TFE 35: Altogether Again
Nang agad na makalabas mula sa kagubatan ay kasunod na nakarinig ng putok ng baril sina Daniel at Hanzell.
Babalik na sanang muli doon si Daniel, ngunit agad lamang din siyang pinigilan ni Hanzell.
"Dude, stop!"
"Anong dude stop?! Nando'n pa si Rogelio! Kailangan natin siyang balikan!"
"He's probably dead! Hindi mo ba narinig ang putok ng baril na 'yon?!" Bulyaw ni Hanzell sa binata.
"Kung hindi pa natin sinunod ang huling habilin niya, marahil ay patay na'rin tayo ngayon! Kaya tara na! Hanapin na natin 'yong iba, bilis!"
Says Hanzell, at pagkatapos ay kaagad nang naglakad paalis.
Naiwan naman doon ang hanggang ngayon ay furious parin na si Daniel. Gusto niyang balikang muli ang kaibigang si Rogelio, ngunit gayo'n pa ma'y natatakot naman siya sa pwedeng mangyari sa kanya sa oras na tahakin niyang muli iyong kagubatan.
And besides, marahil ay tama nga si Hanzell.
Rogelio's probably dead by now.
Kaya nama'y labag man sa kalooban niya ay ipinag-patuloy niya nalamang din ang kanyang paglalakad paalis. Leaving yet another friend behind.
++
"A--Any sign of them?" Tanong ni Faye kina Heide at Dwayne, na ngayo'y nagmamasid-masid mula sa labas ng building.
Kasalukuyang anim nalamang silang naroroon.
Sina Heide, Faye, Ophelia, Lalaine, Rosario at ang nag-iisang binatang si Dwayne.
At hindi na'rin sila mapakali pa. Lalo na't muli nanaman silang nakarinig ng isang putok ng baril mula sa may di kalayuan.
Halos mag-panik na sila.
"Kailangan na nating umalis sa lugar na toh!" Says Ophelia, na kanina pa palakad-lakad sa buong silid.
Agad naman siyang nilapitan ni Faye.
"K--Kumalma ka lang muna girl, okay? Walang mangyayari sa'tin dito, may mga barricade at traps na ginawa sina Mark at Heide kanina, kaya kung may mag-tangka man sa mga buhay na'tin, I'm pretty sure mauuna munang mapahamak ang buhay niya," kalmado niyang sabi sa kaibigan.
"Kailangan na muna nating hintayin sina Raffy."
"Don't you still get it? This killer is immortal!! Hindi natin siya mapapatay ng ganon-ganon nalang! A--And what if patay na'rin sina Mark? W--What if tayong anim nalang pala ang natitirang buhay?! We're all doomed! Every single one of us!" Muling pag-papanik na sigaw ni Ophelia.
"Ophelia," lalapitan na sana siya ni Heide, ngunit bigla niya lamang itong itinulak palayo, at dali-daling lumapit doon sa naka-saradong pintuan na puno ng mga barricades upang sana'y umalis na mula 'roon.
Ngunit nagulat ang dalaga nang bigla nalamang siyang hawakan mula sa kanyang braso ni Rosario.
"Hindi ka pwedeng lumabas," wika nito sa kanya. Seryoso at kalmado parin kung magsalita.
"Mamatay ka, sa oras na iapak mo sa labas ang mga paa mo."
"Let go of me! Weirdo!" Bulyaw ni Ophelia kay Rosario at iwinirik ang kamay nito, ngunit nagulat naman ang lahat nang bigla nalamang siya nitong sinampal.
"Sige. Kung gusto mong lumabas, naka-handa na ang tungkod na patalim ni Kamatayan," huling iniwika nito sa kanya, at pagkatapos ay umalis mula 'roon sabay na umupo sa may gilid ng silid.
Dahil sa nangyari ay napa-iyak nalamang si Ophelia habang dahan-dahang napapa-upo sa semento.
"H--Hindi ko na kaya..." Aniya.
"Nagugutom na 'ko. Nauuhaw na'rin ako! At bukod sa lahat, kating-kati na'rin akong makaalis sa lugar na ito!
W--Why are we still staying here!? Who are we waiting for? Our dead classmates?!
"Tumahimik ka na Ophelia!" Bulyaw ni Heide sa kanya.
"Buhay pa sila. I just know it."
Mayamaya'y pare-pareho naman silang nagulat nang may marinig silang kalabog mula sa labas.
