito'y matapos ang pitong segundo ay napa-buntong hininga nalamang si Ophelia, sabay na napa hilot muna sa kanyang noo.
"S--Sorry," pag-hingi niya ng paumanhin.
"I--I got carried away again."

Napa-hinga nalamang ng malalim si Raffy.
"It's okay," aniya.
"We know that you're still scared, and you're in deep trauma because of what happened. We all are. Not just the four of us. Pero Ophelia... sana kahit ano pa ang mangyari, wala sana ni-isa sa'tin ang magpapakain sa takot."

"Raff's right," says Hanzell.
"We can do this. We can move on! And we have to!" Aniya pa.

Dahil dito'y mahinang napangiti nalamang si Ophelia, sabay tumango bilang pag-sang-ayon.
"Y--You guys are right. And again, I'm sorry."

"All right! Now that that's settled, shall we all eat na? I'm so hungry I can literally eat all three of you guys!" Singit sa kanila ni Faye, na halatang sumubok pang magbiro. Bagay na ikinatawa nalamang noong iba.

Matapos iyon ay sinimulan na nga nila ang kanilang pagkain.

But after a few minutes ay pare-pareho nilang narinig ang pag-ring ng doorbell ng bahay nina Hanzell.

"Were you expecting someone?" Takang tanong ni Faye kay Hanzell.

"Ay oo! Sina Rachel at Janill!" Says Hanzell.

"Wait... You invited them?" Ophelia asks.

"Yeah, why? Hindi ba bestfriends niyo 'rin naman 'yong dalawang 'yon?"

Ophelia rolled her eyes in annoyance.
"Yeah, probably Janill. But Rachel?!" She groans in disbelief.

"Hindi pa'rin kayo bati?" Takang naitanong ni Raffy.

"Never!" Sabi naman ni Ophelia.

"Well, wala na tayong iba pang magagawa. Natawagan ko na sila eh," says Hanzell.

"And it's probably them na. I think you should open the door and let them in," ani naman ni Faye.

"It's them, or it's the pizza I've ordered," matapos iyon ay kaagad nang tumayo mula sa kanyang kinauupuan ang binata at agad na lumapit mula sa pintuan ng kanilang bahay upang pag-buksan iyong mga inaasahang tao mula sa likod ng pinto.

"He-llow ladies!—"
Pagbati ni Hanzell sa taong nasa likod ng pinto, ngunit agad lamang siyang natigilan nang makita ang itsura nito...

"Te--Teka... S--Sino k—"
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakapagsalitang muli ang binata'y may bigla nalamang itinusok sa kanyang leeg iyong misteryosong tao.

It was a syringe. Bagay na agad na nalaman ng binata. Ngunit bago pa man siya makagawa ng kahit na anong reaksyon ay bigla nalamang siyang natumba sa panghihina't nawalan nang malay.

Bagay na nagpagulat doon sa tatlo niya pang kasama.

All three of them stared at the person in front of them when a terrified expressions on their faces.

Nakasuot ang taong iyon ng isang wari ba'y ulo ng usong mascot, at naka-suit pa.

"Shit!" Biglang naibulalas nalamang ni Ophelia.

"Sino ka?!" Bulyaw naman ni Raffy.

But instead of saying something, bigla nalamang may itinapong maliit na bagay iyong tao mula sa kanilang tatlo.

It looked like a bomb, and they actually thought it was going to explode, ngunit kasabay nang pag-bagsak ng bagay na iyon mula sa mesang nasa harapan nila'y siya naman ang biglaang pag-bulusok ng usok mula rito.

"T--Tear gas!!" Naisigaw nalamang ni Faye.
"W--Wag niyong... S--Singhutin!" Sigaw niya pa. But it was already too late dahil parehong wala nang malay sina Raffy at Ophelia.

Faye tried looking back at the door, but was shocked to see the person no longer there!

Dahil dito'y mas kinabahan lamang ang dalaga.

Nagpalinga-linga siya, at sa pag-lingon niyang muli mula sa kanyang likuran ay nagulantang ang dalaga nang may bigla nalamang sumuntok mula sa mukha niya, dahilan upang siya naman ang matumba mula sa sahig at kaagad na mawalan ng malay.


+++

"In all fairness naman, ang tagal-tagal mo!" Sabi ni Rejielyn sa kakarating lang na si Heide. "Mag-aalas dyis na ng gabi oh!"

