TFE 27: Things Are Only Getting Weirder
"Wag kayong mag-alala, ligtas na kayo..."
Mga huling naalala ng binatang si Richard, bago tuluyang mawalan ng malay.
The young man was now currently in a room full of white paint.
Mahahalata 'ring wari ba'y ilang araw na siyang nananatili mula 'roon.
At sa mga oras na iyon ay unti-unti niya nang naimumulat ng binata ang kanyang mga mata. He's finally gaining consciousness.
At sa unang tingin niya palamang sa buong sulok ng kwarto, ay talagang nag-taka na agad siya kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.
"Mabuti naman at nagising ka na," wika ng isang taong kanina pa pala naka-tayo sa may gilid ng kwarto.
Dahil dito'y agad siyang napa-tingin mula 'roon, at nakita ang isang taong naka-suot ng itim na suit & pants at kulay silver na maskarang walang kahit na anong desenyo, maliban nalamang sa dalawang butas upang makakita ang mga mata nito.
"S--Sino ka!?" Agarang tanong ng binata, na halatang nagulat. Tatayo na sana siya mula 'roon, ngunit hindi siya naka-gawa ng kahit na ano pang kilos nang mapag-tanto niyang pareho palang naka-kadena ang mga binti's kamay niya sa mismong kamang kanyang hinihigaan.
"Anong ibig sabihin nito!?" Richard shouted, still in rage.
"I--Ikaw siguro si Bladespawn noh!? Pinalitan mo na ang maskara mong hayop ka!? Pakawalan mo ako dito!!" Bulyaw pa ng binata doon sa hanggang ngayo'y kalmado lamang na nananatiling naka-tayong tao...
"Calm down, Mr. Piñeda I---"
"Kingina mo! Anong calm down!? Sa tingin mo anong magiging reaksyon ko dito!?" Pabulyaw na pag-puputol na aning muli ni Richard doon sa tao.
The person sighs.
"Hindi ako si Bladespawn," wika nito.
"Oh talaga? At hindi naman ako si Richard! Sabihin mo, sino ba ang mas sinungaling sa'ting dalawa!?" He shouted once more.
Dahil dito'y walang ibang nagawa iyong tao kundi ang tanggalin ang kanyang maskara...
At sadya namang nagulantang si Richard nang makita niya ang mukha nito...
"I--Ikaw!? Pe... Pero papaanong---"
"I died in your own timeline," says the person.
"But in my own timeline... I was the only one left," sabi pa nito.
××××
BestRoleInLife
Presents....
A Novel Written by
Romell Labita...
The Final Exam
Chapter 27: Things Are Only Getting Weirder
+++
Kasalukuyang nasa Annex High ngayon ang mga estudyante.
It has already been days simula no'ng maganap ang kahindik-hindik na nangyari kina Jessa, Bettylou at Daryl, at ngayo'y nasa isang panibagong yugto nanaman sila ng kanilang mga buhay.
It's like, their lives are being controlled...
Being written by some kind of writer.
Or being directed by a movie director.
Kahit anong gawin nila, wala silang ibang magawa kundi ang sumunod nalamang sa agos.
Isang misteryong hanggang ngayon ay hindi pa'rin nasasagot ng kahit na isa manlang sa kanila...
Some of them dies, the others just moves on na wari bang parang wala lamang nangyari. Lalo na ang mga adults.
Pakiramdam kasi nila ay parang nag-iiba na ang mga ito simula no'ng may nangyaring patayan sa kanilang lugar.
Isang bagay na unang napansin ng binatang si Mell.
Flashback +
"Ma? O--Okay lang po ba kung... Kung sa ibang paaralan nalang ho ako mag-aral? Sama nalang ho tayo kina uncle sa Maynila!"
Wika ng binatang si Mell, habang abala ito sa pag-do-drawing ng isang anime character, while his mom was just cleaning the dishes by the kitchen's area.
He asked his mom about moving away from another place, ngunit ni-hindi manlang ito naka-tanggap ng kahit na anong response...
"Ma?" Muling tawag ng binata sa kanyang ina, at pagkatapos ay nilingon ito.
Ngunit laking gulat ng binata nang makitang wala itong ulo habang patuloy pa'rin sa pan-huhugas.
"M--MA!!" Sigaw ng binata. Ngunit sa isang iglap lamang ay muli niya nanamang nakita ang ulo ng kanyang ina. Ngayon ay naka-lingon na ito sa kanya at mahahalatang may halong pag-aalala na ang mukha nito.