Agad 'ring napa-tayo mula sa may sahig si Ophelia, at napa-atras mula sa may pinto...
"Titingnan ko kung ano 'yon," pag-piprisenta ni Rosario.
Ngunit hindi pa man nakakalapit sa may pintuan iyong dalaga ay kaagad na siyang pinigilan ni Dwayne.
"Ako na," sabi nito, at siya na'rin ang nag-prisentang lumapit doon sa pinto.
Dahan-dahan lang ang kanyang mga hakbang.
Kinakabahan man ay pinili nalamang ng binatang maging matatag.
Para na'rin maprotektahan ang kanyang mga kaklaseng kababaihan.
Nang makalapit sa pinto ay dahan-dahan naman siyang napapa-silip mula 'rito.
Ngunit sa puntong iyon ay may napansing parang kakaiba si Rosario.
Through the window, she saw a figure, holding a gun. And pointing towards the opeb door.
Kinabahan si Rosario nang dahil dito, kaya kaagad niyang tinawag si Dwayne.
Ngunit huli na ang lahat, dahil bigla nalamang silang nakarinig ng isang napaka-lakas na putok ng baril.
At sunod nilang nakita ay ang kaagad na natumbang si Dwayne.
Sapul mula sa kanyang ulo iyong bala noong hindi malamang baril.
Dahil dito'y agad namang napasigaw si Ophelia dahil sa gulat, at agad siyang napatakbo palabas doon sa may kabilang pinto.
Sinundan naman siya ni Rosario... at pagkalabas nila nakarinig ulit ng dalawa pang sunod-sunod na putok ng baril sina Heide, Lalaine at Faye, na ngayo'y halos magkakayakap na dahil sa takot.
Few moments later ay nakakarinig naman sila ng mga yabag ng sapatos na wari ba'y dahan-dahang pumapalapit mula sa silid na kinaroroonan nila.
Ngunit hindi pa man tuluyang nakakalapit iyong tao ay kaagad na umaksyon si Heide at tumakbo papalapit sa may pinto, sabay na ni-lock itong muli.
Pinag-patung-patungan pa nila iyon ng mga upuan at kung ano-ano pang bagay hindi lang mabuksan noong killer.
At matapos iyon ay kaagad silang napatakbo malapit sa may bintana upang doon lumabas.
"Faye! Lalaine! kailangan nating tumalon!" Wika ni Heide sa mga kasama.
"Pe--Pero nasa mataas na parte tayo ng building! Papaano kung mabalian tayo?! O--Or worse, mamatay tayo sa pagkaka-hulog?!" Nag-papanik na sabi ni Faye.
"We don't have any other choice!!" Sabi naman ni Heide na ngayo'y palabas na ng bintana.
Sinilip niya muna ang kundisyon sa baba, and luckily, there's a tree in there, na pwede nilang matalunan upang hindi sila dumeretso sa lupa.
Maaari nga silang magkaroon ng mga sugat at injuries dahil sa mga sanga ng puno, ngunit naiisip ni Heide na atleast ay makakayanan pa nilang mabuhay kapag dito sila tumalon.
"May punong sasalo sa'tin sa baba! You guys just have to trust me!" Ani Heide.
Magsasalita pa sanang muli ni Faye biglang pag-sang-ayon sa plano ni Heide, ngunit muli lamang silang napasigaw nang marinig nilang pinapalakol na pala noong killer iyong pintuan, makapasok lamang ito.
Kaya nama'y wala nang ibang nagawa pa sina Faye at Lalaine kundi ang sumunod sa plano ng dalaga.
"Si--Sige! Si Lalaine muna!" Says Faye.
Kaagad namang pina-akyat noong dalawa si Lalaine mula sa bintana.
At halata mang kinabahan, ay pinilit nalamang ng dalagang patatagin ang kanyang sarili.
"Basta kumalma ka lang Laine, okay? Don't think of anything else. Isipin mo nalang ang kaligtasan natin," ani pa ni Heide sa dalaga.
Bagay na ikinatango nalamang ni Lalaine.
"O--Okay," at pagkatapos ay siya na ngang unang tumalon sa bintana, patungo doon sa puno.
At gaya nga ng inaasahan ay nagtamo siya dito ng kakaunting mga sugat.
Ngunit bago kaagad na sumalampak sa lupa ay nagawa niyang makahawak sa isa sa mga sangang naroroon.
"Faye! Dali!" Tawag naman ni Heide kay Faye.
"No! Y--You go first," says Faye.
