TFE 21: Blood Note
"Kingina mo! Ano bang ginawa ko sa'yo ha!?"
Isang napaka-lakas na bulyaw ng isang galit na galit na binata ang narinig mula sa loob ng paliguan ng mga preso.
It was Richard.
At nag-uumapaw lamang sa galit ang tangi niyang nararamdaman nang bigla nalamang siyang subukang saksakin ng kapwa niya preso habang siya'y umiihi sa isa sa mga cubicle na naroon.
Sa ngayon ay naka-dapa mula sa sahig ang lalakeng nag-tangka sa kanyang buhay, habang naka-dagan naman sa kanya si Richard at mahigpit lamang ang pagkaka-diin sa mga kamay nito. Nag-sisiguradong hindi makaka-palag ang preso.
The guy, whom was just the same age as him laughed in sinister.
"Oh bakit? Eh diba hinatawan ka na nila ng kamatayan? Tinutulungan lang naman kita dude. Mas pinapa-dali ko lang ang pag-hihirap mo!" Aniya, at pagkatapos ay muli nanamang tumawa.
Dahil sa inis ni Richard ay inumpog niya sa sahig ang mukha noong binata, dahilan upang matanggalan ito ng mga ngipin at mabali ang ilong nito't magdugo.
But despite what happened, the guy still kept on laughing.
"Ang akala mo ba madali mo lang akong mapapa-tumba?" Nang-gagalaiting ani ni Richard.
"Gago! Mauuna ka muna sa'kin!"
Aniyang muli, at pagkatapos ay pinatayo iyong lalake, at walang ano-anong itinulak mula sa pader.
Sa sobrang lakas nito'y kaagad na nawalan ng malay iyong lalake.
"Weak," says Richard. At pagkatapos ay dinuraan pa ito.
He then, marched outside. Only to find out na napaka-raming mga preso na pala ang naroroon at nakiki-chismis sa buong pangyayari.
Matitipuno ang mga katawan nito't punong-puno ng mga tattoo.
Bukod pa 'rito'y masasama 'rin ang tingin ng mga ito kay Richard.
Ngunit gayo'n pa ma'y hindi pa'din nagpa-tibag ang binata't naka-taas noo lamang na tiningnan isa-isa ang mga kapwa niya preso.
Not even a little was he afraid of them.
Dahil alam ng binata sa kanyang sarili, na kung siga man itong mga lalakeng nasa harapan niya, mas siga pa siya sa kanila.
"Tss," tanging naisambit ng binata, nagpapakitang wala siyang interes sa mga ito, at magpapatuloy na sana sa pag-alis.
But suddenly, bago pa man makagawa ng isang hakbang ang binata'y may isang lalake ang bigla nalamang humarang sa kanyang dinaraanan.
Mag-kasing tangkad lamang sila, at mag-kasing hurma din ng pangangatawan. Ngunit ang kapansin-pansin lamang sa lalakeng kasalukuyang nasa harapan niya'y napupuno ito ng mga tattoo, na halos pati mukha nito'y punong-puno na'rin ng mga tinta.
Richard grins, and then shook his head when he suddenly remembers the guy.
It was one of those thugs he have beaten up before. At isa 'rin sa mga kaklase nila no'ng first year highschool pa. And can't say that Richard's really surprised to see him there. The tattooed guy was lucky he committed murder. Dahil kung hindi, baka isa na'rin siya ngayon sa mga hina-hunting ni Bladespawn.
"Tingnan mo nga naman," says Richard.
"Nandito ka 'rin pala, drawing book," pang-iinsulto pang wika nito.
Ngunit imbis na mainis ay ngumisi lang din ang binata.
"Sige lang, pretty boy. Tumahol ka hangga't kaya mo pa. Dahil baka ito na ang huling araw na--"
"Na ano? Na mabubuhay ako?" Richard said. Interrupting the other guy.
"Come on, Squid. Alam naman na'ting gasgas na ang linyang yan eh. Pero alam mo kung ano ang mas gasgas?" Richard took one step closer from the guy's face, and whispered...
"Yang pag-mumukha mo. Like, literally," aniya, at pagkatapos ay bigla nalamang tinadyakan ang dibdib noong binata, dahilan upang tumilapon ito papalayo.