"Oh anak, bakit? M--May problema ba?" His mother asks.
Mahigit anim na segundo muna siyang hindi naka-sagot. Iniisip kung ano iyong kanyang nasaksihan kanina.
But later on, umiling-iling nalamang ang binata.
"W--Wala po ma," tanging sinabi nalamang nito, at pagkatapos ay muli nang bumalik mula sa kanyang dino-drawing.
Hindi niya pa'rin mai-alis mula sa kanyang isipan ang nakita kanina. Ngunit mas labis lamang siyang nag-taka nang makitang blangko na ang papel na kanyang ginuguhitan kanina...
At doon lamang muling may naalala ang binata...
No'ng nasa loob pa siya ng bahay nina Fatima, at no'ng wala pang kahindik-hindik na nangyayari.
Isang iglap niya munang nakitang wari ba'y parang may nag-glitch mula sa may itaas ng kisame nito.
Sa una, inisip niya, marahil ay namalik-mata lamang siya.
Ngunit ngayon, may hinala na siyang, maaari ay may mali nga talaga sa buong lugar nila.
Hindi niya lang talaga maipaliwanag kung ano...
End of Flashback...
++
"Tagal naman nila," wika ng binatang si Daniel, na halatang kanina pa nababagot sa kaka-upo't kaka-hintay sa kanilang iba pang mga kaklase.
Kasama niya ngayon ang dalawa sa mga pinaka-matalik na kaibigang sina Mell at Reymart.
Magkaka-tabing naka-upo lamang ang mga ito sa iisang bench.
Papunta sila ngayong Mary Hill Woods at magka-camping sa kalagitnaan ng kanilang mga pinag-dadaanan.
And ironically, usually talaga eh sila ang parating pinaka-nali-late sa mga ganitong school events. Ngayon naman, talagang sila pa ang nauna.
"Sabi ko naman sa inyo, ayokong sumama diba?" Malumanay at nanghihinang pagkaka-sabi ni Mell.
Reymart took a deep breath.
"Pasalamat ka't pinag-tulungan ka namin ni Daniel na maka-sama dito. Kung hindi ka sumama, baka ikaw na ang susunod na magiging biktima ni Bladespawn. Sinabihan niya ang lahat na ang hindi sumama ay---"
"Mamamatay?" Pag-puputol ni Mell sa mga sinasabi ni Reymart.
"What's the difference ba kung sumama pa tayo? He's clearly setting us up! Gusto niyang sumama tayong lahat sa camping dahil Magkakaroon siya ng tsansang isa-isahin tayo doon! Hindi niyo pa ba napapanood ang Friday the 13th, Fear Street, Wrong Turn at Cabin in the Woods? Parating may nangyayaring masama sa mga taong pumupunta sa kagubatan,"
"Alam namin Mell," sabi naman ni Daniel.
"Pero mas malaki ang tsansang ikaw ang unahin ng killer dahil ikaw lang ang naka-layo sa grupo. Tingnan mo ang nangyari kay Kristine. Namatay pa'rin siya dahil hindi siya sumama sa mansion nina Fatima. Si Jessa pinaslang din, dahil hindi na'tin siya nakasama no'ng gabing nasa may apartment tayo."
"And yet alot of our friends are still dying even though kasama na'tin sila," muling sabat ni Mell.
"Sina Reymund, Reden, Fatima at Rezzie. Napatay pa'rin sila no'ng nasa mansion tayo. Si Bettylou! Pati na'rin si Daryl dahil nagpa-linlang siya kay Bladespawn! K--Kahit saan man tayo mag-punta, wala pa'rin tayong takas. Mapag-isa man tayo o sumama sa isang grupo. We're all still going to die..."
Halos hindi niya na mapigilan pa ang kanyang emosyon. Gusto niyang umiyak, magalit at mag-wala. Ngunit mas pinili niya nalamang iyong pigilan. Dahil alam niyang wala pa'ring mapapala ang pag-wawala niya.
"Which is... Kinda exactly the point," says Reymart. Kalmado pa'rin.
"Mas pipiliin niyo bang mamatay mag-isa? O gawin ang lahat ng magkakasama maka-takas lang?" Aniya.
"Tama si Reymart, Mell. It's better to fight and survive with the others, rather than dying alone helpless."