Kanina pa sila naka-upo sa may waiting shed ni Ian, walang ibang ginawa kundi ang hintayin si Heide.

"Sorry, natagalan pa kasi ako sa pag-pili ng susuotin eh," aniya.
"Balak ko sanang magsuot ng pang-pormal, pero baka ako lang ang maiba sa'tin, kaya ito nalang ang isinuot ko," sabay turo sa kanyang kasuotan.

Isang simpleng asul na t-shirt na may mukha pa ni Doraemon at puting saluwal nalamang ang sinuot ni Heide.

"It looks fine. You look pretty in whatever things you wear naman, diba Keech?" Says Rejielyn, sabay siniko pa ang katabing si Ian, nang mapansing nakatulala ito habang nakatingin kay Heide.

"Ha? Ah... O--Oo!" Sabi ng binata habang namumula pa.
"So ano... Tara na?"

"Wait, are you guys sure na dadalo talaga iyong iba?" Tanong ni Heide sa mga kaibigan.

Papunta sana sila ngayon sa bahay nina Theresa.

Napag-didisyunan ng magkakaibigang mag-reunion, matapos ang tatlong buwan.

Rejielyn shrugged her shoulders as an answer.
"Si Florelyn nasa States pa'rin kasama ang kanyang pamilya. Hanzell, Ophelia, Faye and Raffy refused to come. Sabi nila may sarili daw silang mga lakad. About the others? Well, I'm not actually sure yet, but for sure si Theresa ando'n 'yon! And if there's Theresa, there will be Sheena and Justin. And if there's Sheena, there will be Joseph. The others may or may not come though," mahaba-haba niyang sabi.

"Sigurado akong ando'n sila," sabi naman ni Ian.
"Bakit? Are you still not ready to see them, Heids?"

Umiling naman si Heide.
"It's not it," aniya.
"I'm actually excited to see them again! I--It's just that... What if mag flash nanaman ang mga bad memories kapag—"

"Just don't think about what happened from the past, Heids," ani Rejielyn.
"The main reason why we're all gathering together, is for all of us to have fun, after what happened months ago. And to honor the rest of our friends who sadly cannot be with us anymore. From Darwin—our first buddy to become a victim of the unfortunate events, to Claire."

"Tama si Rejielyn, Heids," aning muli ni Ian.
"Wala nang may masasamang mangyayari pa sa kahit na sino sa'tin."

Dahil sa sinabi sa kanya ng mga kaibigan ay bahagyang napa-ngiti nalamang ang dalaga, at napa-buntong hininga.
"Tama kayo," aniya.
"So, what are we all waiting for? Let's go!"

Matapos iyon ay nauna nang maglakad si Heide papaalis ng waiting shed, upang sana'y maghanap na ng masasakyang taxi, at mula sa kanyang likuran ay sumunod naman sa kanya iyong dalawa...

Habang naglalakad naman ay pare-pareho silang napatigil nang may makitang isang babaeng naka-upo mula lamang sa may ligid ng kalsada.
Nakayuko ito, at makikitang umiiyak.

"Sino yo'n?" Takang naitanong ni Heide.

"Probably just some random kid who got dumped by her boyfriend," says Rejielyn. "Let's just go."

"No way. We have to check if she's alright," aning muli ni Heide.

"Heids? Didn't your parents told you not to talk to strangers?" Pahabol na aning muli ni Rejielyn, ngunit hindi nalamang siya pinansin pa ni Heide't kaagad na lumapit doon sa umiiyak na babae.

"Tama naman si Heide eh," says Ian, at pagkatapos ay sumunod na'rin sa dalaga.

Dahil dito'y napa-irap nalamang si Rejielyn sa pagka-bagot.
"We're gonna be late!" Aniya.

+

"Mi--miss?... okay ka lang?" Tanong ni Heide doon sa dalaga.

Ngunit hindi manlang siya nito tiningnan at nagpatuloy lamang sa pag-iyak.

"Miss, tayo ka. Sa'n ka ba nakatira't ihahatid ka nalang namin kung gusto mo," ani naman ni Ian.

"Are you guys kidding me?" Rejielyn uttered...

Ngunit talagang iyak parin ito nang iyak.

"Miss—"
Hahawakan na sana ni Ian ang balikat noong dalaga, ngunit bahagya lamang silang napapitlag nang umuna ito sa pag-hawak mula sa kanyang kamay, habang naka-upo't naka-yuko pa'rin.

