TFE 24: Life is But a Dream
"Are you guys really sure na we're safe around them? What if the rumors are true na napagkamalan lang si Richard na killer? But the truth is, the real murderer is still out there at isa sa kanila iyon?"
Wika ng dalagang si Bettylou sa mga kapwa nito transferees na sina Ophelia at Faye.
All three of them were assigned to be together in one room.
Kasama 'rin sana nila si Jessa, ngunit dahil sa umuwi ito'y amay isang higaan mula roon ang walang may nag-mamay-ari.
Faye rolled her eyes matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Bettylou.
"Again with this conversation?
Alam mo girl, ang mabuti pa matulog ka nalang!" Aniya, at pagkatapos ay tumayo mula sa kanyang sariling kama papuntang pintuan papalabas.
"And where do you think you're going?" Tanong ni Bettylou.
"Iinom lang. Bigla kasi akong nauhaw sa itinanong mo eh," aniya, at pagkatapos ay lumabas na.
Dahil dito'y napa-kunot nalamang ng kanyang noo si Bettylou.
"Teka bakit? May sinabi ba akong mali?" She asked, still confused.
Ophelia shrugged both of her shoulder as an answer.
"I don't know Betts, pero I think tama si Faye. It's better if matutulog ka nalang," aniya.
"Wait... I-co'consider nalang ba na'tin ang biglaang pag-labas ni Faye? For all we know, the killer might still be out there! Lurking in the shadows. She could be next!" Aning muli ni Bettylou.
"Eh ba't hindi mo siya sundan?" Says Ophelia.
"Me? No way! Sa ganda kong toh, baka ma-insecure pa sa'kin yo'ng killer at unahin ako!"
Dahil naman sa sinabi ni Bettylou ay natatawang napa-iling nalamang si Ophelia.
"Nothing's gonna happen. The police are on the lookout so just chill Betty, okay?" Aniya, na siya namang ikina-buntong hininga ng dalaga sabay tango-tango pa.
"Fine."
+
Sa may sala naman ay napa-salampak sa may sofang naka-harap sa TV si Faye.
Kakatapos niya lang uminom, at since hindi pa naman dinadalaw ng antok ang dalaga ay napag-pasyahan niyang manood nalang muna ng TV.
Mag-aalas sais na ng umaga pero hindi pa'rin siya nakaka-tulog.
Parehong rason kung bakit hanggang ngayon ay gising pa'rin sina Bettylou at Ophelia.
And it was probably because of the coffee.
But for Faye, hindi siya maka-tulog dahil parating sumasagi sa isipan niya ang kaibigang si Jessa.
They've tried calling her a couple of times earlier, ngunit ayaw nitong sumagot.
They assumed na baka natutulog na ito, o di kaya nama'y ini-ignore ang mga calls & messages nila sa kanya.
Isang bagay na nakasanayan na nila, since ganoon naman talaga si Jessa. Malimit lamang kung mag-reply o sumagot ng mga tawag.
+
Mag-isa lang si Faye mula doon sa sala. Siguro iyon ay dahil natutulog pa sa ngayon iyong iba niya pang mga kaklase.
She decided to watch some TV para malibang niya nalang muna ang sarili at para dalawin na'rin siya ng antok. It's already 4 in the morning ngunit talagang wala pa'rin.
Ngunit bago niya buksan iyong TV ay kumuha muna siya ng isang juice at mga potato chips mula sa kusina.
Hinanap niya pa ang remote sa kung saan.
At pagkatapos ay muli nang bumalik sa pag-upo sa sofa at tuluyan nang binuksan iyong TV.
Unang bumungad naman sa kanya ay mukha ng isang magandang babaeng reporter.
It was the Daily Newsflash. Isang istasyon sa TV na umi-ere muna alas tres ng madaling araw hanggang alas kwatro.
Clearly the very first show na ipinapalabas sa channel na iyon.