Nang dahil naman sa mga sinabing iyon ng kanyang mga kaibigan ay bahagyang napa-hinga nalamang ng malalim ang si Mell.
"Panigurado akong hindi lang ang killer na yan ang kalaban na'tin," aniya. Kaya nama'y parehong takang napa-tingin sa kanya ng ang dalawa.
"Anong ibig mong sabihin?" Daniel asks.
"Wala ba kayong may napapansin? Ever since nagsimula ang mga patayan dito sa lugar na'tin, most specifically sa Annex High, wala nang ibang nagawa ang mga pulisya kundi ang patuloy nalamang na mag-imbistiga. Ngunit hanggang ngayon, wala pa silang kahit na anong progress," aniya.
"And it's not because they still haven't figured out any clues! Theory ko, marahil ay sinasadya nila. They're not helping us. They're helping Bladespawn," monologong sabi niyang muli.
Napa-tango naman ng dahil dito si Reymart.
"Tama si Mell," aniya.
"Actually, hindi lang naman ang mga pulis eh. Napansin ko 'rin, sa tingin ko, lahat ng mga adults. Parang may kung ano o sinong nang-bi-brainwash sa kanila..."
"Oo," sagot naman ni Mell.
"Alam niyo yo'ng feeling na... para bang nasa loob tayo ng isang video game? Tayong mga kabataan ang mga playable characters, habang ang mga adults naman ang mga NPC?" He added.
"NPC?" Daniel asks in confusion.
"Non-playable characters," sagot naman ni Reymart.
"Kumbaga, mga extra lang sila sa game. Parang sa mga palabas lang din. Hindi makukumpleto ang isang crowded movie scenarios kung walang mga extrang palakad-lakad sa background. Tama naman ako Mell diba?.... Mell?"
Says Reymart, at pagkatapos ay sinubukang tanungin si Mell kung tama na ba ang pagkaka-describe niya. Ngunit hindi agad naka-sagot ang binata dahil may isang napaka-laking bagay nalamang siyang biglang napag-tanto.
Isang napaka-laking realization...
Pinag-dugtong-dugtong niya ang mga dots na kanyang nalaman, kaya nama'y wari ba'y parang bigla nalamang siyang sinuntok ng buwan.
"H--Hindi maaari.... Ku--Kung tama ako... Th--Then posibleng tayong lahat ay nasa isang---"
"GUYS!!"
Isang pamilyar na boses ang bigla nalamang umagaw ng kanilang mga atensyon.
Pagka-lingon nila mula sa kanilang harapan ay nakita nila ang isa sa kanilang kaklaseng kanina pa tumatalon-talon. Na wari bang kanina pa ito naiihi.
"Oh... Bakit? Teka... Kanina ka pa ba diyan?" May halong pagtatakang tanong ni Daniel dito.
"Hindi. Ngayon-ngayon lang. P--Pwede niyo ba 'kong samahan? Iihi lang sana ako," sabi nito.
"Eh ba't hindi ka nalang umihi diyan sa may kalsada? May mahalaga pa kaming pinag-uusapan," seryosong sabi ni Reymart dito.
"Tsk! Nagpapa-sama lang naman eh! Ewan ko nga sa inyo! Mell ikaw nalang!" Wika pa nito, at walang ano-ano'y bigla nalamang hinugot papatayo si Mell mula 'roon.
"Te--Teka ba't ako--?"
"Dali na!"
Wala namang ibang nagawa pa ang binata, dahil bigla nalamang siyang hinugot papasok ng school nila si Mell. At parehong dumeretso sa may comfort room section.
Kasalukuyang nasa loob na ng CR ang kaklase, habang si Mell naman ay nananatili lamang mula sa labas. Hinihintay ang kaibigan.
Patingin-tingin din siya mula sa kanyang sulok.
And at that moment, unti-unting nakaka-ramdam ng kaunting pagka-creepy ang binata, dahil wari ba'y kanina pa pasulyap-sulyap mula sa kanya ang mga taong naroroon.
Most of them were janitors, some few teachers and the school body guard.
Every single one were adults.
Dahil sa kaba'y halos pag-pawisan na ang binata. Kaya nama'y pinipilit niya nang pa-daliin ang kaklase mula sa loob ng CR.
"Uy bilisan mo naman! B--Baka maiwan na tayo do'n!" Aniya.