Mayamaya'y dahan-dahan namang tumatayo iyong dalaga, habang hawak-hawak pa'rin ang kamay ni Ian...

Nakatabon ang buhok nito mula sa kanyang mukha, kaya nama'y hindi nila ito makilala.

Ngunit wari ba'y nakita na nila ang physique nito sa kung saan...

"Papatayin niya kayo... K--Kagaya no'ng ginawa niya sa akin. S--Sa amin..." May pagka-mahinang biglang iniwika noong dalaga.

Bagay na bahagyang nagpakilabot naman doon sa tatlo.

"S--Sino ka?" Naisambit ni Rejielyn.

Matapos iyon nama'y dahan-dahang ini-angat noong dalaga ang kanyang ulo, habang nililingon iyong tatlo.

At doon lamang nila nakita ang mukha nito.

Kung hindi sila nagkakamali ay isa iyon sa kanilang mga kaibigan.

Kaibigang pag-aakala nila'y matagal nang nilisan ang mundo.

"Ja--Jaica!?" Hindi makapaniwalang naiwika ni Ian.

Dahan-dahan namang binitawan noong babae ang kanyang kamay, dahilan upang kaagad silang mapa-atras papalayo dito...

Ngumiti si Jaica ng nakaka-kilabot, sabay na may itinuro mula sa kanilang likuran.

"Hindi ito ang mundong inaakala niyo," wika nito, at pagkatapos ay dahan-dahan nang naglakad papalayo sa kanila.

Habang naglalakad ito ay bigla nalang itong nawala na parang hangin...

Kinilabutan silang tatlo dahil sa kanilang nakita, at ramdam din nilang pare-parehong nanindig ang kanilang mga balahibo.

"A--Am I having a psychotic episode?" May halong kaba at takot na naitanong nalamang ni Rejielyn.

"Hindi," says Heide, sabay na napa-lunok ng kanyang laway dahil na'rin sa kaba. "We all saw the same thing right?"

"S--Si Jaica. Si Jaica 'yon!" Sabi naman ni Ian.

"Ang mas mabuti pa siguro, umalis na tayo dito," suhestyon ni Heide.

"Mas mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Rejielyn.

Matapos iyon ay tatalikod na sana sila upang kaagad nang makaalis mula 'roon.

Ngunit saktong pagka-talikod naman nila'y may isang taong naka-suot ng bear mascot head and suit ang bigla nalamang sumulpot mula sa kanilang harapan.

"You're not going anywhere," sabi nito, at walang ano-ano'y may itinusok na bagay mula sa leeg ng taong pinaka-malapit sa kanya.

"Rejielyn!!" Naisigaw ni Heide nang makita ang pangyayari.

Matapos iyo'y bigla nalang nakaramdam ng panghihilo't pamamanhid mula sa kanyang katawan ang dalaga, dahilan upang mawalan siya ng lakas at matumba sa semento.

"B--Bladespawn?!" Shouted Ian.

"No. I go by Mr. Bear Sinister now," ani naman noong tao.

"Hayop ka!!" Aatakihin na sana ni Ian iyong tao sa pamamagitan ng pag-suntok nito mula sa kanyang mukha, ngunit kaagad lamang itong naka-ilag sa kanya't bigla nalamang siyang tinurukan no'ng isa pa sa mga syringe na hawak niya, dahilan upang mangyari din sa kanya iyong nangyari kay Rejielyn.

Ngunit hindi pa man tuluyang natutumba ang binata'y muli siyang napa-lingon kay Heide...
"Tak....bo," he uttered, as he felt down from the ground.

"Ian!! Rejielyn!!"
Napasigaw nalamang ang dalaga habang nakatingin sa kasalukuyan na ngayong naka-handusay sa semento niyang mga maibigan.

"We're not over yet, princess!" Says Mister Bear Sinister, at pagkatapos ay naglabas nanaman ng isang syringe mula sa kanyang bulsa.

Dahil dito'y agad nalamang na napa-takbo papalayo ang dalaga, habang patuloy pa'rin sa pag-sigaw at pag-hingi ng tulong, trying to get other people's attention.

At dahil naman sa pag-takbo ng dalaga ay napa-irap nalamang mula sa likuran ng suot niyang maskara iyong tao. Halatang wala ito sa mood na makipag-habulan.
"You guys never stop," he said to himself, at walang ano-ano'y bigla nalamang ini-hagis iyong syringe doon sa dalaga.