Susugurin naman sana siya noong iba, ngunit isang napaka-talim na titig lamang ang ginawa ni Richard sa mga ito, dahilan upang kaagad silang magsi-tigilan.
"Hindi niyo ba narinig ang balita?" Wika ni Richard.
"I already killed 15 of my precious friends, and 27 other more people," he says once more, and then planted a glaring stare at each and everyone of them.
"I've done it once, and I can still do it a hundred more times."
Dahil sa seryosong iniwikang iyon ni Richard ay bahagyang naka-ramdam ng pangingilabot iyong ibang mga preso, dahilan upang magsi-atrasan ang mga ito ng kaunti papalayo sa kanya.
They've heard the news. It was the talk of the town ever since the first murder happened.
And actually, it was the main reason why they wanted to get rid of him in the first place.
They were tasked to do so. But it feels more like, Richard's intimidating presence gives them the shivers.
Matapos iyo'y tuluyan na ngang naka-alis mula roon ang binata.
At nang mga oras ding iyon ay kaka-tayo lamang ng naiinis nang puno ng tattoong binatang si Oliver. Susugurin niya na sana si Richard, but an old man stopped him from making a step.
"Tanda, bitawan mo 'ko kung ayaw mong--"
"Kumalma ka lang hijo," naka-ngiting wika nito.
"Mag-hintay ka lang at makaka-ganti ka'rin. Mamayang gabi, panigurado hindi na sisikatan ng araw yan," aniya pang muli. Still looking at the young man's shadow as he walk from the distance...
+++
BestRoleInLife
Presents
A horror novel written by
R. Labita
+++
"Bettylou? Uy! Bettylou! a--anong ginagawa mo?"
"Narinig mo naman ang sinabi no'ng Rosario diba? The real killer is still out there! It's not the infamous Richard Piñeda! Kaya kapag nag-tagal pa tayo dito, baka madamay pa tayo sa mga kung ano mang kaguluhang nangyayari dito! Or worse-- baka may mamatay pa sa'tin! Kaya mas mabuting ngayon palang aalis na tayo!" Sunod-sunod na sabi ng dalagang si Bettylou, habang walang tigil sa pag-iimpake ng kanyang mga gamit.
Kasalukuyan sila ngayong nasa kanilang school apartment room.
Bettylou rushed to come here after hearing Rosario's monologue. At dahil doo'y agad nalamang din siyang sinundan ng iba pang mga kaibigan.
"C--Calm down okay?" Says Ophelia. "Diba, kaya tayo trumansfer dito ay para malaman na'tin ang naka-tagong mysteries ng school?"
"I don't gives a fudge about mystries, Ophelia! I'm not Sherlock! Or Conan! Or Jessica Jones! Or Cardo fucking Dalisay para mag-interes pa sa mga detective stuffs na yan! I value my own life! Kaya kung gusto niyong mag-stay, then stay! I'll get the heck out of here this and none of you can stop me!" Sunod-sunod na bulyaw pa ng dalaga at nag-lakad na paalis.
Dahil dito'y may pag-alalang nagka-tinginan nalamang iyong iba sa isa't-isa.
Nang sana'y lalabas na mula sa kanyang kwarto ang dalaga'y bigla nalamang siyang napa-sigaw sa gulat nang pagka-bukas niya sa pinto'y may isang pamilyar na binata siyang nakitang may hawak-hawak na pugot na ulo.
Dahilan upang mapa-sigaw sa gulat ang dalaga.
"HUTANGINA! ANO YAN!?" She shouted, dahilan naman upang mapa-sigaw din sa gulat iyong binata.
Ophelia and the others rushed through the door, and saw Mell.
"Woah dude! What the fuck is that!?" May halong gulat at pagtatakang tanong ni Aldrich sa binata, pointing out the horrifying decapitated head he was holding.
"Uh... H--Hindi ba sa inyo toh?" He asked.
"At bakit naman kami mag-mamay-ari ng isang pugot na ulo!?" Tanong muli ni Aldrich.
"Its plastic! It's not real! Nakita ko toh kanina sa may hagdan. Kamuntikan na nga 'rin akong atakihin sa puso eh, but when I picked it up, I realized it's just some kind of helmet. For halloween maybe?" Aniya.