But Faye isn't interested in some news events, kaya nama'y napag-pasyahan niyang ilipat nalang sana iyon.
Pero agad lamang siyang natigilan ng makita niya ang isang pamilyar na bahay mula sa mismong screen ng TV.
Bahay nina Jessa.
Mula sa background ay puno ito ng mga pulis at medics.
Isang bagay na nagpa-taka at nagpa-kaba sa dalaga.
Ngunit lalo lamang siyang nakaramdam ng mas mabigat na pakiramdam nang marinig ang mga sinasabi noong babaeng reporter...
She was describing what happened to that same old house.
A young girl named Jessa Movilla, along with her parents and two younger siblings were murdered by an unknown killer, said the reporter.
Matapos marinig ang mga bagay na iyon ay wari ba'y parang nabingi na nang tuluyan si Faye...
Wala na siyang ibang naririnig pa kundi ang sunod-sunod na pag-tibok nalamang ng kanyang puso...
Parang na-manhid na'rin ang buong katawan niya sa kanyang biglaang nalaman.
A friend of hers was killed!
Matapos iyon ay walang-ano-ano'y bigla nalamang napa-sigaw ang dalaga.
"Hindi!!"
+
"Dude-- narinig mo ba yo'n?" Tanong ni Hanzell sa kapwa nito gising pang kaklaseng si Raffy.
"S--Si Faye!" Sabi naman ni Raffy, at pagkatapos ay kaagad na lumabas mula sa loob ng kanilang kwarto't agad na tumungo doon sa kinaroroonan ng sigaw, habang sa likuran niya nama'y naka-sunod si Hanzell.
Pagka-baba'y una niya ngang nakita ay si Faye.
Nanginginig itong naka-upo sa may sofa habang halatang nanginginig.
Dahil dito'y agad naman siyang nilapitan ng nobyong si Raffy, dala-dala ang nag-aalalang expresyon mula sa kanyang mukha.
"Faye? Faye ano bang nangyari? Ba't ka sumigaw? Ayos ka lang ba?" Sunod-sunod na tanong niya sa dalaga.
"P--Patay na siya! Pi... Pinatay siya!" Mahinang pagkaka-sabi ng dalaga habang patuloy pa'rin sa panginginig, at halatang pa-iyak na'rin.
Dahil dito'y nagulat naman si Raffy sa sinabi niya.
"A--Anong ibig mong sabihin? Sinong namatay?" Tanong niya.
"Si Jessa!" Agarang sagot ni Faye.
"Ano!?... Papaano!?" Muling tanong ni Raffy.
Hindi naman nagsalita pa si Faye. Bagkus ay utinuro niya nalamang iyong telebisyong kasalukuyan pa'ring umi-ere.
Sa una'y tanging pag-tataka lamang mula sa mukha ng binata ang masisilayan dahil sa unang tingin ay inakala niyang isa lamang iyong nornal na tv news report.
Ngunit agad iyong napalitan ng pagka-gimbal nang makita ang isang may pagka-blurry na bangkay mula sa telebisyon. Naka-sabit iyon sa may puno, puno ng dugo at wala nang buhay.
Agad niya lamang na nakilala kung sino iyon dahil sa binanggit na pangalan noong reporter, at dahil na'rin sa bahay na kanina pa pabalik-balik na ipinapakita sa telebisyon.
It was indeed Jessa.
A classmate of them, who's now dead.
"H--Hindi maaari," mahinang pagkaka-sambit nalamang ng binata.
+
Sa may itaas naman ay nakaka-rinig na sila ng mga sunod-sunod na mga footsteps na nag-tatatakbo pababa.
The next thing they saw was every single one of their classmates heading towards them. At kagaya niya'y puno 'rin ang mga mukha nito ng mga magka-halong gulat at pagtataka
"Anong Nangyari!?" Paunang tanong ni Mark.
Tinuro naman ni Raffy iyong nasa TV, dahilan upang pare-pareho silang sunod na mapatingin mula 'roon...