She was already too far away, ngunit gayo'n pa ma'y nagawa pa'rin siya nitong maabutan.

Kaagad na tumusok mula sa likuran ng kanyang leeg iyong injection habang siya'y tumatakbo.

Naramdaman niya iyon, ngunit patuloy pa'rin siya sa pag-takbo. Nagbabakasakaling makakatakas pa'rin doon at mahihingan ng tulong sina Ian at Rejielyn.

Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay nakaramdam na siya ng panghihina, dahilan upang kaagad siyang matisod sa kakatakbo't madapa.

Unti-unti nang nag-didiliryo ang kanyang paningin.

She even tried crawling away, but it only took three seconds, bago siya tuluyang abutan ng naging epekto sa kanya noong syringe...

+++

"Isang shot pa ho ba?" Tanong noong bartender na lalake sa binatang si Mark, na kasalukuyang nasa loob ng isang bar at naglalasing mag-isa.

"Wag na, ayos na 'ko dito," sagot niya doon sa lalake, at pagkatapos ay ininom iyong huling shot niya.

Papunta sana siya doon sa class reunion nilang magkakaklase, sa bahay nina Theresa. But for obvious reasons, mas pinili nalamang niyang mag-lasing mag-isa.

Hindi pa kasi siya nakaka-punta doon ay muli niya lamang na naalala ang mga nangyari sa kanya tatlong buwan na ang nakakalipas...

The trauma he once suffered keeps coming back to him.

At pakiramdam ng binata'y mas babalik lamang ang mga alaalang pilit niyang kinakalimutan kapag muli niya nanamang makita ang mga mukha ng kanyang mga kaklase.

It's not like he blames them or anything—ayaw niya lang talagang makita na muna ang mga ito, dahil ayaw niyang bumalik muli ang lahat.

"Uy! Tingnan mo girl oh, ang pogi! Lapitan kaya na'tin?" Narinig ni Mark na naibulong noong isang baklang katabi nitong bakla din.
"Mukhang iniwan ata ng girlfriend oh."

"Hala girl! Tumahimik ka nga! Baka marinig ka niyan!" Suway naman sa kanya noong isa.
"balita ko isa daw yan sa mga taga section gold ng Annex High eh!"

"Oh, tapos?"

"Delekado! Baka mahawaan tayo sa death virus na dinadala niyan! Eh balita ko halos lahat ng kanyang mga kaklase patay na eh. May sumpa daw kasi ang buong section nila."

"T--Talaga ba? Ibig sabihin, sila din 'yong galing sa Mary Hills? Bakla ang mabuti pa umalis na tayo!"

At matapos iyon ay bigla nalang silang nagtatakbo palabas ng bar.

"Tss!" Tanging nagawang reaksyon nalamang ni Mark nang marinig ang mga malalakas nitong mga bulungan.

Naisip niya, kung hindi lang sana sila mga bakla ay marahil naupakan niya na ang mga iyon.

Moments later ay parang nakakaramdam na ang binata na sumasakit ang ulo't tiyan niya. Siguro ay marahil na'rin doon sa nainom niyang mga alak. Kaya nama'y agad nalamang siyang napatakbo papuntang comfort room.

Pagka-pasok sa loob ay agad naman siyang nag-tungo mula sa isa sa mga cubicle na naroroon at walang habas na sumuka.

Matapos ang ilang minuto ay dahan-dahan namang lumabas sa cubicle iyong binata't napalapit mula sa may sink.

Pakiramdam niya'y hiling-hilo pa'rin siya. Nasobrahan nga yata talaga siya ng nainom.

Nang makalapit sa may sink ay kaagad niyang pinaandar ang gripong naroroon at agad na naghilamos, upang sana'y mabawasan ang kanyang pagka-sabog.

"Hindi nalang sana ako nag-punta pa 'rito," mahinang naiwika ng binata, habang naka-yuko pa'rin sa may sink.

Not knowing na dahan-dahan na palang bumubukas ang pinto noong isa sa mga cubicle na naroroon...

Mark didn't even took a glance at the mirror infront of him. Dederetso na sana siya papalabas doon sa C.R, ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalabas ay bigla nalamang siyang hinatak pabalik noong taong nasa likuran niya, at walang ano-ano'y bigla sinuntok ang kanyang mukha.