"Eh ikaw!?"
"GO! SUSUNOD NALANG AKO!"
Heide sighs and tapped Faye's shoulders.
"Be safe, okay?" Huling iniwika ng dalaga dito, at pagkatapos ay kaagad nang tumalon.
At kagaya ni Lalaine ay nakahawak din siya sa isa sa mga sanga ng puno, kaya naman ay kahit na may mga sugat, pareho silang ligtas na naka-apak sa lupa.
"Faye! Hurry!" Sigaw ni Heide sa ngayon ay nasa loob ng building paring si Faye.
At hanggang ngayon ay patuloy pa'rin sa pagsira noong pintuan iyong killer.
Dahil dito'y mabibigat na pag-hinga na ang nagagawa ni Faye.
Gusto niya na'rin sanang umalis doon. Ngunit kinakabahan pa'rin siya sa kanyang pag-talon. Dahil iniisip niya na baka mabalian siya ng mga buto dito.
"Faye!! Tumalon ka na!" Muling sigaw sa kanya ni Heide.
"I--I'm trying!!" Bulyaw naman pabalik ni Faye.
Dahan-dahan na siyang umaakyat doon sa may bintana, still having a heavy breathing.
Palingon-lingon din siya pabalik doon sa may pintuan. At sa pang-anim na paglingon niya mula 'roon ay nagulantang siya nang makitang bukas na ito. At naka-tayo na mula 'roon iyong naka-maskarang killer na hawak-hawak parin iyong itak.
Dahan-dahan nitong itinaas ang hawak na itak, at walang ano-ano'y bigla nalamang itinapon papalapit kay Faye.
Faye gasped and panicked, dahilan upang madulas siya doon sa bintana't mahulog. Ngunit dahil naman dito ay hindi siya natamaan noong itak.
"Shit!!" Naisambit nalamang bigla ni Heide at kaagad na tumakbo upang saluhin si Faye.
And she did managed to catch her, ngunit pareho naman silang nagtamo ng mga bone fractures dahil sa nangyari.
"A--Ayos ka lang ba?" Agarang naitanong ni Heide kay Faye.
"H--Hindi ko alam," tanging naisagot nalamang ni Faye.
"Guys bilisan niyo! Kailangan na nating umalis!" Tawag naman kaagad sa kanila ni Lalaine, at matapos nga iyon ay kaagad na silang umalis mula 'roon, habang parehong akay-akay pa palayo nina Heide at Lalaine si Faye.
++
"Seriously! Pang-ilang putok ng baril na ba ang narinig natin?" Tanong ng dalagang si Rejielyn.
Kasalukuyan parin sila ngayong nasa loob ng cabin.
"Sunod-sunod na yon," says Theresa.
"Kung sino man ang hayop na yan, hindi talaga siya titigil hangga't hindi niya tayo nauubos," aniya pa.
Kakagaling lang ng sugat ng dalaga.
"S--Sa palagay ko, nagkalat na ngayon sa buong Mary Hills Camp ang iba pa nating mga kaklase, and they're all being haunted down by Bladespawn!" Says Sheena.
"Just what the hell are we doing here doing nothing?! We're all sitting ducks here!"
"Eh ano naman ang gusto mong gawin natin? Magpaka-hero para sa iba?" Asks Claire.
"No. Sheena's right," ani naman ni Justin.
"Kailangan na'tin silang tulungan."
"Well duh? Sh--Shouldn't we plan on how we'd escape fr this hellish nightmare first?" Says Claire again.
"I--I don't think it's just one or two killer out there. Kung marami na ang napapatay nila ngayon, then it's possible na napakarami din nila sa labas! Anong panama natin? We don't even have weapons! For all we know they're all probably dead out there."
"Hoy! Wag na wag kang magsasalita ng tapos!" Bulyaw ni Johnrey kay Claire, na halatang nainis sa sinabi nito.
Sheena took a deep breath.
"Ewan ko sa inyo guys, pero ako... kaya kong isugal ang buhay ko para iligtas lamang sila."
"I'm with you," says Justin.
"Ako 'rin," sabi naman ni Joseph.
Erron, Nicole, Rejielyn, Johnrey, Reymart and Angelou all says the same.
"Pero... Papaano niyo naman matutulungan 'yong iba, nang walang may nalalagas sa inyo?" Asks Claire.
"Uh... Guys? Sa tingin ko... Alam ko kung papaano," wika ng binatang si Mell, na kasalukuyang naka-harap sa isang butas ng sahig...