"Okay? So why did you bring it here?" Ophelia asks.
"May pangalan sa loob eh. Sino nga ba ulit sa inyo si Hanzell? I'm thinking, maybe it's his stuff?"
Pagka-sabing iyon ni Mell ay pare-parehong napa-lingon mula sa kanilang likuran ang mga estudyante at napa-titig kay Hanzell, wearing confused expression on their faces.
"Dude... Seriously? Sa'yo yan?" Says Raffy.
"Uh... Hehe..." Matapos iyo'y agad na kinuha ng binata iyong nakaka-gimbal na maskara kay Mell.
"Advice ko lang kuys, wag maging burara sa paglalaro. Lalo na kung ganyan ang mukha ng mga toys mo," wika ni Mell sa binata.
"About that... I actually kinda put it there on purpose. Gumagawa kasi ako ng mga prank videos eh so--"
"Worst idea ever, dude," pag-puputol ni Mell sa binata.
"Lalo na sa school na toh na kung saan maraming mga kababalaghan ang nangyayari," aniya pa, kaya nama'y awkward na napa-ngisi nalamang si Hanzell at humingi ng paumanhin.
"Are you guys done? Can I go now?" Tanong ni Bettylou.
Kaya nama'y takang napa-tingin sa kanyang dala-dalang mga bagahe si Mell.
"Para san yan?" The young boy asks.
"Aalis na ako dito," agarang sagot naman ni Bettylou.
"Aalis? Teka... Anong ibig mong sabihin do'n?" Mell asks again curiously.
Bettylou rolled her eyes.
"Aalis. Wait... Please don't tell me you don't know aalis? It's a tagalog word for getting the hell outta here! Kaya can you please move a little bit? I want to make alis na here," pa-conyo pa nitong wika.
"Cringe," says Mell.
"Ayos ka 'rin eh noh? Hindi ka pa nga nag twe-twenty four hours dito aalis ka na agad? Although, good plan. Too bad that plan ain't gonna work anymore."
Agad namang napa-kunot ng kanyang noo si Bettylou dahil sa sinabi nito...
"Wait... What?"
"Wait... Please don't tell me you don't know too bad that plan ain't gonna work anymore?" Wika ni Mell, imitating Betty's conyo expression from earlier.
"It's the english word for..."
Mell's tone of words became much more serious... "Kapag umalis ka, may malaking posibilidad na mamatay ka," aniya pa.
"Believe me guys, everyone who leaves, dies.
Kaagad namang kinilabutan si Bettylou dahil sa sinabi ni mell.
"Anyway... Kaya nga pala ako napa-rito kasi inutusan ako nina Nicole kanina. Pinapa-tipon daw ang lahat ng mga taga-section Gold sa may likod ng school apartment. And when they say taga section Gold, it also means you guys too," kaagad na pag-iiba ni Mell sa usapan.
"Teka... Bakit daw ba? We thought classes were cancelled again dahil sa nangyari?" Faye asks.
Mell just shrugged both of his shoulders as an answer.
"Dunno. And yeah, cancelled nga nanaman daw ang class, pero I don't think we're gonna talk about classes after what happened. Mj's death spawned more scary stories to make everyone panic. At ang nakaka-tawa lang sa nangyari kanina eh, idiniklarang nag-suicide daw si Mj sabi no'ng mga imbestigador,"
"Nag-suicide?" Hindi makapaniwalang tanong Ophelia.
"But... t--that doesn't make any sense! Nakita lang nilang naka-bigti nag-suicide na? Halata namang may nangyaring struggles eh."
Mell sighs.
"I know right? Mj is a very happy-go-lucky kid. Not suicidal. He transferred school matapos ang nangyari kina Clariza at Jaica. And he came back, only to be brutally murdered," Mell briefly felt sad thinking about what happened. Pero napa-taas-baba nalamang ito ng kanyang mga balikat afterwards.
"Well I mean, ano pa nga ba ang bago? 16 of my friends are now dead. One is currently in jail for a crime he never committed. At hanggang ngayon, nag-fe-feeling mema pa'rin ang mga adults sa mga nangyayari, covering up the whole situation. At kaming mga estudyante naman, we can't do anything but to be slaughtered one by one. Who knows, maybe I'm gonna die next and the others will say I took my own life despite the brutal struggle?"