And the news itself explained it for them again.
"Te--Teka... Bahay yan nina Jessa diba?" Says Ophelia.
"Jessa's been murdered!?" Gulat na ani naman ni Bettylou.
Rosario took a deep breath, and then shooked her head.
"Sinabihan ko na kayo kanina," aniya.
"Paunang hudyat na yan, na kahit kayong mga transferees ay hindi narin makakatakas pa. Isinali niya na kayo sa laro ng kamatayan," aniya pa.
"S--So a--ang ibig bang sabihin nito... P--Posible na'rin kaminf mabiktima?" May halong pangangambang tanong ni Chris June.
"Oo," sagot pa ni Rosario.
"Siguro ay tinangka ni Jessa na mag-transfer ulit kaya nangyari yan sa kanya. Sa simula't sapul palamng eh wala nang may ligtas sa'tin."
"O--Oh my god--"
Nicole started to have an asthma attack dahil sa pagpapanik.
"I--I can't believe it... I--it's happening again! U--Una s--sina Sheena, Joseph, Juvy at F--Florelyn. Th--They almost died! A--And now with Jessa-- Hindi ko na talaga toh kaya! WHY WON'T HE JUST LEAVE US ALONE!?" Pasigaw nang pagkaka-sabi ni Nicole habang pilit na siya ngayong pinapa-tahan ng ilan niyang mga kaklase.
"Shhh... Nic... Nic kumalma ka lang," ani Lalaine.
"Wala tayong ibang magagawa kung magpapadala lang tayo sa mga emosyon na'tin," ani naman ni Johnrey.
"Oh talaga!? Eh anong gusto niyong gawin ko? Ang magtatalon sa saya!?" Naiinis na bulyaw ni Nicole.
May sasabihin pa sana sina Johnrey at Lalaine dahil dito, ngunit nagulantang ang lahat nang bigla nalamang mamatay ang ilaw sa buong apartment.
Dahil naman sa nangyari'y sigaw ng sigaw ang nagtatatakbong si Angelou pababa mula sa kanyang sariling kwarto.
Dahil kasi sa mahimbing niyang tulog ay siya nalang pala ang naiwan mula sa itaas. Halatang iyong pagkaka-patay lamang ng ilaw ang nagpa-gising sa kanya.
"Ano bang nangyayari!?" Sigaw na tanong ni Angelou nang makasama niya na ang mga kaklase.
"H--Hindi maaari..." Ani Heide habang inililingon ang mga mata sa napaka-dilim na sulok.
"Guys! Wag kayong mag-hihiwa-hiwalay! Baka may kung ano nanamang mangyari!" Says Heide. Mahahalatang binabalutan na ng matinding takot at kaba. Lalo na't naalala nanaman nito ang mga pangyayari sa loob ng mansion nina Fatima.
"A--Ano nang gagawin na'tin!?" Sabi naman ng kinakabahan na'ring si Ian...
"L--Labas!" Says Mark.
"Lumabas tayo sa building! Guys dalian niyo!"
Pagkasabi no'n ng binata kaagad namang nagsi-tungo papalapit ng pintuan iyong iba...
Ngunit nagulantang sila nang malamang naka-lock nanaman iyon.
Some of them tried to kick the door out, maka-labas lamang sila, ngunit kahit gaano na sila ka-lakas ay hindi pa'rin iyon tumatalab.
They're all still trapped inside.
Mahahalata namang nag-papanik na iyong iba.
Dahil sa nangyayari'y halos higpitan na ni Raffy angkanyang pagkaka-yakap sa kanyang kasintahang si Faye, trying to make sure nobody's gonna lay a hand on her.
"N--Natatakot ako!" Says Faye.
"W--Wag kang mag-alala. P--Poprotektahan kita," aniya, kahit na mahahalata sa mukha ng binatang, maging siya ay nababalutan na'rin ng takot.