Dahil dito'y pare-parehong napa-lapit sa kanya iyong iba pang mga estudyante, sabay na napa-silip din sa butas.
At pare-pareho silang nagulat sa kanilang sunod na nakita...
The whole was filled with all sorts of weapon. Iba't-ibang klase ng mga baril, kutsilyo at kung ano-ano pa ang naroroon.
"H--How in the world did you find these?!" Gulat na tanong ni Angelou.
"May napansin nalamang ako bigla kaninang kakaiba sa kulay ng kahoy na naka-takip dito kanina, kaya chineck ko. Then, ito na ang bumungad sa'kin," pag-eexplain ng binata.
Dahil dito'y kaagad namang kinuha iyon ng magkakaibigan, at nagtig-iisa sila dito.
"Te--Teka! Hindi ba ang weird niyan?" Takang tanong ni Theresa, kaya nama'y napatingin sa kanya iyong iba.
"Sinong tao ang mag-tatangkang mag-lagay ng iba't-ibang klaseng mga delikadong bagay sa butas na iyan?
"Does it really matter?" Says Nicole, habang parang namamangha pang tinititigan lamang ang buong istraktura ng baril na kanyang hinahawakan.
"May pang-laban na tayo sa killer!"
"Pero papaano kung trap lang pala yan?" Muling sabi ni Theresa.
"What if... Ang killer pala ang nag-lagay niyan diyan?"
"Kung gano'n, binigyan niya lang tayo ng paraan para patayin siya," says Joseph.
"Sa tingin ko hindi ang killer ang nag-lagay ng mga yan dito," muling iniwika ni Mell habang may hawak pa itong maliit na papel.
He gave it to the rest, at agad naman iyong tinanggap ni Erron.
"Ano yan?" Takang tanong ni Sheena.
"It's a note," sagot naman ni Erron.
"But it says nothing. Pangalan lamang ni teacher Zaira," aniya pa.
Bagay na ikinagulat naman no'ng iba.
"Teacher Zaira?" Says Johnrey.
"Marahil siya ang nag-lagay ng mga weapons na yan sa butas na toh," ani Mell.
"Pero... Bakit?" Takang naitanong naman ni Theresa. Ngunit kagaya niya at wala 'ring alam iyong iba.
But Sheena suddenly thought of something.
"All this time siya ang pinag-hihinalaan na'ting killer. Pero, what if... Totoo nga talagang biktima lang din siya sa mga nangyayari satin? At ito ang way niya para matulungan tayo?" Aniya.
"Psh! Hindi pa'rin ma-eexplain no'n kung ba't bigla niya nalang tayong iniwang muli sa ere," says Reymart. "Parate niyang ginagawa yan eh."
"I know, pero what if may rason din naman siya?" Aning muli ni Sheena.
She then, took a deep breath nang muli siyang may maalala.
"Ngayon ko lang ito ikukwento sa inyo, pero... No'ng una tayong makarating dito sa Mary Hills Woods, nakita ki si ma'am Zaira na umiiyak doon sa may female restroom. I wasn't spying on her. Talagang nagkataon lang na naiihi ako no'ng mga oras na 'yon, at nakita ko siya," monologo niyang pagsasalaysay.
"Baka tama ka nga," ani Justin.
"But that still won't give her justice," sabi nito, na sinang-ayunan naman no'ng iba pa.
+++
Mayamaya'y napag-pasyahan na ng mga estudyanteng humayo upang sumubok na iligtas iyong iba.
Nagpa-iwan naman sa kanila sina Claire at Johnrey, upang bantayan na muna ang hanggang ngayon ay wala pa'ring malay na si Juvy Ann.
Hindi 'rin sana papasamahin noong iba si Theresa, lalo na't kagagaling lang ng sugat nito, ngunit nagpumilit pa'rin siyang sumama.
"Handa na ba kayo guys?" Seryosong tanong ni Justin sa mga kasama, na ikina-tango naman noong iba.
He took a deep breath.
"Okay. Bubuksan ko na ang pinto ah? Pero bago iyon, nais ko lang sabihin sa inyo na... Kahit anong mangyari, importante pa'rin ang bawat isa sainyo sa'kin," aniya sa mga kasama.
Isang bagay na bahagya namang ikinatawa no'ng iba.
"Ang corny mo!" Says Theresa, dahilan upang mamula nalamang sa hiya ang binata.