Monologo niya pang sabi, at pagkatapos ay muli nanamang napa-buntong hininga.
Aalis na'rin sana mula roon ang binata, ngunit natigilan siya nang muli siyang tawagin ni Ophelia.
"T--Teka lang Mell..."
"Oh?"
May itatanong sana si Ophelia, but she felt hesitant...
A few seconds later, she took a deep breath and finally asks him something.
"About kay Richard... Papaano ka nakaka-siguradong... Hindi nga talaga siya ang killer? Na... Hindi nga talaga siya si Bladespawn?" She asks.
"I--I mean... Na-curious lang kasi ako eh. I've read the news papers about what happened, people says he's the killer, there are some few evidences but... E--Ewan ko kung ako lang ah? Pero... I think there are still alot of holes to be fill in for this case."
Mell then thinks about it for a brief moment, and then smiled.
"It's cause I've known him for years now. Every single one of them actually. And I trust all of them. Alam kong wala ni-isa sa mga kaklase ko ang may kayang pumatay. Pwera nalang kung may nag-ko-control o may nag-mamanipula sa kanila. Whoever's doing this isn't one of us. And as for Richard... He's just a thug full of tattoos. But he's not a murderer," muling pag-momonologo ng binata.
"Just think about it! Kung sino man ang killer na yan, he's probably a one powerful person. Richard's just a misguided teenager. Baka marahil ay tinawag niya ang kanyang sariling Bladespawn dahil para sa kanya, we're all just a bunch of little pawns ready to be eliminated by his blades," huling iniwika pa ng binata, at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.
Matapos iyon ay naiwan naman ang mga transferees na naka-tayo pa'rin doon.
Walang masabi sa monologong kanilang narinig mula kay Mell.
"Nandito na tayo eh," says Raffy.
"There's no turning back."
+++
Matapos naman ang ilang minuto ay naka-rating na nga sa may likuran ng building ang lahat ng mga estudyante.
Including the transfer students.
"Okay so, anong ginagawa na'min dito?" Tanong ni Angelou sa mga kaklase.
"Is this important?"
"Very," says Joyce.
"Naaalala niyo pa ba ang sobreng toh?" Aniya pa, at may ipinakitang pulang sobre sa harap ng mga kaklase.
"Pulang sobre, too early for Valentine's day," says Johnrey.
"Except, this isn't for Valentine's day," wikang muli ni Joyce, at pagkatapos ay ibinigay sa kanyang katabing si Nicole ang sobre.
"Uhh... Actually, nakita ko ito kanina no'ng binuksan ko ang locker ko," says Nicole.
"Siguro may nag-slip nito mula sa loob. I got curious so I checked it out. And guess what? B.S. ang naka-lagay na initial ng sender. Which means--"
"Galing kay Bladespawn," pag-papatuloy ni Joseph sa sinasabi ni Nicole.
"Exactly."
"Anong nasa loob?" Tanong muli ni Joseph.
"Only five words. And it says, two birds in one stone. That's it! Iniisip ko, baka its some kind if riddle nanaman? Ang hindi ko lang talaga maintindihan eh, k--kung bakit sa locker ko pa toh ipinalsak," Nicole started to get a little sweaty and nervous.
"I--Is it possible that... that I'm next?"
"More importantly, are we all just gonna ignore the fact na, may namatay nanamang kaklase na'tin habang nasa kulungan na si Richard? This doesn't make any sense!" Sabat ni Dwayne.
"Dude, it does. Ibig sabihin lang niyan, hindi nga talaga si Richard ang pumatay," says Justin.
"OR! May accomplice siya na unfortunately, kasama pa'rin na'tin ngayon," ani naman ni Sheena.
"Kung hindi niyo naaalala, Mell witnessed two masked people talking to each other no'ng mga gabing nasa bahay pa tayo ni Fatima. Kung totoo nga talaga iyon, then maybe may kasabwat si Richard," aniya pa.
"At sino naman?" Tanong ni Janmil.
"Ang tanging kaklaseng hindi na'tin kasa-kasama no'ng mga panahong iyon ay si Kristine. At alam naman siguro na'ting wala na siya."
"Actually, it wasn't just Kristine at all," sabat nk Joyce.