"Ano ba, relax ka lang! Patapos palang ako," sagot nito.
Mayamaya nama'y napapansin ng binatang nagsisimula nang maglakad papalapit sa kanya iyong mga tao.
Sa puntong iyon ay bubuksan niya na sana ang pinto ng CR upang sana'y hugutin na paalis mula 'roon ang kaklase, ngunit naka-bukas na pala ito.
Ang mas nagpa-gulat lamang sa binata ay nang bigla nalamang siyang pinalo mula sa mukha noong kanyang kaklase.
He fell down, and almost loose his consciousness.
Naramdaman niya 'ring dahil sa sobrang lakas ng pag-palo sa kanya'y kaagad na dumugo ang kanyang ilong.
Seconds later, the adults arrived and hold both of Mell's hands. Sinisiguradong hindi ito makaka-takas.
"Te--Teka... A--Anong... Anong ginagawa niyo?" May halong pang-hihina at takot sa boses ni Mell, sabay na tiningnan ang kaklase.
"Masyado ka nang maraming nalalaman eh," sabi sa kanya nito, at pagkatapos ay muli nanaman siyang pinalo mula sa mukha gamit ang baseball bat.
"Hindi ko inaasahang, ang isang tulad mo ang siyang unang makaka-alam sa bagay na iyon," sabing muli no'ng kaklase, at binigyan nanaman ng palo mula sa mukha ang binata.
Halos dumudugo na ang mukha nito.
At mahahalatang ilang segundo nalamang din ay mawawalan na siya ng malay dahil sa sobrang panghihina.
"Pero pasalamat ka't ayaw ko pang pumatay ng kapwa kaklase. Let's just say na, gusto ko pang makita ang lahat ng mga pag-durusa niyo sa gabi ng Mary Hills Woods. But because of the discoveries you just made, you're now going to be one of my very first target," monologo nitong sabi muli, at pinalo nanaman ang kawawang binatilyo mula sa mukha, dahilan upang tuluyan na itong mawalan ng malay.
"Thanks! Pwede niyo na siyang bitawan. Balik na kayo sa mga walang ka-kwenta-kwentang tinatrabaho niyo," sabi ng estudyante doon sa mga adults na tumulong sa kanya upang hindi maka-takas si Mell.
The student then stared at the poor boy's unconscious body.
Punong-puno na ng dugo ang mukha nito na halos hindi na'rin mamukhaan. But despite that, he's still alive and breathing.
Napa-buntong hininga ang kaklase sabay na napa-irap.
"Yan kasi eh. Napaka-daldal mo," aniya.
"Now... What to do with you ba?
+++
"Uy guys! Nandito na pala kayo!"
Sabi ng binatang si Janmil, matapos niyang makita sina Daniel at Reymart na parehong naka-upo sa may bench.
"Good morning!" Bati naman ng dalagang si Faye. Ang pang anim na estudyanteng naka-rating na doon.
"Kayo palang ba?" Tnong ni Janmil kina Reymart at Daniel.
"Nandito na'rin sina Mell. Nasa CR lang," sagot ni Daniel.
"Ang tagal-tagal nga eh. Siguro na-tae pa ata."
"Hello!!" Bati sa kanila no'ng kaklaseng kasama ni Mell kanina mula sa CR.
"Nandito na ba ang lahat? Pasensya na kayo guys ah? Na-tae pa kasi ako eh," sagot nito.
"Told you so!" Says Daniel.
"Eh si Mell? Sabi nila kasama mo 'raw?" Faye asks.
"Ah! Si Mell ba?"
Pagka-sabing iyon ng estudyante ay siya naman ang biglaang pag-labas ni Mell sa may gate ng kanilang campus.
Naka-hawak ito mula sa kanyang ulo, na wari bang may nararamdaman itong kaunting kirot mula 'roon.
But other than that, ibang-iba na ang kanyang itsura kumpara doon sa nangyari sa kanya kanina na punong-puno na ng dugo, at halos hindi na'rin makilala ang mukha.
He was back to his normal look, no'ng bago niya pa man sinamahan ang kaklaseng mag-tungo sa CR kanina.
Bahagyang napa-lingon si Mell mula sa may bandang papuntang CR. Inaalala kung ano ang nangyari doon at bakit pakiramdam niya'y may kung ano siyang biglaang nakalimutan...
"Mell!" Tawag sa kanya ng mga kaklase, kaya nama'y kaagad din siyang napa-tingin sa kanila.