"S--Sinasabi ko lang!"
"No worries bro, we feel the same way," ani naman ni Joseph. Bagay na sinang-ayunan naman noong iba.
"Okay. Heto na..."
Matapos iyon naman at kaagad na ngang binuksan ni Justin ang pintuan.
Ngunit pagka-bukas nila'y pare-pareho naman silang nagulat nang kaagad na sumulpot mula sa kanilang harapan ang mga mukha nina Daniel at Hanzell.
Kamuntikan pa nilang mabaril ang mga ito. Bagay na ikinagulat din noong dalawa, lalo na no'ng makita nilang may mga hawak itong baril at mga patalim.
"Dan! Zell! Buhay kayo!" Naisambit ng matalik nilang kaibigang si Reymart nang makita iyong dalawa.
"Talaga? Eh mukhang kayo ang papatay samin eh!" Ani Hanzell, na hanggang ngayon nama'y hingal na hingal parin nang dahil sa gulat at kaba, kagaya ni Daniel.
"K--Kayo lang? Nasan 'yong iba?" Tanong ni Theresa.
"Hindi namin alam," sagot ni Daniel.
"Nagka-hiwa-hiwalay kami kanina nina Mark, Ian at Raffy. Tapos naiwan naman namin sa building sina Heide, Faye, Lalaine, Ophelia, Rosario at Dwayne... kami nina Hanzell at Rogelio lang ang magkakasama kanina pa."
"Nasan si Rogelio?" Tanong ni Angelou.
"H--He's dead," sagot naman ni Hanzell.
Isang bagay na nagpa-gulat at nagpa-hina sa kanilang lahat.
"GUYS! GUYS! TULONG!"
Seconds later, may isang pamilyar na boses naman silang sunod na narinig.
Pagkatingin nila mula sa labas ay nakita naman nila sina Heide at Lalaine, habang akay-akay pa'rin si Faye.
"S--Sina Heide!" Says Justin, at dali-dali silang napa-lapit doon sa tatlo.
"Anong nangyari ate Heidi? Diba nasa loob kayo no'ng building?" Agarang naitanong sa kanila ni Hanzell.
"N--Nasan sina Ophelia, Rosario at Dwayne?"
"Wala na si Dwayne! H--Hindi ako nakaka-sigurado kina Ophelia at Rosario. P--Pero mabuti nalang at nakatakas pa kami!" Says Heide.
"Sige pumasok na muna kayong lahat, dali!"
Matapos iyon ay agad naman nilang ipinasok sina Heide, at inihiga si Faye sa tabi lamang din ni Juvy.
"H--Hindi ako makapaniwala. Ang buong pag-aakala namin wala na'rin kayo!" Wika ni Heide, na halatang nagpapasalamat na marami pa pala sa kanyang mga kaibigan ang buhay pa.
"At kayo, ba't ba bigla nalang kayong nawala?" Tanong niya naman kina Joseph at Claire.
"Gusto 'rin naming iligtas yo'ng iba kaya naisipan namin lumabas, at pagkatapos ay nakita nga namin sila dito," pag-e'explain ni Joseph.
"More importantly, saan niyo nakuha yang mga baril na yan?" Tanong naman ni Hanzell.
"I--It's a long story," says Mell.
Justin took a deep breath and explains everything to them. At ngayong naroroon na ang halos lahat sa kanila.
Tanging sina Ian, Mark, Raffy, Gab, Ophelia, Rosario, Joyce at Alexandra nalamang ang kailangan nilang hanapin.
Kaya nama'y ipinaliwanag na'rin nina Justin ang plano nila upang mahanap iyong iba.
At dahil sa pinsalang kasalukuyang natamo ni Faye ay napilitan si Angelou na magpa-iwan nalang din, habang sina Hanzell, Daniel at Heide naman ay sumama kina Justin, giving all three some weapons.
Matapos iyon ay inihanda na nga nila ang kanilang mga sarili upang lumabas ng cabin.
But little do they know, kanina pa pala may nakatitig sa kanila mula sa labas.
Malawak ang mga ngiti nito. At mahahalatang nasisiyahan lamang, dahil unti-unti nang nakukumpleto ang kanyang mga kaklase sa iisang lugar, ready to hunt them all down again, one by one.
The only question is...
Who is the person?
Isa nga ba talaga ito sa mga estudyante? At ano na ang mga sunod niyang gagawin, ngayong pakumpleto na sila?
T o B e C o n t i n u e d . . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top