"No'ng mga oras na iyon, hindi 'rin na'tin kasama sina Juvy, Rogelio, Alexandra at Reymond. And we all know what happened to Reymond the next day."
"Woah! Teka nga muna Joyce, pinag-hihinalaan mo ba kaming pumatay kay Reymond?" Agarang counter naman ni Rogelio sa dalaga.
"Kamuntikan nang malunod sina Juvy at Reymond kaya kaming dalawa ang nag-bantay sa kanila," says Alexandra.
"Kayo pa nga ang pumili sa'min, remember?"
Napa-ngiting pilit naman si Joyce.
"Pero ang tanong, naka-bantay ba talaga kayo ng maigi? O isa na pala kayo sa mga sumasalakay? What's with Reymond then? D'you both think na talagang namatay lang siya dahil sa mga natamo niyang injuries? O may pumatay talaga sa kanya?"
"Oh talaga bitch?" Halos naiinis nang bulyaw ni Alexandra.
"Kung makapag-salita ka akala mo naman may mga matitibay na ebidensya ka na ah? Ni-hindi nga tayo sigurado kung nag-sasabi nga talaga ng katotohanan itong si Mell eh! At ikaw naman, akala mo santo ka na?"
"ENOUGH!!" Bulyaw ni Mark sa mga kaklase.
"Alam ko ang nakita ko. Nasa sainyo nalang yo'n kung maniniwala ka'yo," pahabol pang sabi ni Mell.
"I said, enough," mala-autoridad na muling wika pa ni Mark, dahilan upang magsi-tigil na nga sa pag-sasalita iyong iba. Except Alexandra, who just laughed.
"At ba't naman kami makikinig sa'yo?" Ani pa ng dalaga. "Enough? Eh yan nalang naman parati ang nai-aambag mo eh. But you know what, Mark? Screw you! You're just like the rest," huling iniwika ng dalaga, at pagkatapos ay nag-walk out.
Ngunit hindi pa man nakaka-layo si Alexandra ay kaagad lamang siyang napa-tigil nang magsalita ang dalagang si Rosario.
"The last person who walked out to bitch their feelings off are now dead, Alexandra," kalmadong wika nito, habang mag-isa lamang na naka-upo sa isa sa mga benches na naroroon.
"It's safer in numbers," aniya pa.
Dahil dito'y naka-ramdam naman ng kaunting kaba si Alexandra. Kaya nama'y muli siyang lumingon sa kanyang mga kaklase.
"Fine! Pero dito lang ako sa spot na toh," nag-mamatigas pa nitong sabi.
Nicole on the other hand rolled her eyes in annoyance.
"Nothing new," bulong niya pa sa sarili.
At dahil sa nangyari'y hindi nalamang pinansin pa ng iba si Alexandra at nag-patuloy nalamang sa pag-uusap-usap.
"Uhh... Two birds in one stone? a--anong ibig sabihin no'n?" Tanong ni Rosemary.
"Kaya ko nga kayo tinipon-tipon dito diba?" Says Nicole.
"I'm not good with riddles! Iyan kasi ang nakasulat sa red note. I'm scared na baka ako na ang susunod. Anong gagawin ko? At ano ba kasing ibig sabihin nito?"
"It's referencing about two people," sabat ng kanina pa palang nasa likod na si Ophelia, kasama ang iba pang kapwa niya mga transfer students.
"I'm sorry, who are you again?" Nicole asks.
"Uhh... The name's Ophelia? I--Isa ako sa mga transfer students," may pagka-awkward niyang ani, since naiilang siya dahil lahat ng mga mata'y naka-titig sa kanya.
"Teka... Can I ask you guys a question?" Says Joyce.
"Bakit kayo nandito?" Tanong niya.
Isang bagay na siyang nagpa-taka doon sa mga transfer students.
"Uhh... Pina-punta kasi kami dito ni Mell eh. Kung gusto niyo, pwede naman kaming--"
"No no no. I'm not talking about that," dahan-dahang naglakad si Joyce papalapit sa kanila.
"What I mean is, bakit kayo nandito?" Muli nitong tanong, but this time, referencing the reason why they've suddenly decided to transfer school.
"Mag-ingat kayo guys, nangangagat yan!" Says Alexandra from the distance, but Joyce just completely ignored her.