Hindi niya namalayang unti-unti na palang nagsisi-datingan iyong iba.
"A--Andiyan na pala kayo," wika ng binata...
May bumabagabag man mula sa kanyang isipan ay mas pinili nalamang ni Mell na huwag pansinin ito. Sinamahan niya nalamang ang kanyang mga kaklase.
Lumipas naman ang ilang minuto ay halos naroroon na silang lahat.
Maging ang mga transfer students ay kumpleto na'rin. Maliban nalamang siguro sa mga nasawing kaklaseng sina Jessa at Bettylou.
Both Angel and Raynold were also nowhere to be found, pero inanunsyo ng kanilang maestra na nag-text daw sa kanya ang mga ito na hindi na daw muna sasama sa nasabing camping.
Naroroon na'rin ang kanilang sasakyang bus.
Ngunit bago pa man magsi-pasukan mula 'roon ang mga estudyante ay may isa pang ibinahaging anunsyo mula sa kanila si teacher Zaira.
Kanina pa 'rin napapansin no'ng mga estudyanteng, ang kanina pang kasama ng kanilang gurong isang magandang babaeng ka-edad lang din nila.
"Guys... may ipapakilala nga pala ako sa inyong makakasama niyo sa buong camping," says Zaira, at pagkatapos ay tinawag iyong babae.
Naka-ngiti naman itong humarap sa kanilang lahat.
"Ito nga pala si Claire. She came from Marasbaras University. Graduating highschool student na'rin siya. And the reason why she'll be staying with us is because she missed attending her own school trip. At dahil required sa kanila ang perfect grades para maka-graduate ay napag-pasyahan ng kanilang school principal na sa atin nalang muna siya ipa-sama," monologo pang muli ng kanilang teacher.
"Claire, you can now introduce yourself..."
"Hello Sa inyong lahat! Ako nga pala si Marie Claire Alcoy, ikinagagalak ko kayong makilala!" Sabi nito, sabay bow pa.
"Sana maituring niyo 'rin akong parte ng section niyo even if it's just going to be for a short period of time!"
"Hello! Nice to meet you! I love your dress," bati baman sa kanya ni Angelou, being socially friendly.
"Hi! Sa'yo 'rin!" Sagot ni Claire dito.
The other mysterious student smiled...
At napa-bulong nalamang sa sarili...
"A new addition for my collection. Sweet!" Sabi pa nito habang naka-titig lamang kay Claire, at pagkatapos ay muli namang napatingin sa hanggang ngayon ay sumasakit pa'rin ang ulong si Mell...
Kasalukuyan nitong kausap sina Daniel, Reymart at Dwayne...
The Mysterious student smirked...
"Mell, sigurado ka bang ayos ka lang? Napapansin ko parang kanina ka pa hindi mapakali," says Daniel.
"Huh? H--Hindi wag kayong mag-alala ayos lang ako. Natapilok pa kasi ako no'ng pabalik na ko dito kanina eh. Eh pano ba naman! Nang-iwan si ano..."
Ani Mell.
Reymart sighs.
"Kaya ayokong sinasamahan yan eh. Minsan napaka-kulit! Parang isip bata," aniya.
"Siya nga pala... Ano yo'ng sanang sasabihin mo kanina?" He asks.
Isang bagay na nagpa-kunot noo lamang kay Mell dahil sa pagtataka.
"Sasabihin?" He asks.
"Oo," ani naman ni Daniel.
"Diba may sasabihin ka na sa'min kanina ni Reymart about do'n sa kung ano mong nadiskubre?"
"Ano yo'n? Gusto ko 'ring malaman," sabat naman ni Dwayne, halatang umiiral nanaman ang pagiging chismoso...
Dahil sa sinabing iyon ng mga kaibigan ay bahagya namang napa-isip si Mell. Trying to remember what they're all talking about.
Ngunit talagang wala siyang maalala.
"P--Pasensya na kayo guys... Pero wala talaga akong maalala eh," aniya.
Dahil dito'y pare-pareho nalamang na napa-buntong hininga sina Daniel, Reymart at Dwayne.
"Siguro naging malakas nga ang pagkaka-tapilok mo kanina at na-untog yang ulo mo," ani Dwayne.
"But no worries. You'll get better in no time!" Wika pa nito.
Matapos iyon ay pinapasok na nga sila ng kanilang guro mula sa loob ng bus.