"Raffy! Faye! dito kayo!" Tawag naman sa kanila ni Ophelia, kaya nama'y parehong lumapit iyong dalawa doon sa iba pa nilang mga kaklase...
Makalipas ang ilang minuto ay sinubukan na munang pakalmahin nina Erron, Heide at Mark ang mga kaklase.
Ngayo'y wala na sa kanila ang nag-tatangkang gumawa ng kahit na anong ingay.
At dahil na'rin sa kaba at takot ay halos mag-siksikan na'rin ang mga ito sa iisang sulok...
"G--Guys? M--Maybe it's just a random black out. S--Sa tingin ko nag-o'overreact lang tayo," says Joyce.
"Mas mabuti nang nag-o'overreact kesa naman sa tumutunganga lang," sabi naman ni Justin.
Sasagot pa sana dito si Joyce, ngunit natigilan lamang siya nang may marinig silang impit na pag-tawa mula sa kung saan...
Boses iyon ng parang wari ba'y isang batang babae.
"N--Narinig niyo ba yo'n?" Asks Daniel...
Few moments later, the same voice was heard again.
This time, it was eeriely singing a children's song...
"Row, row, row your boat, gently down the stream... Merrily, merrily, merrily, merrily life is but... A dream..." Mahina at malumanay na kanta nito, na nasundan ng mahina 'ring pag-tawa...
"S--Sinong nandiyan!?" Mark shouted out of nowhere...
But nobody replied.
"Magpakita ka samin, duwag!" Sigaw naman ni Rogelio dito.
"Hindi na kailangan!" Biglaang sagot nito, tunog ng isang boses batang babae pa'rin.
"Parati niyo naman ako kasa-kasama eh. Hindi niyo lang talaga nalalaman, kasi nga ang tatanga niyo."
"B--Bakit mo ba parating ginagawa ito sa'min!?" Mell asks...
"No reason. Nasisiyahan lang naman talaga ako eh, kasi kahit papaano, nakikipag-laro pa'rin ka'yo sa'kin," aniya.
"And by the way pala! I won't be killing anyone of you today!" Wika pa nito.
"W--What do you mean!?" Tanong ni Joseph.
"You're gonna have to do it yourselves..."
"A--Anong ibig mong sabihin!?" Tanong naman ni Theresa.
Na kagaya no'ng iba ay wari ba'y nakikipag-usap ito mula sa kalagitnaan ng kadiliman.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa'rin nila alam kung saan naroroon iyong killer.
Tumawa naman ito ng nakakakilabot bilang sagot sa naitanong ni Theresa.
"Don't you remember?
My main rule of this game is to kill or be killed. Ibig sabihin, kung gusto niyo pang mabuhay, you only have to do one thing..."
The voice of the killer paused for a moment.
But during at that point, may ilan sa mga estudyanteng parang nakaka-kuha na sa kung ano man ang ibig sabihin nito.
"No..."
Naibigkas nalamang ni Heide.
The killer then again made a soft laughter.
"That's right. You'll have to murder someone in order to escape.
Take it or leave it."
"T--Talaga?" Daryl asks out of nowhere...
"Gusto niyo i-try? It's free to play! No gems are required. No skins or weapons to buy. Just play by the rule and play at your own risk!
And if you're ready... Let the games begin!"
Huli nitong iniwika, at pagkatapos, sa isang iglap ay bigla nalamang muling bumalik ang ilaw.
Sa puntong iyon naman ay dali-daling muling napa-lapit doon sa may pintuan ang ilan sa kanila.
Ngunit talagang naka-lock pa'rin ito at wala ni-isa man sa kanila ang nakakapag-bukas ng pinto.
They've all tried calling someone on their phones too, pero nawala nanaman iyong signal.
"Trapped nanaman tayo!" Ani Florelyn.
"Bakit ba parati nalanag itong nangyayari sa'tin!?" Sigaw naman ni Sheena.