Dahil na'rin sa sobrang kalasingan ay hindi na gumamit pa ng kahit na anong syringe na pampa-tulog iyong tao upang mapa-tumba si Mark, dahil sa isang suntok lang ay nawalan na ito ng malay. Dala na'rin sa sobrang kalasingan.

"A disappointing class president," bulong pa no'ng tao sa sarili.

++

"Heto Rosario oh! Sa tingin mo ba maganda?" Tanong ng dalagang si Nicole, habang may isinusukat pang damit. Asking Rosario if it was pretty.

Kasalukuyan sila ngayong nasa loob ng isang mall at namimili ng mga kung ano-ano.

Plano 'rin sana nilang umattend doon sa class reunion nila, at ang pakay lang sana nila dito sa mall ay ang bumili ng mga pwedeng makain o pam-pulutan, but it turns out, Nicole has other plans.

Rosario rolled her eyes in both annoyance and boredom.
"Ba't ba hindi nalang si Rejielyn o Heide ang isinama mo rito? Sinasabi ko naman sa'yo Nicole, wala akong alam tungkol diyan sa mga fashion mo," reklamo ng dalaga sa kaibigan.
"At niloko mo pa ako ah. Sabi mo hindi lang tayo magtatagal dito, ba't namimili ka na ng mga sobrang girlish nanamang mga damit?"

Bahagyang napahinga naman ng malalim si Nicole dahil dito.
"Both Rej and Heide are already with Ian. And will you please chill? We'll get there when we get there! At nasa mall na'rin tayo, edi itodo na na'tin ang pamimili! Libre ko naman eh!"

"Paulit-ulit kong sinasabi sa'yo, magkaiba nga tayo ng taste sa fashion," seryoso at medyo naiinis pa'ring sabi ni Rosario.

"You're too gothy, Rosario! And Instead of being too weird all the time, I oras na for you to change looks! Sayang ang ganda mo girl! Ang dami mong pwedeng mabingwit na mga koreanong sugar daddies!"

Dahil sa sinabi ni Nicole ay muli lamang na napa-irap si Rosario, sabay na ibinaling nalamang ang tingin sa ibang bagay.

At saktong pag-lingon niya mula sa kanyang kaman ay wari ba'y sa isang iglap lamang ay may nahagip ang kanyang mga matang kakaiba.

A person whom was standing and staring at them from afar, behind the crowded people walking everywhere was spotted.

Nang parehong matama ang mga mata nila'y kaagad ring naglakad paalis iyong tao, merging with the other people.

The only weird thing was...

He was wearing a bear mascot mask, na dahilan upang kaagad na magtaka si Rosario dito.

"Kailangan na nating umalis dito," aniya.
"May nararamdaman akong kakaiba"

This time, si Nicole naman ang napa-irap.

"See? Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. You're starting to act weird again! Mabuti nalang talaga't sanay na ko sa—"

"Listen, fox-face! Tawagin mo na akong weird, but I know we're all still going down. None of us are still really safe. And whatever's gonna cause it, it won't be an easy one. The final exam isn't happening yet," agarang sabat ni Rosario kay Nicole, dahilan upang matigilan naman sa pagsasalita iyong dalaga, at muling makaramdam ng kaba.

"What do you mean?"

"Whoever's doing this is still out there. He's gonna get every single one of us. Hindi siya susuko hangga't buhay pa tayo. We're in the endgame now," muling sabi ni Rosario.

Ngunit dahil sa sinabi ng dalaga'y kinainisan lamang siya ni Nicole, at walang ano-ano'y bigla nalang itinapon mula sa kanyang mukha iyong hawak niyang damit.

"Ano ba Rosario, ENOUGH!" Sigaw niya dito.
"Hindi ka ba talaga hinihingal diyan sa mga pinagsasasabi mo?! Pasalamat ka pa nga't nakikipag-kaibigan pa ako sa'yo eh! You're just a stupid weirdo who never did anything special but to act like a horror movie bitch!—It's over!! The killing game is all over!! Bladespawn is dead!! So can we all just fucking move on?!"

Sobrang pagka-inis na naisigaw ni Nicole sa dalaga, dahilan upang hindi niya mapansing halos sa kanila na pala naka-tingin iyong iba.