"Uhh... K--Kasi---"
"Bakit? May problema ka ba sa pananatili na'min dito?" May pagka-mataray na sabat ni Bettylou.
Ngunit imbis na gumanti sa pag-tataray ay ngumiti lamang ng pilit si Joyce.
"I'm just asking, sweetie. Although, you guys have really picked the wrong time."
Magsasalita pa sana si Bettylou, pero agad nang muling sumalo sa kanya si Ophelia.
"Uhh... L--Listen guys, kung ano man po ang mga iniisip niyo, i--it's all just a misunderstanding. We're not here to harm you. B--But to help you! A--Ang totoo kasi niyan, alam na'min kung ano ang mga nangyayari sa school na ito ilang buwan na ang nakaka-lipas. Stories and rumors were already spreading bago pa man kami mapunta 'rito. A--And besides... bestfriend ko ang isa sa mga namatay na ka-parte ng section niyo. H--Her name was Jaica. Bago siya mamatay... nag-kita muna kami no'ng isang araw. A--At... Mukha siyang nababalisa na ewan. N--Na para bang... alam niya na 'rin kung ano ang mangyayari sa kanya. S--So... because our friendship means alot to me... I--I decided to help you guys uncover the truth about this place!"
"You wanted to help Jaica? Well congratulations! You've just entered the gates of hell. Baka mag-kita na ulit kayo soon," muling wika pa ni Joyce, pero pina-tigil lang siya nina Heide.
"What about them?" Tanong ni Justin, naka-turo sa iba pang mga transfer students.
"K--Kagaya ng sinabi ni Ophelia, nandito kami para tumulong," ani Raffy.
"Oh talaga? At sa papaanong paraan?" Muling tanong ni Justin.
Ngunit nahinto lamang ang usapang iyon ng muling magsalita si Nicole.
"Guys! Can we all please focus about the note muna? Kung totoo man ang mga pinag-sasabi niyo, kung hindi man si Richard ang killer o kung may accomplice man siya, then this note is probably going to be our next threat! Baka may mamatay nanaman sa'tin! At talagang sinasabi ko sa inyo, I don't want to be that person!"
"May nag-sabi na diba? Tumutukoy ang mensaheng yan sa dalawang tao!" Says Ian.
Nicole rolled her eyes once more.
"I know about that the first time I've read it! Ang gusto kong malaman, kung anong klaseng laro, trahedya o keme-churva nanaman ba tumutukoy toh!"
"Isa lang ang kasiguraduhan diyan," ani Erron.
"Baka dalawa ang maging susunod niyang biktima..."
Sumigaw na ito kaya napa tingin ang lahat sakanya.
"M--May binanggit bang clue kung sini daw ang dalawa?" Tanong ni Lalaine.
"Unfortunately no," says Nicole.
"Haay naku!" Sheena took a deep breath. Alam niyo guys? Wala tayong may ma-so'solve na mystery kung nananatiling lang tayo di--"
Bahagyang natigilan mula sa kanyang pagsasalita si Sheena nang may bigla siyang mapansing umiilaw na bagay kay Lalaine.
"Teka..."
It took her about five seconds to stare, trying to understand what it was, kaya nama'y gayo'n nalamang ang pagtataka ni Lalaine ng makita ang naka-kunot na expresyong mukha ni Sheena habang naka-titig sa kanya...
"Sh--Sheen? Bakit?" Lalaine asks in confusion...
"I--Ilaw..." Says Sheena, pointing at the red dot, moving on Lalaine uniform.
"Ilaw?" Takang wika naman ni Lalaine, at napa-tingin sa kanyang uniporme...
Mayamaya'y napa-tingala naman si Sheena mula sa nasa may kalapit lamang nilang building...
At doon lamang tuluyang napag-tanto ng dalaga kung anong bagay iyong kanyang nakikita.
She gasped...
"S--Sniper! Lalaine, ILAG!" Sigaw ni Sheena, at pagkatapos ay dali-daling tumakbo papalapit sa kaibigan at walang ano-ano'y itunulak ito papalayo.
Matapos iyon nama'y bigla nalamang naka-ramdam ng sobrang sakit ang dalaga mula sa kanyang katawan.