Naroroon na ang lahat, habang si Mell naman ay ang siyang pinaka-huling estudyante.
Papasok na'rin sana siya, ngunit bahagya siyang natigilan nang para bang may kung ano siyang biglaang narinig....
"Tulong~"
Dahil dito'y kaagad na napalingon pabalik ang binata.
At ang mga mata niya'y naka-pako sa may pasilyong nag-tutungo papuntang may CR.
Nakaramdam siya ng kaunting pangingilabot. Na wari ba'y, may nararamdaman siyang kakaiba mula 'roon sa pinanggalinan nila kanina.
Ngunit bago pa man muling maka-gawa ng kahit na ano ang binata ay bahagya siyang natigilan, nang kalabitin siya ng isa sa kanyang mga kaklase.
And it was the same person na nakasama niya papuntang CR kani-kanina lang.
Naka-ngiti ito sa kanya.
Ngiting pang-inosente.
"Sige na pumasok ka na, mali-late na tayo," sabi nito kay Mell.
Dahilan naman upang agad nalamang na sumunod ang binata.
Ngunit gayo'n pa man ay makikita sa pa'rin sa mukha nito ang hanggang ngayo'y hindi pa'rin mapakaling facial expression.
The student behind him then looks at the teacher.
Teacher Zaira.
Dahil alam niyang maging ito ay nakarinig 'rin ng mahinang pag-sigaw kanina. At kagaya ng naging reaksyon ni Mell kanina ay nakatitig lamang din ito mula doon sa lugar kung saan niya iyon narinig.
Halos hindi 'rin maipinta ang mukhang ginagawa ngayon ng maestra.
Pakiramdam niya'y parang may isang pamilyar na bagay siyang nararamdaman ngayon na hindi niya maipaliwanag...
"A--Ano nanaman bang... Gi--Ginawa niya..." Bulong ni teacher Zaira sa sarili. Ngunit agad lang din siyang naka-balik sa kanyang sariling gawi nang tawagin naman siya ng isa sa kanyang mga estudyante.
The last student left outside the bus.
"Ma'am? Hindi pa ho ba kayo papasok? Nasa loob na po silang lahat," anito.
"A--Ay oo. May bigla lang kasi akong naalala. Sige pumasok ka na'rin. Susunod nalang ako," sagot ng guro dito.
Napa-tango nalamang sa kanya ang estudyante, sabay tango pa.
At bago pa man ito tuluyang maka-pasok mula sa loob ay binibyan niya muna ng isang tingin ang pasilyo papunta sa may CR.
Then the student finally went inside.
Nag-tungo ito mula sa pinaka-likurang bahagi ng bus at doon mas piniling umupo.
At pagka-upo naman ay doon lamang kumurba ang mga ngiting kanina pa gustong kumawala mula sa kanyang labi....
"Checkmate..." Bulong pa nito sa sarili.
+++
Sa may bandang likuran naman ng Annex High kung saan matatagpuan ang CR, walang kaalam-alam ang lahat na may isa pa pala silang kaklaseng hindi pa nila nakakasama sa biyahe.
Nasa loob ito ng isang metallic na basurahang parisukat ang hugis.
Parehong naka-tali ang mga binti't kamay nito, habang sa labas naman ay napapa-libutan siya ng mga magkaka-mukhang mga tao...
Iyak nang iyak lamang ang binata habang pinipilit na makawala.
He's trying call the others, ngunit talagang wala nang may nakaka-rinig pa sa kanya.
Ang binatilyong iyon ay walang iba kundi ang paulit-ulit na pinag-papalo no'ng estudyante kanina mula sa mukha, gamit lamang ang isang baseball bat.
Si Mell....
Mayamaya'y dahan-dahang binubuksan no'ng mga taong naka-palibot doon sa basurahan ang pantakip nito.
At sunod nalamang na nakita ng binata ay ang mga nag-iiba-ibang mukha no'ng mga taong naka-palibot sa kanya.
Hindi sigurado kung anong gagawin sa kanya ng mga ito, sa mga oras na iyo'y wala nang ibang nagawa pa si Mell kundi ang humagol-gol nalamang sa iyak nang dahil sa takot.
Ngunit kung naroroon ngayon ang binata... Sino ang kamukha niyang bigla nalamang sumama doon sa iba?
+++
T o B e C o n t i n u e d . . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top