Ngunit imbis na mag-react sa naging asal ni Nicole ay napa-lunok nalamang ng kanyang sariling laway si Rosario, na ngayo'y nababahiran na ng kaba at takot sa kanyang buong paligid. Dahil pakiramdam niya'y talagang nasa malapit na sa kanila iyong taong kinakatakutan niya.

"I--I never said it was still Bladespawn..." Naiwika ng dalaga sa sarili...

Bagay na mas lalo lamang na ikinataka ni Nicole.

May sasabihin pa sana siyang muli, ngunit natigilan siya nang bigla nalamang mamatay ang ilaw mula mismo sa buong mall.

Nagsigawan ang mga tao sa loob at nagsimulang magpapanik dahil sa nangyari.

Nicole couldn't see a thing, dahilan upang sa puntong iyon ay makaramdam na 'rin siya ng kaba at takot.

"R--Rosa?... Rose nasan ka!?" Nicole tried calling our her friend. Kinapa niya ang inuupuan nito kanina lang, ngunit wala na si Rosario mula 'roon.

"Rosa? R--Roosario!?"

She continued calling her once more, ngunit talagang walang may sumasagot sa kanya.

The rest of the people we're all still panicking, kaya nama'y halos mabangga siya ng mga ito dahil sa nangyayari.

Gusto niya nang makaalis mula 'roon, but she couldn't find or hear Rosario's voice...

Dahil dito'y nagsimula nalamang siyang maglakad papaalis mula 'roon.

Lakad lamang siya nang lakad...

Mayamay'y may naaninag naman siyang isang lalaking wari ba'y naka-tayo mula sa may mismong pinto papalabas ng mall.

Lalapitan niya na sana ito para makahingi ng tulong, ngunit kaagad lamang siyang napatigil nang bigla nalamang kumidlat. Isang sign na marahil ay uulan ng malakas.

Ngunit dahil sa kidlat na iyon ay bahagya niyang nakita ang pamustura noong lalakeng nasa harapan niya. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil sa bilis ng ilaw mula sa kidlat, pero sa sandaling iyon ay nakita niya ang hawak nitong wari ba'y isang baseball bat...

Bagay na ikinatakot noong dalaga, dahil muli niyang naalala na isa ito sa mga kagamitan ni Bladespawn noon upang pamalo sa kanila.

Dahil dito'y napa-atras ang dalaga.

The man, then suddenly slowly walked towards her. Kaya mas napa-atras lamang siya papalayo dito.

Atras lamang siya nang atras, hanggang sa maramdaman niyang bigla nalang siyang may masandigan mula sa kanyang likuran, bagay na ikinataka ng dalaga.

Napalingon siya mula 'rito ay nakita ang isang taong naka-suot ng isang teddy bear mascot-head na maskara.

Hihingi na sana siya ng tulong dito, pero nagulat siya nang may bigla nalamang itong itinusok mula sa kanyang leeg, dahilan upang bigla siyang makaramdam ng sobrang panghihina't dahan-dahang matumba mula sa sahig...

Bigla namang tumakbo papalapit sa kanila iyong lalakeng nakita ni Nicole kanina. At doon niya lamang napag-tanto na gwardya pala iyon ng mall. At hindi baseball bat ang hawak nito kundi isang batuta!

Susugurin na sana noong gwardya iyong lalakeng nanurok sa kanya ng isang syringe upang siya'y tulungan, ngunit nagulantang siya nang bigla nalamang maglabas ng baril iyong taong may osong maskara at pinaputukan iyong lalake, dahilan upang kaagad itong bumulagta sa sahig na duguan.

Dahil sa nangyari ay mas lalo lamang na nag-panik iyong mga taong nasa loob. Bagsisigaw ang mga ito nag-unahan sa malapit na exit, kahit na wala pa'ring mga ilaw.

Tatayo na sana ang dalaga, ngunit sa sobrang pagkahina niya'y muli lamang siyang natumba.

Nagdidiliryo na'rin ang kanyang paningin, at pakiramdam niya pa'y ilang segundo nalang ay mawawalan na siya ng malay.

Agad siyang nilapitan noong tao, at walang ano'y-ano'y bigla nalamang kinarga mula sa balikat nito.

At mula sa kabilang balikat naman ay nakita ni Nicole na karga-karga din pala no'ng tao ang wala na'ring malay na si Rosario.

"You guys never learn..."
Narinig niya pang iniwika noong tao.








T o B e C o n t i n u e d . . . . . .






A/N: sorry natagalan!

















^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&^&








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top