Wari namang parang naging slow motion ang nangyari para doon sa iba...
Nakita ng mga ito ang pag-takbo ni Sheena patungo sa kinatatayuan ni Lalaine. Ngunit ang mas nagpa-gimbal sa lahat ay nang bigla nalamang silang makarinig ng isang napaka-lakas na putok ng baril.
Dahil sa nangyari ay sabay-sabay na napa-dapa ang lahat, and then some of them panicked and ran.
But what caught the other's attention is when they suddenly saw Sheena on the ground, with blood coming out of her.
Napaka-bilis ng buong pangyayari na maging ang dalagang si Lalaine ay sobra 'ring nagimbal, na halos hindi na siya makatayo pa mula sa kanyabg pagkaka-upo at takot na naka-titig lamang sa naka-handusay na si Sheena.
"Sh--Sheena? Sheena!!" The others came for her rescue, trying to wake her up.
Habang iyong ibang mga kalalakihan naman ay kaagad na nag-tungo papunta doon sa kinaroroonan no'ng putok ng baril.
"Sheena! Gumising ka! Sheena!" Theresa and the others did their best to try and wake their friend up habang isinusugod nila ito sa may kalapit na clinic, ngunit kahit anong gawin nila'y talagang hindi pa'rin ito magising...
T o B e C o n t i n u e d . . . .
PLAYERS LIST:
-- s t u d e n t s --
1. Alexandra Sabusap
2. Angel Corritana
3. Angelou Postrero
4. ❌
5. Daniel Daa
6. ❌
7. Erron Mejico
8. ❌
9. Florelyn Manadong
10. Heide Morillo
11. Ian Keech Fabi
12. ❌
13. Janmil Daga
14. ❌
15. Johnrey Daga
16. ❌
17. ❌
18. Joseph Dacatimbang
19. Joyce Anne Montaño
20. Justin Hijada
21. ❌
22. ❌
23. Lalaine Navarrosa
24. Mark Noya
25. Mj Rabandaban - (newly deceased) ❌
26. Mell Labita
27. ❌
28. ❌
29. Nicole Lepasana
30. Oliver Ramirez - (in prison)
31. Raynold Corritana
32. ❌
33. Rejielyn Villablanca
34. ❌
35. ❌
36. Reymart Barca
37. Richard Piñeda - (in prison)
38. Rosario Fusio
39. Rosemarie Norriga
40. Sheena Morano - (fate still unknown)
41. Theresa Maula
42. ❌
43. Zyhra Badion
-- t e a c h e r s --
44. Zaira Escobedo
-- t r a n s f e r e e s --
45. Aldrich Callosa
46. Bettylou Entereso
47. Chris June "Cj" Lago
48. Faye Suyom
49. Hanzell Van Villamor
50. Jessa Mae Movilla
51. Opelia Augusto
52. Raffy Modesto
• Alive: 36
• Deceased: 16
• Latest Death(s): None
• Latest Addition: Oliver Ramirez, an ex-Gold student was re-added to the list due to his connection to the other students.
++
Note: Marami akong deleted scenes sa chapter na toh. 😆 Ang haba na kasi eh. Tsaka baka magkaroon nanaman ng mga plot holes.
So skl ang mga deleted scenes ko...
Deleted scene 1: May romance moment sanang magaganap dito. Para mas ma-explore ang love stories ng ibang characters. For example, Sheena x Faye, Angelou x Reymart, Nicole x Reymart (2), Justin x Theresa, Faye x Raffy at Sheena x Joseph. Pero na-cringe ako sa mga naisulat ko dati eh, kaya tinanggal ko nalang.
Deleted scene 2: Plano ko talagang pag-hiwa-hiwalayin ang mga characters ko dito dahil sa panic at pagka-gulat. Pero imbis na sniper at gunshot. Unang sumagi sa isipan ko is, may aatake sana sa kanilang tigre o leon HAHAHA. Pero parang magiging-mushy ang mga susunod na mangyayari kung iyon ang gawin ko... LMAO.
ANYWAY-- If you love this chapter, do click the star and leave some of your comment below! Makaka-tulong talaga yan sa'kin. 🥺🙏 Salamat sa pag-babasa! I can't believe na umabot ka na talaga dito💖
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top