"The adults promised to protect us, pero parati nalang sila wala kapag nasa literal na panganib na tayo! They're all useless!" Pag-papanik na sabi naman ni Angelou.
Halos samu't-saring mga reklamo na'rin ang lumalabas mula sa kani-kanilang mga bibig.
Ngunit dahil unti-unti nang lumalakas ang ingay mula 'roo'y kaagad naman din silang pinatahimik ng binatang si Erron.
Lalo na't parang may kung ano itong naririnig sa kung saan...
"Teka teka... Guys? Naririnig niyo ba yo'n?" He asks, dahilan upang kaagad namang masitahimikan ang iba niyang mga kaklase, at kagaya niya'y nakiramdam sa paligid.
"B--Bakit, Ron?" Mark asks...
"S--Someone's---"
Hindi naipag-patuloy ni Erron ang sana'y kanyang sasabihin dahil bigla nalamang may isang napaka-talim na bagay ang dumaplis mula sa kanyang mukha.
Napa-sigaw ang lahat sa gulat dahil sa nangyari.
At doon lamang napag-tanto ng lahat nang makitang iyon pala'y isang itak!
Kamuntikan na nitong matamaan si Erron.
Ngunit mabuti nalamang ay hindi ito tumama sa iba pang mga estudyante. Bagkus ay tumagos ito mula sa pader na nasa mismong likuran lamang din no'ng binata.
Erron's left cheek bleeds a tiny drop of blood.
Ngunit hindi doon naka-tuon ang pansin ng lahat.
They were all staring at the person in front of them, holding another blade...
Si Daryl...
Naka-tayo mula sa pintuan ng kusina, hawak-hawak ang isa pang matulis na itak.
Mabibigat ang ginagawang pag-hinga, at masama lamang ang tingin sa bawat isa sa kanyang kaklase.
"Daryl!? Anong Ginagawa mo!?" Gulantang na tanong ni Mark sa binata...
Hindi nagsasalita si Daryl at nakatitig lamang siya sa kanila.
Isang tinging nakaka-kilabot at handa na talagang pumatay.
"Daryl! Ibaba mo yan! We can all still solve this without hurting each other!" Says Heide.
"Bro, makinig ka sa kanila! Walang maidudulot ang pag-patay! Mas mapapalala ka lang nito!" Ani naman ni Ian.
"Shut the hell up!" Bulyaw ni Daryl sa kanyang mga kaklase.
"Guys patawarin niyo 'ko!
H--Hindi ko naman talaga ito gustong gawin eh... Pe--Pero... Pagod na 'ko!
Napapagod na 'ko sa kakaisip na baka balang araw ay ako na ang isunod ni Bladespawn!
Kung ito lang din ang paraan para makaligtas at maka-alis na ako sa impiyernong lugar na ito, mas pipiliin ko nalamang na pumatay ng kaibigan kesa ako mismo ang mamatay!"
Monologong wika pa ng binata, halatang pinipigilan nalamang ang sariling hindi maiyak.
At matapos iyo'y tumawa nalamang siya ng nakakakilabot.
Wari ba'y sinusubukang gayahin ang tawa ni Bladespawn.
Bahagya naman silang napa-kunot noo nang makitang muling bumalik sa kusina si Daryl...
"Te--Teka... S--Sa'n siya pupunta?" Nanginginig na tanong ni Juvy.
"I--Isn't this our chance to... to just run away?" Ani naman ni Nicole...
Matapos ang ilang segundo'y kaagad naman nilang nakitang muli si Daryl na pabalik.
Only this time, hindi na isang itak ang hawak-hawak nito.
Kundi isang chainsaw...
"Papatayin ko kayo!!" Sigaw pa ng binata, at pagkatapos ay tumakbo papalapit sa kanyang mga kaklase.
Isang bagay na naging dahilan upang magsi-takbo naman paalis iyong iba at magkahiwa-hiwalay...
...
T o B e C o n t i n u e d . . . . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top